Share

Chapter 3

Chapter 3

Blaze Raven Villacorta

NAKAAWANG ang labi ko habang hinahabol ng tingin ang isang babaeng tumatakbo palayo sakin. She’s running so fast as if i’m some kind of ugly monster. What the hell?

I just want to ask for help. Hindi ko alam kung nasaan ako, pagkatapos kong mawalan ng malay ay nagising nalang ako na kumakalam ang sikmura at masakit ang ulo. May benda na rin ang ulo ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang tumakbo ng babaeng iyon matapos niya akong gamutin.

Yeah! I believe she’s the one who helped me. Wala naman akong ibang nakitang tao dito bukod sa kaniya.

Ah! Actually medyo nakita ko ang mukha niya, nakasilip kasi siya sakin kanina at nahagip ko sya ng tingin, plus the fact na nalapitan ko siya kanina bago sya tumakbo ng napakatulin.

She’s wearing a black long dress, maganda at makintab din ang itim at paalon-alon nyang buhok, she’s actually pretty, she has a very sexy naturally red lips, pointed nose and rosy cheeks, her eyes are captivating and her small face made her even beautiful.

Sayang, anti social pala!

“Argh!” napadaing ako nang muling kumalam ang sikmura ko.

Matamlay na tumingin ako sa paligid at agad na namilog ang mata nang mahagip ng tingin ko ang inihaw na isda at saging na nakapatong sa may kalakihang bato.

Manghang tumingin ako sa direksyong tinungo ng babae kanina saka nakangiting lumapit sa pagkain.

Hindi naman siguro nya ako lalasunin no? Bakit ginamot nya ko kung lalasunin rin lang diba?

Ganadong nilantakan ko ang pagkain habang nakalupagi sa buhanginan. Pagkatapos kong kumain hahanapin ko ang babaeng ‘yon, i should have atleast thank her for helping me, kung hindi dahil sa first aid nya baka patay na ko ngayon.

Tumayo ako pagkatapos kong kumain, ibinalik ko sa dahon ng saging ang tinik at balat ng pinagkainan ko, ipinatong ko rin ulit 'yon sa malaking bato saka nagpasyang sugsugin ang direksyong tinahak ng babae kanina.

She’s a beauty! I need to know her name and thank her, of course, for saving me.

Dire-diretso lang ang lakad ko, puro buhanginan at malalaking bato ang nasa paligid, may mga puno din at ilang mga kubo na mukhang pinabayaan na.

Nasaan ba ang babaeng ‘yon?

I continued walking until i hear some strange noises. Kunot-noong tumingin ako sa bandang kanan ko kung saan naroon ang parteng magubat, gubat na nga!

Pumasok ako doon, narinig ko ang huni ng iba’t-ibang ibon at ingay ng mga unggoy na naglalambitin sa matataas na mga puno.

Wow! This island is something. I can't believe i’m seeing live monkeys, swaying and playing on the trees.

Nakakalibang!

Sa pagkamangha ay nagpatuloy pa ako sa paglalakad papasok sa gubat hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang balon na may napakalinaw na tubig, yumuko ako at nakita ang sarili kong repleksyon, napangiwi ako nang makitang madungis ako, magulo ang buhok at mukha akong terorista sa hitsura ko dahil sa tali sa ulo.

Umiling ako saka tumayo, dumaan ako sa gilid ng balon at nagpatuloy sa paglalakad, nang marating ko ang dulo ay napanganga ako nang makita ang isang matarik na cliff.

What? Nasa gitna ako ng isla, may gubat at cliff dito at ang nakakamangha lalo ay walang sira ang kung ano mang bahagi ng cliff at island, para bang nakapreserve ito at sobrang ipinagbabawal na galawin ang kahit na ano, idagdag pa ang mga unggoy at ibon kanina na mukhang kailanman ay hindi ginulo ng mga tao.

Sigurado akong marami pang ibang mga hayop dito!

M-May mabangis kayang hayop? Damn! Bakit ako pumasok sa gubat na ‘to?

