Share

Kabanata 6

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-11-11 05:58:01

Ang malakas na sigaw ni Micah ang dumagundong sa loob ng isang private hospital na pagmamay-ari ng mga Montenegro. Pinagpapawisan siya ng malapot. Hindi niya akalaing masakit pala ang manganak. Kompleto ang mga midwife, doktor, at nurse. Handa na ang lahat. Ang kapatid nitong si Mike Montenegro ang nag-utos kay Hugo na dapat tatlong midwife, doktor, ang mag-assist sa panganganak ng kaniyang kapatid. Doon nakita ni Hugo kung paano magpaghalaga ang isang Montenegro sa isang kapamilya.

"Push!" utos ng doktor sa dalaga.

Napasigaw sa sakit si Micah. Nasa ulunan niya si Hugo. Nakahawak sa dalawa niyang kamay. Si Hugo man ay nag-aalala sa dalaga. Kakayanin kaya nito? Pinunasan niya ang noo ng dalaga. Naliligo na kase ito ng pawis. Hindi niya napigilan ang sarili at hinalikan niya ang noo nito na hindi naman napansin ni Micah dahil sa sakit na tila mapupugto na yata ang kaniyang hininga.

Napahigpit ang hawak niya sa mga kamay ni Hugo. Sabay sigaw nang malakas na malakas. At saka niya narinig ang iyak ng kaniyang iniluwal na sanggol. Nagdilim ang paligid ni Micah.

Halos magpanic ang mga doktor at nurse nang himatayin ang dalaga. Mabilis ang kilos ng isang doktor at nag-check sa heartbeat ng dalaga. Mabuti na lang at normal lang ang tibok ng puso nito. Meaning, hinimatay lang ito, dala nang pagod.

Lihim namang nagpasalamat sa Dios si Hugo. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa ina ng anak niya. Ayaw niyang lumaki itong walang kinikilalang ina.

Nang malinis ng tatlong midwife ang isang gwapo at malusog na sanggol. Agad na inilagay ng isang midwife ang bata sa dibdib ng ina.

"As quickly as possible, a new born baby is placed in her mom's arms," mahinang sabi ng isang midwife na nakangiting nakatunghay sa napaka-cute at sobrang gwapong sanggol. Pinanggigilan iyon ng mga nurses.

Labis na labis na katuwaan naman ang namayani sa puso ni Hugo. Walang mapagsidlan ang kasiyahang nadarama nang makita niya ang kaniyang anak. Niyakap niya ang kaniyang mag-ina. Tulog si Micah dahil sa pagod. Hinawakan niya ang munting kamay na iyon ng sanggol. Nang magdikit ang kanilang mga kamay. May naramdaman siyang kakaibang kasiyahan na tanging siya lamang at ang kaniyang anak ang nakakaalam.

Nagising si Micah. Ramdam niya ang sakit sa buo niyang katawan. Inilibot niya ang tingin sa loob ng ospital. At nakita niya ang kaniyang mag-ama. Nakangiti si Hugo habang karga nito ang sanggol sa mga bisig. Nakita ni Micah kung paano hinawakan ng munting anghel ang mga kamay ng ama nito. Hindi nito iyon binibitawan. Nakita niya kung gaano kasaya ang anyo ni Hugo. Maipagkakait ba niya sa ama ang anak nito? Malamang ang sagot ay hindi. Sino ba siya para ipagkait sa anak ang pagmamahal ng isang ama?

"Del Fuego, ako naman," tawag niya dito. Napasulyap sa kanya ang binata at nagmamadaling lumapit ito sa kanya.

"Lalaki ang anak natin, at nag-mana siya sa gwapo niyang ama," nakangiting tugon ni Hugo na may buong pagmamalaki. Napairap si Micah at saka maingat na kinuha mula dito ang kaniyang anghel.

"Ano'ng pangalan niya?" si Micah habang ang atensiyon ay nasa sanggol. Hinalikan niya ito at niyakap, masayang-masaya siya nang mayakap ito.

"How about Zaile Del Fuego," suhestiyon ni Hugo sa dalaga, napaisip si Micah, pagdakay napatango.

