공유

3 - ALLERGY

작가: Cristine Jade
last update 최신 업데이트: 2025-09-09 08:08:53

Doon naman napansin ni Ingrid ang lalaking sumusunod ng tingin kay Raven kaya bigla siyang napatayo. 

“Eris!” masayang pagtawag ni Ingrid sa lalaki sabay kaway dito. 

Naglakad si Eris palapit sa mesang kinaroroonan nila Ingrid at Caleb. 

“Sabi na nga ba at hindi mo ako mahihindian ngayon,” nakangiting pagbati ni Ingrid sa lalaki.

“Excuse me. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon,” sagot ni Eris, pagkatapos ay nilingon ang pintuang nilabasan ni Raven. 

Nang hindi na niya nakita si Raven doon ay binalikan niya ng tingin si Caleb. 

“Bro, narinig ko na maghihiwalay na kayo ni Raven.”

“Hindi niya gagawin ‘yun! Hindi siya makikipaghiwalay sa akin!” tila inis na asik ni Caleb.  

“Ahm, Caleb… kaya nga… mukhang na-misinterpret tayo ni Raven. Hayaan mo, hahabulin ko siya. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya,” sabat ni Ingrid. 

Lumipad ang tingin ni Caleb kay Ingrid. 

“Wala kang kailangang ipaliwanag sa kanya, Ingrid. Masyado lang siyang balat-sibuyas!”

Hindi sinasadyang napatingin si Caleb sa hiniwang cake ni Raven kani-kanina lang. Hindi niya napigilang makaramdam ng inis sa asawa dahil sa ginawa nito sa party ng anak nila. 

Dahil sa eksena kanina, ang mga malalapit na bisita at kakilala ni Caleb ay nagkanya-kanyang bulungan.

“Galit lang si Raven, kapag sinuyo na ‘yun ni Caleb, okay na ulit sila.”

“Ay, totoo. Ganyan naman talaga ang mag-asawa, hindi pwedeng walang tampuhan. Pero nagkakaayos pa rin naman.”

“Pero… ang kapal ng mukha ni Raven na hamunin ng hiwalayan si Caleb, ha… para na rin siyang nagtampo sa bigas kapag nagkataon.”

“Siya nga itong halos mamatay na nang ipanganak niya ang kambal. Baka kung hindi si Caleb ang asawa niya, napabayaan na siya roon sa ospital.”

“Baka nga kamo nagsisisi na ‘yun ngayon dahil sa sinabi niya!”

“Ang mabuti pa, kumain na lang tayo. Enjoy natin ang mga handa. Baka pag-uwi ni Caleb mamaya  nag-aabang na sa kanya si Raven para humingi ng tawad sa kanya.”

Narinig ni Caleb ang komento na iyon. Naisip niya na maaaring ganun nga ang mangyari. Na-imagine pa niya tuloy ang nakatayong Raven sa may pintuan ng bahay nila. Kaya tuloy kampante na siyang nag-asikaso ng mga bisita. 

“Dude Ingrid, gusto kong kumain ng cake na bigay mo!” pagtawag ni Mason sa tiyahin. 

Matamis na ngumiti si Ingrid dahil sa sinabi ng pamangkin. Agad siyang humiwa ng cake at inilagay iyon sa isang platito. 

“Here, honey…. Special ang cake na ‘yan kaya enjoy-in mo lang kainin. Hindi iyan katulad ng cake na ginagawa lagi ng Mama mo. Masarap iyan na di-hamak kaysa roon,” 

Kumutsara na si Mason ng icing at saka isinubo sa bibig niya. Malapad siyang napangiti nang natikman ito. Ibang-iba ang lasa nito sa cake na laging ginagawa ng Mama niya. At masaya si Mason. Nakatikim na siya ng ibang cake, tapos, wala pa ang nanay niya na laging nangingialam sa mga kakainin niya. 

Sinunod-sunod ni Mason ang pagsubo ng cake. Napakasarap ng cake na iyon at ngayon lang niya iyon natikman sa buong buhay niya. Dapat siyang magpasalamat sa mabait niyang tiyahin na si Ingrid. Kung hindi dahil sa kanya, hindi niya mtitikman ang kakaibang cake.

