MasukKambal sila Maddison at Mason. Pero kapansin-pansin ang pagkaka-iba ng mga ugali nila. Bigla tuloy naalala ni Raven nung gabing ipinanganak niya ang kambal. Dinugo siya noon kaya kinailangan niyang maisugod agad sa ospital. Pero nang tawagan niya si Caleb, si Ingrid ang sumagot sa telepono nito.
[“Naku, wala si Caleb. Bumili siya ng popcorn para sa aming dalawa. Nandito nga pala kami sa Disneyland ngayon. Hindi ba niya nasabi? Nagpasama kasi ako sa kanya para panoorin ang fireworks dito.”]
“Pakisabi sa kanya na manganganak na ako ngayon…” sabi ni Raven sa kabila ng sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
[“Talaga ba? Sa tingin mo ba, makakabalik agad-agad diyan si Caleb? Siyempre, hindi. Oh siya… manganak ka lang diyan. Huwag kang mag-panic. Relax lang. Iire mo lang at lalabas din ‘yan. Oh, wait! Mag-uumpisa na ang fireworks display!”]
Pagkatapos nun ay narinig na lang ni Raven ang sabay-sabay na tunog ng iba’t ibang mga paputok sa kabilang linya. Masama ang loob na pinatay na ni Raven ang tawag, dahil wala rin namang mangyayari.
Ni hindi niya alam kung nabanggit ba ng kapatid kay Caleb ang sitwasyon niya. Dahil nakapanganak na siya at lahat ay walang Caleb na dumating sa ospital.
“Si Mrs. Go! Nandito na si Mrs.Go!” gulat na sabi ng isang bisita.“Bakit naririto si Raven?” Iyon ang narinig na tanong ni Raven mula sa isa sa mga bisita.
Gustong magsalita ni Raven. Anak niya ang may birthday. Natural, pupunta siya. Bakit parang hindi yata siya welcome sa birthday ng sariling anak?
Iginala ni Raven ang mga mata sa mga bisitang naroroon. Halos lahat ng mga naroroon ay mga kaibigan nila Caleb at Ingrid. Hindi na siya nagtataka kung bakit ganun ang narinig niyang komento.
Mabuti na lang at basa ang mukha ni Raven mula sa ulan na sinuong nilang mag-ina, kaya hindi halata ang mga luhang humalo na sa tubig-ulan. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang mga bisitang nagsalita at kumekwestiyon sa presensiya niya ngayon. Sa halip, taas-noo siyang nagmartsa papunta sa mesa kung saan nakaupo sila Caleb, Ingrid at Mason.
May kumpiyansa na inilapag ni Raven ang kahon ng pinaka-ingatan niyang cake sa ibabaw ng mesa sa mismong harapan ng tatlo.
Kaagad namang nag-angat ng tingin si Mason sa ina. Nakita niya ang basang mukha nito at ang medyo magulo at basang buhok nito. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin sa tiyahin. Napakaganda nitong tingnan sa ayos ng buhok nito at sa make-up nito sa mukha. Hindi niya tuloy mapigilan na ikumpara ang dalawa.
Binuksan ni Raven ang kahon ng cake, habang tahimik ang lahat ng mga taong naroroon. Hinihintay kung ano ang pwedeng gawin ni Raven dahil sa nakita at narinig nito.
Makikita sa ibabaw ng cake ang mga replica ng mga mukha nila Mason at Maddison. Hinati niya ang cake sa dalawa habang nanginginig ang kamay niya, at saka inilipat ang kalahating parte ng cake sa isang malinis na plato na nasa mesa. Pagkatapos ay inilagay niya ang plato sa harapan ni Mason.
“Mason, nandito ako para tuparin ang wish mo. Magmula sa araw na ito, hindi na ako ang nanay mo,” sabi ni Raven sa anak.
“Raven! Ano’ng kalokohan ‘yan?” angil ni Caleb.
Nilingon ni Raven si Caleb at saka matapang na sinagot ito. “Maghiwalay na tayo. Sa akin si Maddison, sa iyo naman si Mason.”
“Nagtatampo ka ba, Mama? Dahil hindi ka invited sa birthday ko?” seryosong tanong ni Mason.
Nilingon ni Raven ang anak, pero hindi kakikitaan ng emosyon sa mukha nito.
“Mama, tama na nga ‘yan. Kaya ayaw kong sine-celebrate ang birthday ko kasama ka, kasi lagi mo na lang akong inuutusan kung ano lang ang dapat kong kainin. Nakakasawa na!”
“Mason!” saway ni Raven sa anak.
“Katulad nitong cake mo. Kabisado ko na ang lasa niyan! Walang pinag-iba. Ngayong gabi, iyong cake na bigay sa akin ni dude Ingrid ang kakainin ko, at hindi mo ako mapipigilan.”