"Nice name, and I love it," walang reklamong saad ni Micah. Muli niyang h******n ang anak.

Bumukas ang pintuan ng private room ni Micah at iniluwa doon si Levi at Mike Montenegro. Napansin agad niya ang maawtoridad na presensiya ng kapatid na si Micah. Napasulyap siya kay Ate Levi niya, napakaganda pa rin talaga nito. Hindi mo aakalaing may limang anak na ito dahil nananatili pa rin ang kagandahan ng mukha at alindog ng katawan. Seryoso ang mukha nito, kahit saang anggulo tingnan, lumulutang pa rin ang katarayan ng mukha nito.

Hindi inaasaha ni Hugo ang pagdating ng mag-asawang Montenegro. Medyo naalarma siya sa presensiya ng mga ito. Lalo na ang mataray na mukha ng asawa ni Mike Montenegro. Maganda ito at napaka-elegante. She has an aura of an sophisticated woman, a respectable woman. Lumapit ito kay Micah at tumaas ang kilay nito, maingat na kinuha nito mula kay Micah ang sanggol. Ibinigay naman agad ito niyon ng dalaga. Nang ngumiti ang asawa ni Mike Montenegro, nakita niya kung bakit patay na patay dito ang isang Montenegro, she has an killer smile na humahalina sa mga lalaki. Ipinilig na lamang ni Hugo ang kaniyang ulo. That's absurd. Kwentuhan, asaran ang dalawang babae. Nakita niya kung gaano ka-close sina Levi at Micah. Halatang mahal na mahal ni Mrs. Montenegro ang ina ng kaniyang anak.

"Like what I've told you, Del Fuego, fix the mess you messing up!" maawtoridad na tugon ni Mike sa kanya.

"I am, Mr. Montenegro," agad na sagot niya dito.

Hindi naman nagtagal ang mag-asawang Montenegro at umalis na rin ang mga ito. Saka lang kapwa nagpakawala ng marahas na buntong-hininga sina Micah at Hugo.

Nagkatitigan silang dalawa. Si Micah ang unang nagbawi ng tingin. Lumapit sa kaniya si Hugo at umupo sa katabing upuan ng kaniyang kama.

"Narinig ko ang sinabi na iyon ni Kuya, what does it mean? May dapat ba akong malaman?" diretsang tanong ni Micah sa binata.

"Tungkol lang iyon sa kasal natin. Don't worry, may tinawagan na ako to prepare for our upcoming wedding, sila na ang bahala sa lahat. Ikaw, any suggestions?" si Hugo.

"Nothing, wala na akong suhestiyon, alam naman nating dalawa na kaya natin ito ginagawa dahil kapwa natin gustong mabigyan ng kompletong pamilya ang anak natin," diretsang saad ni Micah sa binata.

"Mas mabuti na iyong maliwanag. Saka na tayo gagawa ng kasunduan pagkatapos nang kasal." maagap na tugon ni Hugo.

At nangyari nga ang kasalang Micah at Hugo. Mismong sa Isla Del Fuego idinaos ang kasal ng dalawa. Beach wedding ang nangyari. Hindi na alam ni Micah kung paano ipinaliwanag ng kaniyang kapatid na si Mike Montenegro sa mga magulang ng gano'n kadali nang hindi na nagtatanong pa ang kaniyang mga mahal na magulang. Napaluha pa siya ng makita ang ina sa mismong wheelchair nito. Nasa likod ang matandang Montenegro. Ang kaniyang Papa. Nandoon din si Ate Levi niya at Kuya Mike. Unang bumati ang mga ito sa kanila. Pero hindi pa rin niya maiwasang mapatingin sa kakaibang tingin na ipinukol nina Ate Levi niya at Mike sa kaniyang mapapangasawa. Alam niyang alam ng mga ito ang tunay na estado nila ni Hugo.

"Congratulations hija, hindi namin akalaing may apo na pala kami sa iyo, you make us happy hija," masiglang tugon ng kaniyang ama. Humalik ito sa kaniyang noo at napayakap sa kaniya ng buong higpit.

"Papa, pasensiya na kung madalian, ayaw ko lang po kayong mabigla ni Mama. Pero hindi ko akalaing napasaya ko po kayo," luha-luhang tugon ni Micah sa ama.

