Share

Kabanata 17

Hindi mapigilang matawa ni James habang pinakikinggan niya ang sinasabi ng kanyang assistant. "Higit na mas makapangyarihan kaysa satin ang mga God of War, at hindi madaling mapalapit sa kanila." ang sabi ni James. "Bukod pa dun, isa siyang babaeng God of War. Hindi natin alam kung ano ang gusto at ayaw niya!"

Huminto siya nung mabanggit ang tungkol dito. "Kinalulungkot ko na gusto ng lahat ng mga makapangyarihang tao na makuha ang loob ng God of War sa pagbabalik niya. Buti na lang, nalaman natin na ngayon ang araw ng balik niya, at mukhang walang kaalam-alam ang iba tungkol dito."

Tumango ang lalaking kausap niys at sinabing, "Tinanggap ba ng God of War yung regalong pinadala natin sa kanya?"

"Hehe… hindi na masama. Tinanggap niya yung tirahan na inihanda natin para sa kanya. Ibang usapan na nga lang yung sa pera. Hindi siya interesado sa pera!"

Natawa si James at sinabing, "Mukhang ayaw ni Lana na pinupuri siya ng husto ng mga tao. Bukod pa dun, wala tayong ideya kung paano natin makukuha ang loob niya."

Nanahimik ng ilang sandali ang lalaki. Sa hindi inaasahan, biglang kumislap ang mga mata niya at nagsalita siya. "Master, ibig mong sabihin, dahil may relasyon yung Fane na yun kay Lana, ang kailangan lang nating gawin ay kunin ang loob ni Fane. Kapag ginawa natin yun, maaari tayong mapalapit sa God of War. Kapag binigay ng God of War ang blessing niya sa Drake family, maslalago ang negosyo natin, tama ba?"

Dahan-dahang tumango si James at sumagot. "Tama. Kasama ni Lana yung lalaking yun pagbalik niya sa Middle Province. Ang kailangan lang nating gawin ay tulungan si Fane, dahil kapag ginawa natin yun, parang napalapit na rin tayo kay Lana!"

“Bravo, Master!”

Spectre Face ang tawag sa lalaking kausap ni James, at isa siya sa Three Major Guardians ng Drake family. Ngumiti siya at nagsalita. "Hmmm. Babae yung God of War na to at sa nakikita ko, medyo may edad na siya…"

Sumimangot si James matapos niyang marinig ang sinabi ni Spectre Face. "Spectre Face, hindi mo naman siguro binabalak na ligawan si Lana, tama? Huwag mo nang ituloy yang balak mo. Kapag nagalit ang God of War, siguradong dadanak ang dugo, hindi lang sa Drake family, kundi sa buong Middle Province!"

Natawa lang si Spectre Face at sinabing, "Master, bakit ko naman gagawin yun? Isa pa, ako, si Spectre Face, ay hindi yung tipo ng tao na paglalaruan yung damdamin ng isang babae para lang sa pansarili kong kapakanan. Ako, si Spectre Face, ang unang-unang mangmamaliit sa mga taong handang manggamit ng isang babae para lang sa kapangyarihan!"

Nagpaliwanag si Spectre Face pagkatapos niyang magsalita. "Ang ibig kong sabihin, hindi naman boyfriend ni Lana si Fane, tama ba? Posibleng higit pa sa magkaibigan ang relasyon nila! Bukod dun, matagal silang nagkasama sa digmaan. At madalas pa silang magkita…"

"Hehe… Imposible yun. Base sa kilos nilang pareho, ang lamig nila sa isa't isa. Napaka seryoso ng mga mukha nila. Tingin mo ba magkakagusto sila sa isa't isa?"

Natawa si James at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ano man ang relasyon nila, imbestigahan mo silang maigi. Hindi na mahalaga kung tauhan lang siya ni Lana. Kailangan nating makuha ang loob nila. Siguradong mapapalakas nito ang koneksyon natin sa God of War!"

"Walang problema. Nitong nakaraan lang, maraming mga beterano ng giyera ang dumating sa Middle Province para magretiro. Marami ring may matataas na posisyon sa kanila. Puntahan mo sila at humanap ka ng pwedeng magkalkal ng impormasyon tungkol sa Fane na yun."

Tumango si Spectre Face. "Ngayong nabanggit mo yan Master, medyo nagiging interesado na ako sa taong yun! Sana hindi niya ako biguin!"

"Haha, ayos! Hihintayin ko ang maganda mong balita!"

Natawa si James habang nagsasalita.

Sa mga sandaling ito, sa isang silid sa loob ng tahanan ng Clark family, galit na galit na umupo si Ken.

Tumingin siya ng masama kay Dan at nagsalita, "Anong ibig sabihin nito Dan? Bakit hindi mo binugbog yung Fane na yun? Bukod pa dun, pinabitbit mo ako sa tauhan mo. Alam mo ba kung gaano katinding kahihiyan yun para sakin?"

