LOGIN"Good morning, Ma'am, may lalaking customer pong nagagalit kung bakit daw po ang tagal ng order niyang pagkain," tugon ng isang maid sa kanya.
"Ba't na man natagalan? Ipinaliwanag daw ba ng maayos sa kanya ng head waiter at ng manager natin kung bakit natagalan?" si Micah. Sabay hilot sa kanyang sentido, kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang opisina. "Ayaw pong makinig Ma'am, e, nagwawala daw po, hinahanap daw po ang may-ari nitong hotel," saad nito. Napapailing na tumayo si Micah, kailangan na naman niyang harapin ang customer na mainitin ang ulo. Sumakay siya sa elevator, pinindot ang 5th floor. Nang makarating sa pinangyarihan ng lugar ay agad na nagbigay galang sa kanya ang mga tauhan ng motel at ang manager. GALIT na galit si Hugo. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang order niyang pagkain, isang oras din siyang naghintay. Inis na nagreklamo siya sa manager. Ipinaliwanag naman ng manager sa kanya kung bakit natagalan kaya lang, hindi siya kumbinsido. Kaya pinatawag niya ang may-ari ng hotel para doon siya magreklamo. Hindi naman nagtagal ay dumating nga ang may-ari ng motel. "Hello, sir, good morning!" magalang nitong bati sa kanya, nakatalikod siya dito. Dahan-dahan siyang humarap sa may-ari ng boses na iyon. Gulat si Hugo. Bakas sa anyo niya ang matinding pagkagulat nang makita ang babaeng gumugulo palagi sa kanyang isipan. Matagal bago siya nakasagot dito. "Y-you?" ang namutawi sa labi ng binata. Nagtataka namang napatitig sa kanya si Micah. Hindi akalain ni Micah na ang ganitong ka-gwapo na lalaki ay sobrang kitid ng utak. Ni ultimo ang maghintay sa order na pagkain ay hindi pa nito kayang hintayin. Ngunit nagtataka siya sa naging reaksiyon nito nang makita siya ng lalaki. Tumaas ang kilay niya sa narinig mula dito, as far as she knows hindi niya kilala ang naturang lalaki. "Do I know you, sir?" takang tanong niya sa kaharap. Una'y lihim na natuwa si Hugo nang makitang muli ang babae. Ngunit aaminin niyang nadismaya siya sa naging reaction nito nang makita siya. Is this for real? Hindi man lang siya namukhaan ng babaeng 'to? That's stupid! Wala pa yata siyang na-encounter na babae na katulad nang ugali ng babaeng ito. Hindi niya mapigilan ang pagkuyom ng kanyang kamao. "Is just that..... your face look familiar," pagsisinungaling ni Hugo sa babaeng kaharap. "By the way sir, I was here to apologize-" hindi pa man natapos ni Micah ang sasabihin ay pinutol na ito ni Hugo. "No, it's okay. Salamat na lang, maghihintay na lang ako," agap na sagot ni Hugo. Napansin niyang kumunot ang noo ng babae. Marahil ay nagtataka ito sa inasal niyang iyon. "Are you sure? My employees told me na nagwawala raw po kayo, so I'm here to make things right, as an owner I need to know kung ano'ng problema so that we can fix both sides issue," saad ni Micah sa kanya. "No need, salamat na lang," matipid na tugon ni Hugo. Nagtataka si Micah sa inasal na iyon ng lalaki. Weird. Since, okay na naman pala. Well, she needs to go back in her office. "It's our pleasure, sir, please enjoy!" ang huling tugon ni Micah sa binata. At tumalikod na dito para harapin ang kanyang trabaho. Nasundan nang tingin ni Hugo ang babae. How could she couldn't remember that night? Damn it! Bakit nga ba siya pa ang naiinis? Ibang babae nga lumuluhod sa harapan niya para lang matikman siya, heto pa kayang white lady na ito? Seriously? Inis na bumalik siya sa kaniyang kwarto. Nandito siya dahil may katatagpuin siyang kliyente. *** Napasandal si Micah sa kanyang