Hanggang sa mayamaya, nakaramdam si Mason ng pamamanhid ng kanyang dila. Pero hindi niya ininda iyon. Sarap na sarap siya sa cake. 

SAKAY na ng kotse nila sila Caleb at Mason. Nasa malayo ang tingin ni Caleb, iniisip niya ang binitiwang salita kanina ng asawa. Hindi siya makapaniwala na makakayang sabihin ni Raven ang mga salitang iyon. Kaya naman hindi niya napapansin ang walang habas na pagkakamot ng katabing anak na si Mason sa kanyang mukha.

“Papa, ang kati!” Sa wakas ay hindi nakatiis na hindi magreklamo si Mason sa ama. 

Nilingon ni Caleb ang anak. Saka nito napansin ang walang tigil nitong pagkakamot sa mukha nito, pati sa leeg. 

Binuksan niya ang ilaw ng sasakyan at doon lang niya nakita ang pulang-pulang mukha nito. Pati ang mga labi ni Mason ay namamaga. 

Allergy!

Ang asawang si Raven ang agad na pumasok sa isip ni Caleb. Mabilis niyang kinuha ang telepono at saka idinayal ang numero nito. Pero nakakapagtakang nakapatay ang telepono ng babae. 

Nakaramdam ng pagkainis si Caleb. Kung kailan kailangang-kailangan si Raven ay saka naman hindi niya ito makontak. 

Inutusan ni Caleb ang driver niya. 

“Dado, pakibilisan. Kailangan nating makauwi agad sa bahay.”

“Yes, Sir.”

Pagpasok ng sasakyan sa bakuran ng bahay, ang unang tiningnan ni Caleb ang main door. Inaasahan niya na katulad ng nasa isip niya kanina ay makikita niyang nakatayo roon si Raven at naghihintay sa kanya. Pero walang Raven siyang nakita roon. Inisip niya na baka naman nasa kuwarto nila ang asawa.

Kaagad niyang pinangko ang anak at bumaba ng sasakyan ng may pagmamadali. Iba na rin kasi ang tunog ng paghinga ng anak. 

“Raven! Nasaan si Raven?” agad na tanong ni Caleb habang papasok sa loob ng bahay at karga si Mason.

Ang punong kasambahay ang sumalubong sa mag-ama. Agad niyang napansin ang maingay na paghinga ng bata. 

“Ano’ng nangyari kay Sir Mason?” 

“Allergic reaction. Nasaan ang Mam mo?” muling tanong ni Caleb habang inihihiga si Mason sa sofa. 

“Ha? Bakit siya nagkaroon ng allergic reaction? Masyadong istrikto si Mam Raven sa mga kinakain ng bata.”

“Nasaan ba kasi ang Mam mo?!” inis na tanong ni Caleb sa kasambahay.

“Doon daw sila matutulog ngayong gabi ni Mam Maddison sa bahay ng mga magulang niya.”

Halos magdikit ang mga kilay ni Caleb sa narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit nag-iinarte ngayon ang asawa ng dahil lang sa narinig niya kanina sa party ng mga anak. Iniisip siguro ng asawa na hahabulin niya ito at magmamakaawa na bumalik sa kanya. 

“Nasaan ang gamot ni Mason sa allergy?” naisipang itanong ni Caleb sa kasambahay.

“Ay, hindi ko po alam, Sir…”

Tiningnan ni Caleb nang matalim ang may edad na ring kasambahay. 

“Bakit hindi mo alam? Hindi ba dapat alam mo ang lahat sa bahay na ito?” mataas ang boses na tanong ni Caleb. 

Nagyuko ng ulo ang kasambahay. 

“Sir, hindi po ba nung minsan, hindi ko naitabi ang gamot ng mga bata kaya napagkamalan nilang candy at kinain? Mabuti na lang at vitamins lang iyon. Nagalit po sa akin si Mam Raven dahil doon. Kaya po mula noon siya na ang nagtatabi ng mga gamot ng dalawang bata.”

