Share

Kabanata 5

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-10-28 15:27:44

Nasa may balcony si Micah nakatanaw sa malawak na dagat. Ano na kayang mangyayari sa kanya ngayon? Kailangan niyang makatakas sa islang 'to. Napasandal siya sa couch na kinauupuan. Kumuha siya ng isang mansanas. At kinain iyon.

Napalingon siya sa kaniyang likuran nang makarinig siya ng mga yabag. Nakita niya ang binata na may dalang attache case. Pansin niya ang pagod sa mukha nito. Saka ito naupo sa katabi niyang couch at sumandal ito doon at pumikit na tila nagre-relax. Binitawan nito ang dalang attache case sa may gilid nito. Umirap lang siya dito at saka ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. Naiinis talaga siya 'pag nakikita ang mukha ng walangyang ama ng anak niya.

"Don't you dare nagging at me because I'm so tired," bago pa makapagsalita si Micah ay inunahan na siya ni Hugo. Pumikit sandali si Hugo para makapag-relax sandali, saka siya nagpakawala ng marahas na buntong-hininga.

"Gusto kong kumain ng mangga, gusto kong ikaw mismo ang umakyat sa puno ng mangga," utos ni Micah sa binata.

Napamulat si Hugo at napasulyap sa dalaga. Nagtagpo ang kaniyang mga kilay. Seryoso ba talaga ang babaeng 'to? Siya, aakyat sa punong mangga? Damn!

"What, seriously? At pinagtripan mo pa talaga ako? Magpapabili ako ng mangga kay Mang Dan. And that's final, at 'wag ka nang maarte!" inis na saad ni Hugo, at muling napasandal sa couch. He was so tired.

Tumayo si Micah at taas noong humarap sa pagod na binata. "Kung gano'n, ako na lang ang aakyat," sagot niya at saka nagmamadaling naglakad palabas ng malaking bahay.

Naikuyom ni Hugo ang dalawang kamao. Bwesit! Perwisyo ang dala ng mataray na babaeng 'to sa kanya. Napilitan siyang sundan ito. Agad na sumenyas si Hugo sa limang bodyguard na siyang magbabantay sa dalaga. Mahirap na at baka balak pa nitong tumakas. Hindi niya alam kung ano'ng tinatakbo ng isip nito.

Pasimpleng pinag-aralan ni Micah ang lugar na kinaroroonan niya. Lihim siyang napamura nang mapansing sinusundan siya ng limang nakaitim na lalaki. Damn! Paano siya nito makakatakas? Nang may makita siyang duyan, napagpasyahan na lamang niyang magpahinga doon, mukhang hiningal na rin kase siya sa kahahanap ng puno ng mangga. Wala naman siyang nakita. Puro puno lang ng niyog ang nakikita niya.

Mabuti na lang at nasisilungan ng puno ng niyog ang kanyang kinaroroonan. Mainit na kase, palibhasa'y buwan ng Marso, malapit na rin ang summer.

Pagod si Hugo para makipagtalo pa sa dalaga. Inutusan niya si Mang Dan na bumili nang maraming mangga. Pumasok siya sa kaniyang silid at nagpasya siyang matulog muna. Gusto niyang matulog, pero gising na man ang kaniyang diwa. Tumayo siya at tinungo ang balcony ng kwarto at mula sa kinatatayuan niya, nakita niya ang dalaga na nakahiga sa isang duyan. Pansin niyang nakatulog ito.

Napilitan si Hugo na puntahan ang dalaga sa may duyan. Nang makarating doon, ginising niya ito. Dahan-dahang iminulat ni Micah ang mga mata. Umirap siya ng makita ang mukha ng binata.

"Sa loob ka matulog, 'wag dito baka mapano pa ang kalusugan ng anak

ko," seryosong saad ni Hugo sa dalaga.

Nag-inat muna si Micah at saka dahan-dahang tumayo, hinarap niya ang binata. "Hindi nakakasama sa bata kung matulog man ako sa duyang 'to, 'wag kang o.a. dahil hindi bagay sa'yo!"

