Nagpatuloy lang sa paglalakad si Raven, habang iniisip kung ano ang pwede niyang gawin sa sitwasyon niya ngayon at kung sino ang pwedeng makatulong sa kanya na hindi kayang masakop ni Caleb.
May nakita siyang pay-phone sa isang tindahan. Nagmamadaling dinayal ni Raven ang numero ni Dean Jose at saka ipinaliwanag ang sitwasyon niya.
Sandali lang silang nag-usap ng matanda. Ang sabi nito sa kanya ay may susundong sasakyan kung saan siya naroroon ngayon. Hindi siya okay sa ideya na sumakay ng taxi papunta sa bahay ni Jose, alam niyang kapag nakuha ng mga tao ni Caleb ang pangalan ng taxi at ng driver ay pwedeng-pwede niya itong suhulan.
Pero habang hinihintay niya ang sasakyan na susundo sa kanya, nakita niya ang puting kotse na sumusunod sa kanya kanina. Bumaba ang isa sa mga sakay nito at saka nagmamadali
First place? Imposible!Naisip ni Ingrid na baka mali ang dinig niya sa mga sinasabi ng mga katabi. Tinapos niya muna ang pagvi-video at saka nakinig, dahil kasalukuyan ng ini-interview si Raven.“Ms. Raven, base sa application mo sa NMO, graduate ka ng San Clemente Science and Technology. Pero sa course mong B.S. Math sa St. Andrew’s University, hindi ka nakatapos. Bakit ka huminto? Nagtrabaho ka ba agad? Ano’ng naging trabaho mo?” tanong ng isa sa mga reporter.Nakagat ni Raven ang ibabang labi niya. “Nakalagay din naman sa application ko na isa akong plain housewife for seven years, at pagkatapos iyong huminto ako sa St. Andrew’s,” nahihiyang sagot ni Raven.Samantala, nakita ni Mason ang pagkukumpulan ng mga tao kay Raven pero hindi niya alam kung ano ang meron. “Ano’ng meron? Ano’ng nangyayari?” Sumagot ang isang kaklase niya. “Ang galing pala ng Mama mo, Mason! Nanalo daw siya ng first place sa Math Olympiad! Astig ‘yun, ha!”“Narinig ko dun sa mga nanay dun sa umpukan, nas
Namangha ang lahat ng naroroon sa sinabi ng babae. May napasinghap pa. “Wala namang sinaktan ang batang babae. Hindi niya sinaktan iyong lalaki katulad ng mga sinasabi n’yo. Ikaw, bilang principal ng eskwelahan, kaagad kang nagpatalsik ng estudyante base sa sabi-sabi lang ng mga tao sa paligid mo at hindi base sa ebidensya. Hindi ka karapat-dapat na maging lider ng isang eskwelahan!” Nanlaki ang mga mata ni Mrs. de Villa, halos lumuwa na nga ang mga mata niya. “Ano’ng sabi mo? Taga ABS TV ka?”Lumapit si Mrs. de Villa sa babae at saka tiningnan ang ID na ipinagmamalaki nito. “Wala naman akong natatanggap na abiso mula sa istasyon n’yo na iinterbyuhin n’yo ako. Namemeke ka lang yata!” Pero bago makasagot ang babae ay nagdatingan ang iba’t ibang sasakyan at pumarada sa tapat ng gate ng eskwelahan. Nag-uunahang nagsibabaan ang mga sakay nun na may dala-dalang mike, camera at telepono. Halos nagtakbuhan ang mga ito papunta sa kinatatayuan ni Raven. “Ms. Santana!”“Ms. Santana, nata
Dahil dito, nagsunurang magkomento ang ilang mga magulang na naroroon. Isang miyembro ng pamilya Go ang nangunang itakwil sila Raven at Maddison kaya malakas na ang loob nilang magsalita.“Ms. Santana, pinaalis na kayong mag-ina sa bahay ng mga Go. Paano mong naa-afford na pag-aralin si Maddison sa mahal na eskwelahang ito?” tanong ng isang magulang.“Kaya naman pala ganyan si Maddison, nagmana sa ‘yo. Palaaway!”“Ngayon lang ako nakakita ng batang babaeng ganyan! Natakot tuloy ako na baka pati ang anak kong lalaki masaktan niya!”“Paalisin na ‘yan dito sa Northford School!” “Oo nga, bakit ba nandito pa rin ‘yang batang ‘yan? Nagdadala lang siya ng gulo rito!”Isa-isang tinitingnan ni Raven ang mga nagsisipagsalita. Pilit niyang tinatandaan ang mga mukha nila at kung sino-sino sila. “Ano’ng kaguluhan ‘to?” Lahat ng mga naroroon ay nagsilingunan sa direksyon ng bagong dating. “Mrs. de Villa, eto kasing batang ito. Sinaktan si Mason. Gusto naming paalisin na siya rito sa Northford