swivel chair. Pilit inaalala ang mukha ng kaniyang katalik, habang hinihilot ang kanyang sentido. She think, she needs a break, since maganda na man ang takbo ng Montegracia Hotel pwede na siyang magbakasyon. Nag-iisip siya kung saan nga ba ang mas magandang magbakasyon? Boracay, Siargao, o Elnido? Then, she decided to take her vacation at Boracay. Tumayo siya at nagpasyang mag-shopping muna at bumili ng mga libro. Tinungo niya ang sariling kotse at mabilis na pinaharurot agad iyon ng takbo. MASAYA si Hugo nang ma-close niya ang deal ng kanyang kliyente. Tinungo niya ang sariling kotse. Nang mapaangat siya nang tingin, napansin niya ang babae kanina. The woman who bothered his system. Nagmamadaling pumasok siya sa loob ng kaniyang kotse at sinundan ang babae. Nagpasya si Micah na bisitahin ang kaniyang optometrist. She needs a glasses again. Balak niya ring mag-change ng glass frame. Nang makapasok siya sa loob ng EO ngumiti sa kanya ang kanyang opticians. "How are you Ms. Montenegro," masiglang bati nito sa kanya. Pumasok si Micah sa loob at naupo. "Not fine, I think, I just need to wear a glasses again," tugon niya dito. Ngumiti lang sa kanya ang opticians at inakay siya nito sa phoropter machine. Hindi na man nagtagal si Micah sa kanyang eye check-up. Paglabas niya mula sa EO ay nakasuot na siya ng glasses. Ang hindi niya alam, kanina pa siya sinusundan ni Hugo. Busy si Micah sa pagpili ng mga dresses. She loves to collect more lalo na't may bagong labas. Lima ang napili niya, binayaran niya agad iyon. Nang makuha ang paper bag, nagmamadali siyang tunguhin ang books store. Tatlong libro ang napili ni Micah. Nakayuko siya dahil kinuha niya ang kaniyang ATM sa kanyang purse. Hindi niya tuloy napansin ang isang bulto na nabangga niya. Nahulog ang mga libro mula sa mga kamay niya. Agad naman siyang tinulungan ng lalaki. Nang mag-angat ng tingin si Micah, medyo nagulat siya nang mapag-sino ang lalaki. Heto yung customer kanina sa hotel. Tumayo siya at pilit na ngumiti dito. Mula sa mga kamay ni Hugo ay iniabot niya ang mga libro sa dalaga. "Salamat. Ikaw iyong sa hotel kanina right?" tanong ni Micah. "Mabuti na man at natatandaan mo 'ko?" sarkastikong saad ni Hugo. Hindi niya lang mapigilang mainis sa babaeng kaharap niya. "Excuse me?" mataray na tugon ni Micah nang marinig ang kakaibang tono na iyon ng lalaki. "I want to talk to you in private, but before that, bayaran mo muna 'yang librong dala mo nang hindi ka mapagkakamalan na magnanakaw," utos ni Hugo sa dalaga. Tumaas ang kilay ni Micah at halos umusok ang ilong niya sa sinabi ng lalaki. "And who do you think you are na utusan ako?" sarkastikong saad ni Micah sa lalaki. Ang alam niya'y hindi niya ito kilala. "Gusto mong malaman? Then come with me, at ipapaalala ko sa'yo kung sino ako," pilyong bulong ni Hugo sa punong tenga ni Micah. Halos mapaigtad si Micah sa gulat sa ginawang iyon ng lalaki. "No way! I don't even know you. How can I trust someone like you?" mataray na sagot niya sa binata. "Really? How about the last night you have given me your......" binitin pa ni Hugo ang sasabihin. Nagpanting ang tenga ni Micah. Halos matulos siya sa kaniyang kinatatayuan. No way! "Maghubad ka!" inis na utos ni Micah sa binata. Kunot-noo namang napatitig sa kanya ang binata. Hindi makapaniwala. "What? In here? Are you crazy?" hindi makapaniwalang saad ni Hugo. Lihim siyang naaaliw sa hitsura ng dalaga. Lalo na't namumula ito 'pag galit. Ngayon lang naalala ni Micah na nasa public places nga pala sila. Iniwan