Suminghap ako nang makarinig ako ng galit na ungol sa likod ko. Lumunok ako, nanlalaki ang mata na kumabog ng malakas ang dibdib saka dahan-dahang pumihit paharap sa likuran ko.

“Ahhh!”

Sumalampak ako ng upo sa lupa, sa ibabaw ng mga tuyong dahon nang mabungaran ko ang galit na galit na tigre isang metro ang layo sakin.

“Fuck! Damn! Shit! Don't eat me!”

What? What should i do? Goddamn it! I don't wanna die yet! Hindi ko pa nahahanap ang mapapangasawa ko!

Dahan-dahang humakbang palapit sa akin ang tigre and swear, habang lumalapit sya, unti-unti ring nanlalambot ang tuhod ko. Tang’na bakit tigre? Kahit isang daang tao pa ang labanan ko ayos lang pero tigre? Seryoso? Anong laban ko dito?

Tanginang buhay ‘to! Nalintikan na!

*Grrrrr*

Lumunok ako. Habang patuloy sya sa paglapit ay umaatras naman ako.

“HELP! MAY TAO BA RIYAN? TANGINA ALISIN NYO TONG TIGRE NA TO—AAAHHH!”

Itinakip ko ang mga braso ko sa ulo ko nang sugurin ako ng tigre matapos kong sumigaw. Mas nagalit ko lang!

*Grrrr*

Huh?

“Huwag mo siyang saktan, Kitty”

Halos mahulog ang panga ko nang makita sa harapan ko ang isang babae. Nakatalikod sya sa akin, nakasuot ng itim na dress na umabot hanggang sa paa nya at kulot ang mahaba nyang buhok.

Siya iyon! Siya iyong babae kanina!

A-Anong tinawag niya sa tigre?

“Bumalik ka na sa loob ng kuweba, Kitty, huwag kang mag-alala, hindi na siya babalik pa rito” muling sabi ng babaeng nasa harapan ko.

Tuluyan na akong natulala sa likod nya habang pinoproseso sa utak ko kung paano nya tinawag na Kitty ang tigre, lalo pa’t umalis ang tigre na ‘yon matapos nyang pakiusapan na umalis. Nakita ko pa ang masamang tingin sakin ng mabangis na hayop bago sya tuluyang nawala sa paningin ko.

Damn! Am i dreaming?

***

Grace Estrella-Lopez

MATAPOS umalis ng mabangis na tigre ay huminga ako ng maluwag. Akala ko’y makakatikim nanaman ng karne ng tao si Kitty, hindi ko gusto ‘yon, hindi ko gustong nagkakaroon sya ng kasalanan dahil lamang sa naligaw ang isang tao dito sa kanyang lugar.

Tinanaw ko si Kitty hanggang sa mawala sya sa aking paningin. Mabait naman talaga ang tigre na ‘yon, bata palang sya ay nandito na sya sa isla, naging kaibigan ko sya simula noong tulungan ko syang makaalis sa nakadagan sa kaniyang malaking tipak ng bato noong bata pa lamang sya.

“Miss”

Suminghap ako nang maalala ang lalaki sa aking likuran. Mahigpit na hinawakan ko ang aking damit. Pumorma akong tatakbo palayo ngunit napigilan ako ng isang mainit na kamay na humawak sa aking siko. Napaigtad ako sa hawak na yon, bakit napakasarap sa pakiramdam ng kanyang hawak?

“Uhm. Ikaw yung kanina diba?” tanong nya matapos pumunta sa aking harapan.

Dahan-dahan nyang binitawan ang aking braso saka nagkamot sa likod ng kanyang ulo.

“Uh” hindi ko alam kung anong sasabihin. Bukod sa natatameme ako dahil ito ang unang beses na kinausap ako ng isang naligaw na tao ay natutulala ako sa angkin nyang kagwapuhan.

“Puwede bang makahingi ng tulong? Ulit. Lumubog kasi ang bangkang sinasakyan namin ng kapatid at kaibigan ko, hindi ko alam kung paano makakaalis sa islang ito” muling sabi nya.

