“Ano na namang gulo to?!” ang sigaw ni mama naman ang narinig ko.
Tumigil sa pananakit sa akin si Madeline at pumunta siya kay mama, umiiyak. “Malandi ‘yang anak mo, Ma! Inaahas niya si Andrew matapos niyang makipaglandian sa ibang lalaki kagabi!” sumbong ng kapatid ko. Umiling ako, sinusubukang ipaglaban ang sarili kahit umiiyak. “H-Hindi totoo ‘yan!” “Saan ka galing kagabi, Mallory? Bakit hindi ka umuwi? Totoo ngang may kabit ka kaya ka pinagpalit ni Andrew kay Madeline?” Hindi ko makapaniwalang tiningnan si mama. Nagagawa niya talaga ‘yang sabihin sa akin? Ni hindi man lang niya pinansin ang pananakit sa akin ni Madeline. Inuna niya pa akong pagbintangan kaysa ang mag-alala. Anak pa ba ang tingin niya sa akin? “Hindi ‘yan totoo, Ma! B-Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan si Madeline, ha? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan niya ako kanina?” humihikbi kong sabi. “At bakit ako pa ang sinisisi mo sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan? Sila itong nagloko sa akin! Kayo! Matagal niyo na palang alam na may namamagitan sa dalawang ‘yan pero hinayaan niyo lang! Tapos ako na kahit maliit lang na bagay ay halos ipagtabuyan niyo na ako!” “Sumasagot-sagot ka na naman!” galit na sigaw ni mama. “Dahil hindi niyo naman ako pinakikinggan! Lagi na lang si Madeline! Hindi niyo ba ako nakikita? Nasasaktan na ako pero siya pa rin ang kinakampihan niyo!” “Kung maka-arte ka naman, akala mo talaga kung anong pang-aapi ang ginawa sa ‘yo. Feeling victim. Kasalanan mo rin naman ‘yon!” sabat naman ni Madeline na lalong nagpagalit sa akin. Mabilis kong sinugod si Madeline. Dahil katabi niya lang si mama ay mabilis din siyang humarang para pigilan ako pero dahil sa galit ko ay malakas kong naitulak si mama dahilan kaya napaupo siya sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “Ma!” Dali-daling dinaluhan ni Madeline si mama para tulungan ito. “Ang sakit,” daing naman ni mama habang hawak-hawak ang balakang. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanila, hindi nakagalaw dahil sa gulat. Sinusubukan ni Madeline na patayuin si mama pero mukhang nasaktan talaga si mama sa pagbagsak niya sa sahig kaya hindi siya makatayo. Dumalo na rin si Andrew sa kanila at halos matumba na rin ako nang nabunggo niya ang balikat ko sa kakamadaling daluhan sila. “Walang hiya ka, Ate! Tingnan mo kung anong ginawa mo kay mama!” Sinubukan kong hawakan si mama pero iwinakli niya lang ang kamay ko. “M-Ma, sorry p-po—” “Manahimik kang putangina ka!” Tumulo muli ang mga luha ko. Ano ba kasi ang ginagawa ko? Bakit lagi na lang akong nakakagawa ng mga mali? Ako ba talaga ang may problema? Kasalanan ko nga ba ang lahat? “Susan, anong nangyari sa ‘yo?” Dumating si papa at nadatnan niya si mama na nakaupo sa sahig habang iniinda ang sakit ng balakang. “Anong ginawa mo, Molly?!” Napatingin ako kay papa na mabilis na dinaluhan si mama. Hindi pa nga niya alam kung ano ang nangyari pero nahulaan na niya agad na ako ang tumulak kay mama. Na para bang alam niya na kung saan may problema, ako agad ang may kasalanan. “Anong ginawa mo sa mama mo!” Tumayo si papa at hinarap ako, galit na galit. Napalunok ako sa kaba. “H-Hindi ko sinasadya, Pa—” “Ganiyan na ba kasama ang ugali mo para saktan mo ang mama mo, ha?! Hindi ka na naawa sa mama mo!” Hindi ako nakapagsalita. Para namang nagkaroon ng paligsahan ang mga luha ko at nagsisiunahan ito sa pagtulo. Ang sakit. Ang dali nilang makita na nasasaktan ang iba, pero ako? Hindi ata nila nakikita na nasasaktan din ako. “S-Sorry po—” “Anong magagawa ng sorry mo? Maipapagamot mo ba ang mama mo niyan? Puro na lang talaga problema ang dala mo!” Para nang tinutusok ang puso ko ng libo-libong karayom sa sobrang guilty. Alam ko may kasalanan ako pero... “P-Pa, nasasaktan din naman po ako. Kanina g-gusto akong pagsamantalahan ni Andrew pero ako ang s-sinisisi ni Madeline at ni mama. Sinaktan ako ni Madeline pero siya pa rin ang k-kinampihan ni