Nanatiling tahimik si Mayumi. Halos hindi humihinga kahit pa alam niyang negative naman ang lalabas dahil pinagawan niya ng paraan sa kapatid. Ito na ang magtutuldok sa pangungulit ni Cayden.Dahan-dahang binuksan ng binata ang sobre. Binasa ang laman. Nanlaki ang mata nito at tila hindi maibuka ang bibig.“Ako, ako ang ama,” anitong halos hindi mapakapaniwala at tila nais tumalon sa tuwa.Napatingin ito sa kanya at nayakap siya ng mahigpit na agad niyang itinulak.“Ako ang ama, magiging daddy na ako!” inulit nito at bakas sa mukha ang saya.Tila hindi niya narinig ang sinabi ni Cayden. Nagtaas siya ng mukha at kinuha ang papel na hawak nito. At natigalgal siyang lumabas ang totoong resulta. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, nanginginig ang kanyang mga kamay. Inilayo niya ang tingin, umiling ng madaming beses. Paano nangyaring hindi napalitan ang resulta?“Gusto ko lang, matapos na. Akala ko kung makita mong hindi ikaw ang ama, titigil ka na. Anyway, kahit ikaw pa ang ama, hindi kita
Isang tahimik na hapon sa loob ng isang prestihiyosong prenatal diagnostics center. Nasa loob ng consultation room sina Mayumi at Cayden. Magkaharap ngunit tila may pader pa rin sa pagitan nila. Katabi nila si Dr. Santos, isang eksperto sa non-invasive prenatal paternity testing.“Ang test ay ligtas. Kukuha tayo ng kaunting dugo mula kay Mayumi upang makuha ang fetal DNA na nasa kanyang bloodstream. At isang swab sample kay Cayden. Ang resulta ay maaari nating makuha sa loob ng isang linggo,” ani Dr. SantosTumango si Cayden. Hindi nagtanong ngunit tila malamim ang iniisip.“Sigurado ba kayong ligtas ‘to? Dalawang buwan pa lang ang bata,” ani Mayumi na puno ng pag-aalala.“Sigurado pong ligtas, non-invasive. Walang harm sa inyo o sa sanggol. Kaya huwag po kayong mag-alala.”Tumango siya, bagama’t halatang hindi pa rin siya komportable. Sa isang bahagi ng kanyang isip, gusto niyang umatras. Pero mas matimbang ang pagnanais na matapos na ang pangungulit ni Cayden. Tama na siya na lang a
Tahimik si Mayumi. Humigpit ang hawak nito sa bag. Bahagyang nag-angat ng ulo, ngunit hindi pa rin humarap kay Cayden.“Sinagot ko na ang tanong na ‘yan dati pa at alam mo na ang sagot.”“Mayumi, kung ako ang ama, handa akong panagutan ang bata.”Sa gilid ng parking lot, isang itim na kotse ang huminto. Bumaba ang driver, si Justin, seryoso ang mukha.“Let’s go. Tapos ka na? Kailangan mo ng magpahinga,” ani Justin masama ang tingin sa kanya.Tahimik na tumango si Mayumi. Ngunit bago pa sila makapasok sa sasakyan, lumapit si Cayden, hindi maipinta ang mukha.“Sandali, nag-uusap pa kami,” anito.Lumingon si Justin, saglit na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Madilim ang anyo nito“Wala na kayong dapat pag-usapan. Makulit ka din. Panay ang sunod mo. Dahil ba sa nalaman mong Aragon si Mayumi?”“Mayaman din ako, hindi pera ang habol ko. Baka ikaw ang pera ang habol mo. Tignan mo nga ang kotse mo, biglang mamahalin agad!”“May karapatan ka bang makialam? Pagkatapos ng lahat ng sakit na
“Opo sir. Kung sasali kayo sa volunteer work, hindi niya kayo mapapaalis basta basta. Madaming tao doon. Tapos maipapakita pa ninyo na magiging mabuting ama kayo.”Napangiti si Cayden. “Magandang ideya, Henry. Hindi ako nagkamali ng pagkuha sa’yo bilang assistant.”“Sir, baka naman, magbigay pa kayo ng all expense vacation. Nakakahiya naman po,” biro nito.Tumawa si Cayden, unang beses sa mahabang panahon. Pero sa kabila ng biro, kita sa mga mata niya ang muling nabubuong pag-asa.“Nga po pala. Heto po ang CCTV footages ng bahay na iniwan ng mag-inang Sally at Naomi.”“Ayokong panoorin at baka makita ko ang kuha ni Mayumi at Justin. Hindi ko kaya. Ikaw na ang manood at tignan kung may makukuhang ebidensya laban sa mag-ina dahil sasampahan ko ng kaso.”Agad tumalima si Henry. Bumalik ito bago mag-uwian. “Sir, wala namang intimate na ginawa sina Mayumi at Justin. May isang footage na pumasok sila sa kwarto ni Aling Sally pero halos dalawang minuto lang.”“Sigurado ka? Patingin nga.”Isi
Napatigil si Henry. “Sir? Okay lang po ba kayo?”“Walang tawag, walang meeting.” Inubos ni Cayden ang laman ng baso, saka agad nagbuhos muli.Tahimik na tumango si Henry.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, biglang bumulong si Cayden habang nakatitig sa baso."Henry, paano mo mababawi ang isang pagkakamaling halos sirain ang buhay ng taong mahal mo?”Hindi agad sumagot si Henry. Lumapit ito at marahang inilapag ang clipboard sa gilid ng mesa.Hinilot ni Cayden ang sentido niya.“Pinaniwalaan ko ang mali. Tinalikuran ko si Mayumi. Sinaktan ko ‘yung taong totoo kong mahal. Sinayang ko ang pagkakataong protektahan siya. Bagkus ay sinaktan ko pa.”Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang panginginig ng boses.“Paano ko babawiin ‘yon, Henry? Paano ako makakabalik sa buhay ni Mayumi?”Tahimik lamang si Henry. Pagkatapos ng ilang sandali, marahan siyang nagsalita.“Sir, hindi ko po alam ang lahat ng detalye. Pero kung talagang mahal po ninyo si Mayumi, gagawin ninyo ang lahat para ip
Tahimik si Cayden habang nasa loob ng kanyang opisina matapos ang ilang araw na hindi pagpasok, hawak ang isang tasa ng kape na baka makatulong sa hangover niya. Ngunit hindi niya iniinom kaya lumamig na. Halos hindi siya nakatulog mula nang malaman niyang buntis si Mayumi. Gulo pa rin ang isip niya, mga tanong, hinanakit, at ang bigat ng pagkakabigo.Biglang tumunog ang kanyang telepono. Unknown number.Nagdalawang-isip siyang sagutin, pero pinindot din niya ang accept.“Hello, good morning po. Sir Cayden Villamor?”“Speaking.”“This is Carla from customer service sa Central Mall. A wallet was found at the lost and found section. May calling card po kayo sa loob kaya po namin kayo natawagan.”Napatayo siya. “Wallet? As in… Hermes black leather wallet?”“Yes po, sir. Naiturn over po ito matagal na. Kung gusto n’yong kunin, anytime po kayo makakadaan.”“Thank you. Pupuntahan ko ngayon sa assistant ko.”Ilang oras ang lumipas ng papuntahin niya si Henry. Hindi na niya inasahang makikita