Attendance check mga mimaaaa
“Mukhang gusto ko na nga siya,” biglang ani ni Alyana habang iniinom ang unang lagok ng alak, naramdaman niya ang init na dumadaloy sa bawat galaw ng katawan niya. Napatigil si Kyllie, sumulyap sa kanya, at saka inirapan na parang finally, inaamin mo rin, halos nabuo ang isang sabayang kiliti ng kasiyahan at pang-aasar sa pagitan nila.“Hindi ka naman aaktong ganyan kung hindi mo siya gusto,” ani ni Kyllie habang iniiling-ilingan siya, may malikot na ngiti sa mga mata na nagpapakita ng kaunting pang-aasar.Mabilis lumampas sa isa, dalawa, hanggang tatlong baso ang nainom ni Alyana. Ramdam niya ang init sa pisngi, ang bahagyang pagkahilo sa ulo, at ang kakaibang kuryente sa dibdib habang iniisip si Gabriel.Each sip of the alcohol felt like opening a door to her emotions—mixing nervousness, excitement, and a faint sense of anticipation. Just then, Kyllie put the plan into action—she carefully but firmly took Alyana's phone and called Gabriel.Habang dinidial niya ang numero, naramdaman
Kabanata 40“No, hindi ko kaya,” natatawang ani ni Alyana habang umiiling-iling ng paulit-ulit, pinipigilan ang sarili na hindi matawa nang malakas. Pero sa ilalim ng tawa niyang iyon, halata ang panginginig ng loob—parang may maliit na tinig na nagsasabing baka sa bandang huli ay mapa-oo rin siya. Ramdam niya ang init sa pisngi niya, hindi lang sa hiya kundi sa imahen ng ginagawa ni Kyllie sa kanyang isipan.“This is one of the ways that you can make him crazy for you, susmaryosep ka, asawa mo naman na siya at hindi na kayo magkakahiyaan—” seryosong sabi ni Kyllie, pero bakas sa mapanuksong ngiti nito na para bang may mas matindi pa siyang binabalak.“But this? You want me to tie him while kissing him? No way! Ano bang mga sinasabi mo!” halos mapaatras si Alyana sa inuupuan niya, ang mga mata’y nanlaki at parang tinatablan ng kuryente sa ideya pa lang.Inirapan niya ang kaibigan at sabay turo sa taling hawak nito—para bang iyon na ang pinakadelikadong bagay sa mundo, parang hawak na
“I think you are really in love. Saka wala namang masama roon — asawa mo na siya. At kung may babae nga? Aba, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para huwag tumingin si Gabriel sa iba. Ikaw dapat ang sentro ng mundo niya.” Umiirap pa siya, kasabay ng bahagyang ngiti, parang malinaw na malinaw na sa kanya na kabobohan lang lahat ng kinakatakutan ni Alyana.“Huh?” Napakunot ang noo ni Alyana, sabay nagtaas ng kilay. Hindi niya na-process agad ang sunod-sunod na pangungusap ng kaibigan.Napasinghap si Kyllie, exaggerated pa, na parang hindi makapaniwala na ganoon pa rin kabagal mag-react si Alyana. “Huh?” inulit nito, ginagaya pa ang tono ni Alyana.Nagkrus ang mga braso ni Alyana, halatang defensive. Alam ni Kyllie naman na inosente siya pagdating sa mga bagay-bagay sa relasyon… pero ang buong akala niya ay nagbago na ito, pero mukhang nandoon pa rin ang kainosentahan nito.“Asawa mo na siya at kahit anong sabihin ng iba, asawa mo na siya,” seryosong sabi ni Kyllie, tumigil sandali para
Kabanata 37 & 38 – Pinalawak“You think may babae siya?” Napasulyap si Kyllie kay Alyana, ang mga mata nito ay puno ng kuryosidad habang bahagyang nakasandal sa sofa. May hawak pa itong cellphone pero halatang hindi na interesado sa ginagawa at mas gustong unahin ang tsismis nabiglang sinambit ng kaibigan niya.Tumango si Alyana, hindi maitago ang pagkainis sa boses. “Oo, may katext siya!” Iritadong ani ni Alyana, sabay bagsak ng katawan sa malambot na kama ni Kyllie. Ang malambot na amoy ng fabric conditioner sa bedsheet nito ay parang gusto niyang higaan magdamag para lang lumayo sa inis na dulot ni Gabriel.“Kahit kailan talaga ang mga lalake, subrang mga manloloko! Ang sarap nilang kalbohin! Kainis!” Iritang ani pa niya.Kanina pa umiikot sa isip niya ang eksenang iyon, na baka nga may babae nga si Gabriel, ang kakaibang pakiramdam na parang sinasaksak ang puso niya kahit pa alam niya sa sariling wala naman silang ‘ganun’ na relasyon.Kasal nga naman sila, pero wala namang kahit
Sinundan ni Gabriel ang tingin kay Alyana, ramdam niya ang bigat ng yapak nito sa sahig, ngunit pinili niyang huwag ito sundan o bigyang pansin.Hindi pa rin siya makapaniwala sa sarili niya hanggang ngayon, hindi niya maiwasang magtaka sa inasta kanina sa harap ni Hyacinth.Kanina lang, hindi niya inaasahan ang sarili na umiwas kanina nang gustuhin ni Hyacinth na halikan siya. Na sa halip na payagan iyon, lumayo siya, dahil puamsok sa isip niya si Alyana, ang nakakunot nitong noo at ang masamang tingin.“Why do I even think about her?” tanong niya sa sarili na sinundan ng isang mapanuring tawa. Muling inangat ni Gabriel ang telepono at binasa muli ang text message mula kay Hyacinth.Hyacinth:Buy me this one, please? I want this one.Malalim na bumuntong-hininga si Gabriel bago muling nag-type.Gabriel:Just use the card I gave.Hyacinth was the only woman he had ever truly loved, ang girlfriend niyang inagaw ni Derrick.Nang malaman ni Hyacinth ang katotohanan, na wala namang katoto
Gusto niyang palabasin na kalmado siya, ngunit sa loob-loob niya’y gusto na niyang kumprontahin ito.“Yah,” he just said, halos pabulong at walang gana, na mas lalong ikinakunot ng noo ni Alyana.Masyado itong tipid sumagot ngayon, at bawat sagot ay parang walang laman. Marami pa siyang gustong sabihin, pero pansin niya na para bang wala talaga ito sa sarili niya, parang may iniisip na mas mabigat kaysa sa pag-uusap nila. Hanggang sa matapos na lang nila ang pagkain nang walang malinaw na paliwanag mula rito.If there was nothing wrong, she knew he would have argued back and told her na huwag itong makealam sa lahat—but now? She could feel it, sense it in the air between them.“Kuhanan mo na lang ako ng damit,” aniya, malamig at matigas ang tono, saka tumalikod at iniwan siyang mag-isa sa kusina. Para bang bawat segundo na kasama siya ay pabigat nang pabigat para dito, at ang lamig ng kilos nito ay lalong nagdagdag ng mga tanong na umiikot sa isip ni Alyana.“Ano bang nangyari talaga?