Nangingilid ang luha sa mga mata ni Cayden, agad hinawakan ang kamay ni Mayumi."Huwag kang mag-alala. Safe ang baby. Pareho kayong ligtas. Sabi ng doktor, matibay ang loob ng anak natin gaya ng mommy niya.”Nagtama ang tingin nila. Tuluyan ng pumatak ang luha sa mata ni Mayumi, hindi niya alam kung dahil sa takot, pagod, o kagaanan ng loob. Malamang ay sa halo halong emosyon."Salamat sa pagliligtas mo sa amin.”"Kung alam mo lang kung gaano kita hinanap, halos mabaliw ako kakaisip na baka mapahamak kayo. Hindi pa ako natatakot ng ganoon katindi sa buong buhay ko. Salamat sa Diyos at ligtas kayo.”"Ang sugat mo? Okay ka lang ba?” anito ng makitang may ilang bandage siya.Umupo siya sa gilid ng kama, pinisil ang kamay ni Mayumi."Okay lang ako. Basta ikaw at ang baby ay ligtas, kahit sugat pa ‘yan sa buong katawan, lalaban ako. Ikaw ang buhay ko, Mayumi. Kayo ng anak natin,” aniyang dinala sa labi ang kamay ng minamahal.Biglang bumukas ang pinto, si Justin na may dalang gamit at gamo
Sa wakas ay natunton ang kinaroroonan ni Mayumi. Mabilis ang kilos ng kapulisan. Sa loob ng van, nandoon sina Cayden, Justin, at Gab. May kasama silang mga pulis upang iligtas si Mayumi at masakote si Don Manuel. May hawak na tablet si Justin, ipinapakita ang satellite image ng safehouse."May blind spot sa likod. Pero may dalawang bantay sa main entrance. Si Gab, ang front act natin. Kaya mo ba? Ayoko ng palpak,” baling nito kay Gab.“Bakit parang worried ka? Concern ka na ba sa akin? Mahal mo na ako?” nanunuksong sabi ni Gab habang inaayos ang uniporme ng delivery.“Gabriella, tigilan mo ako. Hindi ‘to oras ng biro,” seryosong sabi ng binata."Akong bahala, magdedeliver lang ng pagkain para makapasok kayo. At gagamitin ang ganda para ma-distract ang mga goons, napakadaling gawin niyan,” anang dalaga na nagsuot na ng helmet at may kinuhang malaking insulated bag ng sikat na food delivery app.“Wala bang kiss diyan bago ako sumugal ng buhay?” habol ng babae kay Justin. Tanging pagtaas
Tumawag si Cayden sa agency habang naglalakad papunta sa kotse.“This is Cayden Vasquez. Sino ang driver na pinadala n’yo para kay Mayumi Aragon?”“Sir, si Arnold Sarmiento po. Kakapasok lang, pero kompleto po ang background check --”“Siguraduhin mong totoo ang background niya. Dahil kung hindi, babalikan ko kayo. At kapag may nangyari kay Mayumi, papasabugin ko ang buong agency ninyo!” aniyang gigil.Pinatay niya ang tawag at sumakay sa sasakyan. Tinawagan niya si Henry.“Henry, nasaan si Mayumi? Gumana ba ang tracking device sa kotseng sinasakyan niya? Send the details!”“Kasalukuyan na pong hinahanap. Ipapadala ko po agad ang details kapag meron na.”Mabilis ang takbo ng sasakyan kahit wala siyang patutunguhan. Pinakonekta niya agad sa GPS system ng sasakyang sinasakyan ni Mayumi na may tracker.Umuusal siya ng dasal na sana ay mali ang hinala niya.***Maaga pa lamang ay magkikita na sila Mayumi at Kristel. Na-miss na din niya ang kaibigan. Nagpaalam siya kay Cayden. Buti na lang
Sabay taas ni Henry ng maliit na kahon ng tsokolate na tila bagong lagay sa eleganteng gift box. Hinihingal pa ito. Bakas na bakas sa mukha ni Cayden ang inis sa naudlot na halik.Matagal na niyang ninanais mahalikan ulit si Mayumi at naudlot dahil sa assistant. Tinignan niya ito ng masama. Itinulak siya ni Mayumi upang maglayo sila.“Henry, sakto ang dating mo, perfect timing!” aniyang halos hindi bumuka ang labi.“Miss Mayumi, this is a special chocolate, mula sa puso ng CEO ng Villamor Realty Corporation.”“Effort ah. Salamat at pati ikaw inaabala ni Cayden.”Nagkatinginan silang muli ni Mayumi, parehong natawa at may kilig.“Henry, makakaalis ka na. Naibigay mo na ang chocolate. Goodnight!” taboy niya sa assistant.“Sir, hindi mo man lang ba ako iimbitahing kumain? Gusto ko din ng bilo bilo,” anitong naupo pa sa table. Walang pakiramdam ang peste.Inambaan niya ng kamao si Henry. “Heto? Gusto mo? Aalis ka na o lulumpuhin kita?”Binalikan niya si Mayumi pag-alis ni Henry.“Umalis n
Malapit ng mag-uwian, hindi mapakali si Cayden sa loob ng opisina. Hawak niya ang phone ngunit hindi makapag-type ng message para kay Mayumi. Ilang beses niyang binura isinusulat na mensahe.Pumasok si Henry, dala ang tablet at ilang papeles, pero agad na napangiti nang mapansing nag-aalangan ang boss.“Sir, mukhang hindi business ang iniisip ninyo ngayon ah. Si Miss Mayumi ba ‘yan?”“Gusto ko sanang gawing espesyal ang gabi. Pero ayokong magmukhang pilit. Gusto ko ‘yung something simple, pero ramdam niya kung gaano siya kahalaga sa akin.”Nakangising umupo sa tapat niya si Henry.“Ah, gusto ninyong maging romantic. Iyan ang forte ko!”Tumaas ang kilay niya.“Forte mo talaga, ha?”“Wala ka bang bilib sa akin, sir? Una, maghanda kayo ng dinner, kahit simpleng lutong bahay lang. Ikalawa, ilawan n’yo ng fairy lights ang garden o terrace. Candles. Music, kahit playlist lang na may jazz o old love songs. Perfect na ‘yun pampaganda ng mood sa bembangan!”Tinignan niya ito ng matalim.“Heh!
Niyaya ni Cayden na umuwi si Mayumi. Nagtungo sila sa parking area ng mall. Nakamasid siya sa lalaking ilang beses niyang napansing sumusunod sa kanila sa loob ng mall. Ngunit sa halip na habulin ito, mas pinili niyang manatiling kalmado. Ang kasamang si Mayumi ang mas mahalaga ngayon. Nakahanda siya sa sandaling may sumugod.“Okay ka lang ba? Medyo napagod ka yata. Gusto mo kargahin na kita?” aniyang nakangiti sa dalaga.“Hindi naman. Ang korni mo. Akala mo mapapatawad na kita. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa mo sa akin,” irap ni Mayumi.Ngumiti lang siya at binuksan ang pinto para sa dalaga. Maingat niyang inalalayan itong sumakay sa kotse, sabay hila ng seatbelt para isarado ito para sa kanya. Inagaw nito ang seatbelt sa kanya.“Sabi ng mga kasambahay, naglilihi ka daw kaya sobrang sungit mo sa akin. Next time, huwag na tayong lumabas, dadalhan na lang kita ng menu ng buong mall.”“Tumigil ka nga, nakakainis ka. Naiirita ako sa'yo.”Pagkasakay niya sa driver's seat, sinulyapa