Habang nagsasalita siya, itinuro niya ang kanyang bibig. "Tingnan mo, nabasag ang ngipin ko. Bwisit! Ngayon lang ako napahiya ng ganito!"

"Young Master, hindi siya ganun kasimple. Hindi ko siya kayang labanan!"

Sumimangot si Dan at naging seryoso ang tono ng kanyang boses. "Pinatay niya si Black Dragon. Ang sabi ng mga nakakita sa nangyari, hindi nila nakitang kumilos si Fane!"

"Imposibleng mangyari yun. Di ba may mga surveillance camera tayo? Bakit wala tayong malinaw na kuha kung anong ginawa niya?"

Hindi makapaniwala si Ken sa narinig niya.

"Tiningnan ko na yung footage at pinabagalan ko pa, pero wala ring nangyari!"

Napangiwi si Dan at sinabing, "Ang alam lang namin, tinusok siya sa pagitan ng mga kilay niya. Nakita namin ang isang napakanipis na karayom sa taas ng isang poste. Bukod pa dun, nakabaon ng maigi yung karayom sa poste. Maliit na bahagi lang ng karayom yung nakalitaw sa poste!"

Huminga ng malalim si Young Master Ken at sinabing, "Nagbibiro ka lang, di ba? Sinasabi mo na bumaon sa isang poste yung karayom pagkatapos nitong butasin yung bungo ng isang tao, at maliit na parte lang nito yung nakalitaw? Ang tindi naman ng bilis at lakas nun!"

"Itong daliri ko, pinutol ko to dahil natalo ako sa pustahan namin! Nakakatakot yung taong yun! Young Master, huwag na huwag mong kakalabanin yung Fane na yun, naiintindihan mo ba?"

Tinaas ni Dan ang kanyang kamay at sinabing, "Mula nung magbunong braso kami, pakiramdam ko langgam lang ako kung ikukumpara yung lakas ko sa lakas niya."

"Imposible yun. May taong ganun kalakas sa mundong to? Napakalakas mo na, gaano siya kalakas kung ikukumpara sayo?"

Natulala si Ken. Kung ganun, hindi ba't parang sa pangarap na lang niya makakasama si Selena?

"Oo, ngayon lang din ako nakakilala ng isang taong ganun kalakas!"

Agad na nalungkot si Dan.

Umupo sa lapag si Young Master Ken pagkaalis ni Dan. Noong maisip niya ang magandang si Selena, nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya.

"Bwisit. Hindi ako naniniwala. Ito ang Middle Province, at kaming mga Clark ay isang second-class aristocratic family. Ganun ba kahirap na makuha ang isang babae?"

Ikinuyom ni Ken ang mga kamao niya, makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata. "Selena Taylor, gagawin ko ang lahat para lang makuha kita!"

Sa mga sandaling ito, nakaalis na sa tahanan ng Taylor family sila Fane at ang iba pa.

"Sayo mismo galing yung mga pinagsasabi mo kanina Fane. Wala na akong pakialam sa ibang bagay. Kung hindi mo ako bibigyan ng sampung milyon sa kaarawan ng Old Master, hindi ka namin matatanggap na manugang namin!"

Paglabas pa lang nila ng pinto, hindi na napigilan pa ni Fiona ang magsalita, "Nakita mo kung gaano karami naghahabol kay Selena. Pati si Young Master Wilson gusto siyang pakasalan. Ang kailangan lang gawin ni Selena ay tumango at hindi na magiging problema ang limampung milyon para sa kanya."

"Huwag kang mag-alala, Ma. Kayang-kaya kong gawin lahat ng sinasabi ko."

Humalakhak si Fane at tumingin sa mga biyenan niya. "Oo nga pala, Ma, Pa. Limang taon kayong nagtiis sa hirap, hayaan niyong samahan ko kayo para mamili ng mga bagong damit. Regalo ko to sa inyo bilang manugang niyo!"

"Huwag na. Baka mapahiya pa ako dahil sa mga damit na bibilhin mo. Mabuti nang huwag mo akong bilhan ng damit kaysa bilhan mo ako ng peke. Mga branded lang ang gusto kong suotin!"

Napansin ni Fiona ang mga damit na bitbit ni Selena. Agad niya itong hinablot at itinapon ang mga ito sa lawa. "Hindi mo dapat ibaba ang sarili mo ng ganito anak." ang sabi niya. "Ikaw ang lady ng Taylor family. Kailangan nating pangalagaan ang pride natin, kahit na mahirap tayo. Hindi ka dapat nagsusuot ng mga pekeng damit na gaya niyan!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
ليلي ج. غاليسيا
search nyo lng Ang lily galicia at check my profile
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status