Beranda / Romance / Not Your Wife Anymore / 4 - HINDI NA SIYA BABALIK

Share

4 - HINDI NA SIYA BABALIK

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-09 08:12:05

Pagkaraan ng halos isang oras ay dumating na ang doktor na ipinatawag ni Caleb. Binigyan niya ng gamot sa allergy si Mason, kaya naman unti-unti ng nawala ang mga pantal nito.

“Mr. Go, mayamaya lang ay tuluyan ng mawawala ang allergy ni Mason. Sobrang effective ng gamot na itinurok ko sa kanya. Pero sana ay huwag na uli natin siyang pakainin ng mga pagkain na bawal sa kanya. Hindi nila-lang ang allergy. May mga cases na nahahantong sa kamatayan ang mga ganitong sakit.”

Tahimik na tumango lang si Caleb. Nakakatakot ang aura nito. 

“Mr. Go, magpapaalam na po ako. Kapag may napansin kayong kakaiba sa bata, tawagan n’yo na lang ako.”

“Ibibigay sa iyo ng kasambahay ang bayad.”

“Salamat po.”

Tahimik lang na nakahiga si Mason sa kanyang kama mula pa kanina. Lihim niyang ipinagpasalamat na wala ang ina ngayon. Kung nagkataon, katakot-takot na sermon na sana ang inabot niya mula rito. Parang naiisip na niya kung ano ang mga sasabihin nito sa kanya kung nagkataon. 

Ganundin, naisip niya ang tiyahin na nagpakain sa kanya ng cake. Tiningnan niya ang ama na nakatayo pa rin sa gilid ng kama niya. Nakaramdam siya ng pangongonsyensiya para sa kanya.

“Papa, please… huwag mo pong sabihin kay auntie na nagka-allergy ako sa cake na ipinakain niya sa akin. Huwag mo siyang sisihin. Kasalanan ito ni Mama kaya ako nagkaganito. Mula kasi pagkabata, hindi niya ako pinapainom ng gatas. Kung sinanay niya akong uminom ng gatas, hindi ako magkaka-allergy.”

Hindi sumagot si Caleb. Nakatingin lang ito sa anak. Walang nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Kahit si Mason ay nakaramdam ng takot sa nakikita ngayon sa ama. Pero hindi na ito nagsalita hanggang sa nagpasya itong lumabas na ng kuwarto ng anak.

KINAUMAGAHAN, nagising si Caleb sa normal na oras ng gising niya. Pagkaupo sa kama, agad niyang hinanap ang baso ng tubig na laging naroroon na bago pa siya magising. Pero nagtaka siya na wala ngayon ang baso ng tubig sa lugar na laging pinaglalagyan nun. Saka lang niya naalala na wala nga pala ang asawa sa bahay. 

Naiinis na tuluyan ng bumaba mula sa kama niya si Caleb at saka lumabas na ng kuwarto niya. Naabutan niya na nagmamarakulyo si Mason sa kuwarto nito at pinipilit ng kasambahay na maligo na. 

Natigilan si Caleb. Kapag sa ganitong sitwasyon, matagal at mahaba ang pasensiya na sinusuyo ng asawa ang bata hanggang sa susunod na rin ito kalaunan sa ina.

Sa wakas ay napapayag na rin ng kasambahay na maligo si Mason. Pumasok na ito sa banyo at tumuntong sa kahoy na hagdanan para magsipilyo sa lababo. Pero bigla itong nagalit sa kasambahay. 

“Bakit hindi mo pa nilagyan ng toothpaste ang toothbrush ko?!”

Agad namang tumalima ang kasambahay. Inabot ni Mason ang isang baso sa lababo, para lang madismaya. 

“Hindi mo rin nilagyan ng tubig ang baso ko? Paano ako magsisipilyo nito?” inis na tanong ng batang amo.

“Pasensya na…” nagmamadaling inagaw ng kasambahay ang baso mula sa kamay ni Mason at saka itinapat iyon sa gripo para lamnan ng tubig. “Ang Mama mo naman kasi ang gumagawa nito kaya hindi ko alam.” 