niya ang libro, wala na siyang balak pang bilhin iyon. Wala na siya sa mood dahil sa walang modong lalaking kausap niya ngayon. Napasulyap siya sa mga babaeng customers, saleslady, pati yata matanda ay may gusto sa kaalit niyang binata. Aminado naman siyang kahit sinong babae'y maglalaway sa kagwapuhan nitong taglay. Takaw ang pansin nito dahil kamukha nito ang artistang si Ian Veneracion. Hinila niya ang binata sa hindi gaanong mataong lugar. At hinarap ito, pero ang totoo kinakabahan siya sa sinasabi nito. Pinakatitigan niya nang maigi ang mga mata nito. At saka lang tumino sa isip niya, pamilyar nga ang mga matang iyon. "If you don't mind, mas mabuti pa sa loob tayo ng kotse ko mag-usap," suhestiyon ni Hugo sa dalaga. "At paano na man ako makakasiguro na hindi ka masamang tao?!" mataray na saad ni Micah sa binata at pinag-krus ang dalawang braso. "I'm not, I promise, I would like to make things clear out, between you and me," si Hugo na pilit pinaintindi sa dalaga. "Teka...... are you stalking me?" kunot-noong tanong ng dalaga sa binata. "What if I say, yes? Do you believe me?" Pinukol lang ni Micah nang matalim na tingin ang binata. Mukhang totoo na man ang sinasabi nito. Humugot muna si Micah ng malalim na buntong-hininga bago sumang-ayon sa nais nito, na doon sila sa loob ng kotse nito mag-uusap. Pinagbuksan pa siya ng binata, pumasok agad siya sa loob ng kotse nito, kung sakali mang may gagawin itong masama, humanda ito sa karate skills niya, aba't tinuruan yata siya ng ama niya ng self-defense. Humarap sa kanya ang binata. Pinakatitigan siya nito. Samantalang si Micah naman ay naghihintay sa sasabihin nito, ang totoo niyan, kanina pa kinakabahan si Micah. Kung heto lang din man ang nakatalik niya no'ng nagdaang gabi'y hindi na rin siya lugi. Napakagwapo nito. "Bakit mo nga pala gusto na maghubad ako? Do you want to see my 6 packs abs?" pilyong tanong ni Hugo, siya ang unang bumasag sa katahimikan. "Dahil do'n ko lang malalaman na talagang ikaw 'yon? Baka kase isa ka rin sa mga stalker ko," pagtataray ni Micah. "Woah! Come on! Sa gwapo kong 'to, excuse me Ms., babae ang humahabol sa'kin, hindi ako ang humahabol sa babae," mayabang na tugon ni Hugo sabay kindat sa kanya. "Oh really? Tama na muna 'yang kayabangan mo, ang pag-usapan natin ngayon, kung ikaw ba talaga ang lalaking walangyang lumapastangan sa'kin ng gabing lasing ako," diretsang tugon ni Micah sa binata. Sumeryoso ang mukha ni Hugo. Umigting ang panga niya sa narinig mula dito. "How sure you are na nilapastangan nga kita?" inis na wika ni Hugo at hinampas ang manibela ng kanyang kotse. Siya pa nga 'tong naakit nito at gumamot no'ng nilagnat ito, siya pa ngayon ang lumalabas na masama. The heck this woman! Medyo nagulat si Micah sa ginawa nang lalaki. Inihanda niya ang kaniyang self-defense. Baka kung ano pang gawin nito sa kanya. Muling humarap sa kanya ang binata. Nakikita niya ang galit sa mga mata nito. "Kung wala naman pala tayong matinong pag-uusapan at iringan lang din man ang mangyayari sa'tin, then I guess I need to go, I have a lot of things to do," saad ni Micah sa binata. Lihim namang napamura si Hugo sa sinabing iyon ng dalaga. Sumagi sa isip ni Hugo na baliw ang babaeng 'to. Imagine, balewala lang dito ang pagkawala ng pinakaiingatan nitong dangal? Kung ibang babae 'yon, iiyak na at maghahabol sa lalaki. Mukhang sa sitwasyon nila ngayon, mukhang siya pa yata ang lumalabas na babae sa kanilang dalawa. Bakit nga ba pinag-ukulan niya ng oras ang baliw na babaeng 