“Mason! Hindi ka pwedeng kumain ng cake na hindi gawa ni Mama! Ang allergy mo!”
“Wala namang milk content ang cake!” sabat ni Ingrid sa dalawang bata, “alam n’yo, kaya nagka-allergy si Mason sa gatas dahil dito kay Raven. Masyado niyang bineybi itong si Mason kaya naging maselan sa gatas.”
Tumango-tango si Mason. “Naniniwala ako kay dude Ingrid. Palibhasa, probinsyana si Mama kaya makaluma ang mga alam niya. Hindi katulad ni dude Ingrid. Marami siyang alam.”
Pakiramdam ni Raven ay tinusok-tusok ang dibdib niya ng libo-libong mga karayom sa sinabi ng anak. Limang taon niyang inalagaan at pinalaki ang anak na lalaki. Pero pakiramdam niya ngayon ay parang estranghero sila sa isa’t isa.
Katulad din ng ama nito. Pitong taon silang nagsama ni Caleb, pero mula noon hanggang ngayon ay malamig ang pakikitungo ng lalaki sa kanya.
Pilit kinontrol ni Raven ang sarili. Pakiramdam niya ngayon ay ang pait-pait ng bibig niya.
“Mason, kung ayaw mong kainin ang cake na gawa ko, itapon mo.”
Huminga ng malalim si Raven.
“Mason, ginawa ko ang lahat para mapalaki ka ng maayos. Lahat ng pagmamahal, ibinigay ko sa inyong dalawang magkapatid. Pero kung gusto mo ng bagong nanay, go on! Magpaparaya ako kay Ingrid.”
Mas matanda si Ingrid kaysa kay Raven, pero mula pa noong mga bata sila ay ayaw nitong magpatawag ng Ate sa kanya kaya kinalakihan na ni Raven na Ingrid lang ang tawag sa kapatid.
“Ito na ang huling pagbati ko sa iyo anak ng happy birthday. Sana ay lumigaya ka sa hiling mo.”
Kinuha ni Raven ang kamay ni Maddison. “Halika na, Maddison. Aalis na tayo.”
Tumalikod na si Raven at akmang maglalakad na paalis sa kinatatayuan ng tawagin ni Caleb ang pangalan niya.
“Raven!”
Hindi naituloy ni Raven ang paghakbang.
“Siniseryoso mo ang salita ng isang bata?” tanong ni Caleb sa asawa.
“Oo,” tipid na sagot ni Raven, pagkatapos ay seryosong nilingon si Caleb.
“Bukas ng alas-tres, magkita tayo sa opisina ni Atty. Salcedo,” dagdag pa ni Raven, habang puno ng determinasyon ang mga mata.
Muling tumalikod na si Raven at walang lingon-likod na naglakad na papunta sa labasan ng lugar. Bago makalabas ng pintuan, napansin niya roon ang isang matangkad na lalaki na matiim na nakatingin sa kanya.
Kilala ni Raven ang lalaki. Ito si Eris Mercader. Galing din sa isa sa mga mayayamang angkan sa siyudad, katulad ng asawang si Caleb. Kaya hindi na nagtaka si Raven kung bakit naririto sa kaarawan ng kambal ang lalaki.
Hindi na napansin ni Raven ang ginawang pagsunod sa kanya ng tingin ni Eris hanggang sa makalabas na siya ng pintuan.