NANG naupo si Caleb at Mason sa hapag-kainan, napatulala na lang sila sa nakitang nakahaing pagkain sa mesa. 

“Ano ‘to?” tanong ni Caleb.

“Po?” natatakot na sagot ng punong kasambahay.

“Igawa mo kami nung espesyal na embutido. Iyong ginagawa ni Raven. Iyon ang gusto kong kainin,” sa halip ay sagot ni Caleb.

“Ako rin! Ako rin!” segunda ni Mason.

Pakiramdam ng kasambahay ay biglang uminit sa loob ng bahay at pinagpawisan siya. Hindi niya alam kung paano ang gagawin.

“T-Tatawagan ko po si Mam. Itatanong ko kung paano gawin,” natatarantang sagot ng babae, pagkatapos ay lumabas na roon.

NAGISING si Raven sa tunog ng telepono niya. Inaantok pa na sinagot niya ang telepono. 

[“Mam, gustong kumain nila Sir nung embutidong ginagawa mo para sa kanila. Eh… hindi ko naman alam gawin ‘yun.”]

Inihilamos ni Raven ang kamay niya sa mukha niya bago sumagot sa kausap.

“Ite-text ko sa ‘yo ang recipe.”

Pagkasabi nun ay ibinaba na ni Raven ang tawag at saka ay kinalikot sa telepono niya. 

NAKATITIG lang si Celia sa screen ng telepono niya. Iniisip niya kung makakaya ba niyang gawin ang putaheng gusto ng amo na kainin ngayon. Nangangamba siyang pumalpak siya at magalit ito sa kanya. 

Naisipan niyang i-text ang among babae. 

To: Mam Raven

Mam, kailan ka po ba babalik?

Naisip niya na mas mainam kung bumalik na ang amo para siya na ang gumawa ng putaheng gusto ng among lalaki. 

From: Mam Raven

Hindi na ako babalik diyan.

“Ha? Patay!”

From: Mam Raven

Mula sa araw na ito, wala na akong pakialam 

kung ano man ang nangyayari sa bahay na iyan. 

Huwag mo na rin akong tatawagan. Gagawa a-

ko ng listahan ng mga dapat mong gawin diyan, 

pati na ang mga recipe ng mga pagkain na gusto 

nilang kainin at ang mga bawal kay Mason. Hang-

gang doon na lang ang kaya kong gawin. 

To: Mam Raven

Naku, Mam. Huwag po. Huwag mong gawin ‘yan.

Pero hindi na sumagot si Raven. Pinatay na niya ang power ng telepono niya at saka muling nahiga. Niyakap niya ang katabing si Maddison at saka muling natulog. Hindi niya kailangang bumangon agad. Si Maddison lang naman ang kailangan niyang ipagluto ng agahan.

Sinubukan ni Celia na tawagan si Raven pero hindi na niya ito makontak. 

“Paano ba ‘to? Talagang mamamatay ako nito…” tanging nasabi niya sa sarili.

Lulugo-lugong bumalik si Celia sa dining roon kung saan naroroon at naghihintay ang mag-amang Caleb at Mason.

“Sorry, Sir… hindi ko po kayang gawin iyong embutido na gawa ni Mam… masyadong kumplikado…”

“Tinawagan mo ba siya?” salubong ang kilay na tanong ni Caleb. 

“Yes, Sir. Nagpadala po siya sa akin ng kopya ng recipe. Pero pasensya na po. Binabasa ko pa lang po nararamdaman ko ng hindi ko siya kayang gawin. Baka pumalpak pa po ako at lalo kayong… magalit…”

Padabog na inalis ni Caleb ang table napkin na nasa kandungan at saka itinapon sa ibabaw ng mesa. Ang dahilan niya kaya niya hiniling ang putaheng iyon ay para tawagan ni Celia si Raven nang sa ganun ay uuwi na ito sa bahay nila. Hindi ba naisip ni Raven na binibigyan na nga niya ito ng pagkakataon na makauwi sa bahay nila ng hindi magmamakaawa sa kanya?

Pigil ang inis na dinampot ni Caleb ang tasa ng mainit na kape.

“Sinabi ba niya kung kailan siya babalik?!” 

Umiling si Celia. 