'to! Damn! Ang daming babaeng naghahabol at nagmamakaawa sa kanya. At ba't siya nagtitiis sa babaeng 'to? Kung tutuusin hindi siya ang nawalan kundi ito. "Get out!" may diin niyang utos sa dalaga. "Don't you dare shout at me! Sino bang nagyaya sa'kin dito 'di ba ikaw? Ang tindi rin ng trip mo brad! Bwesit!!" inis na singhal ng dalaga sa kanya, marahas na ibinalya ng dalaga ang pintuan ng kaniyang kotse nang makalabas ito doon. Nagngingitngit sa inis si Micah sa lalaki kanina, pagkapasok niya sa sariling kotse doon siya nagsisigaw sa inis. Ang kapal ng mukha akala niya kung sinong gwapo at ubod ng yabang. Hah! Aba't hinding-hindi uubra iyon sa kanya. No way! Pero agad din siyang napaisip. Kung 'yon nga ang lalaking nakatalik niya, e, 'di wala na siyang problema. May lead na siya. Ngunit biglang nilukob nang kalungkutan si Micah. Pangarap niyang makasal muna bago ibigay ang pinakaingatan niyang dangal. Pero bakit heto ang nangyari sa kanya? Pinaparusahan ba siya? Wala naman siyang naalalang naagrabyado niya.Sa Montenegro Coast idinaos ang kasal nina Hugo at Micah. Beach wedding. Napuno ng press at media ang kasalang iyon. Inilathala pa iyon sa mga magazines, newspapers at sa mga sikat na tabloids. Pati na rin sa news break ng mga telebisyon. As usual, piling bisita lang ang mga nandoon sa kasalan.Napangiti sina Hugo at Micah nang sabihin ng Judge na, 'you may kiss the bride,' napasulyap sila sa judge at mabilis ang kilos ni Hugo. Tangan na nito ang malalambot na labi ng asawa. Nagtagal yata ang halikan ng fifteen minutes. Kung hindi pumalahaw nang iyak si Meriam hindi na siguro matatapos ang halikan nilang iyon. Walang choice si Micah kundi ang lapitan ang anak. Paniguradong basa ang diaper nito.Mula kay Lily kinuha niya si Meriam, hindi pa rin kase ito tumitigil sa pag-iyak. Nang tingnan niya ang diaper nito, hindi nga siya nagkakamali. Ibinigay niya ito kay Hugo saka siya kumindat sa asawa. No choice si Hugo kundi palitan ng diaper si Meriam. Nagtawanan ang mga bisita. "Papa!" Halos
Wala si Hugo sa tabi niya nang magising si Micah. Kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib. Napabalikwas siya nang bangon. Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Oo nga pala, pinagod siya ng husto ng asawa.Dahan-dahan siyang tumayo. Damn it! Nanginginig ang binti niya. Napaupo siya uli sa malambot na kama. Nasaan na nga ba si Hugo? Sumigaw siya, nagbabakasakaling marinig siya ni Lily which is impossible, dahil soundproof ang kwarto nila. Hindi siya makatayo ng maayos. Halatang nanlalanta ang kanyang katawan sa sobrang pagod. Hindi niya mapigilang mapangiti at magbalik-tanaw sa pangyayari kagabi. That was so amazing! Hindi niya akalaing gagawin ni Hugo sa kanya ang pangbibitin na iyon.Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa doon si Lily. May dala itong tray na may lamang pagkain. Lihim siyang nanghinayang, akala niya si Hugo. "Morning, inutusan nga pala ako ni sir Hugo na dalhan ka rito ng pagkain, nasa garden sila nina Moises at Meriam," nakangiting t
