"Good morning, senator,” nakangiting bungad sa kaniya ni Francesca nang magkasalubong sila sa baba ng hagdanan. Napatingin na lamang siya sa kabuuan ng mukha nito. Napaka-blooming, mukhang maganda ang gising. Habang siya naman ay hindi na nakatulog pa matapos magising ng isang kakaibang panaginip. Napahugot na lamang siya nang malalim na hininga. “Morning, have you eaten already?” pagkuwa'y lumakad na siya. “Hmm, hindi pa..” Umiling ito sabay nang pagsunod sa kaniya. Tumingin siya sa suot na relo. ‘6 am, anong araw ba ngayon?’ napaisip siya. “Maaga kang nagising,” saad nito. “May lakad ka ba ngayong umaga? Sunday ngayon ah..” Naupo sila sa dining. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap. “Maggo-golf ako this morning kasama sina Benny at Michael. Gusto mong sumama? You can join us if you want.” “Nope, baka magkita kami ni Danica mamaya,” tanggi nito habang sumasandok ng pagkain. Tumango na lamang siya. Hindi pa rin maalis ang tingin sa inaanak. “Senator, bakit?” Napans
Last Updated : 2025-04-08 Read more