Share

Chapter 221

Travis Point of View

Naging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino.

"Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya.

"Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.

Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon.

"Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin.

"Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.

Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning.

"Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.

Dahan-dahan kong ti
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status