Beranda / Romance / Not Your Wife Anymore / 146 - MALAKING KAWALAN

Share

146 - MALAKING KAWALAN

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-30 10:38:04

“Ashton, bakit hindi mo samantalahin ang ganitong kadaling pagkakakitaan?”

Isang lalaking nasa katamtamang edad ang lumapit. Siya si Vincent, isa sa mga inhinyero dati ng Moonraker Racing Club.

Nagdilim ang mukha ni Ashton.

“Si Caleb Go ay humiling sa inyo na tulungan ang isang hindi propesyonal na racer sa isang internationl competition. Hindi ba kayo nahihiya?”

Nagkibit-balikat si Vincent, tila walang pakialam. “Isa lang naman iyong exhibition race.”

Pinagdugtong-dugtong ni Raven ang buong kuwento mula sa mga sinabi nina Yan at Ashton.

“Sasali si Ingrid dun sa international racing competition?”

Mayabang na sumagot si Yan kay Raven.

“Isa sa mga sponsor ang GPH sa racing competition na ‘yun. Kasalil si Miss Ingrid doon sa exhibition race bilang racer.”

“Upang matulungan si Miss Ingrid na makakuha ng magandang resulta sa exhibition race, binili ni President Caleb sa malaking halaga ang inhinyero at mekaniko mula sa Speedcat Racing Club,” dagdag pa ni Yan.

Ngumiti pa si Yan at sa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Eme
sayo na lang mona kwento mo mukhang ikaw lang na tutuwa sa takbo ng kwento skip lang mo na ako Hindi na maganda sayang lang pag aabang laging pabor sa kabit bakit kaya
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Akala ko inutos n ng ama ni Caleb n wag n nia kaibiganin p c Ingrid until now gnun prin imbis mgnda n kainis nmn pangit ng update puro pabor nlng s Ingrid n to
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Not Your Wife Anymore    185 - ANO'NG NANGYAYARI?

    Tinanggap naman ni Raven ang inumin, bago sumagot kay Annabel.“Darating ba ang araw na ipapadala mo rin ako sa impiyerno, Ms. Annabel?”Nakangiting itinaas ni Annabel ang baso sa ere.“Raven, hanggang nakikipagtulungan ka sa akin at pareho tayong may benepisyo, hindi ka magiging kaaway ko.”Pro-aktibong nakipag-toast si Raven kay Annabel. “Masaya akong makatrabaho ka.”Pagkatapos ay ibinaba ni Raven ang baso sa kanyang labi at saka tumikim ng alak mula roon. Pasimple niyang minasdan si Annabel na kasalukuyan ding umiinom mula sa baso niya. Si Annabel ay kaakit-akit ngunit mapanganib na babae. Pero kailangang maglakas-loob si Raven na makipagtulungan dito dahil may lihim siyang plano.Hinagod ng tingin ni Annabel ang mukha ni Raven. “Raven, malaki ang inaasahan ko sa iyo. Sa loob ng ilang araw, ipakikilala kita sa ilang malalaking personalidad.”“Salamat sa iyong konsiderasyon, Ms. Annabel.”Itinaas ni Raven ang kanyang baso at muling nakipagg-toast kay Annabel.Ang hindi alam ni Rav

  • Not Your Wife Anymore   184 - CHEERS?

    Agad na kumislap ang mga mata ng babae, at agad na nabuo ang isang plano sa kanyang isipan. Agad niyang hinawakan ang baba ni Xia / Raven, at pilit na pinaharap ang mukha niya kay Oscar.“Sulit na sulit ka sa batang ito. Tingnan mo kung gaano siya kaganda. Mas magiging maganda pa siya sa paglaki niya.”“Sa isang katulad mo, pilay na at nangongolekta lang ng basura, mahihirapan ang anak mong lalaki na makahanap ng asawa! Bilhin mo na lang siya at gawing batang asawa ng anak mo! Twenty-five thousand!”Natigilan at nalungkot si Oscar. Wala siyang ganoong pera at wala rim siyang ipon. Tiningnan niya si Raven na napipilitan lang.Nang nahalata ng babae na wala siyang pera para bilhin si Raven, nagsimula siyang murahin ni Oscar at pinaalis silang dalawa ni Rainier.Lulugo-lugong inakay ni Oscar si Rainier palayo.Nanatili pa si Raven sa pamilyang iyon ng tatlong buwan pa. Isang araw, may dumating na pulis sa bahay nila. Hindi alam ni Raven kung bakit, pero mayamaya lang ay umalis din ang mg