Hindi na bago sa akin ang ganitong bagay. Ilang beses nang may naligaw sa lugar na ito noon na agad ko namang tinutulungang makaalis, bago sila noon makaalis ay ipinapangako nila na babalik sila upang bisitahin ako ngunit sa kasamaang palad ay walang bumalik ni isa.

Tinitigan ko ang mga mata ng lalaki. May nakita akong kislap doon na hindi ko alam kung anong ibig sabihin at kung para saan.

“Matagal na panahon na nang huling may naligaw rito, naipagamit ko na sa kanya ang nag-iisang bangkang natitira kaya hindi na kita matutulungan na makaalis. Ang mainam na gawin ay maghintay ng tulong sa mapapadaang mangingisda” mahaba at nahihiyang sagot ko.

Nakakahiya dahil hindi ko sya matutulungang umalis. Totoong wala nang bangka sa aking bodega, ang tatlong bangkang naitago ko noon ay nakita ko lamang sa pampang kaya naman itinago ko.

“Ganoon ba? Can i just stay in your house habang nandito ako? Wala kasi ang mga gamit ko kaya wala akong cellphone at hindi ako makakahingi ng tulong sa kakilala” muling tanong nya habang titig na titig sa akin.

Kumurap-kurap ako. Naintindihan ko ang ingles nya, ang hindi ko lang maintindihan ay ang bagay na tinutukoy nya. Ang cellphone.

“Puwede ka sa aking tahanan, malawak naman ‘yon at may apat na silid” tumatangong sagot ko. Ipinagsawalang bahala ang isang bagay na hindi ko maintindihan.

“Great! Punta na tayo...kung okay lang. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko”

Agad akong tumango at nauna nang maglakad. Naramdaman ko namang sumunod sya sa akin. Tahimik lamang kami hanggang sa makarating kami sa aking tahanan.

“Whoa!”

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako nang makita ang pagkamangha sa kanyang mukha. Maingat kong binuksan ang bakod saka pumasok.

“Ikaw lang ang nakatira dito?”

Tumango ako. “Oo. Matagal nang namatay ang aking pamilya”

Nawala ang masayang ekspresyon sa kanyang mukha, “Ganon ba, pasensya na”

Tumango lamang ako at muling ngumiti saka naglakad papasok sa loob ng bahay.

Sinalubong ako ng aking alangang unggoy sa pamamagitan ng malakas na pagtili at pagdamba sa akin.

“AAAAHHHH” malakas na sigaw ng aking panauhin saka mabilis na tumakbo paakyat sa ikalimang baitang ng hagdan.

Tumawa ang unggoy na nakasabit sa aking leeg. Natulala naman ako sa lalaki na biglang nanlaki ang mata saka tumikhim at tumayo ng tuwid.

“A-Ahh. Nagulat lang ako. S-Saan ba ang guestroom?” depensa nya sa kanyang sarili.

Iniangat ko ang kamay at gamit ang hintuturo ay itinuro ang isang nakasaradong pinto na kalapit ng aking silid. Tumango naman sya saka mabilis na tumalikod at tinungo ang silid na itinuro ko.

Nagbaba ako ng tingin sa alaga kong unggoy. Nakita kong nakangirit ito sa akin kaya ngumuso ako. “Tinakot mo sya”

Blaze Raven Villacorta

Sinabunutan ko ang sarili ko habang paikot-ikot sa loob ng kwarto. The fuck? Blaze? What did you do?

Damn! Kapag naalala ko kung paano ako kumaripas ng takbo kanina dahil sa unggoy gusto kong bugbugin ang sarili ko. Damn it! Siguradong naturned off na sakin ang magandang babaeng yon. Damn! Pano ako poporma don?

Okay fine, bukod sa totoong sumasakit ang ulo ko ay gusto ko lang talagang makilala ang babae dahil nagagandahan ako sa kanya. Mukha pang inosente at syempre...virgin.

“Damn you, Blaze!” mura ko sa sarili ko nang bumalik sa isip ko ang hitsura nya kanina nang kumaripas ako ng takbo at malakas na sumigaw.

Tok tok tok

Napatalon ako nang may kumatok sa pinto. Fuck! Bakit nagiging nerbyosin kaya ako?