“Ano’ng ibig sabihin niyan?” malamig pa sa yelo na tanong ni Caleb pagkatapos ay humigop ng kape mula sa tasa.

“H-Hindi na raw po siya uuwi rito…”

Napaubo si Caleb sa narinig. Inisip naman ni Celia na baka napaso ang amo sa kapeng iniinom nito kaya napaubo. Agad niyang sinalinan ng tubig ang baso nito at saka iniabot dito.

“Sir, matanong ko lang, Nag-away po ba kayo ni Mam?”

Lumipad ang tingin ni Caleb sa kasambahay. 

“Wala kang pakialam!”

Napaatras si Celia sa pagsigaw sa kanya ni Caleb. 

“Sorry po, Sir… natanong lang naman…” 

~CJ

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Not Your Wife Anymore   171 - ANG RECORDING

    Isang nakaposas na Ingrid ang humarap kay Caleb.Napansin ni Ingrid ang perpektong pagkaka-plantsa ng kwelyo ng polo ng lalaki, at ang madilim na patterned tie ay akmang-akma sa kanyang custom-made suit.Nakaharap si Caleb kay Ingrid. Malamig ang tingin nito at walang emosyon ang mukha.“Gising na si Mason,” mayamaya ay sabi ni Caleb.Naglaan ng malaking halaga ang pamilya Go para sa buhay ni Mason sa pagkakataong ito.Nakipagsanib ang Go Prime Holdings at ang First Hospital upang bumuo ng expert team overnight para gamutin ang kondisyon ni Mason, at nag-imbita pa ng mga nangungunang international surgeon.Matapos magkamalay si Mason, agad na nagsimula ang rehabilitation team upang tulungan siyang makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.Nang narinig ang balitang ito, desperadong gustong lumapit ni Ingrid kay Caleb. Pero nakakahiya ang itsura niya. Mukha siyang gusgusin at walang ayos.“Gising na si Mason, ibig bang sabihin hindi na ako makukulong? Caleb, kailan mo

  • Not Your Wife Anymore   170 - GIRLFRIEND

    Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang huminto sa harap ng gusali ng Santana Technology ang isang magara at custom-made na sasakyan.Bumukas ang pinto, at unang lumabas ang mahahaba at makikinis na mga binti. Ang makintab na leather shoes na may tatlong pulgada ang heels ay dahan-dahang tumama sa marmol na sahig.Lumabas din si Eris mula sa kotse, nakasuot siya ng dark gray na terno na perpektong-perpekto ang sukat sa kanyang matipunong pangangatawan. Paglingon niya, iniabot ni Raven ang kanyang kamay.“Girlfriend, let’s go?”Ngumiti si Raven, tapos ay magkasabay silang pumasok sa gusali kasama ang pinuno ng acquisition project ng Lurara Corporation, pati na rin ang mga tauhan nito mula sa auditing at finance.Dumiretso si Raven at Eris sa elevator. Dalawang beses na siyang nakapunta sa kumpanya nila kaya pamilyar na siya sa layout nito.“Hoy!”Nagmamadaling lumapit sa kanila ang receptionist. Hirap na hirap ito sa paglakad nang mabilis dahil sa suot nitong high heels.“Bakit ka pumipind

  • Not Your Wife Anymore    169 - PANATA

    Magkasamang nakaupo sa kotse sina Raven at Eris. “Gising na si Mason, alam mo na ba?”Marahang tumango si Raven. “Oo, nag-message sa akin si Sean nung nagising siya.”Mula nung naaksidente si Mason, hindi na dinala ni Raven si Maddison sa ospital. Sa tuwing dadalhin niya kasi si Maddison sa ospital, ipinapaharang sila ni Barbara at hindi pinapapasok.Nalaman din niyang naalisan na ng ilang mga honorary positions sa mga charitable organizations ang matandang ginang, at ngayon ay tila gusto na siya nitong balatan ng buhay.Kung ipipilit niyang pumunta sa ospital, magsisimula lamang ang matanda ng mura at sumpa, na makakaapekto sa paggaling ni Mason.“Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko,” pahayag ni Raven habang nakatingin sa malayo.NGAYONG araw, muling tinanggihan ng San Clemente Church ang ibang mananampalataya dahil sa pagdating ng pamilya Go. Eksklusibo muna sa mag-lola ang buong simbahan.Nakaluhod si Barbara, nakadikit ang mga palad at pabulong na nagdarasal. Si Mason naman ay naka