Umigting ang panga ni Hugo. Pilit na pinipigilan ang sarili na huwag patulan ang mataray na dalaga. Naputol lamang ang alitan nila nang may marinig silang malakas na ugong nang jetski mula sa dalampasigan. Napalingon sila kapwa doon.

Mula sa jetski bumaba ang naka two piece na si Ferra. Ngumiti ito nang makita si Hugo. Napaka-sexy nito. At kung ganda lang, ay 'di rin ito magpapatalo. Ngunit kumunot ang noo nito nang makita si Micah.

Tumaas ang kilay ni Ferra nang makita ang isang magandang babae sa islang pagmamay-ari ng dating boyfriend. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang pansin niyang tila hindi magkasundo ang dalawa.

Batid niyang hindi nagdadala ng kung sinu-sinong bisita ang dating boyfriend lalo na sa pagmamay-ari nitong isla. Ang alam niya binili ito ni Hugo for his private privacy. Lumapit siya sa dalawa.

Kumunot ang noo ni Hugo nang makita si Ferra. At ano'ng ginagawa ng ex niya sa isla niya? Naikuyom ni Hugo ang dalawang kamao at hinarap ito. "And what are you doing here?" paasik na tugon ni Hugo dito. Ngunit hindi man lang natinag ang dalaga.

Ipinulupot ni Ferra ang dalawang braso sa binata. "I'm here to make things right hon," malambing niyang saad sa binata.

"Get out my property!" asik ni Hugo. Marahas na tinanggal ang mga braso ng dalaga. Tumawa lang si Ferra. At saka napasulyap kay Micah.

"And who is she? Ang bago mong flavor of the month?" sarkastikong tugon ni Ferra.

Tumaas ang kilay ni Micah at lumapit kay Ferra. Ngumiti si Micah nang pagkatamis-tamis dito. At saka bumulong kay Ferra. "If you don't mind, I need you to help me, I want to stay away from here, please. By this time, kailangan muna nating mag-artehan for him to believe na magkaaway tayo?" pakiusap ni Micah sa dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Ferra. So, hindi pala niya karibal ang babaeng 'to. At saka kunwari'y galit siya kay Micah. Tinulak niya ito nang malakas. Nagulat si Micah sa malakas na iyon na pagkakatulak ng babae.

"How dare you!" agad na lalapitan na sana ni Ferra si Micah nang maagap itong mapigilan ni Hugo. Saka sumenyas si Hugo sa limang bodyguard para paalisin ang babae.

Tumalima naman agad ang limang lalaki at inilayo doon si Ferra na nagwawala. Samantalang walang sabing binuhat ni Hugo si Micah pabalik ng malaking mansion. Napakapit sa batok ni Hugo si Micah.

Malaya niya tuloy napagmamasdan ang mukha nang binata. Those dark eyebrows, those deep set dark eyes, his flawless face, his thin kissable lips, his perfect jaw line na bumagay sa strikto nitong aura. Walang dudang maraming babaeng mababaliw sa ama ng anak niya. He's perfect. Nasalo nito lahat nang magpa-ulan ang kalangitan ng kakisigan at kagwapuhan.

"Stop staring at me," simpleng tugon ng binata. Nagulat siya nang marinig ang boses nito. Ilang minuto ba siyang nakatitig dito? Hindi alam ni Micah kung ano'ng nangyari sa kanya, kanina lang at no'ng isang araw ay galit na galit siyang makita ito. Ngayon nama'y pansin niyang ayaw niyang mawaglit ang mukha ng binata sa paningin niya. Binawi niya ang tingin mula sa mukha nito at ibinaling ang kaniyang tingin sa ibang direksiyon at saka kunwari'y napasimangot.

"Ibaba mo na ako, I can manage to walk, hindi ako pilay para buhatin mo pa," tugon ni Micah.

"Pwede ba 'wag kang malikot," si Hugo, nang makapasok na sila nang tuluyan sa mansion, maingat niyang ibinaba ang dalaga sa couch.

Marahas na itinulak ni Micah ang binata at saka siya pumanhik sa taas. Nasundan na lamang siya nang tingin ni Hugo.

