Compartilhar

64 - HOT SEARCH

last update Última atualização: 2025-10-14 08:50:40

Itinaas ng nasa unahang pulis ang tsapa niya at saka nagsalita. “Mam, kailangan n’yo pong sumama sa amin sa presinto. May mga katanungan lang kami. Idinadamay ka ni Mrs. Anita de Villa na kasangkot ka niya sa corruption and bribery sa Northford School.”

SA opisina ni Caleb. Tahimik na nakaupo ang lalaki sa swivel chair niya habang nakapikit. Ang daming gumugulo sa isip niya. Nakabinbin ang alok ng ilang investor na magpondo. Nagbabanta ang ilang investor na mag-pull out. Dismayado sa kanya ang mga shareholder. At iyon ay dahil kay Raven.

Hindi alam ni Caleb kung ano ang sasabihin niya sa mga taong iyon. Kung muling makapasa at masama sa Top 20 si Raven, sa tingin ni Caleb ay kailangan na niyang suyuin ang babae para sa ikatatahimik ng mga shareholder at investor ng Go Prime Holdings.

Nagdilat ng mga mata si Caleb at saka humugot ng malalim na hininga. Dinampot niya ang telepono niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa niya. Gusto niyang malibang kaya binuksan niya ang group chat nila ng
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (1)
goodnovel comment avatar
Ailyn Francisco Rodrigo
kapagod magbasa ng ganitong style hahaha malapit ku na idelete nakakapagod pabalik balik parang lahat kalaban ni raven ikaw na magbasa ng kwento mu autor walang sense eh
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Not Your Wife Anymore   205 - ANG LUGAW NI RAVEN

    Nagulat din si Barbara. Karaniwang hindi man lang binabanggit ni Caleb ang pangalang iyon.“Caleb, nakita mo ba si Raven nito lang?”Bahagyang naging hindi natural ang ekspresyon ni Caleb. Kahit sa harap ng kanyang ina, nanatili siyang malamig at malayo ang loob.“Hindi.”Naramdaman din ni Barbara na imposibleng magkaroon pa ng anumang kaugnayan ang kanyang anak kay Raven.“Nakinabang pa siya sa nangyari, naging acting president pa siya ng Santana Technology!” pagtutuloy ni Barbara.Halata ang pang-uuyam sa tono ng matandang ginang; hindi niya sinasang-ayunan ang pagiging acting president ni Raven.“Ni hindi nga niya kayang pamahalaan ng maayos ang mga gawaing-bahay dito sa pamilya natin, tapos magtatangka pa siyang pamunuan ang isang kumpanya? Hah!”Hindi napigilan ni Barbara ang mapatawa nang malakas, hindi tuloy niya napansin ang pagkunot ng noo ni Caleb.“Tutal, ibebenta rin ang Santana Technology, hayaan mo na siyang maging presidente ng ilang araw at magpakasaya.”Ramdam ni Cale

  • Not Your Wife Anymore   204 - ANG JOURNAL NI RAVEN

    Naguluhan si Celia sa tanong ni Caleb. “Sir, nag-business trip po kayo, di ba?”Si Caleb naman ang nabigla. Nag-ipon ng malamig na aura sa kanyang mukha.“Sino ang nagsabi sa iyo na nag-business trip ako?”Ang tanong ni Caleb ay nagdulot ng kakaibang kaba kay Celia.“Ha? Ang natanggap kong abiso ay nag-business trip kayo nitong mga araw.”Ngayon ay naunawaan na ni Caleb. Ito ay tiyak na palusot na ginawa ni Elcid para sa kanya.Sa loob ng pitong araw na siya’y nakakulong, walang nakapansin sa pamilya Go na siya ay nawala. Ang akala ng lahat ay nasa business trip siya.Tumalikod na si Caleb at pumasok na sa kanyang study room. Binuksan niya ang surveillane footage mula sa harapang gate at nakita na madaling-araw kagabi, inalalayan siyang bumaba ng sasakyan ni Uncle Li.Sinalubong siya nina Celia at ng ibang mga katulong, ngunit wala silang napansin na kakaiba kay Caleb.Lubos na lasing si Caleb, pero alam niyang hindi maaaring manghimasok si Celia sa mga gawain ng kanyang amo.Pagkatap