  • Not Your Wife Anymore   183 - MALAS

    Tumigas ang mukha ni Raven sa narinig. “At bakit ako makikipag-tulungan sa iyo?”Ngumiti si Annabel. “Matutulungan kitang pabagsakin ang Santana Technology.”Matiim na tinitigan ni Raven ang babae, pero parang hindi naapektuhan si Annabel.“Alam ko ang sikreto mo. Galit ka sa mga magulang mo.”Bahagyang natigilan si Raven sa sinabi ni Annabel. Sinamantala naman iyon ni Annabel.“Ang pagkakapalit mo sa kapanganakan ay hindi aksidente. Gusto ni Ana ng isang anak na lalaki para maipagpatuloy ang lahi ng pamilya Santana. Idagdag pa na kung lalaki ang magiging anak nila ni Noel, umaasa siyang matatanggap na siya ng pamilya ni Noel. Iyon nga lang… babae ang naging anak niya. Alam mo kung ano ang ginawa niya? Bumili siya ng isang sanggol na lalaki at ibinigay ka bilang kapalit.”Pinigilan ni Raven na mapasinghap sa istoryang narinig niya. “Tapos nakaranas ka ng di-makataong pagtrato mula sa unang umampon sa ‘yo.”Nagulo ang isipan ni Raven. Bigla, parang may mga magugulong mga larawan na

  • Not Your Wife Anymore   182 - PAGTAKAS

    Kinaumagahan, nakaupo si Caleb sa sofa, mabigat ang ekspresyon.Tumayo siya upang maghugas. Paglabas niya mula sa banyo, matagal nang tumutunog ang kanyang telepono.Sinagot iyon ni Caleb, at narinig ang histerikal na tinig ng kanyang Mama.[“Caleb, may masamang nangyari! Tumakas na naman si Mason mula sa ospital!! Diyos ko! Ano’ng gagawin natin!”]Alam ni Caleb na naguguluhan lang ang kanyang ina, pero nakaka-irita ang ingay nito. Agad siyang nag-isip kung saan maaaring nagpunta ang anak.“Ako na mismo ang pupunta sa apartment ni Raven.”Kagabi pa nag-iingay si Mason tungkol sa lugaw na luto ni Raven; kaya sigurado si Caleb na doon pumunta si Mason.Nang narinig ni Barbara ang pangalan ni Raven, muli itong sumigaw.[“Ibig mong sabihin, pumunta na naman si Mason sa babaeng iyon? Binigyan ba siya ng love potion ng babaeng iyon?!”]Bago pa matapos ang ina sa sinasabi nito, ibinaba ni Caleb ang telepono.SA sandaling iyon, sumilip na ang araw. Nagtago si Mason sa gilid ng kalsada, sa ber

  • Not Your Wife Anymore   181 - ANO ANG DAHILAN NI RAVEN?

    Makalipas ang ilang oras, nagmamadaling bumalik si Caleb sa bahay niya. Galit siyang sumugod sa silid na dating inookupa ni Raven. Binuksan niya ang lahat ng mga drawer at kabinet doon, at sinimulang halungkatin ang lahat ng laman. Nakita niya ang mga schedule na ginawa ni Raven para kina Mason at Maddison. Ang mga lesson plan at homework na isinulat niya para sa dalawang bata.Mayroon ding mga notebook na puno ng tala tungkol sa child psychology at early childhood education na pinag-aralan ni Raven sa bahay nila. Lahat ng ito ay mga bagay na ginawa niya para sa mga anak.Natagpuan din ni Caleb ang isang notebook na puno ng mga simbolo at formula na hindi niya maintindihan. Pagkatapos, nakakita pa siya ng ilang katulad na notebook nun at puno ng mga sulat ni Raven. Puro academic terms ang mga salitang naroroon.Bakit palaging tungkol sa mga bata at academics? Nasaan ang tungkol sa akin?Lumalabas na ang kanyang mga damit ay pina-plantsa ng maid. Ang kanyang paliguan ay inihahanda ri

  • Not Your Wife Anymore   180 - ANO ANG MOTIBO

    “Mukhang malala ang kondisyon ni Mason? Ano’ng nangyari sa anak mo?” tanong ni Elcid, walang alam sa nangyari. “Ang walang pusong ina niya ang may kagagawan nito!” galit na sagot ni Caleb.Matamang tinitigan ni Elcid ang pamangkin na tila nag-iisip, at napansin iyon ni Caleb. Nagkamali ba siya ng sinabi?“Uncle, bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Ang anak ko ay tumakbo kay Raven upang magmakaawa ng kapatawaran. Nakiusap siyang tingnan siya ng ina, yakapin siya, pero sa halip ay iniwan siya ni Raven sa labas ng apartment niya, walang ginawa! Ngayon, ganito si Mason. Hindi ba bilang ina, may pananagutan siya?”Nanatiling walang ekspresyon ang guwapong mukha ni Elcid. “Gusto mo bang tulungan kita na sisihin si Raven?”“Uncle, isa ka ring Go. Huwag ka laging kumakampi sa mga taga-labas.”Ang malalim na mga mata ni Elcid ay tumitig nang malamig kay Caleb. “Miyembro ako ng pamilya Go, kaya natural na kakampi ako sa pamilya Go. Maliban na lang kung may isang Go na lumampas sa tama.”Hind

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status