"Where's my apo, hija?" excited na tanong ng kaniyang ina. Napangiti si Micah at sumenyas sa yaya ng kaniyang anak, nagpaalam muna ito sa mga magulang ni Hugo at nagmamadali itong lumapit sa kinaroroonan nila. Nag-thumbs up ang mag-asawang Del Fuego. Pero pansin ni Micah na iba ang tingin na ipinukol ni Hercules sa kanya, nakita niya ang pagdududa sa mga tinging iyon. Pero pilit niyang inignora iyon.

Nakita ni Micah kung gaano napasaya ng kaniyang anak ang kaniyang mahal na ina. Nagulat siya nang maramdaman ang mga brasong pumulupot sa kaniyang maliit na bewang. Napaangat ang tingin niya kay Hugo.

Dumukwang ito, pasimple lang. "I want your cooperation for this show, for the sake of our son," bulong nito sa kaniyang punong tenga, pinigilan ni Micah na mapasinghap sa tinurang iyon ng binata.

"Fine," simpleng sagot niya at kunwa'y ngumiting humarap sa binata. Ang hindi niya inaasahan ay ang walang sabing sinakop nito ang kaniyang malalambot na nga labi. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang bewang, tanda na kailangan niyang tumugon sa halik nito. Napapikit si Micah at ninamnam ang halik na tila nagdala sa kaniya sa alapaap. The kiss was gentle, with respect. Pero ang totoo, kanina pa nagpipigil si Hugo. Damn! Nagwawala na naman ang alaga niya. Hindi nila namalayan na almost one hour na pala silang naghahalikan. Tawanan at palakpakan ang siyang umagaw sa kanilang pansin.

Nahihiyang napabitaw si Micah sa batok ng binata. Habol niya ang sariling hininga. At ngumiti sa mga bisitang sumaksi sa halikan nilang iyon. Kailangan nilang umaktong great couple sila, sa mata ng mga tao. At lalo na sa mata ng kaniyang mga magulang.

Ilang oras din natapos ang pagdadaos. Gustuhin man ni Micah na sumama sa mga magulang pauwi but she can't. Niyakap muna siya ng kaniyang mama at papa sabay halik sa kaniyang pisngi, nasundan na lamang niya ang mga ito ng tingin nang makasakay na sa chopper. Gayundin sina Mike at Levi.

Sila na lamang dalawa ang natira. Nagulat siya nang buhatin siya ni Hugo. Napasigaw siya sa gulat. "And what do you think you're doing Mr. Del Fuego?" matigas niyang tanong dito.

"Carrying my wife, is there's something wrong about that?" seryosong sagot ni Hugo sa dalaga.

Ngunit nagulat si Micah nang ibang kwarto ang pinagdalhan nito sa kaniya, bago pa siya makapag-react. Hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon ni Hugo. He claim her lips. Nagpupumiglas si Micah. Pero mas malakas si Hugo sa kaniya. Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng kwarto ini-lock agad iyon ni Hugo habang magkadikit pa rin ang kanilang mga labi.

Halos mapugto ang hininga ni Micah nang hindi siya tinigilan ni Hugo. Malakas ito. Damn it! Wala sa usapan nila ito! Ang alam lang niya magsasama sila alang-alang para sa anak nila. Pinagana niya ang utak, inihinto niya ang pagpupumiglas niya.

Tinugon niya ang halik ni Hugo. Nang maramdaman niya ang malambot na kama sa kaniyang likod. Saka siya nag-ipon nang lakas. Kailangan niyang pigilan ang lalakeng 'to! What the heck! Tinuhod niya ang may gitna ni Hugo. At namilipit ito sa sakit.

"What the f-ck!" malutong na mura nito. Namilipit ito sa sakit habang hawak ang gitnang banda nito.

Biglang nakaramdam nang labis na pag-aalala si Micah. Ano'ng ginawa niya? Pero wala iyon sa usapan nila. Napaatras siya sa malambot na kama. Nakatingin sa namimilipit na binata.

"Damn it!" mura uli ni Hugo.

