(Dahlia POV)
“Iiwan ko dito ang dokumento para pirmahan mo.” Napatango ako.
“Kailangan niyang suma-ilalim sa operasyon sa lalong madaling panahon. Kaya kailangan mong pirmahan kaagad yan. Nga din pala, maari naming maibalik ang dilang pinutol sa kanya kung kaagad mong mapagdesisyunan na ipasok siya sa surgery room.”
Umangat ang paningin ko sa kanya. Anong pinagsasabi ng babaing to?
“Pinutol ang dila niya?”
Marahan siyang napatango.
“Narinig mo na din naman ata ng klaro Miss.”
Saka siya lumabas ng silid.
Marami pang tanong ang umiikot sa isipan ko. Ngunit di ko alam kung sino ang tatanungin ko.
Anong gagawin ko ngayon sa harapan ni Carlo? Iiyak?
Iiyak dahil malaking pera ang natitiyak kong kailangan bayaran sa hospital.
Anong pinagagawa nila sa sarili?
Umayos naman kayong dalawa ni
(Dahlia POV)Nang ginising ako sa pagkatulala ng tumunog ang phone ko.Si Karen…Isa pa to.“Hoy babae! Andito na kami ni Grandma sa shop. Asaan ka? Dinala na namin yung mga pinamili mo dito. Nagpumilit si Grandma na dalhin ko na siya. Pumunta ka na dito. Kailangan ka sa shop. Alam mo namang nakareserve sa oras na ito ang shop para sa mga kaibigan ko. Walang gagawa ng—.” Natigilan siya. At ng bumalik…“Teka lang.”Ibinaba niya ang tawag.Ako dapat ang baba ng tawag niya dahil wala itong kwenta at iniisip lang naman nila sarili. Dinadamay pa ako sa mga kalokohan nila.Sabagay alam naman nila Auntie ang mga nangyayri na sa mga anak nila. Kaya di naman hundred percent sa akin ang blame nito.Matanda ako sa mga anak nila, ngunit hindi ibig sabihin kargo ko sila diba? May sarili rin akong buhay na kailangan kong pagtuonan ng pansin.
(Dahlia POV)Lumapit na lamang ako kay Grandma na di umiimik. Naiinis din siya sa nangyayari. Alam ko. Shop niya ito. Itinayo niya sa sariling sikap at pawis. Tapos mawawala lang ng ganito dahil sa kalokohan ng apo niya.Carlo naman kasi.“Dahlia, asaan ang Carlo na yan?! Hinuhudas niya ang tindahan ko. Dapat sa kanya ginigising na ang susundong si Kamatayan. Hindi yung ako ang pinag-iinitan. Nasaan ba siya?”“Grandma naman, chill lang. Tandan niyo wala pang kabaong si Carlo. Plus, kayo din ang aatakehin ng altapresyon kapag nagtagumpay ang inis niyo kay Carlo.”May kinukuha ako sa sling bag ko.Nang makuha ko ang keychain na ginawa ko sa isang bato na maganda lang pero wala naman atang halaga to. Sayang naman kung itatapon ko.Binuksan ko ang aparador kung nasaan ang mga panglinis. Kinuha ko na din ang walis tambo.“Karen.” hag
(Dahlia POV)Sa pagmulat ko, may hahampas sa akin. Nang biglang may kamay ng pumigil dito at kaagad na pinilipit upang mapahiyaw ang lalaki. Nabitiwan nito yung kawali.Kaya agad kong kinuha ang kawaling nahulog. At hinampas ko ito sa ulo ng lalaking muntik na akong saktan.“Yan ang makuha mo! Di mo ako pinakain, kaya wala kang karapatan para saktan ako.”Isa pang hampas.Ayan. Very satisfied.At ng lumingon ako sa tumulong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. At nalaglag ang kawaling hawak ko.Yung lalaking palaging pinag-kukrus ang landas namin.Hinila ako ni Karen, at yung lalaki muling inupakan ang mga basagulero. May mga kasamahan siya. Kaya naman agad nilang nasipa palabas.Parang nanunuod kami ng action film nila Jet Lee saka Jackie Chan.“Dahlia… Mga kakilala mo ba sila?”Iminulat ko ang aking mga mata. Parang nan
(Venal POV)Bumalik ako sa cafe dahil sa dahilan ng aming ipinunta dito.Ang makausap ang babae.Naabutan kong pinagsisilbihan nila ang mga tauhan namin na…Napatitig sa akin ang mga tauhan, halatang di nila alam ang gagawin. Tumango na lamang ako sa kanila.“Saan ka pumunta?”Masiglang bati sa akin ng babae. Parang nawala kaagad ang bakas ng pag-aalala sa mukha niya.Unang kita ko pa lang sa kanya, agad ko nang naramdaman ang masayahin niyang auwra.Dahlia Amelia ang pangalan nito na nangaling sa pangalan ng isang bulaklak.Bulaklak na merong katangiang magpaganda sa boung paligid.Generally, the significance of Dahlia flowers is positive. Perhaps the most common of all isfinding inner strength, which roots back to the plant’s ability to withstand harsh conditions.Some said, Dahlias areremainin
