"What do you think Babe?" tanong ko habang inaayos ang suot ko.Ngayon ang schedule ng interview ko at halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang kaba. Tinawagan ko pa si Nikka para magpatulong kung ano ang maganda na susuotin ko kasi gusto ko magbigay ng magandang impresyon. Sa mga pinasahan ko ng resume ito pa lang ang tumawag para sa interview kaya naman ganoon na lang ang tuwa ko. Magkahalong excitement, kaba at kaunting takot ang nararamdaman ko mula pa kahapon. Kahit alam kong hindi sang-ayon si Axel sa paghahanap ko ng trabaho ay hindi naman niya ako pinagbawalan o pinigilan. "Babe, okay na ba Ito?" tanong ko at hinintay ko ang reaksyon niya."Babe," malambing na tawag ko sa kanya at hindi pa rin siya nagpatinag."Axel Maverick Rodriguez!" tawag ko sa kanya pero mas malakas at may diin. Tiningnan niya ako at sinenyasan ko siya na tingnan muna ako. Binaba niya ang binabasa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti na umikot pa ako para mas makita
Pinilit ko tanggalin sa isip ko lahat ng mga narinig ko sa banyo kanina. Ilang beses naman na pinaalala sa akin ni Nikka na may maririnig talaga ako na hindi maganda tungkol sa amin ni Axel kaya dapat ihanda ko ang sarili ko. Kung ano man ang nasa isip at sinasabi nila ay opinyon nila iyon. Ayoko masira ang gabing ito at gusto ko lang na mag-enjoy kami ni Axel dahil ito ang unang pagkakataon na pinakilala niya ako sa lahat. Hindi ko naramdaman na kinakahiya niya ako kapag pinapakilala niya ako. Hangga't maari ay ayoko na mag-aalala si Axel at makadagdag pa sa isipin niya. "Nasaan po si Axel?" tanong ko kay Ms. Sales pagbalik ko sa table namin pagkatapos ko siya hanapin sa paligid.Hindi ko namalayan na matagal pala ako nawala. Nagtaka ako ng hindi ko siya makita sa pwesto namin kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Hinanap ko rin ang Papa ni Axel at nakita ko siya na may kausap sa hindi kalayuan kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Ramdam ko kasi ang tensyon sa
Habang ipinapakilala ako ni Axel sa mga staff ng foundation ay ramdam kong nakasunod ang mga mata ni Charmaine sa amin. Hindi talaga umalis sa tabi ko si Axel at halos ayaw na niya bitawan ang isang kamay ko. Napansin ko na pasimpleng umiiwas si Axel sa dalaga kaya kahit paano ay nabawasan na ang inis na nararamdaman ko kanina. Tuwang-tuwa ako sa mga beneficiary ng foundation lalo na sa mga bata na halatang malapit na malapit kay Axel. Sobrang dami ng natulungan ng foundation at bakas sa mga mukha nila ang saya. Bukod kasi sa medical assistance ay binibigyan din ng scholarship ang mga bata para makapag-aral at ang iba naman ay binigyan ng trabaho sa kumpanya. Nakakatuwa isipin na ang iba sa mga staff ay mga nakapagtapos sa tulong ng foundation at ngayon ay sila naman ang tumutulong sa iba. "Sana Althea ay makabisita ka rin sa amin para naman makita mo ang foundation. Matutuwa rin ang mga bata na makasama ka nila," sabi ni Ms. Sales ang in-charge sa foundation at napatingin ako kay Ax
"Where here, Babe!" narinig ko na sabi ni Axel at napatingin ako sa kanya.Dahil sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa Hotel. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. Ramdam kong pinagpapawisan ang mga palad ko sa sobrang kaba. Sumisikip din ang dibdib ko at ang bilis ng tibok nang puso ko. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko na hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito."Babe," kinuha niya ang dalawang kamay ko saka pinisil iyon at huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko."I understand if you don't want to go. We can just go back and forget this -"Okay lang ako Babe. Kinakabahan lang ako kasi ngayon lang ako makaka-attend sa ganitong event bilang guest," putol ko sa sinasabi niya at nag-aalala na tiningnan niya ako."Okay lang talaga ako Babe," nakangiti na sabi ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko."Huwag kang mag-alala dahil kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa tabi m
"Huwag na kayo ako tumuloy?" puno ng alanganin na tanong ko habang nakatingin sa salamin at tiningnan ako nang masama ni Nikka.Gusto niyang makasigurado na okay ang itsura ko kaya nagpumilit siya na pumunta sa bahay habang inaayusan ako. Siya rin ang naghanap ng mag-ayos sa akin at pumayag naman si Axel. Sa tingin pa nga ni Axel ay magandang ideya iyon. Kaya ko naman mag-ayos pero gusto ni Nikka na maging perfect ang kalalabasan. Hindi ko tuloy Alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa ginawa niya."Gusto mong kalbuhin ko ang kilay mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at huminga ako nang malalim.Kakaalis lang ng mga kaibigan niya na nag-ayos sa akin. Tinanong ko siya kung magkano pero sinabi niya na si Axel na ang nagbayad. Sobrang galing nila at talagang napaka-professional nila. Kagabi pa talaga ako hindi mapakali pero pinipilit ko iyon itago kay Axel dahil aam ko na totohanin niya ang sinabi niya na hindi siya pupunta kung hindi ako sasama. Nabanggit sa akin ni Mr. Jay ku
Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya."Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta."Kadarating ko lang naman," tugon ni