***

Malamig ang simoy nang hangin. Naisipan ni Micah na maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Napasulyap siya sa orasan, 7:30PM. Pansin niyang wala ang binata. Panigurado siyang wala ito ngayon sa isla. Lihim siyang nainis sa babae na pinakiusapan niyang tumulong sa kaniya na umalis sa islang ito.

Ramdam niya ang pagmamatyag sa kaniya nang limang bodyguards ni Hugo. Lumabas siya nang bahay para maglakad-lakad sandali sa dalampasigan. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin.

Naupo siya sa may chair lounge na nakaharap sa dagat. Maganda pala 'pag gabi. May iba't ibang kulay ng ilaw na nakasabit sa mga puno ng niyog. May tatlong yate pa sa may unahan. Kung marunong lang siyang mag-drive no'n, paniguradong makakatakas siya. Pero, naisip din niya, malabo nang makatakas pa siya sa mga kamay ng binata. Lumalaki na rin ang tiyan niya. She was seven months pregnant. Hindi na niya naisip pa ang tumakas. Ayaw niyang may masamang mangyari sa anak niya.

Naalala niya ang kaniyang mga magulang. Sobrang na miss na niya ang kaniya ina. Napayakap sa sarili si Micah. Hindi niya napansin ang ilang butil ng luha na nagmumula sa kaniyang mga mata.

"Gabi na, ba't nandito ka pa sa labas," hindi na kinailangan pang lumingon ni Micah para alamin pa kung sino ang may-ari ng baritonong boses na iyon. Alam niyang si Del Fuego iyon.

Pinunasan niya agad ang kaniyang mga mata. Hindi man lang siya nag-aksaya pang lumingon dito. She hates him. Naramdaman niyang naupo si Hugo sa kabilang lounge. Nagtataka man si Micah, pero bakit nga ba ngayon lang niya ito nakita? Pero naisip din niya, ano bang pakialam niya sa walangyang taong 'to?

"If you don't mind, can I touch your belly? I want to feel my child," malumanay na pakiusap ni Hugo kay Micah. Tila naman may humaplos sa matigas na puso ni Micah. Matagal bago siya napalingon sa binata. Nang una'y nagdalawang-isip siya. Pero sa huli'y pumayag na rin siya, na-realize din naman niyang may karapatan na man talaga ito sa anak niya.

Lumingon siya sa tila pagod na binata. Tumango siya. Halos hindi naman ito makapaniwala at mabilis na lumapit sa kanya, saka ito lumuhod at maingat na napahawak sa malaki-laki na rin niyang tiyan. Tila napaigtad si Micah nang dumantay ang mga palad ng binata sa kaniyang tiyan. Para bang may kuryenteng nanulay mula doon patungo sa kaniyang bawat himaymay.

Nang haplusin ni Hugo ang tiyan ng dalaga ay may naramdaman siyang kakaiba, tila para bang may nabuhay sa kasulok-sulukan ng kaniyang puso na parang tali na nag-pinag-uugnay. Mahirap ipaliwanag pero ramdam niya na magiging ama na siya. Ika nga lukso iyon ng dugo.

Mas lalong natuwa si Hugo nang tila sumisipa ang munting anghel sa tiyan ni Micah. Kapwa sila nagulat. At nagkatitigan sila. Si Micah ang unang nagbawi nang tingin at ibinaling sa ibang direksiyon ang mga mata.

"Dapat na tayong magkasundo kung ano'ng dapat nating gawin kapag naisilang ko na ang anak ko," basag ni Micah sa mahabang katahimikan. Nasa tiyan niya pa rin ang mga palad ng binata. Hiling niya na sana'y tanggalin na nito iyon dahil may naramdaman siyang kiliti na tila gusto niyang patayin.

Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Hugo. Tumayo siya habang nakaharap pa rin sa dalaga. "Balak kong magpakasal tayo, alang-alang sa anak natin, kung 'yan ay tatanggapin mo. Ayokong walang kinikilalang ina anak ko," diretsang tugon ni Hugo kay Micah.

Napaawang ang labi ni Micah. Pero dagli rin siyang huminahon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at tumayo para harapin ang binata. "Payag ako, kailangan ko ring protektahan ang dignidad ko. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin."