“Uhm puwede bang tumuloy? May dala akong kape para mainitan ang iyong sikmura” sabi ng isang malamyos at magandang boses.

Aish! Bakit ang sarap sa pandinig ng boses nya? Ganon din kaya kaganda ang ungol nya o sexy na—fuck you Blaze!

Lumunok ako saka naglakad palapit sa nakasaradong pinto. Binuksan ko yon at natulala nanaman ako sa magandang mukha na bumungad sakin.

“Heto ang kape mo” mahinang sabi nya saka iniabot sakin ang isang tasa ng kape. Purong kape lang yon, hindi ako umiinom ng ganitong kape pero para sa magandang binibining ito ay lalabagin ko ang nakasanayan ko.

“Ehem! Salamat” paos na sagot ko sa marahang tinanggap ang ibinibigay nya.

“Sige. Kung may kailangan ka bumaba ka lamang at puntahan ako sa labas, may kailangan lamang akong gawin” nakangiting sabi nya.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Damn! Inaakit ako ng pink nyang labi at kumikislap na mata.

Tumango ako. Akmang tatalikod na sya nang may maalala ako, “Ah sandali!”

Fudge! Bakit mo sininghalan Blaze?

Gulat na humarap sya muli sakin at tinitigan nya ako gamit ang inosente at nanlalaki nyang mga mata. Fuck! So cute! I wanna kiss her senselessly.

“H-Hindi mo ba gusto ang kape?” mukhang kinakabahan na tanong nya.

Pinadaanan ko ng dila ang pang-ibaba kong labi saka lumunok. Pigilan mo ang sarili mo, Blaze! Bisita ka kaya wala kang karapatang lamutakin ng halik ang labi ng babaeng kaharap mo.

“Ah! Hindi! Hindi sa ganon. Kasi..pwede bang malaman ang pangalan mo”

Tila nakahinga naman sya ng maluwag sa sinabi ko. Mahina akong natawa nang pumikit pa sya at tumango-tango saka bahagyang ngumiti.

Fuck! Ang ganda nya lalo! “Pwede naman. Ako si Grace”

Grace! Ang ganda ng palangan nya. Bagay na bagay sa kanya.

“Your name suits you perfectly. Grace, i love saying your name” nakangiting komento ko.

Namangha ako nang masaksihan ang unti-unting pamumula ng pisngi nya.

“I’m Blaze, by the way” naglahad ako ng kamay. Tinitigan nya yon saka nag-angat ng tingin sakin at kitang-kita ko ang masayang kislap ng emosyon sa mga mata nya.

Dahan-dahan nyang tinanggap ang kamay ko and swear, i felt the fuckin electricity. Bakla man pakinggan pero sobrang sarap sa pakiramdam ng kamay nya sa kamay ko. Damn it! This woman turns me on, big time

Mabilis syang tumakbo paalis matapos ang tipid na pakikipagkamay sakin.

Ngumiti naman ako saka pumasok ulit sa kwarto. Tiningnan ko ang kapeng ibinigay nya sakin. Hmm! Mabango. Mukhang masarap din.

Excited kong tinikman ang kape at halos maitapon ko ang tasa dahil sa pagsigid ng pait sa dila ko.

“Fuck!!!!”

-

Grace Estrella-Lopez

Madilim na ang kalangitan at nandito ako sa kusina upang maghanda ng pagkain. Abala ako sa pag-iihaw ng hinuli kong apat na pirasong isda. Nakaupo sa may lutuan ang alaga kong unggoy at pinapanuod ang aking ginagawa.

Humuni sya kaya ngumiti ako. “Nagugutom ka na? Huwag kang mag-alala, malapit na itong maluto”

Nagpatuloy ako sa pag-iihaw ng isda. May parte sa akin na nalulungkot dahil hindi ko mapapakain ng maayos ang aking panauhin. Wala akong sapat na pagkain at wala akong kakayahang makarating sa bayan upang bumili ng pagkain.

