Share

Chapter 5

Author: Dile_Delany
last update Last Updated: 2024-11-29 16:38:57

Nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Maging ang katawan ko ay masakit din na para bang kung anong mabigat na trabaho ang ginawa ko.

“Ahh...”

Mabilis kong naidilat ang aking mga mata nang may iilang alaala ang lumitaw sa isipan ko.

Hindi naman ‘yon totoo, ‘di ba?

Sinubukan kong bumangon pero nagtaka ako nang may maramdaman na mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan, at nang tingnan ko iyon ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang isa iyong kamay! Nanlalaki ang aking mga mata habang dahan-dahang pinasadahan ang kamay pataas hanggang sa makita ang itsura ng nagmamay-ari nito.

Napatakip ako sa aking bibig at muntik pang mapasigaw nang makilala siya. Imposible ‘to! Siya ba talaga ‘to? Hindi maaari, nananaginip lang ako. Tama, nananaginip lang ako.

Pero bigo akong malaman na hindi ako nananaginip dahil totoong-totoo ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo at katawan, at lalong-lalo na sa gitna ng aking mga hita!

Shit! Totoo nga ‘to!

Hindi lang ako namamalik-mata at mas lalong hindi ako nanananiginip na si Cargorios Mertimor ang nakasama ko kagabi! May nangyari sa amin ni Cargorios Mertimor kagabi!

Hindi ko gaanong kilala ang lalaking ‘to pero alam ko ang mukha niya. Marami rin ang nakakakilala sa kaniya dahil sa yaman nito, at hanggang doon lang din ang alam ko tungkol sa kaniya. Kilala rin siya bilang isang womanizer, maraming babae. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako na ako ang naging putahe niya ngayon

Maingat at dahan-dahan kong tinanggal ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking tiyan. Halos magpanic pa ako nang bigla siyang gumalaw, akala ko magigising siya pero nagpalit lang pala siya ng pwesto, ngayon ay nakatalikod na siya sa akin. Napahinga ako nang maluwag.

Napatulala pa ako saglit sa aking katawan na tanging kumot lang ang nakabalot, hindi pa talaga gaanong napoproseso ng aking utak na may nangyari talaga sa amin kagabi. Tiningnan ko si Cargorios, wala siyang suot pang-itaas at tanging kumot lang din ang nakabalot sa tiyan niya pababa.

Kahit masakit ang buong katawan ay sinikap kong umalis sa kama nang hindi gumagawa ng ingay. Halos mapamura pa ako nang muntik akong matumba pagkatayo ko. Putangina, ang sakit ng perlas ko!

Hinagilap ko ang aking mga damit na kung saan-saan na napadpad. Ang pantalon at tshirt ko ay nakakalat sa sahig, ang bra ko ay halos malaglag na sa upuan, at ang panty ko ay napadpad na sa isang pintuan na sa tingin ko ay banyo.

Pinulot ko isa-isa ang aking mga damit at mabilis na isinuot ‘yon. Wala na akong pakealam kung tama pa ba ang pagkakasuot ko basta ang sa akin lang ay matapos ako at makalabas na rito.

Nang sa wakas ay naisuot ko na ang aking damit ay hinanap ko na agad ang pinto, ang laki ng silid na ito na halos mahirapan pa ako sa paghahanap ng labasan. Muntik pang mawala sa isip ko na hindi ko pa pala suot ang sapatos ko.

Grabe ang ginhawang naramdaman ko nang nakalabas ako nang hindi nakakagawa ng ingay at hindi siya nagising. Iginala ko ang aking paningin sa paligid at napagtantong nasa hotel pala kami. Isang magarbong hotel. Geez, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil dinala niya ako sa isang mamahaling hotel at hindi sa damuhan.

Sumakay na ako sa elevator, halos ibaon ko na ang sarili sa gilid dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao. Yumuko na lang ako upang hindi nila makita ang aking mukha.

Pagkabukas ng elevator ay agad na akong lumabas at umalis sa hotel nang hindi lumilingon at dire-diretso lang ang lakad. Buti na lang ay may nakapa akong pera sa bulsa ng pantalon ko kaya nagawa ko pang sumakay ng taxi pauwi.

Pagkapasok ko sa bahay ay unang bumungad sa akin si Andrew, agad kong inayos ang aking itsura at lalagpasan ko na sana siya nang hindi pinapansin pero hinawakan niya ang aking braso kaya napatigil ako.

“Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?” tanong niya habang sinusuri ako nang nakakunot ang noo.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking braso. “Wala kang pakealam.”

Lalagpasan ko na sana siya ulit pero hinigit niya ako at binalik sa aking pwesto. “Nakipaglandian ka sa ibang lalaki? Bakit ganyan ang itsura mo? Halatang may ginawa kang kababalaghan kagabi.”

