Dear readers, please read my other books in GoodNovel. 1. Love for Rent - 1.2M views Book 1-7 2. The CEO's Cold Ex-Wife- Ongoing 3. Unlove Me Not - Completed 4. The Ex-Convict Billionaire - Completed Mula sa puso, maraming salamat po!
Tahimik ang gabi, ngunit mulat pa rin si Justin. Mag-isa siyang nakaupo sa harap ng isang monitor, paulit-ulit na nire-review ang CCTV footage mula sa safehouse kung saan pansamantalang itinatago si Rosie. Nais niyang matiyak ang kaligtasan nito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na pigura sa footage. Si Lance! Napakasipag talaga ng kaibigan niya. Hands on ito sa pagtulong sa kaso ng mommy niya.Pinatigil niya ang video sa eksaktong frame na pumasok ang lalaking naka-cap at itim na jacket. Agad niyang pinazoom ang mukha upang matiyak kung si Lance nga. Mahirap ng magtiwala. Ngunit bakit naman pupunta ang kaibigan niya ng ganitong oras?Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan si Lance.“Bro? May problema ba?” bungad nito.“Wala naman. Itatanong ko lang kung nagpunta ka ba sa safehouse kagabi? Kay Rosie? May latest news ba? Baka may naalala siyang iba pang sangkot.”“Ha? Hindi, bro. Bakit ako pupunta doon? Hindi ba sabi mo, ako
Tatlong araw bago ang kasal. Pinasyalan nila Gab at Justin ang wedding venue.Ang wedding coordinator ay abalang inaayos ang seating arrangements, habang ang mga staff ay nag-aayos ng mga ilaw, sound system, at wedding arch.Nasa gilid si Justin, hawak ang cellphone ngunit matagal nang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya namamalayang pinagpappawisan siya ng malapot sa tensyon. Tila bumibigat ang bawat segundo dahil sa lihim na bumabagabag sa kanya.“Sir Justin, okay na po ang final layout. Si Ma’am Gabriella po ay tinutulungan na nina Mommy Olivia at Gianna sa fitting ng bridal gown. Gusto ninyong i-check ang program?” ani Trisha.Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti ng pilit, saka tumango.“Sige. Patingin.”Habang iniisa-isa ang detalye ng wedding program, tahimik lang siya. Sa isip niya, umiikot lang ang tanong kung kaya ba niyang ituloy ang kasal gayong alam niyang ang ama ni Gab ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya?Ni hindi na niya namalayan ang paglapit ni
Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.“Ay sala
“Nahuli na at nasa kamay na ng mga pulis. Hindi mo na kailangang matakot. Pero hindi pa rin tayo dapat magpakampante. Kaya doble ingat pa din.”Napatingin si Gab sa mga mata ni Justin. Tila nakaramdam ito na may inililihim siya.“May tinatago ka. Ano ang nangyari?”Saglit silang nagkatitigan. Ngunit sa huli, yumuko siya at hinawakan ang kamay ng dalaga.“Wala kang dapat alalahanin, Gab. Ang mahalaga, safe kayo. At hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo kahit buhay ko pa ang kapalit.”“Salamat, Justin. Sa lahat,” ani Gab na tila naniwala naman sa sinabi niya.“Kahit kailan, ikaw at si Nathaniel ang uunahin ko. Magtiwala tayo sa isa’t isa.”Tumango siya at niyakap ng mahigpit si Gab. Tila humuhugot ng lakas sa mga bisig niya ang dalaga. Kinintalan niya ito ng halik sa noo.Biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Lance sa screen.“Si Lance ‘to. Saglit lang,” aniyang saglit na tinapunan ng tingin si Gab.Nagtungo siya sa may gilid ng veranda, sinagot ang t
Isang putok ng baril ang umalingawngaw mula sa malayo.“Sir! Bala ng baril! Get down!” anang isang pulis.“Fallback! Bumalik sa mansyon! Siguraduhin ang kaligtasan nila Gab at Nathaniel!”Nangangatog ang katawan ng driver habang kinakaladkad ng isang security officer papasok sa sasakyan. Ngunit nakatakas ito. Sinamanlata nito ang kaguluhan. Agad namang pinaharurot ni Justin ang kotse niya pabalik sa mansyon.Si Gab ay nasa sala kasama si Nathaniel na naglalaro ng blocks at walang malay sa kaguluhan. Biglang kumurap ang ilaw ng chandelier. Napansin niya ito, kumabog ang kanyang dibdib. May tunog ng mga sasakyan sa labas, kasunod ng tila pagkaluskos sa likod ng bahay. Labis ang tensyon na nararamdaman niya.“Nathaniel, baby, come here. Sa likod ni Mommy, dali,” aniyang mahigpit ang hawak sa anak. Dinampot niya ang nahawakang lampshade.Biglang bumukas ang pinto. Nakaumang na ang pamalo niya at handang umatake.“Gab!” sigaw ni Justin na hinihingal at mabilis na umilag sa paghampas niya.“
Hindi gumalaw si Gab at parang walang narinig. Ngunit mahigpit ang yakap ni Justin, at dama niya ang sinseridad sa boses nito. Subalit hindi siya sumagot.Sa halip na mapahiya, ngumiti lamang si Justin. Hinaplos nito ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.“Okay lang. Hindi ko kailangan ng sagot mo ngayon. I’m willing to wait.”Isiniksik niya ang katawan sa dibdib ng binata. Dahan-dahang hinagod ni Justin ang buhok niya. Niyakap siya ng mahigpit.Kinabukasan sa dining area ng mansyon. Maliwanag ang paligid, tila kasabay ng sikat ng araw ang bagong simula sa pagitan nina Gab, Justin, at Nathaniel. Nasa gitna ng lamesa ang masaganang almusal, sinangag, itlog, tapa, pancakes, at prutas na inihanda ni Justin.“Yehey! Kumpleto tayo! Kumpleto tayo!” ani Nathaniel.Nagsasayaw-sayaw pa ito habang papunta sa dining table.Nakangiting napapailing siya habang inaayos ang kutsara at tinidor.“Anak, baka madapa ka niyan.”“Super saya ng anak ko, ah!” ani Justin habang nagsasalin ng gatas sa baso