Nagulat na lang ang lahat ng mga bata ng sinugod ni Maddison si Mason. Hinawakan niya ang damit nito at saka pinitsarahan. “Bakit ayaw mo akong palaro kay Mishel?! Best friend ko siya!” galit na tanong ni Maddison sa kakambal. “Eh, gusto ko, eh! Bakit ba?” sagot naman ni Mason habang pilit kumakawala mula sa pagkakahawak ni Maddison. “Kapatid mo ako, Mason. Kakambal. Pero bakit mo ako tinatrato ng ganito?!”“Bastarda!” Nagsalubong ang mga kilay ni Maddison. “Ano’ng sabi mo? Ano’ng itinawag mo sa akin?” “Ang sabi ni Grandma, wala ka raw utang na loob pagkatapos ka niyang pakainin at bihisan. Hindi na raw tayo magkapatid! Ikaw at ang mapagpanggap na babaeng ‘yon ay mga patay-gutom! At ayaw naming magkaroon ng kaklaseng patay-gutom kaya hindi ka na kikibuin at lalapitan ng buong klase mula ngayon!” “Maddison, bitiwan mo na si boss Mason!” sigaw ng ilang kaklase na nasa likuran ni Mason. “Oo nga! Bitiwan mo na si boss Mason! Hindi ka na namin ka-lebel!” sigaw pa ng isa.“Tama. Ang
Maangas na bumaba mula sa motor ni Ingrid si Mason. “Good morning, boss Mason!” Halos sabay-sabay na pagbati ng mga kaklase ni Mason na nakakita sa kanya sa may gate ng eskwelahan. Natuwa si Mason sa pagkakatawag sa kanya ng mga kaklase. Taas-noo itong naglakad papasok ng gate. Si Ingrid ang nagturo sa mga bata na tawagin siya ng ganun.Nang bigla na lang sumigaw ang isa sa mga bata at tila may kamangha-mangha itong itinuro sa labas ng gate. “Tingnan n’yo si Maddison!”Sinundan ng tingin ni Mason at ni Ingrid ang itinuro ng kaklase ni Mason. Kitang-kita nila habang bumababa ng taxi ang mag-inang Raven at Maddison. “Bakit naka-taxi si Maddison pagpasok sa school?” tanong ng isa sa mga bata, habang takang-taka ang iba.Normal sa mga batang nag-aaral sa eskwelahan na iyon ang ihatid at sundo sila ng mga magagarang kotse ng mga magulang nila, at hindi sila sanay na sumasakay ng pampublikong sasakyan. “Yuck… malamang ang baho ni Maddison niyan kasi sumakay siya ng taxi…” komento ng is
“Huwag kang mag-alala, Caleb… sa susunod, doon na ako matutulog sa kuwarto ni Coleen.”Nang narinig ni Caleb ang pangalan ng kapatid, biglang lumambot ang itsura nito. Best friend ni Ingrid ang kapatid niya noong nabubuhay pa ito. Hanggang maaari, ayaw niyang may pumapasok sa kuwarto ng kapatid. Ayaw niyang may magalaw na mga bagay doon. Pero ibang usapan na siguro kapag si Ingrid ang papasok doon, tutal naman ay kaibigang matalik ito ng kapatid. Hindi na sumagot si Caleb. Sa halip ay lumabas na siya ng kuwarto ni Raven at dumiretso sa kuwarto niya. Nagbihis na rin siya ng damit pamasok. Nang makabihis ay agad na siyang bumaba sa unang palapag. Nadatnan niyang kumakain na ng almusal sila Ingrid at Mason. Nang nagising si Mason at nakita si Ingrid, natuwa siya.“Dude, titira ka na ba dito sa bahay namin simula ngayon?”“Ay, hindi naman. Kailangan ko lang dito matulog kagabi.”“Ganun? Saan ka natulog?”“Sa tabi ng Papa mo.”Namilog ang mga mata ni Mason na agad napansin ni Ingrid. “