(Venal POV) Napa-iling na lamang ako. May aasahan ba akong pagbabagong mangyayari sa buhay ni Master Dryzen? Agad napapayuko sa kanya ang mga tauhan kapag dumarating siya. Walang sino man ang may malakas na loob para kunin ang pansin ni Master Dryzen. Alam ng lahat lalo na ng mga matagal nang naglilingkod sa kanya na isa lang ang mangyayari kapag di nagustuhan ni Master Dryzen ang ginawa nito. Kamatayan. Kaya walang nagtatangka. Pagdating namin sa opisina niya, agad nakahanda ang agahan nito. Lumapit lang siya sa mesa. Lumingon sa akin. Saka walang salitang lumabas sa bibig niya na pinataob ang mesa. Hindi nito nagustuhan ang hinandang agahan. Napayuko kaming lahat. “Who’s the newbie nutritionist?” Ang tanong na yun ay para sa akin. Hindi pa nga ako nagsasalita, may kinaladkad na papasok. Gumawa ito ng ingay na ikinangisi ni Master Dryzen. Paghar
(Dahlia POV) Walang oras para nga mag-usap-usap kaming tatlo. Naging abala ako sa pag-serve ng mga inu-order ng mga barkada ni Karen. Habang si Grandma, nanahimik ngunit alam ko malalagot si Karen. Tinititigan ko ng pagbabanta si Karen na natuklasan ni Lola ang kawalang-hiyaan niya. Wala namang magagawa ang kindat niyang ibinigay sa akin. Tanghali na ng magsi-alisan sila Karen sa Tea shop namin. Di ko pa nga nagawang maupo, yung mga loyal customer naming na-stranded sa labas kailangan asikasuhin. Kaliwa kanan yung order, at mag-isa kong ginagawa. Si Karen, di man lang muna ako tinulungan. Iniwan pa niya sa akin na ako daw ang bahala magpaliwanag kay Lola. Di naman ako baliw para saluhin siya. Kung parati sila ganito pati negosyo ni Lola baka maglaho. Grandma, wala ba kayong matinong apo? “Emperor Tea for take out order.” “Thank you, Miss.” Naku
(Dahlia POV) Sa sinabi ni Cedrick, ako naman ang ngumiti ng mapakla. “Kaya nga mga bugbug sarado yan bumalik sa inyo dahil di nila kami nagawang palayasin. Saka, kayo ang kamuntik ng pumatay kay Carlo at dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon. Kaya pala ang lakas mo Kai para makisali sa usapan namin ng nurse sa hospital. Kasi nga kayo ang gumawa noon kay Carlo.” Di bumuka ang bibig ni Kai. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Parang sa titig niya hinuhubaran ako nito. Gwapo naman, ngunit halatang manyak. “Bingo Miss Dahlia.” Si Cedrick. Sabagay itong si Cedrick secretarya niya kaya kahit hindi naman siya ang sinasabihan ko, trabaho niyang magsalita para sa kanyang pinagsisilbihan. “Akala namin magiging madali ang processo kapag nakuha namin ang lugar sa pamagitan ni Mr. Ofemia. Ngunit di namin aakalain na ang isang ampon ang magtatangol ng ari-arian nang hindi naman niya mga kadugo.”
(Venal POV)Nang makuha ko ang aking order, at alam ko magkikita ulit kami, di ko alam kung karapat-dapat bang madamay siya sa mundo ni Master Dryzen.Sayang lang din naman kasi ng pagkatao niya.Pagdating ko sa kompanya, nakakain na si Master Dryzen.“Inihanda ko na sa hapag dahil oras na para kumain siya.” Ani ni Lilith.“Para kanino yan?”“Sa kanya. Nagustuhan niya ito kaninang umaga. Baka lalong lumamig ang ulo.”“Si Master Dryzen umiinom niyan?” Hindi rin makapaniwala si Lilith. Kaya ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya. Pumasok na ako sa opisina ni Master Dryzen. Nadatnan ko siya mayroong kausap sa harapan ng monitor. Even he is in the top list of the wealthiest person in the world, he still not satisfies about his wealth. Or maybe, he was eager to find the precious stone.Agad kong nakuha ang pansin niya.