"Alam ko, at iyon ay para protektahan ang pamilyang Montenegro sa kahihiyan hindi ba? Ayaw mo naman sigurong malaman ng mga magulang mo, na ang anak nilang babae ay may anak na bastardo?"

"Mabuti at nakuha mo ang punto ko, saka na natin pag-uusapan ang mga bagay na 'yan nang masinsinan hangga't maisilang ko ang anak ko," tugon ni Micah.

Tumango lang si Hugo. Makaraan ang ilang minuto'y nagpasya na rin si Micah na pumasok na sa loob. Inalalayan siya ni Hugo. Nang una'y tumanggi siya, ngunit sa huli'y nasunod pa rin ang gusto ng binata.

"Sir, handa na po ang hapunan

ninyo," salubong sa kanila ng isang kawaksi.

"Salamat Aling Fe," sagot ng binata.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Hugo kay Micah.

"Hindi pa, nais kong makasalo ka, pero 'wag mong isiping ako ang gustong makisalo sa'yo, sa palagay ko sa hormones ko lang 'to, ang anak mo yata, gusto niyang makasama ang..... walangyang ama niya," saad ni Micah, mahina ang pagkakabigkas sa huling sinabi, ngunit hindi bingi si Hugo para hindi iyon marinig. Mas pinili na lamang ng binata na wag nang makipagtalo pa sa dalaga. Pagod siya at may dapat pa siyang asikasuhin para sa mga kliyenteng nais mag-merge sa kanilang kompanya.

Bigla na naman niyang naalala ang nakakatakot na anyo ni Mike Montenegro. Hindi niya akalaing iba magalit ang kapatid ng babaeng nabuntis niya. Dito siya unang lumapit dahil lalaki ito. Lalaki sa lalaki ang ginawa niyang pakikipag-usap dito. Sinabi niya dito ang lahat. At pinagbantaan siya nito na kung hindi niya maaayos ang gulong pinasok niya hindi daw niya magugustuhan ang gagawin nito.

Kilala niya si Mike at magaling ito sa larangan ng negosyo. Lahat ng kalaban sa negosyo nito'y walang natira at nakuha nito iyon. He was a ruthless businessman na walang inuurungan. Magagamit man niya ang pera niya laban sa mga Montenegro pero talo siya kung utakan ang pagbabasehan. Ayon sa source niya, magaling si Mike when it comes to mind settings. Kung babanggain niya ito, siguradong tagilid siya. Minsan na niyang nabangga ang anak nitong si Lucas Montenegro, na ngayon ay siyang tumatakbo bilang CEO ng Montenegro Industries. Kaya minabuti na lamang niyang huwag banggain pa ang mga ito. Lalo na't isang Montenegro ang nabuntis niya.

Kinaumagahan nagkagulo sa labas ng mansion. Narinig ni Micah ang galit na galit na boses na pamilyar sa kanya. Napabalikwas siya nang bangon at nagpasya siyang sumilip sa bintana. Ano kayang nangyayari? Nagulat siya nang makita sa baba ang kaniyang kuya Mike na nagwawala. Damn! May dala itong baril at itinutok sa ama ng magiging anak niya. Oh no! Paano nito nalaman? Halos nayanig ang mundo ni Micah. Nakakatakot 'pag galit ang kuya niya. Nagmamadaling tinungo niya ang balcony ng kaniyang kwarto at dumungaw doon.

"Kuya! Please.... 'wag mong gawin 'yan!" malakas niyang sigaw sa namumula niyang kapatid. Hindi niya akalaing nandito ito ngayon? Damn! Hindi pwedeng ipaalam nito sa kaniyang mga magulang ang kalagayan niya. Kailangan niya itong mapigilan.

Hindi niya gaanong narinig ang pag-uusap nang dalawang lalaki. Malakas ang hampas ng alon sa dalampasigan. At ang halinghing ng malakas na hangin na tumatama sa mga dahon ng niyog. Ang naririnig niya lang ay ang mga sigawan.

