Home / Romance / Ninong Senator's Contract Marriage / Chapter 60 [Mga Katanungan]

Share

Chapter 60 [Mga Katanungan]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-07-01 12:27:20
“Divorce na kami,” mahina niyang saad.

Hindi niya ipinakita na nalulungkot siya.

“Hala, bakit?”

Tumingin siya rito. “Huwag na natin siyang pag-usapan.”

Binasa niya ang bawat sulok ng mga mata nito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagkislap ng mga mata ni Tiarra nang ipagtapat niya ritong wala na sila ni Francesca. Nanahimik lamang siya sa kinauupuan at paminsan-minsa’y sumasagot sa mga katanungan sa kaniya ni Tiarra. Hanggang sa–

“Gusto kong malaman kung napipilitan ka lang ba?”

Hindi siya agad nakasagot. Huminga siya nang malalim. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago niya ito sinulyapan. Nalilito pa rin siya magpahanggang ngayon sa dapat niyang gawin. Naguguluhan siya. Ang hirap talagang pilitin ng sarili. Alam niyang hinihintay nito ang kaniyang sagot. Nagbabakasakaling sabihin niya ang totoong nararamdaman.

“Kaya mo ba ako pakakasalan dahil may sakit ako? At dahil ba, naaawa ka sa ‘kin?” ang malalalim nitong mga mata ay tumingin ng diretso sa kaniya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 96 [Disguise]

    “Mommy, bakit hindi natin kasama si dad? Are we gonna leave him?” tanong nito habang hawak-hawak ang paborito nitong teddy bear. Huminto siya sa pagsisilid ng gamit sa maleta.“Busy si daddy anak. Pero, susunod rin iyon kaagad. Mauuna lang tayo. Hindi ka ba excited na makita ang mga favorite cartoon characters mo sa movie?”“Of course, I am. But–” Naluluha siyang hinalikan ito sa ulo. Ayaw man niyang gawin pero kinakailangan. Hindi sila pwedeng magsama ni Javier. Kahit pa napatunayan niyang wala itong kasalanan sa pagkamatay ng kaniyang kapatid at ina sa aksidente. Mas pipiliin niya pa ring lumayo na lamang rito. Hindi dahil sa bagay na iyon kundi dahil ninong niya ito. Mahirap ipaliwanag pero hindi lang naman para sa kaniya ang kaniyang gagawin kundi para sa kanilang dalawa. Para sa kaligtasan nilang dalawa ng kaniyang anak. Lalo na ngayon na nalaman niyang hindi niya tunay na ama ang malupit na si Dionisio. Ang mga pangyayari noong isang araw, napakahirap tanggapin. Ayaw niyang m

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 95 [Paghahanap at Paghabol]

    Hindi niya maatim ang inis at galit na dulot ng ginawang kabaliwan ni Danica. Talagang ganoon na lamang ito katraydor sa mismo pang kaibigan? Talaga nga'ng ipinagpipilitan nito ang sarili sa kaniya kahit pa alam nitong hindi niya ito gusto. Halata naman sa mga kilos niya kung paano niyang iniiwasan si Danica sa loob nang ilang taon. Kung hindi lamang sa anak na si Lewis, hindi niya hahayaang araw-araw na makita ito sa mansion. Si Francesca ang natatanging kailangan niya at hindi ito. Napasinghap siya kasabay nang pagkuyom ng kamao.‘Talagang wala nang pinipili ang taong sakim at traydor. Kahit kaibigan pa niya ay kaya niyang lokohin at traydurin,’ sa isip niya habang tiim-bagang na nakatanaw sa nararaanang lansangan. Huminga siya nang malalim. Ang ikinababahala niya ngayon ay sina Francesca at Lewis. Tiyak mahihirapan ang mga ito lalung-lalo na ang kaniyang anak. Nasanay pa naman si Lewis sa poder niya. Sana lang ay hindi ito masaktan at mahirapan. Sana lang ay nasa maayos na kalag

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 94 [Walang Pasabi]

