Bumagsak ang puso nina Lily at ang iba nang narinig nila ang sinabi ng matandang lalaki. Tumulo ang malamig na pawis sa mga noo ng ilan na para bang takot na takot sila. Sa hindi inaasahan, alam ng mga taong ito na malaking bilang ng tao ang nakapasok mula sa inabandonang mundo. Posible kaya na mga miyembro rin sila ng Alliance Guard? Sumugod siguro sila para kumilos laban sa mga nakapasok mula sa inabandonang mundo pagkatapos nilang malaman ang balita! Buti na lang, hindi sila masyadong pinansin ng mga grupo ng taong ito at hindi man lang sila pinagsuspetsahan. Lumipad sila palampas kina Lily nang isa-isa. Hindi nagtagal, halos lahat ng nasa harapan ay nakalampas na. Nakahinga nang maluwag ang lahat sa sandaling ito. Sa hindi inaasahan, kumunot ang noo ng isang lalaking nakaputing damit at huminto malapit kay Lily sa sandaling ito. Pagkatapos siyang titigan nang mabuti ng lalaki, nagsabi siya kay Lily, "Ikaw, itaas mo ang mukha mo!" Bumagsak ang puso ni Lily at dahan-dahan n
Sa sobrang akot ang matandang lalaki, hindi niya alam ang sasabihin nang nakita niya ang galit na ekspresyon sa mukha ng matandang babae. Nagsalita siya nang may nanginginig na boses. "Ito ay… Ito ay dahil sa…" Nakita ni Lily na hindi maganda ang sitwasyon kaya kaagad siyang nagsabi, "Kagalang-galang na senior, hindi naman sa hindi namin gustong tumulong. Hindi lang sa mababa ang fighting prowess namin, mas marami rin ang tao ng kanilang grupo at wala kaming laban sa kanila. Magkalaban kami noon at tiyak na papatayin nila kami kapag nagpunta kami roon!" Doon lang lumapit si Lance para sumenyas ng magalang sa matandang babae at nagsabing, "Master, ito ang nanay ko at sigurado ako na hindi siya magsisinungaling sa'tin. Malamang napilitan siyang gumawa ng ganito!" Doon lang tumango ang matandang babae. "Sige, sundan mo kami roon kung ganun. Dahil inaatake ng Bloodshed Clan ang Nine Armies, kailangan nating maglakbay nang mas mabilis!" Ngumiti lang ang isang matandang lalaki na m
Nagtataka ang ekspresyon ni Lance. Hindi niya naisip na magbabago ang lahat kahit na nawala lang siya ng pito hanggang walong buwan. "Hindi mo alam to noon pero may anak sa labas si Nash sa babaeng nagngangalang Joan Xavier, anak," sabi ni Lily nang may galit na tono. "Simula nang nawala ka, nagpadala nga ng tao si Nash para hanapin ka, pero naisip niyang pabalikin ang anak niya sa labas. Syempre, hindi ako pumayag dun kaya sinubukan ko siyang pigilan. Binanggit ni Lily ang buong kwento kay Lance habang nagdagdag ng detalye rito. Gayunpaman, hindi niya kwinento kay Lance ang tungkol sa relasyon niya sa Third Elder pati na rin ang paglason niya kay Nash. Lalo na't wala siyang paraan para sabihin ang mga ito nang malakas. "Ang Nash Woods na yun! Ibig sabihin nun patay na ang lolo at lola ko? At ito na lang ang natitira sa Lagorio family?" Sa sobrang galit ni Lance, sinara niya ang mga kamao niya pagkatapos itong marinig. "Hindi ko inakala na tatratuhin ka niya ng ganito, Mama. Wa
"Pero imposibleng patay na ang ilan sa mga Elder niyo, pati ang clan master niyo? Alam ko ang lakas ng clan niyo!" Hindi pa rin makapaniwala si Josh sa eksenang nakita niya. Lagpas ito sa inaasahan niya. Ayon sa prediksyo niya, ang Nine Armies dapat ang nagdurusa nang matindi. Kahit na nakatanggap ng tulong ng maraming tao mula sa inabandonang mundo ang Nine Armies, maganda na kung nakarating ang ilan sa mga tao ng inabandonang mundo sa first o second-grade ultimate god level. Higit pa roon, kakaunti lang ang taong nakarating sa ultimate god level. Pambihira iyo kung ilang dosena o ilang daan sa kanila ang nakagawa nito. Kahit sa ilalim ng ganitong sitwasyon, hindi matatalo nang ganito ang Bloodshed Clan. Kahit papaano ay hindi mapapatay si Edward. "Ang batang yun ang may gawa nito, Master Wallman. Ang bw*sit na batang yun. Nasa seventh-grade ultimate god level pa lang siya pero napakalakas niya. Pinatay niya ang mga Elder namin, at ang lakas niya ay malamang na mas higit sa Fi