  • Not Your Wife Anymore   168 - IKAW SI RAVEN SANTANA

    Matapos niyang paalisin si Raven at Maddison, naupo si Barbara sa pasilyo ng ospital, habang nagbibigay ng utos sa kanyang assistant.“Maghanap ka ng ilang media outlet at ipasulat na ang batang master ng pamilya Go ay nasa intensive care unit, at si Raven bilang ina, ay wala sa tabi niya. Alam niyang paulit-ulit na isinasakay ng kapatid niya ang kanyang anak sa motorsiklo, ngunit hindi niya ito pinigilan, at ngayon pati ako, ang lola ni Mason, ay pinupuna pa niya!”Nakayuko ang assistant, maingat na itinatala sa kanyang telepono ang mga utos ng matandang ginang. Nang bigla niyang nakita ang isang news article na ipinadala ng isang kakilala.Dala ng kuryosidad, binuksan niya ang artikulo. Pero pagbukas niya, para bang biglang gumuho ang langit!Isang media account ang naglabas ng video online kung saan dinadala ng pulis si Caleb.Nanginginig ang mga daliri ng assistant habang nag-click siya sa trending topics list, at natuklasan niyang ang kumpanya ng mga Go ay nasa gitna ng unos sa k

  • Not Your Wife Anymore   167 - ANG PAG-ASA NG MGA SANTANA

    Natakot si Ingrid, mabilis siyang tumingin kay Caleb.“Caleb, biktima rin ako rito! Aksidente lang ito. Hindi ko kailanman sinadyang saktan si Mason!”Ngunit ang lalaking inaasahan niyang lifeline niya ay hindi man lang tumingin sa kanya.Dinala na ng mga pulis si Ingrid, habang ang hospital bed ni Mason ay ipinapasok na sa intensive care unit.Sumunod si Maddison, ngunit nang nakarating siya sa pinto, pinigilan siya ng isang nurse.“Baby girl, sterile ward ito. Hindi ka puwedeng pumasok.”Tinanong ni Maddison ang nurse . “Kailan magigising ang kapatid ko?”Nakangiting sumagot ang nurse. “Sa palagay ko, malapit na.”Lumapit si Raven kay Maddison na ngayon ay nakaupo sa sulok ng intensive care unit, hawak ang watercolor pen at gumuguhit sa papel.Nakita niyang idinikit ni Maddison ang iginuhit na anghel sa salamin sa tapat ng higaan ni Mason sa ICU. Matapos idikit, pinagdikit niya ang kanyang mga kamay, pumikit, at taimtim ang kanyang ekspresyon. “Sana magising si Mason. Kapag nagisi

  • Not Your Wife Anymore   166 - MGA EBIDENSYA

    Sa parking lot ng ospital. Mabilis na bumaba si Maddison mula sa kotse habang may kaba sa kanyang dibdib. Lumingon siya kay Raven at agad namang hinawakan ni Raven ang kamay ng anak. “Tara na.”Magkasabay silang naglakad papasok sa ospital, mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Maddison.Sa harap ng operating room, nakita ni Barabara ang parating na si Raven. Para bang nakahanap siya ng bagong paglalabasan ng galit pagkatapos kay Ingrid. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na nagbuhos ng paninira, na para bang nakaharap sa isang kaaway.“Raven! Anong klaseng ina ka? Halos patayin ng kapatid mo ang apo ko!” Nanginginig sa galit na sabi ng matandang ginang. “Kung hindi mo ginawa ang eksena sa race track, tatakbo ba si Mason palayo? Ang aksidente ni Mason ay dahil sa iyo, sa ina niya, na sinadyang saktan siya!”Tinitigan ni Raven ng walang ekspresyon si Barbara. Pagkatapos ay binalingan niya si Caleb. Itinaas niya ang kamay at hinawakan ang kwelyo ng damit nito. Pagkatapos ay hinila ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status