Share

CHAPTER 33

last update Last Updated: 2024-12-05 11:17:51

Hello!" bati ko pagkarating sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Eduard.

Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya katulad ng ginagawa ko dati. Habang papunta ako ay hindi mawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon na alam ko na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin. Niyakap ko siya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at tinugon naman niya. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya pero ngayon ay iba na. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na siya pa rin ang kaibigan nakilala ko noon.

"Hi! Umorder na ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na pagdating mo," nakangiti na sabi niya at nakangiti na tumango ako.

Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung naiilang pa ba ako sa mga oras na ito at sa tingin ko naman ay ganoon pa rin kami tulad ng dati. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagbiruan ni Eduard katulad ng dati. Puro pa rin siya kalokohan at puro biro kaya hindi ko mapigilan ang tuma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
napaseloso naman ni Axel kaya lng naman sya nakipagkira para taparin si Edu na may jowa na sya,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never let you go   CHAPTER 56

    "Sir, here are the files you requested," sabi ni Mr. Jay at inabot ang mga folder.Isa-isa ko iyon tiningnan bago ako kumuha ng isang folder para basahin. Kailangan maging maingat ako sa lahat ng gagawin ko mula ngayon kahit na kailangan ko kumilos agad. May kutob ako na gagamitin ni Papa ang mga Anderson para mapasunod ako sa kagustuhan niya. Naghahanap ako ngayon ng mga company na pwede ko ipangtapat sa kanila. Alam ko na mahihirapan ako dahil malaki silang kumpanya pero kailangan ko pa rin subukan. "Do you think we can find a company that can match them?" bakas ang pag-aalala sa tanong niya at huminga ako nang malalim."Hindi man nakahihigit sa kanila pero at least willing mag-invest sa atin. Alam ko na manghihinayang ang board dahil malaki silang kumpanya pero kung kaya ko naman kumuha ng dalawa o higit pang investor sapat na iyon. Kailangan lang natin maging maingat para walang makakaalam. May ilang buwan pa naman para sa board meeting kaya may oras pa ako," paliwanag ko at tuma

  • Never let you go   CHAPTER 55

    "Babe!" sigaw ko mula sa kwarto ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto.Katatapos ko lang magbihis at kasalukuyan inilalagay sa basket ang mga maruruming damit pati na rin ang maruming bedsheet. Wala akong pasok kaya naman maghapon ako naglinis ng bahay, nagpalit ng mga kurtina pati na rin beddings at nag-grocery na rin ako. Dapat ay kasama ko si Axel pero bigla siyang nagkaroon ng emergency kaya kailangan niya umalis. Sa tagal na namin magkasama ay nasanay na ako sa mga biglaang meeting niya. May mga pagkakataon naman na nag-cancel siya ng lakad para makasama ako. Busy man siya sa trabaho ay nagagawa pa rin niya ako bigyan ng oras."Hello Babe! You smell great," nakangiti na sabi niya pagkatapos niya ako halikan sa labi.Napangiti ako at pinulupot ko ang dalawang braso sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang isang braso niya sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Binaon niya ang ulo sa balikat ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. "Babe," tawag ko sa kanya at umung

  • Never let you go   CHAPTER 54

    "Sir -Narinig ko na tawag ng secretary ko at napatingin ako sa pagbukas ng pinto. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at bago pa ako makapag-tanong ay pumasok na si Papa. Bakas naman sa mukha ni Papa ang pagkadismaya. Tumango lang ako para sabihin sa kanya na okay na."Okay Mr. Salazar, my team will send the new layout by tomorrow. My assistant will call you regarding the schedule of site visit," sabi ko sa kausap ko at nagpaalam na siya kaya pinatay ko na ang line.Tuluyan ng pumasok si Papa at sinara ni Anna ang pinto bago siya lumabas ng office ko. Huminga ako nang malalim dahil alam kong hindi simpleng pagbisita lang ang dahilan kaya siya pumunta. Kampante na umupo siya sa upuan at tumingin sa paligid. Alam kong nagtataka siya dahil pina-renovate ko ang dating office niya na opisina ko na ngayon."It's funny because I'm the President of this company but I have to make an appointment just to talk to you? Did your staff not know me or did you tell them?" dismayado na tanong niya."J

  • Never let you go   CHAPTER 53

    Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din ang tinugon niya. Hinaplos ko ang likod niya para mapanatag ang kalooban niya dahil alam kong nag-aalala siya. Hinalikan ko siya sa balikat paakyat sa leeg niya at narinig ko ang impit na ungol na lumabas sa bibig niya. Nanunuot sa ilong ko ang amoy niya na lalong nagpasabik sa akin. Nilipat ko naman sa kabilang balikat ang labi ko at hinalikan ko pataas sa leeg niya. Dahan-dahan ko naman hinaplos ang hita niya pataas hanggang sa bewang niya. "Babe," banggit niya sa pagitan nang pag-ungol niya. Ilang araw kami magkahiwalay kaya ngayong gabi ay babawi ako sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita ko na pareho kami ng nararamdaman. Wala na akong sinayang na oras at sinakop ko ang labi niya na buong pananabik naman na tinugon niya. Naramdaman ko ang pagtanggal niya sa butones nang polo ko habang magkalapat ang mga labi namin. Napaungol ako nang lumapat ang kamay niya sa dibdib ko. Nakadagdag iyon sa init na nararamdaman ko ngayon. Bin