  • Not Your Wife Anymore   203 - PITONG ARAW

    “May lagnat si Sir Caleb.”“Binigyan mo na ba siya ng gamot?” malamig ang tinig na tanong ni Raven.Sumagot ang bodyguard. “Ayaw niyang inumin. Pinilit namin, pero kinagat niya ang kamay ng isang kasamahan namin.”Idinagdag pa ng bodyguard. “Paulit-ulit siyang humihiling na makita ka.”Maliban sa pagdala ng pagkain nung isang araw matapos niyang ikulong si Caleb, hindi na muling nakita ni Raven ang lalaki. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang lalaki.“Dinadalhan namin siya ng pagkain nitong mga nakaraang araw, ngunit hindi siya kumakain. Paulit-ulit niyang hinahanap ang lugaw na dinala mo noon, Mam.”Napamura si Raven sa isip niya.“Gumaling na ba ang mga sugat niya?”“Yes, Mam.”“Wala nang bakas?” pagkumpirma ni Raven.“Opo, kahit gamitan pa ng medikal na pamamaraan, mahirap ng makita ang anumang bakas ng sugat sa kanyang katawan.”Sa mga nakaraang araw, upang mabilis na gumaling ang mga sugat ni Caleb, ipinag-utos ni Raven na luwagan ang posas sa kanyang mga pulso.Noong una, na

  • Not Your Wife Anymore   202 - INAALIS NA KITA

    Samantala, sa presidential suite ng isang five-star hotel, nakasandal si Annabel sa leather sofa. Isang lalaking walang suot na pang-itaas ang nakaluhod sa harapan niya.Ipinatong ni Annabel ang kanyang mga paa sa hita ng lalaki, at ang matipunong lalaki ay yumuko. Gamit ang nail file, nagsimula na siyang asikasuhin ang kuko ng babae.Nakaramdam ng antok si Annabel. Hanggang sa isang tunog mula sa kanyang bluetooth earpiece ang nagpagising sa kanya.“Si Raven na ba ang kumikilos bilang presidente ng Santana Technology?”May sumagot sa earpiece. [“Oo, inaprubahan ng mga shareholder ang desisyong iyon. Pero acting president lang. Kapag humupa na ang gulo, babalik si Noel.”]Bahagyang hinaplos ni Annabel ang kanyang pisngi, at ngumisi ng mapanukso.“Hah! Umaasa pa si Noel na makakabalik pa siya?”Kapag nawala na ang epekto ng iskandalo kay Noel, tiyak na nabili na ang Santana Technology.["Kung gusto ni Noel na maibalik sa posisyon, anong uri ng pagbabalik iyon? Wala siyang paraan upang

  • Not Your Wife Anymore   201 - PRESIDENT / VICE PRESIDENT

    Kinabukasan, sa bahay ng mga Santana.“Pasok kayo.”Ilang pangunahing shareholders ng Santana Technology ang hindi inaasahang dumating.“Noel, hindi maganda ang mga kumakalat na tsismis laban sa iyo. Maging ang Micron ay nag-iisip ng umatras sa bidding!” sabi ng nangungunang shareholder.Pagkarinig nito, nataranta si Noel.“Ano? Paano sila basta-basta na lang aatras? Pupuntahan ko agad ang senior management ng Micron Technology!”Hinarang siya ng isa pang shareholder.“Alam mo ba na kung magpapakita ka ngayon sa kahit sino, para ka lang naglalagay ng langis sa apoy?! Gusto mo bang maging katatawanan?”“Pero…”“Matapos ang aming pag-uusap, umaasa kami na maglalabas ka muna ng anunsyo ng iyong pagbibitiw bilang presidente. Tanging sa ganitong paraan natin mapapawi ang mga tsismis na nakakasama sa iyo at sa buong kumpanya!”“Nakakainis! Sabihin mo, paano ka nakalikha ng ganitong gulo sa napakahalagang oras na ina-acquire ang Santana Tech!”Isang shareholder ang tumingin kay Ingrid ng may

  • Not Your Wife Anymore    200 - KAPANATAGAN

    Mabilis na lumingon si Ingrid kay Noel at nagpaliwanag. “Papa! Hindi ganoon ang nangyari! Hindi ako ang naglagay niyang video!”Wala na sa sarili niya si Noel sa mga sandaling iyon. Paano ba naman, sa harap ng napakaraming tao, naibunyag ang malaswang video niya kasama ang kanyang sekretarya—at mismong anak pa niya ang nagbunyag!Ilang minuto lang ang nakalipas, nakangiti pa siyang ipinagmamalaki sa mga empleyado at executives na parehong anak na babae niya ay sumali na sa Santana Technology, at ang buong pamilya ay magkakapit-bisig para sa maliwanag na kinabukasan ng kumpanya.Ang masigasig na talumpati niya kanina ay tila nabale-wala, at ang anak na si Ingrid, na inaasahan niyang magiging masunurin sa kanya ay nagbigay ng nakapangingilabot na dagok sa pamilya nila.Kung pwede lang na baluktutin ni Noel ang ulo ni Ingrid at gawing football!“Walanghiya ka! Papatayin kita!!”Itinaas ni Noel ang paa at umaktong sisipain si Ingrid! Nataranta si Ingrid at nagmadaling umiwas.Pagkatapos,

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status