~CJ
Habang matamang nakatingin si Caleb sa mukha ni Raven, nagkaroon siya ng realisasyon na ang pagkakakuha ni Raven sa unang puwesto noong preliminary ay hindi lang suwerte o tsamba. Katunayan nun ang pagkakakuha niya uli ng unang ranking ngayong finals.Nagsimula na ang challenge competition. Ang nasa top 20 ay pwedeng pumili ng isang kalahok na nasa top 20 rin para hamunin. Pwedeng magbigay ng tanong o problema ang kalahok na iyon para sa kalahok na pinili niya. Kailangang sagutin ng hinamon ang tanong o problema. At kapag hindi niya nasagot ang naturang tanong o problema ay awtomatikong tanggal na siya sa kompetisyon. Kasabay nun, kapag nasagot naman ng hinamon ang tanong o problema, ang humamon naman ang awtomatikong maaalis sa kompetisyon.Ang top 20 hanggang 18 ay pinili si Raven para hamunin. Matagumpay na nasagutan ni Raven ang mga ibinigay sa kanyang tanong at problema ng tatlong kalahok. Kaya naman, naalis silang tatlo sa kompetisyon. Sumunod namang namili ang top 17 hang
Namilog ang mga mata ni Ingrid ng nakita niyang iyong kaibigan niyang reporter na nag-interview kay Mason ang tumatawag. Napahawak si Ingrid sa dibdib niya. Bakit naman ngayon pa siya tinatawagan ng lalaki? Para kasing hindi maganda ang kutob niya sa tawag na iyon. Ang balak ni Ingrid ay hayaan lang itong mag-ring nang mag-ring hanggan sa magsawa ang kaibigan sa kakatawag. Pero parang wala itong balak na tigilan ang pagtawag sa kanya. Kaya naman napilitan na si Ingrid na sagutin ang tawag.“Hello.”[“Ingrid, inalis ako sa field. Hindi na ako reporter. Inilipat ako sa research group. Na-demote ako, Ingrid!”]“So? Ano naman ang kinalaman ko sa pagkakalipat sa ‘yo?”[“Ano’ng kinalaman mo? Marami lang namang puwersa ang nanggigipit sa itaas. Kung hindi ako aalisin bilang reporter, ipapasara nila ang kumpanyang pinapasukan ko!”]Napaawang ang mga labi ni Ingrid sa narinig. “Si Attorney Eris ba ang puwersan iyon?” [“Hindi lang si Mercader!”] Halata ni Ingrid sa boses ng kausap ang tako
Maagang umuwi si Caleb ng araw na iyon. Kanina pa siya hindi mapalagay. Alam niyang mabuti ang intensyon ni Ingrid para gawin ang pagpapa-interview kay Mason, pero wala siyang karapatan para kontrolin ang direksyon ng opinyon ng publiko tungkol sa kanya, kay Mason at kay Raven.“Boss!” tawag ng sekretarya niya sa labas ng bintana na may kasama pang pagkatok.Ibinaba ni Caleb ang salamin ng bintana. Saka naman inilusot ng sekretarya ang telepono niya para may ipakita o ipabasa sa amo.“May mga negatibong video ni Miss Ingrid ang kumakalat sa internet!”Kinuha ni Caleb ang telepono at saka pinanood ang video.Ipinakita doon si Ingrid habang nakaupo sa kandungan ng isang lalaki. Na
Sinubukan ni Raven na muling itipa ang username at password niya. Pero “wrong password” ang mensaheng lumitaw sa screen.Napaisip si Raven. Matagal na niyang hindi binubuksan ang account na iyon. Paano’ng bigla na lang itong nag-notipika na napalitan ang password niya?SAMANTALA, sa bahay ng mga Santana, patamad na nakaupo si Ingrid sa sofa sa sala ng bahay. Ang isang kamay niya ay hawak ang telepono niya sa tapat ng tenga niya, at ang isang kamay niya ay humahagod sa buhok niya.[“Dude, na-hack ko na ang facegram account ng kapatid mo. Marami siyang mga post doon na mga video at mga pictures ng dalawa niyang anak. Walang ibang nakakakita nun dahil naka-
Hindi na kaya ni Rainier na magbasa pa ng mga nakakainsultong komento patungkol kay Raven. Itinigil na niya ang pagbabasa ng mga komento sa social media at saka pumasok muli sa loob ng pribadong kuwarto niya.Hindi siya naupo sa upuan sa likod ng mesa niya. Sa halip ay tumayo siya sa tabi ng bintana, kung saan tanaw niya ang kalsada sa ibaba. Dinukot niya ang telepono niya at saka mau tinawagan.“Alisin mo ang lahat ng negatibong search sa social media na may kinalaman kay Raven. At kung sino man ang mahuli na may kinalaman sa pagpapakalat nun ay kailangan nating mabigyan agad ng aksyon!”Masama ang loob ni Rainier. Kung siya nga ay nasasaktan sa mga negatibo at maduduming mga komento, mas lalo ng hindi niya kayang hayaan na masaktan si Raven.Pag
Tumikwas ang isang kilay ni Elcid.“Bakit? Hindi ka ba sure na makukuha mo ang unang puwesto katulad nung preliminary?” tila nanunukso na tanong nito.Mabilis na ngumiti si Raven. “Uncle, mukhang sinusundan mo ang ako Math Olympiad, ah?”Umirap si Elcid. “Hindi ko sinadya. Aksidente ko lang na nakita. Huwag kang asyumera.”Nang huminto na ang sasakyan ni Elcid sa tapat ng tinutuluyan ni Raven, muling hinarap ni Raven ang lalaki.“Uncle, sana hindi mo ako biguin. Iyun talaga ang pangarap ko, ang magtrabaho sa Quantum Sphere.”“Let’s see…” sagot ni Elcid habang mahinang tumango-tango.Pero hindi pinanghinaan