  • Never let you go   CHAPTER 52

    "Ano na ang plano mo, Axel?" tanong ni Mr. Jay at napatingin ako sa kanya.Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin kinailangan ko siya puntahan dahil paalis na siya ng bansa at hindi pa niya sigurado kung kailan siya makakabalik. Isa siya sa mga VIP Client namin kaya hindi pwede na paghintayin at balewalain. Sa industry na ginagalawan ko kailangan ko bigyan ng priority ang mga dati na namin client lalo na ang mga nakapagbigay ng malaking project sa amin. Kagagaling ko lang abroad at kahit na pagod ay nakipagkita agad ako sa kanya para pag-usapan ang project proposal ko sa kanya. Kahit pa nga gusto ko ng umuwi dahil alam kong naghihintay si Althea sa akin. Naiintindihan naman niya ang trabaho ko kaya maswerte ako sa kanya dahil kahit kailan ay hindi siya nag-demand sa akin ng oras. Ilang araw ko na siya hindi nakakasama at sobrang miss ko na siya. Alam ko na hindi pa siya sanay sa ganitong set-up na lagi ako wala pero parte ito ng trabaho ko. Hanggang maari ay bumabawi ako s

  • Never let you go   CHAPTER 51

    "Narinig na ba ninyo ang kumakalat na balita?" narinig ko na tanong ni DJ at napatingin ako sa mga kasama ko nagtumpukan. "Ano naman ang nasagap mo, Akla?" curious na tanong ni Tin-tin. "Malapit na mag-expand ang company natin international. Hindi na lang tayo pang-Asia mga Mare pero makilala na rin ang kumpara natin sa ibang bansa. May nag-chika sa akin na kaya pala laging wala si Boss kasi ka-meeting niya ang isa sa mga kilalang construction and realty developer sa Australia," nakangiti na kwento niya. "Sabi nga ni Carlo sa Engineering if ever na mag-push through possible na magpadala ng mga tao mula rito papunta roon," nakangiti na dagdag naman ni Maris. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil mukhang nagbunga na ang pagod ni Axel na makuha ang investor para sa ikabubuti ng kumpanya. Masaya ako para sa kanya dahil nakita ko kung paano niya pinaghirapan iyon. Sayang lang at baka hindi ko na maabutan iyon dahil ilang linggo na lang ay aalis na ako. Nagulat at nalungkot ang mga ka

  • Never let you go   CHAPTER 50

    "Kailan pala ang balik ni Axel?" tanong ni Nikka habang naglagay ako ng mga plato sa lamesa. "Hindi pa sigurado kung babalik na siya bukas," tugon ko at umupo na siya pagkatapos ilagay ang ulam. Ilang linggo na ako nakatira sa bahay niya at sa bawat araw na kasama ko siya ay mas lalong lumalalim ang relasyon namin. Hindi ko na nga ma-imagine ang araw ko na hindi ko siya kasama. Buong akala ko ay kilala ko na siya sa ilang buwan namin pero mas nakilala ko siya ng magsama na kami. Nakakatuwa dahil mas nararamdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa akin. Masaya ako na pagsilbihan siya at asikasuhin. Nakita ko rin ang effort niya na pasayahin ako kahit na sa maliit na paraan. Nalulungkot ako sa bahay dahil mag-isa lang ako kaya naisipan ko na bisitahin si Nikka. "Desidido ka na ba talaga mag-resign?" tanong niya habang kumakain kami at tumango ako. "Pinasa ko na ang resignation letter ko kahapon. Gulat na gulat nga si Ms. Sebastian pero tinanggap pa rin niya. Tinanong niya ak

  • Never let you go   CHAPTER 49

    "Wala ka na ba nakalimutan, Babe?" tanong ni Axel bago niya buhatin ang malaking kahon. Tumingin ako sa paligid para siguraduhing wala na akong naiwan na gamit. Hindi ko naman totally dinala lahat ng mga gamit ko. Wala rin balak si Nikka na tumanggap ng ibang makakasama at sinabi niya na iiwan niyang bakante ang kwarto ko kahit anong mangyari. Nangako naman ako sa kanya na bisitahin ko siya. Masaya siya ng sabihin ko na pumayag ako na magsama na kami ni Axel pero nalungkot din siya dahil ibig sabihin ay kailangan namin maghiwalay. Ilang taon din kasi kami magkasama sa bahay at sanay na sanay na kami sa isa't isa. Sa loob ng mga taon na magkasama kami ay naging sandigan namin ang isa't isa sa hirap at saya. Kahit ako ay nalulungkot din dahil iba pa rin kapag nasa isang bahay lang kami. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko sa paglipat ko sa bahay ni Axel. Excited at masaya ako dahil araw-araw na kami magkasama pero kinakabahan ako sa pwedeng gawin ng Papa niya. Sa palagay ko kasi ay

  • Never let you go   CHAPTER 48

    "Mr. Jay, kindly finalized the schedule of site visit in Highland Golf and Country club with Mr. Salazar. We need to finish the layout for the clubhouse and other facilities," utos ko habang binabasa ang report. Kadarating ko lang kagabi at halos wala pa akong tulog pero kailangan ko pumasok dahil maraming trabaho ang naghihintay sa akin. Hindi pa ako dapat pabalik pero ng malaman ko na pupunta si Papa ay bumalik na ako. Originally ay siya naman talaga ang kausap ng investor na pinasa niya sa akin. Lately ay may kutob ako sa mga nangyayari pero hindi ko pa naman kumpirmado. "Okay Sir, how about the project in Cebu? The client would like you to be there for the site visit because of the changes he wants to discuss," sabi niya at huminga ako nang malamin. Nitong mga nakalipas na linggo ay sobrang naging busy ako sa trabaho. Hindi pa nakalipat si Althea sa bahay ko dahil gusto ko ay magkasama kami sa paglipat ng mga gamit niya. Ang sabi ko sa kanya ay pagbalik ko pero mukhang hindi pa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status