Hindi na mapalagay si Francesca. Sabik na siyang makasakay ng barko at makaalis. Inihatid sila ng binabae niyang tiyuhin sa port. Sa wakas ay matutuloy na ang pagnanais niyang makaalis ng bansa. ‘I’m sorry, anak. This is for our own good,’ bulong niya sa isipan nang titigan at halikan sa pisngi ang natutulog niyang anak.“Mag-iingat ka, Francesca..” sambit nito nang hawakan siya sa braso at haplusin ang buhok ng kaniyang anak.“Maraming salamat ulit, tita..”Tumango ito. “Mami-miss uli kita, pamangkin ko.. lalo na ang iyong bibong anak na si Lewis..” Napangiti siya. “Ano ba ‘yan, naluluha tuloy ako. Sige na, mag-iingat kayo ha. Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo sa destinasyon n'yo,” wika nito.“Opo,” tugon niya nang tatalikuran na niya ito para sumakay. Karga-karga niya ang natutulog niyang anak. Sumunod sa kaniya ang kapitan ng barko matapos makipag-usap sa kaniyang tiyuhin. Ito ang nagdala ng kaniyang maleta. Inihatid sila nito sa isang pribado, malinis, maayos at mamahal
“Mommy, why we didn't use our car?” Napalingon siya sa anak na nagtatakang nakatingin sa kaniya. Hinaplos niya nang marahan ang silky nitong buhok.“Ayaw kasing umandar ng sasakyan natin anak, kaya kailangan nating iwan. Ipakukuha ko na lang iyon kay daddy para maipaayos niya,” pagsisinungaling niya.“I missed dad.. I want to talk to him, mom. Can you please call him for me?” Hindi siya agad nakaimik. Nakatingin sa mga nangungusap nitong mga mata. Mga matang hindi nalalayo sa mata ng ama.“Naku, anak.. shutdown ang cellphone ni mommy, e. But promise, we will call daddy when we arrived.”“Okay, mom.” Muli nitong niyakap ang hawak na teddy bear. Nakokonsensya man sa panay na pagsisinungaling rito, wala siyang magawa sapagkat kinakailangan. Ayaw man niyang gawin iyon sa anak pero wala siyang mapagpipilian. Kailangan niyang maghanap ng mairarason palagi para matugunan ang mga katanungan nito. Huminga siya nang malalim. Inalis niya ang awa na nararamdaman sa anak. Niyakap niya na lamang
“Mommy, bakit hindi natin kasama si dad? Are we gonna leave him?” tanong nito habang hawak-hawak ang paborito nitong teddy bear. Huminto siya sa pagsisilid ng gamit sa maleta.“Busy si daddy anak. Pero, susunod rin iyon kaagad. Mauuna lang tayo. Hindi ka ba excited na makita ang mga favorite cartoon characters mo sa movie?”“Of course, I am. But–” Naluluha siyang hinalikan ito sa ulo. Ayaw man niyang gawin pero kinakailangan. Hindi sila pwedeng magsama ni Javier. Kahit pa napatunayan niyang wala itong kasalanan sa pagkamatay ng kaniyang kapatid at ina sa aksidente. Mas pipiliin niya pa ring lumayo na lamang rito. Hindi dahil sa bagay na iyon kundi dahil ninong niya ito. Mahirap ipaliwanag pero hindi lang naman para sa kaniya ang kaniyang gagawin kundi para sa kanilang dalawa. Para sa kaligtasan nilang dalawa ng kaniyang anak. Lalo na ngayon na nalaman niyang hindi niya tunay na ama ang malupit na si Dionisio. Ang mga pangyayari noong isang araw, napakahirap tanggapin. Ayaw niyang m
Hindi niya maatim ang inis at galit na dulot ng ginawang kabaliwan ni Danica. Talagang ganoon na lamang ito katraydor sa mismo pang kaibigan? Talaga nga'ng ipinagpipilitan nito ang sarili sa kaniya kahit pa alam nitong hindi niya ito gusto. Halata naman sa mga kilos niya kung paano niyang iniiwasan si Danica sa loob nang ilang taon. Kung hindi lamang sa anak na si Lewis, hindi niya hahayaang araw-araw na makita ito sa mansion. Si Francesca ang natatanging kailangan niya at hindi ito. Napasinghap siya kasabay nang pagkuyom ng kamao.‘Talagang wala nang pinipili ang taong sakim at traydor. Kahit kaibigan pa niya ay kaya niyang lokohin at traydurin,’ sa isip niya habang tiim-bagang na nakatanaw sa nararaanang lansangan. Huminga siya nang malalim. Ang ikinababahala niya ngayon ay sina Francesca at Lewis. Tiyak mahihirapan ang mga ito lalung-lalo na ang kaniyang anak. Nasanay pa naman si Lewis sa poder niya. Sana lang ay hindi ito masaktan at mahirapan. Sana lang ay nasa maayos na kalag
Isang oras nang nakamulat ang mga mata ni Francesca. Hindi siya mapalagay. Kung anu-anong pumapasok sa utak niya. Kanina niya pang pilit na ipinipikit ang mata upang makatulog na pero hindi siya dinadalaw ng antok. Narinig na lamang niyang bumukas ang pinto. Maaring si Javier na iyon kaya't kaagad niyang ipinikit muli ang kaniyang mga mata. Narinig niya ang paglapag ng kung anong bagay sa side table. Maya-maya ay narinig niyang muling nagsara ang pintuan. Lumabas yatang muli si Javier. Iyon ang pakiwari niya. ‘Marami siyang itinago sa akin, na ayaw niyang malaman ko..’ Kaagad siyang bumalikwas ng bangon. Itinuko niya sa mga tuhod ang kaniyang magkabilang siko at napasabunot na lamang sa kaniyang buhok. Nakayuko siya habang laman ng isipan ang mga pangyayari kanina. Gulung-gulo pa rin ang kaniyang isipan. Andaming nangyari sa araw na iyon. Maraming bagay ang hindi niya maintindihan na patuloy niyang ikinalilito. Sumasakit lalo ang kaniyang ulo sa tuwing iniisip ang mga bagay na
Kung saan-saan pumasok si Francesca. May ilang mga tauhan na nakabantay. Medyo madilim sa loob kaya't hindi siya gaanong nakikita ng mga ito. Naalala niyang naikot nga pala niya isang beses ang lugar na iyon. Nagpatuloy siya hanggang sa marating niya ang mga rehas na dati ay maraming mga nakakulong na kababaihan na ngayon ay wala na ni isang laman.Muling pumasok sa alaala niya ang mga sinabi ni Dionisio. ‘Ngayong alam na ni Javier ang lahat. Sapagkat ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbagsak ko! Dahil sa ‘yo nasira ang pinaghirapan ko!’ Totoo nga siguro ang mga sinabi ni Dionisio. Malayo ang ayos nito ngayon kumpara noon. Ngayon ay parang pinagsakluban ng kahirapan at kamalasan. Lugar na tila nalulungkot. Madilim at tahimik. Ano kaya ang nangyari rito? Narating niya ang isang opisina. Saka lamang nagflashback sa kaniya ang mga natuklasan niya noon tungkol sa ama niya at sa babae nito. Muling nanumbalik sa kaniya ang alaala na ginawa niya dalawang taon na ang nakararaan. Noong