Gusto ko siyang sampalin sa inis ko. Gusto ko sanang itanggi pero siya naman itong nauna, kaya anong karapatan niya para kwestyunin ako sa ginagawa ko ngayon?

“Ano naman ‘yon sa ‘yo? Sa pagkakaalam ko kasi ay wala naman na tayo. Ikaw ang unang nagloko, kaya anong pakealam mo sa mga ginagawa ko?”

Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin at mahigpit ulit na hinawakan ang aking braso. Napadaing ako sa sakit.

“Aray, ano ba!”

“Talagang proud ka pa sa ginagawa mo, ah? Ano? Sino ‘yang lalaki mo? Matagal mo na rin ba ‘yang jowa kaya no'ng nagkaroon na kayo ng pagkakataon ay gumawa agad kayo ng kababalaghan?” nanggigigil niyang sabi at ramdam ko rin ang galit sa pagkakahawak niya sa akin. “Kaya ba hindi ka bumibigay sa akin kasi may iba ka rin naman pala? Ngayong wala na tayo ay basta-basta mo na lang din ibinigay ang sarili mo sa ibang lalaki, huh?”

Pumiglas ako pero hindi ko magawang makawala sa hawak niya sa akin. “Ano ba, Andrew, bitawan mo ako! Nasasaktan ako!”

“Ang selfish mo naman, ilang beses akong nagmakaawa sa ‘yo pero hindi mo ako pinagbigyan. Pero doon sa lalaki mo ang bilis-bilis mong bumigay nang walang pagdadalawang-isip— Ahh”. Ngumisi siya na parang baliw. “Baka hindi ito ang unang beses niyo? Ilang beses nang may nangyari sa inyo, ha? Baka pwedeng makaisa rin? Hindi naman pwedeng siya lang ang makinabang sa ‘yo, may pinagsamahan din naman tayo kaya dapat lang ay pagbigyan mo rin ako.”

Sinunggaban niya ako ng halik. Sinubukan kong manlaban pero mas malakas siya sa akin kaya tanging pag-iwas lang ng mukha ko ang nagagawa ko.

“Ano ba, Andrew! Bitawan mo akong baliw ka!”

“Matitikman muna dapat kita bago kita pakawalan. Pagbigyan mo na ako. Ipagkumpara mo kung sinong mas magaling sa aming dalawa.”

Sinubukan kong sumigaw para manghingi ng tulong pero tinakpan niya ang aking bibig kaya hindi ko nagawa. Kinaladkad niya ako papuntang sofa at sapilitang hiniga roon. Wala akong nagawa at naluha na lang dahil pakiramdam ko ay sobrang hina ko.

“Matagal pa naman na akong naglalaway sa ‘yo, ngayon sa wakas ay matitikman na kita. ‘Wag ka nang manlaban para mabilis tayong matapos.” Tumawa pa ito habang dinadaganan ako at sapilitang hinuhubad ang aking damit at pilit na hinahalikan ang aking leeg.

Napaiyak na ako habang nagpupumiglas pa rin sa kaniya, pero sobrang lakas niya talaga na hindi ko man lang mailayo ang mukha niya sa akin.

“Ate Molly, Andrew? Anong ibig sabihin nito?!” malakas na sigaw ni Madeline ang narinig namin kaya mabilis na umalis sa aking ibabaw si Andrew.

Nalaglag ako sa sofa habang umiiyak at inaayos ang damit na nagusot.

“Walang hiya ka!” sigaw ni Madeline. Akala ko si Andrew ang susugurin niya pero nagulat ako nang bigla niya akong sinabunutan. “Malandi ka! Malandi! Malandi!”

Hindi man lang tumulong si Andrew sa akin. Nakatingin lang siya sa amin habang sapo ang noo at umiiling.

“Nagawa mo pa talagang landiin si Andrew matapos mong pumunta sa lalaki mo kagabi, ha?!”

Hindi ako nakapanlaban nang sampal-sampalin ako ni Madeline habang gigil na gigil niyang sinasabunutan.