Muling humuni ang unggoy kaya tiningnan ko itong muli. “Bakit? Gusto mo na talagang kumain? Pero hindi pa ito luto ng husto, baka magkasakit ka”

Bumuntong-hininga ako nang muling humuni ang unggoy at may itinuro sa aking likuran, mabilis naman akong pumihit para makita ang itinuturo nya pero bumangga ako sa isang matigas at mabangong dibdib na natatabunan ng isang itim na damit.

Suminghap ako at ganoon din ang taong kaharap ko. Nag-angat ako ng tingin at napansin ang titig nya sa akin. Natulala ako sa kanyang mga mata, ilang segundo pa ay bumaba ang tingin nya sa aking mga labi at unti-unting yumuko sa akin.

Ano ang kanyang ginagawa? Hindi ko alam at hindi rin ako makakilos sa aking kinatatayuan.

Napigil ko ang aking paghinga habang lumulunok sa bawat paglapit ng kanyang mukha. Unti-unti syang pumikit kaya naman ganoon din ang aking ginawa, nararamdaman ko na ang hininga nya sa aking pisngi at ang kaunti nalang ay magdadampi na naming mga labi nang bigla syang humiyaw ng pagkalakas-lakas

“ARAY!!!! GODDAMN IT!”

Napaigtad ako at gulat na tiningnan sya. Galit na galit ang mukha nya habang hawak ng kaliwang kamay ang kanyang kanang kamay. Napasinghap ako nang makita ang namumula nyang daliri. Nilingon ko ang aking likuran, mabilis kong inalis sa apoy ang nasusunog na isda saka bumaling kay Blaze na hinihipan ang paso nya sa daliri.

Mukhang nahawakan nya ang ihawan.

Mabilis akong lumapit sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay. Nagulat sya sa aking ginawa ngunit hindi nagreklamo, mabilis akong nagsalin ng tubig sa baso saka sya hinila palapit sa lababo at binuhusan ng tubig ang kanyang napasong daliri. Umigtad sya nang dumampi ang tubig sa kanyang balat ngunit hindi sya nagsalita.

Gamit ang suot kong damit ay pinunasan ko ang kanyang kamay saka sya tiningnan. Nakita kong nakanganga sya habang nakatingin sakin.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang kanyang reaksyon.

“Pasensya na sa nangyari” senserong paghingi ko ng paumanhin.

Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha at lumapat sa pisngi ko ang kanyang kaliwang palad, marahang humaplos habang mariing kagat ang pang-ibaba nyang labi.

“It’s okay, kasalanan ko naman” mahinang sagot nya saka ngumiti.

Dug dug dug

Suminghap ako nang maramdaman ang malakas na pagsipa sa aking dibdib. Tila nahihirapan akong huminga kaya naman umatras ako ng dalawang beses. Nagulat sya sa aking ginawa.

Baka isipin nya ayaw ko ng may bisita. Baka bigla nalang syang umalis at matulog sa pampang.

“Uh! Aayusin ko lamang ang ating hapunan, maupo ka na riyan” kinakabahang sabi ko saka tumalikod.

Kumuha ako ng tatlong plato saka inilagay doon ang tig-iisang isda na nasunog pa ang kabilang bahagi. Tiningnan ko ang alaga kong unggoy na nakangisi sa akin, “Halika na, kumain na tayo” pag-aaya ko sa unggoy na agad tumalon pababa at lumapit sa mesa, tumabi sya kay Blaze na napapalunok na tumingin sakin.

“Huwag kang matakot. Hindi sya nananakit” nakangiting sabi ko kay Blaze.

Tumango lamang sya saka sinulyapan ang unggoy na nakangisi sa kanya. Inilapag ko sa lamesa ang mga plato. Ang plato lamang ni Blaze ang mayroong kutsara at tinidor. Hindi ako sanay na hindi kumakain gamit ang aking kamay.

“Pasensya na kung yan lamang ang ating hapunan, wala akong ibang makuhang pagkain sa kagubatan at hindi ako makaalis sa isla” nahihiyang paghingi ko ng paumanhin.

Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin, nakangiti sya sakin at kitang-kita ko ang mapuputi nyang mga ngipin. “Don't worry. Kumakain ako ng isda saka sobra sobra na nga ang tulong mo sakin e. I appreciate your help, Grace and i’m glad i met you”

Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking pisngi. Hindi ko alam bakit nararamdaman ko ang bagay na ito pero napakasarap nito sa pakiramdam. Napakagaan at tila nakakataba ng puso.

“Uhm! Ang sabi mo ay may mga kasamahan ka, hindi kaya nasa ibang bahagi sila ng isla? Maaring nasa gubat lamang sila” pag-iiba ako ng usapan.

Hindi ako komportable sa kanyang malalalim na titig kaya naman hindi ako mapakali. Kumurot ako ng kapirasong isda saka yon kinain. Nakita ko nang gamit ang tinidor ay kumain na rin sya.

“Hmm. Siguro nasa gubat nga sila, i hope they’re fine. Hindi ako babalik sa syudad nang hindi sila kasama” sagot nya matapos lumunok.

Gusto kong malaman kung anong pakay nila kaya naman hindi ko pinigilan ang pagdulas ng tanong sa mga labi ko, “Magbabakasyon ba kayo sa ibang isla? O mamamasyal?”

Saglit syang natigilan. Akala ko’y magagalit sya dahil sa aking tanong kaya agad ko yong binawi. “Ah! Paumanhin sa napakarami kong tanong”

“No, it’s okay. Gusto lang sana naming makalanghap ng sariwang hangin, we planned an island hopping pero nagkaron ng disgrasya sa gitna ng paglalakabay namin”

Tumango-tango ako. "Huwag ka mag-alala, bukas ay lilibutin natin ang buong isla upang mahanap ang iyong mga kasamahan” nakangiting sabi ko.

Lumiwanag ang mukha nya at agad na ngumiti ng malaki. “You’ll do that? Really? Thank you!”

Mas nilakihan ko ang ngiti ko. Masarap sa pakiramdam na makatulong pero tila mas masarap sa pakiramdam na makita ang masayang ngiti ni Blaze.

Tahimik kong sinidihan ang ilawan sa lamesa sa tabi ng kama kung saan matutulog si Blaze. Nararamdaman ko ang kanyang titig sa akin kaya naman ilang beses akong nag-ulit bago tuluyang masindihan ang ilawan.

“Wala ba talagang kuryente dito o brown out lang? May mga appliances akong nakita sa baba” tanong nya matapos kong sindihan ang ilawan.

Nakaupo sya sa kama sa tabi ko habang nakatitig ng diretso sa akin.

“Matagal nang walang daloy ng kuryente dito sa isla, bata pa lamang ako ay sinanay ko na ang aking sarili sa dilim kaya naman hindi na ako nahirapan. Ang mga nakita mong kagamitan na nangangailangan ng kuryente ay matagal ko nang hindi nagagamit” mahabang sagot ko.

Tumango-tango sya saka tumingala sa akin. Nakatayo ako sa mismong harapan nya kaya naman kitang-kita ko ang kanyang mukha dahil sa mumunting apoy na nanggagaling sa ilawan sa gilid.

“Pagbalik ko sa syudad tutulungan kitang magkaron ng daloy ng kuryente dito” nakangiting sabi nya.

Nakaramdam ako ng lungkot. Ang mga taong katulad nya na tinulungan kong mabuhay at makaalis dito sa isla ay hindi ko na nakita kailanman, ang isa sa kanila ay nangako na dadalhin ako sa syudad ngunit tinanggihan ko sa kadahilanang may sakit si aling Baba noon.

“Huwag kang mangako, Blaze. Marami nang nag-iwan ng pangako sa akin ngunit ni isa ay hindi natupad” malungkot na sabi ko.

Nakita ko kung paano umawang kanyang labi at bumalatay ang gulat sa kanyang mga mata. Tipid ko syang nginitian saka tumalikod at lumabas ng silid. Dumiretso ako sa aking silid at agad na nahiga sa kama.

Umaasa nanaman ako sa pangako ng isang taong naligaw sa isla, magiging totoo kaya ang pangako nya? O katulad ng iba ay hanggang pangako lamang?

TO BE CONTINUED...

[A novel by sinnederella]


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status