At dahil napagalitan, nagsumbong ang punong kasambahay sa Mama ni Caleb. Dahil doon, pinagalitan ni Donya Barbara si Raven. Kasabay nun, hindi na hinayaan ni Raven na humawak ang punong kasambahay ng anumang gamot ng dalawang bata. 

Malalim na bumuntonghininga si Caleb. 

“Tawagan mo na lang si Doc Tony. Ngayon na!”

“Opo, Sir!”

~CJ

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Fam O.
Hawig ng Story ng No Longer His Submissive wife. hahahahaha
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Not Your Wife Anymore   171 - ANG RECORDING

    Isang nakaposas na Ingrid ang humarap kay Caleb.Napansin ni Ingrid ang perpektong pagkaka-plantsa ng kwelyo ng polo ng lalaki, at ang madilim na patterned tie ay akmang-akma sa kanyang custom-made suit.Nakaharap si Caleb kay Ingrid. Malamig ang tingin nito at walang emosyon ang mukha.“Gising na si Mason,” mayamaya ay sabi ni Caleb.Naglaan ng malaking halaga ang pamilya Go para sa buhay ni Mason sa pagkakataong ito.Nakipagsanib ang Go Prime Holdings at ang First Hospital upang bumuo ng expert team overnight para gamutin ang kondisyon ni Mason, at nag-imbita pa ng mga nangungunang international surgeon.Matapos magkamalay si Mason, agad na nagsimula ang rehabilitation team upang tulungan siyang makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.Nang narinig ang balitang ito, desperadong gustong lumapit ni Ingrid kay Caleb. Pero nakakahiya ang itsura niya. Mukha siyang gusgusin at walang ayos.“Gising na si Mason, ibig bang sabihin hindi na ako makukulong? Caleb, kailan mo

  • Not Your Wife Anymore   170 - GIRLFRIEND

    Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang huminto sa harap ng gusali ng Santana Technology ang isang magara at custom-made na sasakyan.Bumukas ang pinto, at unang lumabas ang mahahaba at makikinis na mga binti. Ang makintab na leather shoes na may tatlong pulgada ang heels ay dahan-dahang tumama sa marmol na sahig.Lumabas din si Eris mula sa kotse, nakasuot siya ng dark gray na terno na perpektong-perpekto ang sukat sa kanyang matipunong pangangatawan. Paglingon niya, iniabot ni Raven ang kanyang kamay.“Girlfriend, let’s go?”Ngumiti si Raven, tapos ay magkasabay silang pumasok sa gusali kasama ang pinuno ng acquisition project ng Lurara Corporation, pati na rin ang mga tauhan nito mula sa auditing at finance.Dumiretso si Raven at Eris sa elevator. Dalawang beses na siyang nakapunta sa kumpanya nila kaya pamilyar na siya sa layout nito.“Hoy!”Nagmamadaling lumapit sa kanila ang receptionist. Hirap na hirap ito sa paglakad nang mabilis dahil sa suot nitong high heels.“Bakit ka pumipind

  • Not Your Wife Anymore    169 - PANATA

    Magkasamang nakaupo sa kotse sina Raven at Eris. “Gising na si Mason, alam mo na ba?”Marahang tumango si Raven. “Oo, nag-message sa akin si Sean nung nagising siya.”Mula nung naaksidente si Mason, hindi na dinala ni Raven si Maddison sa ospital. Sa tuwing dadalhin niya kasi si Maddison sa ospital, ipinapaharang sila ni Barbara at hindi pinapapasok.Nalaman din niyang naalisan na ng ilang mga honorary positions sa mga charitable organizations ang matandang ginang, at ngayon ay tila gusto na siya nitong balatan ng buhay.Kung ipipilit niyang pumunta sa ospital, magsisimula lamang ang matanda ng mura at sumpa, na makakaapekto sa paggaling ni Mason.“Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko,” pahayag ni Raven habang nakatingin sa malayo.NGAYONG araw, muling tinanggihan ng San Clemente Church ang ibang mananampalataya dahil sa pagdating ng pamilya Go. Eksklusibo muna sa mag-lola ang buong simbahan.Nakaluhod si Barbara, nakadikit ang mga palad at pabulong na nagdarasal. Si Mason naman ay naka

