LOGIN"Ver, kumain ka na. Tunaw na 'yung omelette mo kakatitig mo sa pinto," puna ni Lando nang mapansin ko ang paninitig ko sa wala ng pigura ng dalawa. "Naririnig mo ba 'yung sinabi niya, Lando? Bakery... he's remembering," mahina kong sabi, bakas ang panginginig ng boses ko. "O baka naman nakita niya lang sa profile mo o may nagsabi sa kaniya? Ver, focus. We're here for the Swiss Tech Global conference. Hindi tayo narito para sa 'Trip Down Memory Lane' ng Raz na ’yun,” paalala niya habang hinihiwa ang steak niya. Sa sinabi niyang ito ay medyo natauhan ako. Tama siya. Ang pinunta nga namin dito ay para makapagpahinga pagkatapos ng trabaho, pero hindi naman ako nakapagpahinga. Kung tutuusin ay lagi akong lutang dahil kay Raz. "Ver, kain na,” huling paalala ni Lando nang muntik na naman lumipad ang utak ko. Buti na lang at puno ang schedule namin ngayon ni Lando. Mula sa pagbisita sa mga potential partners hanggang sa pagdalo sa mga seminars tungkol sa sustainable hospitality.
"Peace!" tatawa-tawang itinaas ni Lando ang dalawang kamay niya, pero kahit anong biro niya, kahit papaano'y bakas pa rin sa mga mata niya ang matinding pag-aalala para sa akin. "Tara na nga, baka maunahan pa tayo n’un sa Lucerne. Mahirap na, baka siya pa ang magbukas ng pinto ng hotel room mo." Inirapan ko siya at muntik nang tampalin sa balikat nang muli siyang humalakhak. Sumakay kami sa sasakyan at bumyahe na patungong Lucerne. Habang binabagtas namin ang highway ay hindi ko maiwasang mapaisip. Paano kung hindi lang siya nananadya? Na baka una pa lang ay wala na siyang amnesia? My god! Konti na lang at masisiraan na talaga ako ng bait! Pagdating sa Lucerne, sinalubong kami ng mas malamig na hangin at ang payapang lawa na pinaliligiran ng mga bundok. Pero parang wala lang sa akin ang magandang tanawin dahil alam ko na malaki ang posibilidad na makita na naman namin siya. At hindi nga ako nagkamali ng hinala. Pag-check-in na pag-check in namin ni Lando sa hotel, dumeretso
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala doon bago ko napagpasyahang bumalik sa suite. Pagpasok ko sa pinto, laking gulat ko nang makitang nakatayo si Lando sa gitna ng sala, nakahalukipkip habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin. "Saan ka galing?" makahulugan niyang tanong. "Lando... nagpahangin lang ako sa lobby," iwas-tingin kong sagot habang tinatanggal ang coat ko. "Nagpahangin o… nakipagkita kay Raz?" Humakbang siya palapit, ang kaniyang mga mata ay lalong naningkit habang may nanunuya ng ngisi. "Nakita ko kaya kayo sa CCTV feed ng hotel app. Oh, akala ko ba iiwasan mo siyang makita? Ganoon na pala ang pag-iwas, huh?" Sinimangutan ko siya nang makitang nagpipigil na siya tumawa. "Okay, fine! May itinanong lang siya, iyon lang." Bahagyang sumeryoso ang mukha niya pero kalaunan ay napalitan ng pag-aalala. "Baka unti-unti na siyang nakakaalala?" patanong niyang tugon. "Kung ganun, anong plano mo? Sasabihin mo ba ang totoo?" Napaupo ako sa
Gulat na napatitig sa akin si Lando. Hindi siya sanay na sinisigawan ko, lalo na kung nasa mataong lugar kami tulad nitong airport. Pero hindi ko napigilan. Hindi ko naman iyon intensyon. Ang akin lang ay gusto ko nang makalayo sa presensya ni Raz bago ako tuluyang masiraan ng bait. "Fine. Let's go. Boarding na rin naman," mahinahong sagot ni Lando, kahit bakas ang konting lungkot sa boses niya. Nag-sorry agad ako sa kaniya, pagkatapos n'un ay mabilis kaming naglakad patungo sa gate. Habang nasa loob ng eroplano, hindi ako mapakali. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pilit na ipinikit ang mga mata, pero ang panyong ipinakita kanina ni Raz ay paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko. Paanong nasa kaniya pa ’yun? Kung gusto talaga ng Mommy niya na hindi na kami magkita, bakit ’di pa niya ’yun tinapon noon kasama ’yung singsing na nasa akin at ang iba kong picture? "Inom ka muna," abot ni Lando sa akin ng tubig nang mapansin ang panginginig ng mga kamay ko. "Huwag mong isipin masyad
Naging mabilis ang paglipas ng araw. Monday na kaya ganoon din ang bilis ng pag-iimpake ko sa mga dadalhin kong gamit para sa pag-alis namin ni Lando. Nasulyapan ko sa bintana ng kuwarto ko na medyo makulimlim ang langit, tila nakikisama sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero habang nag-iimpake ako kanina ng gamit, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huling sinabi sa akin ni Raz. ‘Mourning for someone who's still standing right in front of you…’’ Bakit kaya niya ‘yun nasabi? Masyado na ba akong halata? O sadyang malakas lang talaga ang instinct niya kahit wala na siyang maalala? "Ready?" tanong ni Lando nang pumasok siya sa kwarto ko. "Nasa baba na ang driver. We need to be at Tivat Airport in forty-five minutes." Tumango ako at kinuha na ang coat ko. "Let's go. Ayaw ko nang magtagal pa rito." Sa biyahe patungong airport, nanatili akong tahimik. Pinapanood ko ang bawat bundok at dagat na nadadaanan namin, pilit na iniisip na sa paglapag namin sa Switzer
"Ayos ka lang ba talaga?" usisa ni Lando habang naglalakad kami patungo sa fine dining area ng resort. "Namumula 'yang ilong mo. Sinisipon ka ba?" "Wala 'to. Napuwing lang ako kanina sa deck," pagsisinungaling ko sabay mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Saan nga pala tayo kakain? Gutom na kasi talaga ako." "Dito na lang sa main restaurant. Para hindi na tayo lumayo," sagot niya. Pagpasok namin sa restaurant, tila mapaglaro ang tadhana. Sa gitna ng malapad na silid, sa isang table malapit sa bintana na may overlooking view ng Adriatic Sea, nakita ko agad sila. Si Raz at si Georgina. Nagtatawanan sila habang umiinom ng wine. Ang kamay ni Georgina ay casual na nakapatong sa ibabaw ng kamay ni Raz. Mukha silang masayahing couple, kung titingnan. "Doon na lang tayo sa kabilang dulo," seryosong sabi ni Lando. Nakita ata ang dalawa. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad na niya akong nahawakan sa siko para i-giya ako palayo, pero huli na. Nagtagpo ang mga mata namin ni Raz.