"I'm sorry, ikaw ang nagtulak sa'kin na gawin iyon, wala sa usapan natin na after our wedding pwede mo na akong maangking muli," mabilis na sagot niya sa binata.

Nang makaraan ang ilang minuto, nakahuma na rin si Hugo sa sakit. Napahiga siya sa kama. Mukha yatang natamaan ang alaga niya. Hindi niya akalaing magaling pala sa taekwondo ang asawa niya. Kung hindi siya ginamitan nito nang taekwondo skills nito, malamang hindi siya matatauhan.

"I'll apologize, nadala lang ako sa init ng katawan," pagdakay saad niya sa dalaga.

Tumayo si Micah mula sa malambot na kama. Tinungo niya ang mirror wardrobe at kumuha doon ng t-shirt. Wala siyang choice kundi isuot iyon. Paglabas niya ng banyo. Wala na si Hugo. Nagpasya na lamang siyang magpahinga na at matulog. She was felt so much tired and exhausted. Pero hindi siya dinalaw nang antok. Naalala niya ang halikang nangyari kanina. She could say, that was so sweet and breathtaking. Napahawak si Micah sa kaniyang labi. Pero agad din niyang sinita ang sarili. Hindi pwede na madala siya sa halik lang. Hindi ang tulad ni Hugo ang bibihag sa kaniyang puso. Hindi niya tipo ang isang mayabang at sobrang aroganteng tulad nito.

Samantalang si Hugo ay nasa kwarto ng kaniyang anak. Mahimbing itong natutulog. Nakatitig lang siya sa cute na Del Fuego. Napalingon siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni baby Zaile. At iniluwa doon ang ina ng kaniyang anak. Suot na nito ang kaniyang t-shirt na hanggang hita nito. Lihim na namang napamura si Hugo. Napaka-sexy pa rin nitong tingnan. What the f-ck! Kailangan niyang pigilan ang sarili, kung hindi baka ma-taekwondo siya ulit nito.

Gulat man, pero agad ding nakabawi si Micah sa pagkagulat ng makita ang binata sa kwarto ng anak. Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob at nilapitan ang anak. Her baby was peacefully sleeping, nang bigla itong ngumiti. Kapwa napalingon sa isa't isa sina Hugo at Micah.

"Sa tingin mo, ano kayang dahilan nang pagngiti niya?" curious na tanong ni Hugo kay Micah.

"Malamang, baka napaniginipan niya na mukhang tsonggo ang kaniyang ama," hindi napigilan ni Micah ang mapangiti. Nagulat si Hugo nang makita ang ngiting iyon ni Micah. First time niyang makita itong mapangiti. Tila bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Ah gano'n?" si Hugo na ngayo'y nakangiti na rin.

"Aba! Malay ko, nagtanong ka, kaya sinagot kita," hindi na nakayanan ng dalaga at napatawa na siya.

"Ang gwapo naman ng tsonggo mo," tumaas ang sulok ng labi ni Hugo nang sabihin iyon.

"Weh? Saang banda?" biro ni Micah.

"Gusto mong malaman kung saang banda?" lumapit si Hugo sa dalagang nakangiti, pilit pinipigilang makalikha ng malakas na ingay. Napaatras si Micah. Sige pa rin ang pinipigilang tawa.

"Hugo wait, I'm just kidding," si Micah, nang tuluyan nang makalapit sa kanya ang binata. Hinarang ni Micah ang kaniyang dalawang palad at napahawak iyon sa matipuno at malapad na dibdib ni Hugo. Dama ni Micah ang matigas nitong dibdidb, parang gusto niyang hubarin ang suot nitong t-shirt at hawakan ang mala-adonis nitong katawan. Nakaramdam siya nang biglang init, nang hawakan ni Hugo ang kaniyang magkabilang braso para alisin ang kaniyang mga kamay.

Biglang tumahimik ang paligid. Nagkatitigan sila. Matagal. At namalayan na lamang ni Micah na napasandal na pala siya sa may dingding. Nakakulong siya ngayon sa magkabilang braso ni Hugo na ngayo'y nakatukod sa dingding. His deep dark eyes were so intimidating. She was hipnotize by those eyes. Saying something unreadable. Napaawang ang mga labi ni Micah nang mas lalong lumapit ang napakagwapong mukha ng binata. Amoy ni Micah ang pinaghalong mint at alak sa mabangong hininga ng asawa. Naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa kaniyang buong katawan.