Mas pinili niyang bumaba para aregluhin ang kapatid. "Kuya, ibaba mo 'yan! Ano ba! Mahal ko siya at pakakasalan ko pa ang ama ng anak ko!" pagsisinungaling niya, sana lang makumbinsi niya ito, pero alam niyang mautak ang kapatid niya. At hindi niya pwedeng pagsinungalingan ito dahil kabisado na siya ng kapatid.

"Dapat lang! Dahil kung hindi..." tugon ni Mike at sadyang binitin pa ang sinabi. "Alam mo na Del Fuego, kung ano'ng kaya kong gawin." maawtoridad na tugon ni Mike Montenegro sa binatang Del Fuego, putok ang labi nito.

"Kuya, pakiusap. Huwag mo munang ipaalam kina Papa't Mama, please," pakiusap niya sa kapatid. Saka lang ibinaba ni Mike ang baril at inisang hakbang ang kapatid at mahigpit na niyakap.

"Damn you! How careless you are! He already told me everything, and you don't have to lie, because you can't lie to me," may halong sermon na tugon ni Mike sa kapatid.

"Kuya... sorry," tanging nasabi niya at napaluha siya. Yumakap siya sa kapatid. "I'm so sorry for being so careless, but we already discuss our wedding plan preparation, pagkatapos kung manganak," tugon niya.

"Dapat lang, ayaw kong magkaro'n ng bastardong pamangkin," may diing tugon ni Mike.

Lumapit sa kanila si Hugo. Hinarap ni Hugo si Mike Montenegro. Iniabot niya ang kanang kamay dito para sa pakikipagkamay. Tiningnan lang iyon ni Mike. Pagdakay, tinanggap nito iyon.

"Gawin mo kung ano'ng mas nararapat, mangako ka lang na hindi mo sasaktan ang kapatid ko. Usapan 'yan ng lalaki sa lalaki. Panindigan mo!" Si Mike at saka tumalikod. Sumakay ito ng chopper at nilisan ang Isla Del Fuego.

Napaharap si Hugo sa dalaga. Tumaas ang kilay ni Micah nang humarap ang binata sa kanya. "Sinabi mo pala sa kanya ang lahat? Tinamaan ka tuloy nang suntok?" sermon niya sa binata.

"Para sa anak ko, oo," tugon ni Hugo. Hindi maintindihan ni Micah kung bakit may munting kirot siyang naramdaman nang sinabi iyon ni Hugo. Napaisip tuloy siya. Bakit ba naapektuhan siya sa sinabi nitong iyon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 5

    Nasa may balcony si Micah nakatanaw sa malawak na dagat. Ano na kayang mangyayari sa kanya ngayon? Kailangan niyang makatakas sa islang 'to. Napasandal siya sa couch na kinauupuan. Kumuha siya ng isang mansanas. At kinain iyon.Napalingon siya sa kaniyang likuran nang makarinig siya ng mga yabag. Nakita niya ang binata na may dalang attache case. Pansin niya ang pagod sa mukha nito. Saka ito naupo sa katabi niyang couch at sumandal ito doon at pumikit na tila nagre-relax. Binitawan nito ang dalang attache case sa may gilid nito. Umirap lang siya dito at saka ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. Naiinis talaga siya 'pag nakikita ang mukha ng walangyang ama ng anak niya."Don't you dare nagging at me because I'm so tired," bago pa makapagsalita si Micah ay inunahan na siya ni Hugo. Pumikit sandali si Hugo para makapag-relax sandali, saka siya nagpakawala ng marahas na buntong-hininga."Gusto kong kumain ng mangga, gusto kong ikaw mismo ang umakyat sa puno ng mangga," utos ni Micah

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 4

    Hindi na alam ni Micah kung ano'ng gagawin. Galit ang nakikita niya sa anyo nang kaharap. Paano nalaman nito ang kalagayan niya?"Ikaw? Pa-paano mo nalaman?" tanging naisatinig niya sa binata."You don't have to know, I have my own resources, at balak mo pa talagang itakbo ang anak ko!" batid niyang galit na ito.Tumayo si Micah at nagmamadaling tinungo ang exit ng private plane. Pero sumalubong sa kanya ang limang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo. What the heck!"Sorry Ma'am, kailangan naming sundin ang utos ni Mr. Del Fuego," saad ng isa at mabilis na hinawakan siya nito sa braso."Huwag na po kayong pumalag Ma'am dahil hindi na po magbabago ang utos ni sir," ani naman ng isa at hinawakan siya sa isang braso. Napansin ni Micah ang isang itim na limousine, pumasok ang isang nakaitim sa driver seat at ang dalawang nakaitim ay naghintay na maipasok siya sa loob para pagbuksan siya. Hindi niya akalaing mayaman pala ang bwesit na lumapastangan sa kanya."Bitawan niyo ako!" sigaw niya