mama—” “Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ni Madeline. “H-Hindi totoo ‘yan,” depensa naman ni Andrew sa kaniyang sarili pero halata naman ang kaba sa boses. “Totoo lahat ‘yon!” Kahit alam kong walang kakampi sa akin ay sinubukan ko pa ring depensahan ang sarili ko. “Sinagot-sagot mo nga si mama kanina! Anong klaseng pag-uugali ‘yan?” “Dahil hindi niyo naman nakikita na nasasaktan na ako! Hindi ko nga alam kung bulag ba kayo o sadyang wala lang talaga kayong pakealam sa akin—” Natigil ako sa pagsasalita nang sinampal ako ni papa. Nakahawak ako sa namumula kong pisngi, gulat sa ginawa ni papa. Matinding katahimikan ang namutawi sa paligid. Halata ang gulat sa mukha ni Madeline, pero kay mama ay tanging blankong ekspresyon lang ang binigay niya sa akin. “Lumayas ka rito,” mahinang sabi ni papa, pero dahil sa sobrang tahimik ay narinig ko iyon. Napatingin ako kay papa. “P-Pa...” “Ang sabi ko...” Tinuro niya ang pintuan. “Lumayas ka rito.” Muling nagbadya ang luha sa aking mga mata. Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero isang hakbang lang ang nagawa ko at tumigil din. “P-Pa naman—” “Hindi mo ba ako narinig? ‘Wag ka nang babalik.” Halos magmakaawa na ako sa kaniya. Muling nag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko habang nakatingin kay papa. “P-Pa, ‘wag naman ganito—” “Lalayas ka rito o ako mismo ang kakaladkad sa ‘yo palabas?” matigas na sabi ni papa. Wala akong ibang nakikita sa mga mata ni papa kung ‘di galit. “Hindi ko kailangan ng bastos anak na katulad mo. Umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas.” Siguro nga hindi nila ako nakikita bilang isang anak nila— baka nga kahit bilang pamilya nila hindi, eh. Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanila? Wala akong ibang ginawa kung ‘di ang maging mabuting anak at maging sunod-sunuran sa kanila. Pero hindi pa pala sapat ‘yon. Ngayong hindi na nila ako kailangan, pwede na nila akong ipagtabuyan.Medyo magulo pa ang buhok ni Cargorios at ang damit ay may gusot pa, halata na bagong gising. Nasa isang restaurant na kami ngayon at kumakain na ng agahan. Ang busangot na mukha ni Cargorios sa aking harapan ay nagpapahiwatig na hindi siya pa rin siya natutuwa, at ako ang dahilan no'n. Badtrip pa rin siya sa akin.Kahit nakabusangot siya at halatang bagong gising pa ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Hindi na ata iyon mawawala sa mukha niya, kahit siguro anong emosyon ang ipakita niya ay gwapo pa rin siya. Pero iba ata ang kagwapuhan niya ngayong bagong gising siya, hindi ko alam pero parang mas naga-gwapuhan ako sa kaniya ngayon.Napanguso ako at itinuon sa pagkain ang atensyon nang napansin na tumititig na pala ako kay Cargorios. Ilang beses ko rin atang nabanggit sa isip ko na ang gwapo niya.Talaga ba, Mallory? Kahit galit siya sa ‘yo ngayon ay gwapo pa rin siya?Tahimik kaming natapos sa pagkain at nanatili pa ring nakabusangot si Cargorios. Uminom siya ng tubig haban
Tahimik lang akong nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa buhangin. May iilan nang naliligo roon at ang iilan naman ay kagaya ko lang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang magandang tanawin, ang kaibahan nga lang namin ay sila nakasuot ng bikini samantalang ako ay naka-bestida na ginamit ko pa pantulog kagabi.Naglalaro pa rin sa aking isipan ang text sa akin ni Madeline na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nare-replyan. Naantala lang ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa tawag, akala ko si Madeline na naman iyon pero saglit akong natulala sa screen nang nabasa ang pangalan ni Cargorios. Hindi ko maalala na si-nave ko ang number niya rito sa cellphone ko.Napatagal ang pagtitig ko roon dahil sa pagtataka at gulat kaya hindi ko na nasagot ang tawag at namatay na iyon, pero hindi pa nga nag-iilang segundo ay nagpakitang muli sa aking screen ang pangalan niya. Kumurap ako at agad sinagot ang tawag.“H-Hello...”“Shit, Mallory, where are you?!”
Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam, nagulat nga ako dahil hindi ako dinalaw ng pagsusuka na araw-araw kong nararanasan, pero ngayon ay maaliwalas ang pakiramdam ko at tingin ko ay nakatulog din ako nang maayos kagabi.Bumangon ako habang humihikab at kinukusot ang mata. Tumingin ako sa bintana at nakitang maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. Matapos ng ilang minuto kong pagkatulala sa bintana ay napabaling ako sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si Cargorios. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami sa iisang kwarto ngayon at bahagya pang nagulat nang nakita siya roon na natutulog. Nang naalala ko ang nangyari kagabi ay uminit ang pisngi ko.Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na lang na bumangon na at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, mataas na ang sikat ng araw sa labas at medyo nagugutom na rin ako kaya hula ko ay baka ala syete na ngayon, o baka alas otso? Pero tulog pa si Cargorios,
“Ano ba ‘yang p-pinagsasabi mo riyan?” Sinubukan kong isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagsusungit. Pinilit kong ikunot ang noo ko at pinainis ang boses pero dahil sa pagkakautal ay kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.Bahagya ulit siyang tumawa. Inayos niya ang kumot sa aking bewang at hindi na tinanggal doon ang kamay. Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa bewang ko. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang braso niyang bahagyang nakapatong sa aking tiyan. Ang kamay niya na nasa aking bewang ay unti-unting gumapang sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natigilan ako. Sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ako roon.“How's our baby?” malambing niyang tanong, kung hindi na naman ako pinaglalaruan ng pandinig ko.Marahan ko munang binuga ang hanging naipon sa aking baga bago siya sinagot. “A-Ayos lang.” Umayos ako sa pagkakaupo.“Uh-huh...” Nanatili ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan habang nakatingin pa rin sa akin. “How about you? How are you?”Binalingan ko siya pero a
Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi
Ang boses niya ay sobrang rahan, at kung assuming pa ako ay iisipin kong malambing iyon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako sa kaniya, gulat na gulat at namamangha na nandito siya sa aking harapan at nakaluhod. Sobrang lapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang bango niya, naghalo ang sabon na ginamit at ang natural niyang bango na lagi kong naaamoy sa bahay. Kung pwede lang na singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na.“May problema ba tayo?” muli nitong tanong.Sa kabila ng seryoso niyang mga mata ay nakikita ko pa rin doon ang paghahanap niya ng kasagutan, mukhang nahihirapan at ngayon ay hindi na nakayanan kaya tinanong na niya ako nang harap-harapan.“W-Wala namang problema, C-Cargorios,” nauutal kong sagot at hindi makatingin nang diretso sa nakakapaso niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi sa gitna ng biglaang pag-iinit ng katawan ko!Dahil sa malikot kong mga mata ay bahagya niyang ginalaw ang aking baba kaya nahuli niya ulit a