    Isang oras nang nakamulat ang mga mata ni Francesca. Hindi siya mapalagay. Kung anu-anong pumapasok sa utak niya. Kanina niya pang pilit na ipinipikit ang mata upang makatulog na pero hindi siya dinadalaw ng antok. Narinig na lamang niyang bumukas ang pinto. Maaring si Javier na iyon kaya't kaagad niyang ipinikit muli ang kaniyang mga mata. Narinig niya ang paglapag ng kung anong bagay sa side table. Maya-maya ay narinig niyang muling nagsara ang pintuan. Lumabas yatang muli si Javier. Iyon ang pakiwari niya.‘Marami siyang itinago sa akin, na ayaw niyang malaman ko..’ Kaagad siyang bumalikwas ng bangon. Itinuko niya sa mga tuhod ang kaniyang magkabilang siko at napasabunot na lamang sa kaniyang buhok. Nakayuko siya habang laman ng isipan ang mga pangyayari kanina. Gulung-gulo pa rin ang kaniyang isipan. Andaming nangyari sa araw na iyon. Maraming bagay ang hindi niya maintindihan na patuloy niyang ikinalilito.Sumasakit lalo ang kaniyang ulo sa tuwing iniisip ang mga bagay na iyon

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 93 [Pagligtas]

    Kung saan-saan pumasok si Francesca. May ilang mga tauhan na nakabantay. Medyo madilim sa loob kaya't hindi siya gaanong nakikita ng mga ito. Naalala niyang naikot nga pala niya isang beses ang lugar na iyon. Nagpatuloy siya hanggang sa marating niya ang mga rehas na dati ay maraming mga nakakulong na kababaihan na ngayon ay wala na ni isang laman.Muling pumasok sa alaala niya ang mga sinabi ni Dionisio. ‘Ngayong alam na ni Javier ang lahat. Sapagkat ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbagsak ko! Dahil sa ‘yo nasira ang pinaghirapan ko!’ Totoo nga siguro ang mga sinabi ni Dionisio. Malayo ang ayos nito ngayon kumpara noon. Ngayon ay parang pinagsakluban ng kahirapan at kamalasan. Lugar na tila nalulungkot. Madilim at tahimik. Ano kaya ang nangyari rito? Narating niya ang isang opisina. Saka lamang nagflashback sa kaniya ang mga natuklasan niya noon tungkol sa ama niya at sa babae nito. Muling nanumbalik sa kaniya ang alaala na ginawa niya dalawang taon na ang nakararaan. Noong

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 92 [Ang Pagdukot]

    Kinabukasan ay sinamahan siya ni Sen. Javier sa ospital. Humarap sila sa kakilala nitong doctor. Sinabi at ikinuwento nito sa manggagamot ang kaniyang kalagayan. Tiningnan naman siya ng kilalang neurologist kung ano na ang kaniyang health status sa ngayon. Nakita ng doctor kung gaanong napinsala ang kanyang utak sa aksidenteng natamo dalawang taon na ang nakararaan. Matapos ang ilang consultations at ilang procedures. Sinabi ng doctor sa kaniya na may tsansa pang bumalik ang memorya niya ngunit tatagal pa iyon nang mga buwan o ‘di kaya ay taon sapagkat hindi siya agad natingnan noon nang makita siya matapos mangyari ang aksidente.“Mahalaga na natingnan ka sana kaagad noon ng neurologist mo, hija. Napabilis sana ang iyong paggaling. But, don't worry. Even it takes time to heal, fortunately, malaki ang chance na bumalik ang iyong alaala.” Nakahinga siya nang maluwag sa balitang iyon.“Marami pong salamat, doc,” magalang niyang wika. Matapos siya nitong kausapin ay lumabas na siya

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 91 [Dilim]

    Mabilis siyang hinapit sa bewang ng senador at hinatak patungo sa kama. Muli ay pinagsaluhan nila ang isang mainit na sandali. Pampainit sa malamig na panahon. Hanggang sa matapos ang pagsasalo ng uhaw nilang mga katawan. Doon napagtanto ni Francesca ang tunay niyang nararamdaman sa senador.Makalipas ang ilang oras.. Malamig ang simoy ng hangin sa labas na humahampas sa window glass ng kanilang silid. Nagising si Francesca at siya'y bumangon. Nilingon niya si Javier. Nakatihaya ito at mahimbing na natutulog. Ang gwapo pa rin nito sa ayos kahit tulog. Labas ang matipunong pangangatawan sa suot na puting sando.‘Hays.. Tama nga sila, masuwerte nga ang babaeng nagmamay-ari ng puso niya.. Masuwerte ako kung gano’n.’ Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palabas. Isinara niya ang pinto at bumaba ng hagdan. Tanging ilaw lamang mula sa mga chandelier ang nagbibigay liwanag sa paligid. Patuloy siyang naglakad nang tahimik. Walang ingay na maririnig. Mukhang tulog na nga ang lahat.‘Anong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status