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 3

    Nasa Boracay ngayon si Micah. Gusto niya munang magbakasyon, mapag-isa at mag-unwind. Kasalukuyang naglalakad siya sa puting buhangin sa may dalampasigan. Napayakap siya sa sarili dahil sa malamig na hangin na tumatama sa kaniyang balat. She's thinking about that man. Hindi ipagkakailang totoo ang sinasabi nito sa kanya. Sa kilos at sa reaksiyon palang nito'y ramdam niyang may katotohanan iyon. Nagpasya niyang maupo sa isang cottage. Iginala niya ang kaniyang paningin. Napangiti siya sa isang taong nagperform na naglalaro ng apoy. Tuwang-tuwa ang mga manonood. "Damn you!" singhal nang kung sino, tinig iyon ng babae. "Don't you dare blame me! I already make it clear to you kung ano'ng meron tayo!" sigaw ng lalaki. "That's bullsh—t!!" singhal ng babae. "Leave me alone! And don't ever come back!" may diing tugon ng lalaki. Ang sunod niyon ay hikbi. Narinig ni Micah na hikbi iyon ng isang babae. Naiiling siya sa narinig. Gustuhin man niyang sumilip, but she don't have time to waste

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 2

    "Good morning, Ma'am, may lalaking customer pong nagagalit kung bakit daw po ang tagal ng order niyang pagkain," tugon ng isang maid sa kanya."Ba't na man natagalan? Ipinaliwanag daw ba ng maayos sa kanya ng head waiter at ng manager natin kung bakit natagalan?" si Micah. Sabay hilot sa kanyang sentido, kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang opisina."Ayaw pong makinig Ma'am, e, nagwawala daw po, hinahanap daw po ang may-ari nitong hotel," saad nito.Napapailing na tumayo si Micah, kailangan na naman niyang harapin ang customer na mainitin ang ulo. Sumakay siya sa elevator, pinindot ang 5th floor. Nang makarating sa pinangyarihan ng lugar ay agad na nagbigay galang sa kanya ang mga tauhan ng motel at ang manager. GALIT na galit si Hugo. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang order niyang pagkain, isang oras din siyang naghintay. Inis na nagreklamo siya sa manager. Ipinaliwanag naman ng manager sa kanya kung bakit natagalan kaya lang, hindi siya kumbinsido. Kaya pinatawag niya ang may-a

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 1

    Dahil sa inis ni Cynthia sa kapatid ng kaibigan ay ginawa niya ang isang bagay. Dahil hindi siya makaganti sa matapang na asawa ni Mike, si Micah Montenegro na naging bestfriend niya ang kanyang pagbabayarin.Dinala niya ito sa isang bar, no'ng una'y ayaw nitong sumama dahil hindi ito mahilig sa mga gano'ng lugar. Pero dahil sa pagmamakaawa niya'y pumayag na lamang ito. "I hate your brother!" inis na tugon ni Cynthia kay Micah, sabay tungga ng kopitang may lamang alak. "You can't force him to love you, Cynthia, lalo na't bumalik na si Ate Levi," malungkot na tugon ni Micah sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at ipinatong nito ang mga palad doon. Nakaramdam na man nang guilt si Cynthia. Makakaya ba niyang ipahamak ang kaniyang kaibigan? Hindi yata kakayanin iyon ng kanyang konsensiya. "Sige, ganito na lang. Sasabayan kitang uminom, cheers!" nakangiting saad nito. Kinuha ni Cynthia ang kopitang may lamang alak at nag-cheers sila ng kaibigan. Ayaw niya sana itong painumin p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status