  • Not Your Wife Anymore   168 - IKAW SI RAVEN SANTANA

    Matapos niyang paalisin si Raven at Maddison, naupo si Barbara sa pasilyo ng ospital, habang nagbibigay ng utos sa kanyang assistant.“Maghanap ka ng ilang media outlet at ipasulat na ang batang master ng pamilya Go ay nasa intensive care unit, at si Raven bilang ina, ay wala sa tabi niya. Alam niyang paulit-ulit na isinasakay ng kapatid niya ang kanyang anak sa motorsiklo, ngunit hindi niya ito pinigilan, at ngayon pati ako, ang lola ni Mason, ay pinupuna pa niya!”Nakayuko ang assistant, maingat na itinatala sa kanyang telepono ang mga utos ng matandang ginang. Nang bigla niyang nakita ang isang news article na ipinadala ng isang kakilala.Dala ng kuryosidad, binuksan niya ang artikulo. Pero pagbukas niya, para bang biglang gumuho ang langit!Isang media account ang naglabas ng video online kung saan dinadala ng pulis si Caleb.Nanginginig ang mga daliri ng assistant habang nag-click siya sa trending topics list, at natuklasan niyang ang kumpanya ng mga Go ay nasa gitna ng unos sa k

  • Not Your Wife Anymore   167 - ANG PAG-ASA NG MGA SANTANA

    Natakot si Ingrid, mabilis siyang tumingin kay Caleb.“Caleb, biktima rin ako rito! Aksidente lang ito. Hindi ko kailanman sinadyang saktan si Mason!”Ngunit ang lalaking inaasahan niyang lifeline niya ay hindi man lang tumingin sa kanya.Dinala na ng mga pulis si Ingrid, habang ang hospital bed ni Mason ay ipinapasok na sa intensive care unit.Sumunod si Maddison, ngunit nang nakarating siya sa pinto, pinigilan siya ng isang nurse.“Baby girl, sterile ward ito. Hindi ka puwedeng pumasok.”Tinanong ni Maddison ang nurse . “Kailan magigising ang kapatid ko?”Nakangiting sumagot ang nurse. “Sa palagay ko, malapit na.”Lumapit si Raven kay Maddison na ngayon ay nakaupo sa sulok ng intensive care unit, hawak ang watercolor pen at gumuguhit sa papel.Nakita niyang idinikit ni Maddison ang iginuhit na anghel sa salamin sa tapat ng higaan ni Mason sa ICU. Matapos idikit, pinagdikit niya ang kanyang mga kamay, pumikit, at taimtim ang kanyang ekspresyon. “Sana magising si Mason. Kapag nagisi

  • Not Your Wife Anymore   166 - MGA EBIDENSYA

    Sa parking lot ng ospital. Mabilis na bumaba si Maddison mula sa kotse habang may kaba sa kanyang dibdib. Lumingon siya kay Raven at agad namang hinawakan ni Raven ang kamay ng anak. “Tara na.”Magkasabay silang naglakad papasok sa ospital, mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Maddison.Sa harap ng operating room, nakita ni Barabara ang parating na si Raven. Para bang nakahanap siya ng bagong paglalabasan ng galit pagkatapos kay Ingrid. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na nagbuhos ng paninira, na para bang nakaharap sa isang kaaway.“Raven! Anong klaseng ina ka? Halos patayin ng kapatid mo ang apo ko!” Nanginginig sa galit na sabi ng matandang ginang. “Kung hindi mo ginawa ang eksena sa race track, tatakbo ba si Mason palayo? Ang aksidente ni Mason ay dahil sa iyo, sa ina niya, na sinadyang saktan siya!”Tinitigan ni Raven ng walang ekspresyon si Barbara. Pagkatapos ay binalingan niya si Caleb. Itinaas niya ang kamay at hinawakan ang kwelyo ng damit nito. Pagkatapos ay hinila ni

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status