Akmang susunggaban na sana ni Hugo ang mga labing pinagpantasyahan niya, nang biglang marinig nila kapwa pareho ang malakas na iyak ni baby Zaile. Mabilis na naitulak siya ni Micah at nagmamadali itong lumapit sa umiiyak na sanggol.

Iba rin ang timing nang anak niya. Binitin pa talaga siya. Pagkakataon na sana niyang maangking muli ang ina nito. Ang babaeng bukod tanging gumugulo sa kaniyang isipan. And he was confirmed it by his own self, this is the woman, the girl who stole my heart. Ani ni Hugo sa kaniyang isipan. Isang babaeng matapang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
in love na ang dalawa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ningas NG Atraksyon   Special Ending

    Sa Montenegro Coast idinaos ang kasal nina Hugo at Micah. Beach wedding. Napuno ng press at media ang kasalang iyon. Inilathala pa iyon sa mga magazines, newspapers at sa mga sikat na tabloids. Pati na rin sa news break ng mga telebisyon. As usual, piling bisita lang ang mga nandoon sa kasalan.Napangiti sina Hugo at Micah nang sabihin ng Judge na, 'you may kiss the bride,' napasulyap sila sa judge at mabilis ang kilos ni Hugo. Tangan na nito ang malalambot na labi ng asawa. Nagtagal yata ang halikan ng fifteen minutes. Kung hindi pumalahaw nang iyak si Meriam hindi na siguro matatapos ang halikan nilang iyon. Walang choice si Micah kundi ang lapitan ang anak. Paniguradong basa ang diaper nito.Mula kay Lily kinuha niya si Meriam, hindi pa rin kase ito tumitigil sa pag-iyak. Nang tingnan niya ang diaper nito, hindi nga siya nagkakamali. Ibinigay niya ito kay Hugo saka siya kumindat sa asawa. No choice si Hugo kundi palitan ng diaper si Meriam. Nagtawanan ang mga bisita. "Papa!" Halos

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 29

    Wala si Hugo sa tabi niya nang magising si Micah. Kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib. Napabalikwas siya nang bangon. Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Oo nga pala, pinagod siya ng husto ng asawa.Dahan-dahan siyang tumayo. Damn it! Nanginginig ang binti niya. Napaupo siya uli sa malambot na kama. Nasaan na nga ba si Hugo? Sumigaw siya, nagbabakasakaling marinig siya ni Lily which is impossible, dahil soundproof ang kwarto nila. Hindi siya makatayo ng maayos. Halatang nanlalanta ang kanyang katawan sa sobrang pagod. Hindi niya mapigilang mapangiti at magbalik-tanaw sa pangyayari kagabi. That was so amazing! Hindi niya akalaing gagawin ni Hugo sa kanya ang pangbibitin na iyon.Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa doon si Lily. May dala itong tray na may lamang pagkain. Lihim siyang nanghinayang, akala niya si Hugo. "Morning, inutusan nga pala ako ni sir Hugo na dalhan ka rito ng pagkain, nasa garden sila nina Moises at Meriam," nakangiting t

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 28

    Matuling lumipas ang mga araw naging abala si Micah kasama si Lily sa pag-aalaga ng kanyang kambal na sina Moises at Meriam. Mahirap palang mag-alaga ng kambal naisip niya. Ang anak niyang si Meriam ay kunting basa lang ng diaper nito ay papalahaw na nang iyak. Napangiti siya sa kaartehan ng kanyang prinsesa. Saka ito kinumuyos ng halik. Tumigil ito sa pag-iyak at pagdakay ngumisi. Biglang naglaho ang pagod ni Micah. Si Moises naman ay abala sa paglalaro na kasalukuyang nasa crib nito. Tahimik lang ito. Umiiyak lang ito kung gusto nang dumede. Si Lily ang nag-aalaga sa kanyang kambal 'pag busy siya sa pagpapalakad sa boutique. Lihim siyang nagpasalamat dahil maganda ang takbo ng kanilang negosyo dito sa Paris. Through on-line lang ang ginagawa ni Micah sa pagpapalakad ng boutique. Binabasa niya ang mga isini-send na mga emails galing sa mga managers patungkol sa mga sales at ipini-forward niya kay Mateo. "Micah, ma-may bisita ka," medyo nauutal na tugon ni Lily sa kanya. Kumunot a