Hindi kaagad nagbigay ng utos si Josh na makipaglaban. Sa halip, nginitian niya si Fane. "Pambihira nga ang isang henyong kagaya mo. Kung magiging lohikal ako, pinatay ka na namin, pero ngayon, maraming namatay na tao sa Bloodshed Clan at pati na sa Nine Armies. Noon ay may daan-daang libong tao kayo, pero muntik kayong maubos at tanging higit sa isandaang libo na lang sa inyo ang natitira. Iyon ang dahilan kung bakit umaasa ako na pwede tayong mag-usap para ayusin ang bagay na'to!" "Master Wallman, mula sila sa inabandonang mundo. Paano nagawang magsabi ng ganyan?"Nagalit ang mga tao mula sa Bloodshed Clan. Hindi nila maintindihan kung ano ang iniisip ni Josh. Kahit na unti-unti nang nakalimutan ng lahat ang tungkol sa mga tao mula sa inabandonang mundo dahil napakatagal nilang wala rito, sa dami ng taong pumasok nang sabay-sabay, hindi ba dapat silang mag-imbestiga pa bilang isa sa mga pwersa ng Alliance Guard?Kung ganun, hindi ba namatay lang para sa wala ang master nila at
"Haha. Kung ganun, wala nang ibang paraan. Hindi kami sasama sa'yo. Kahit na sumama pa kaming lahat sa'yo, hindi ko isusugal ang buhay ng lahat!" Tumawa si Fane. "Lalo na't sa simula pa lang ay tutol ang Alliance Guard niyo sa'min. Kapag sinundan ka namin at atakihin kami ng ilang malalaking clan, wala kaming paraan para lumaban!" "Tama ka, Brother Fane. Hindi tayo dapat maniwala sa mga salita nila!" Sinara rin ni Austin ang kamao niya at tinitigan nang masama ang mga tao sa harapan niya. "Papayuhan ko kayo na umalis, Clan Master Wallman. Kung hindi, kapag nilabanan ka namin, magdurusa ang mga miyembro ng clan mo! Lalo na't marami kami!" "Ah. Kung ganun, wala akong magagawa. Mukhang papatayin ko na ang kayo ngayon!" Bumuntong-hininga si Josh at nagsabing, "Wag mo kong takutin, First Fortress Master. Marami kang tao, pero kanina pa sila nakikipaglaban sa Bloodshed Clan. Malamang marami sa kanila ay kakaunti na lang ang natitirang Chi sa katawan nila. Ano naman kung marami kang
Hindi nagtagal, lumapit ang grupo ng mga tao sa kanila Fane. “Hindi tama ito. Bakit may mga tao mula sa Hall of Divine Royal? At mukhang mayroon ring mga taong mula sa Pavilion of Skies!”Tiningnan ito nang maigi ng isang lalaking mula sa Woods family, at gulat nitong sinabi, “Diyos Ko. Master, tingnan mo. Talagang kasama nila ang Lance na ‘yun, at ang babae sa tabi niya ay kamukha ni Lily!”“Lily!”Sumama ang mukha ni Nash nang marinig niya ito. Napakasama ng babaeng ito. Naging mag-asawa sila noon, ngunit matagal nang kalaban ang tingin niya dito at gusto niyang mamatay na ito.Noong una, nang makita niyang pumapasok sa lugar na ito si Joel, naisip niyang siguradong nakapasok na rin si Lily. Ngunit hindi niya nakita ito. Higit pa rito, dahil nasira na ang cultivation level nito noon, imposibleng maging mataas ang cultivation level nito ngayon. Inakala niya na kapag pumasok ito. Siguradong mamamatay ito sa kagubatan, kaya hindi niya talaga ito inasahan.Hindi niya inakalang g
“Master, Brother Randall, mabuti ito. Sa wakas ay nahanap ka na rin namin!”Kaagad na masayang lumapit ang mga kabataan ng Lancaster family nang makita nila sila Shelby.“Mabuti ito, Master. Buti naman…” Lumapit rin ang dalawang kabataan ng Ximenes family, sobrang saya.Si Lance lamang ng Woods family ang nanatili sa kanyang pwesto nang makita niya sila Nash at ang ibang miyembro ng Woods family. Wala siyang balak na lumapit.“Mabuti ito, Lance. Buhay ka pa! Buti naman at buhay ka pa!” Nasabik si Nash nang makita niyang buhay pa si Lance. Higit sa lahat, noon pa man ay magaling na sa lahat si Lance, at anak niya ito. Kung hindi, hindi siya magpapadala ng mga tao para hanapin ang anak niya sa loob ng matagal na panahon.Kinailangan niyang tanggapin ang katotohanang patay na si Lance pagkatapos niyang hindi makatanggap ng balita tungkol kay Lance sa loob ng mahabang panahon. Ngunit umaasa pa rin siyang buhay pa si Lance.“Tama. Buhay pa ako. Syempre buhay pa ako. Imposibleng ba