“May tinatago ka rin palang kalandian! Sobrang landi mo!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Not a One-Night Stand   Chapter 43

    Medyo magulo pa ang buhok ni Cargorios at ang damit ay may gusot pa, halata na bagong gising. Nasa isang restaurant na kami ngayon at kumakain na ng agahan. Ang busangot na mukha ni Cargorios sa aking harapan ay nagpapahiwatig na hindi siya pa rin siya natutuwa, at ako ang dahilan no'n. Badtrip pa rin siya sa akin.Kahit nakabusangot siya at halatang bagong gising pa ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Hindi na ata iyon mawawala sa mukha niya, kahit siguro anong emosyon ang ipakita niya ay gwapo pa rin siya. Pero iba ata ang kagwapuhan niya ngayong bagong gising siya, hindi ko alam pero parang mas naga-gwapuhan ako sa kaniya ngayon.Napanguso ako at itinuon sa pagkain ang atensyon nang napansin na tumititig na pala ako kay Cargorios. Ilang beses ko rin atang nabanggit sa isip ko na ang gwapo niya.Talaga ba, Mallory? Kahit galit siya sa ‘yo ngayon ay gwapo pa rin siya?Tahimik kaming natapos sa pagkain at nanatili pa ring nakabusangot si Cargorios. Uminom siya ng tubig haban

  • Not a One-Night Stand   Chapter 42

    Tahimik lang akong nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa buhangin. May iilan nang naliligo roon at ang iilan naman ay kagaya ko lang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang magandang tanawin, ang kaibahan nga lang namin ay sila nakasuot ng bikini samantalang ako ay naka-bestida na ginamit ko pa pantulog kagabi.Naglalaro pa rin sa aking isipan ang text sa akin ni Madeline na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nare-replyan. Naantala lang ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa tawag, akala ko si Madeline na naman iyon pero saglit akong natulala sa screen nang nabasa ang pangalan ni Cargorios. Hindi ko maalala na si-nave ko ang number niya rito sa cellphone ko.Napatagal ang pagtitig ko roon dahil sa pagtataka at gulat kaya hindi ko na nasagot ang tawag at namatay na iyon, pero hindi pa nga nag-iilang segundo ay nagpakitang muli sa aking screen ang pangalan niya. Kumurap ako at agad sinagot ang tawag.“H-Hello...”“Shit, Mallory, where are you?!”

  • Not a One-Night Stand   Chapter 41

    Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam, nagulat nga ako dahil hindi ako dinalaw ng pagsusuka na araw-araw kong nararanasan, pero ngayon ay maaliwalas ang pakiramdam ko at tingin ko ay nakatulog din ako nang maayos kagabi.Bumangon ako habang humihikab at kinukusot ang mata. Tumingin ako sa bintana at nakitang maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. Matapos ng ilang minuto kong pagkatulala sa bintana ay napabaling ako sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si Cargorios. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami sa iisang kwarto ngayon at bahagya pang nagulat nang nakita siya roon na natutulog. Nang naalala ko ang nangyari kagabi ay uminit ang pisngi ko.Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na lang na bumangon na at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, mataas na ang sikat ng araw sa labas at medyo nagugutom na rin ako kaya hula ko ay baka ala syete na ngayon, o baka alas otso? Pero tulog pa si Cargorios,

  • Not a One-Night Stand   Chapter 40

    “Ano ba ‘yang p-pinagsasabi mo riyan?” Sinubukan kong isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagsusungit. Pinilit kong ikunot ang noo ko at pinainis ang boses pero dahil sa pagkakautal ay kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.Bahagya ulit siyang tumawa. Inayos niya ang kumot sa aking bewang at hindi na tinanggal doon ang kamay. Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa bewang ko. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang braso niyang bahagyang nakapatong sa aking tiyan. Ang kamay niya na nasa aking bewang ay unti-unting gumapang sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natigilan ako. Sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ako roon.“How's our baby?” malambing niyang tanong, kung hindi na naman ako pinaglalaruan ng pandinig ko.Marahan ko munang binuga ang hanging naipon sa aking baga bago siya sinagot. “A-Ayos lang.” Umayos ako sa pagkakaupo.“Uh-huh...” Nanatili ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan habang nakatingin pa rin sa akin. “How about you? How are you?”Binalingan ko siya pero a

  • Not a One-Night Stand   Chapter 39

    Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi

  • Not a One-Night Stand   Chapter 38

    Ang boses niya ay sobrang rahan, at kung assuming pa ako ay iisipin kong malambing iyon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako sa kaniya, gulat na gulat at namamangha na nandito siya sa aking harapan at nakaluhod. Sobrang lapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang bango niya, naghalo ang sabon na ginamit at ang natural niyang bango na lagi kong naaamoy sa bahay. Kung pwede lang na singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na.“May problema ba tayo?” muli nitong tanong.Sa kabila ng seryoso niyang mga mata ay nakikita ko pa rin doon ang paghahanap niya ng kasagutan, mukhang nahihirapan at ngayon ay hindi na nakayanan kaya tinanong na niya ako nang harap-harapan.“W-Wala namang problema, C-Cargorios,” nauutal kong sagot at hindi makatingin nang diretso sa nakakapaso niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi sa gitna ng biglaang pag-iinit ng katawan ko!Dahil sa malikot kong mga mata ay bahagya niyang ginalaw ang aking baba kaya nahuli niya ulit a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status