Matuling lumipas ang mga araw naging abala si Micah kasama si Lily sa pag-aalaga ng kanyang kambal na sina Moises at Meriam. Mahirap palang mag-alaga ng kambal naisip niya. Ang anak niyang si Meriam ay kunting basa lang ng diaper nito ay papalahaw na nang iyak. Napangiti siya sa kaartehan ng kanyang prinsesa. Saka ito kinumuyos ng halik. Tumigil ito sa pag-iyak at pagdakay ngumisi. Biglang naglaho ang pagod ni Micah. Si Moises naman ay abala sa paglalaro na kasalukuyang nasa crib nito. Tahimik lang ito. Umiiyak lang ito kung gusto nang dumede. Si Lily ang nag-aalaga sa kanyang kambal 'pag busy siya sa pagpapalakad sa boutique. Lihim siyang nagpasalamat dahil maganda ang takbo ng kanilang negosyo dito sa Paris. Through on-line lang ang ginagawa ni Micah sa pagpapalakad ng boutique. Binabasa niya ang mga isini-send na mga emails galing sa mga managers patungkol sa mga sales at ipini-forward niya kay Mateo. "Micah, ma-may bisita ka," medyo nauutal na tugon ni Lily sa kanya. Kumunot a
Lumipas ang ilang araw, naging masaya ang pamilya Montenegro. Lalo na ang mag-asawang Montenegro na sina Marco at Thalia. Sa wakas nakita na rin nila ang nawawalang anak. Ipinaliwanag lahat ni Micah ang mga bagay na hindi makakasama sa ina, kumbaga iyong mga tagpo na positive. Matanda na rin ang kaniyang ina't ama.Napayakap sa kanya ang halos mga binata na niyang mga pamangkin na sina Lucas, Mateo, Israel, Isaac, David at ang sutil at cute niyang pamangkin na si Rebecca na siyang nag-mana sa ganda ng ina nitong si Levi. May nangyaring family dinner sa mansion ng Montenegro. Napuno ng galak, halakhakan, asaran, kwentuhan at kulitan ang hapag-kainan. Hindi naman nagtagal sina Mike at Levi kasama ng mga bata sa bahay nina Mr. and Mrs. Montenegro at naisipan na rin nilang umuwi. Kinabukasan nagpaalam si Micah sa mga magulang na mananatili muna siya sa Montenegro Coast. Sakay ng chopper ay kumaway siya sa mga ito. She need some space. Gusto niya munang mapag-isa ulit. Paano nga ba niya
Abut-abot ang kaba ng dalawang magkaibigan. Humigpit ang hawak ni Micah sa kamay ni Lily na tila ba doon siya kumukuha ng lakas. Napasulyap si Lily sa kanya at saka ngumiti na tila ba sinasabi ng ngiti nito na tatagan niya ang kalooban. "Kaya mo 'to, ngayon ka pa ba maduduwag? Nandito lang ako sa likod mo Micah, kung anuman ang magiging kahinanatnan nito, sabi mo nga hindi ba, ilagak natin ang lahat ng problema sa Dios?" napangiti si Lily at saka niyakap ng buong higpit ang kaibigan."Salamat sa paalala Lily, samahan nawa tayo ng Dios. Hangad ko lang na man na mabuo ang pamilya ko, makasama ang lalaking mahal ko, umaasa akong mapatawad niya rin ako. Tulad nang pagpapatawad na nakita ko kina Kuya Mike at Ate Levi," muli'y hindi napigilan ni Micah ang mga luhang kusang tumulo sa kanyang mga mata.Makalipas ang ilang oras ay nakarating sila sa lugar na pag-landingan ng chopper. Bumaba agad sila at saka naglakad sa may unahan para pumara ng taxi. Ilang minuto rin ang itinagal nila bago s
Nakabalot ang mukha ni Micah habang nakahiga sa kanyang malambot na kama, isinagawa ang operation sa Isla Montenegro. Bumalikwas siya ng bangon, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Oo nga pala, ibinalik na ang dati niyang mukha."Ang sabi ng surgeon mo, babalik sila mamaya para tanggalin iyang nakabalot sa mukha mo. Micah, masaya ako para sa'yo," saad ni Aling Paz at saka hinawakan ang kanyang isang kamay. Humigpit ang yakap ni Micah sa matanda at saka siya dahan-dahang yumakap dito. Sa kabila nang lahat ng nangyari sa kanyang buhay, unti-unti nang naibabalik sa kanya ang lahat. Handa na siyang humarap kay Hugo at sabihin dito ang katotohanan. Handa na nga ba siya? O ang isip lang niya ang nagsasabing handa na siya? "Ma'am, handa na po ang breakfast ninyo," ani ng isang kawaksi at saka yumuko para magbigay galang sa kanya. Tumango lang si Micah at saka dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nilapitan si Aling Paz para akayin ito. "PASENSIYA na po kayo sir, pero mataga