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 27

    Lumipas ang ilang araw, naging masaya ang pamilya Montenegro. Lalo na ang mag-asawang Montenegro na sina Marco at Thalia. Sa wakas nakita na rin nila ang nawawalang anak. Ipinaliwanag lahat ni Micah ang mga bagay na hindi makakasama sa ina, kumbaga iyong mga tagpo na positive. Matanda na rin ang kaniyang ina't ama.Napayakap sa kanya ang halos mga binata na niyang mga pamangkin na sina Lucas, Mateo, Israel, Isaac, David at ang sutil at cute niyang pamangkin na si Rebecca na siyang nag-mana sa ganda ng ina nitong si Levi. May nangyaring family dinner sa mansion ng Montenegro. Napuno ng galak, halakhakan, asaran, kwentuhan at kulitan ang hapag-kainan. Hindi naman nagtagal sina Mike at Levi kasama ng mga bata sa bahay nina Mr. and Mrs. Montenegro at naisipan na rin nilang umuwi. Kinabukasan nagpaalam si Micah sa mga magulang na mananatili muna siya sa Montenegro Coast. Sakay ng chopper ay kumaway siya sa mga ito. She need some space. Gusto niya munang mapag-isa ulit. Paano nga ba niya

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 26

    Abut-abot ang kaba ng dalawang magkaibigan. Humigpit ang hawak ni Micah sa kamay ni Lily na tila ba doon siya kumukuha ng lakas. Napasulyap si Lily sa kanya at saka ngumiti na tila ba sinasabi ng ngiti nito na tatagan niya ang kalooban. "Kaya mo 'to, ngayon ka pa ba maduduwag? Nandito lang ako sa likod mo Micah, kung anuman ang magiging kahinanatnan nito, sabi mo nga hindi ba, ilagak natin ang lahat ng problema sa Dios?" napangiti si Lily at saka niyakap ng buong higpit ang kaibigan."Salamat sa paalala Lily, samahan nawa tayo ng Dios. Hangad ko lang na man na mabuo ang pamilya ko, makasama ang lalaking mahal ko, umaasa akong mapatawad niya rin ako. Tulad nang pagpapatawad na nakita ko kina Kuya Mike at Ate Levi," muli'y hindi napigilan ni Micah ang mga luhang kusang tumulo sa kanyang mga mata.Makalipas ang ilang oras ay nakarating sila sa lugar na pag-landingan ng chopper. Bumaba agad sila at saka naglakad sa may unahan para pumara ng taxi. Ilang minuto rin ang itinagal nila bago s

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 25

    Nakabalot ang mukha ni Micah habang nakahiga sa kanyang malambot na kama, isinagawa ang operation sa Isla Montenegro. Bumalikwas siya ng bangon, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Oo nga pala, ibinalik na ang dati niyang mukha."Ang sabi ng surgeon mo, babalik sila mamaya para tanggalin iyang nakabalot sa mukha mo. Micah, masaya ako para sa'yo," saad ni Aling Paz at saka hinawakan ang kanyang isang kamay. Humigpit ang yakap ni Micah sa matanda at saka siya dahan-dahang yumakap dito. Sa kabila nang lahat ng nangyari sa kanyang buhay, unti-unti nang naibabalik sa kanya ang lahat. Handa na siyang humarap kay Hugo at sabihin dito ang katotohanan. Handa na nga ba siya? O ang isip lang niya ang nagsasabing handa na siya? "Ma'am, handa na po ang breakfast ninyo," ani ng isang kawaksi at saka yumuko para magbigay galang sa kanya. Tumango lang si Micah at saka dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nilapitan si Aling Paz para akayin ito. "PASENSIYA na po kayo sir, pero mataga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status