Share

Beg

Author: Nelia
last update publish date: 2026-05-05 17:11:09

Sa wakas, lumabas na ang resulta ng laboratoryo. Hawak ni Damien ang papel, at sa unang tingin pa lang, parang nanigas ang dugo sa katawan niya.

HINDI MATCH.

Hindi tugma ang blood type niya sa kay David.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Bilang isang doktor, alam na alam niya ang posibilidad, pero sa sitwasyon nila... imposible ito. Dapat tugma. Dapat may koneksyon.

Sa sobrang pagtataka at pagdududa, inulit niya ang test. Ginawa niya ang lahat para masigurong walang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Call him

    DAMIEN’S POINT OF VIEW Parang gumuho ang mundo ko. Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nalaman. Hinang-hina ako. Wala akong lakas. Hawak ko ang resulta ng test at paulit-ulit ko itong tinitignan, umaasang baka nagkamali lang, baka malabo lang ang mata ko. Pero hindi... totoo. Hindi ko anak si David. Sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko."ahhhhh" Paulit-ulit kong sinuntok ang pader hanggang sa dumugo na ang mga kamao ko. Hanggang sa manhid na ang sakit sa katawan ko para lang maibsan yung sakit na nararamdaman ng puso ko. "This is Karma... This is my punishment!" sigaw ko sa sarili habang nakayuko at umiiyak. "I never thought it would hurt this much. Sobrang sakit na malaman na sa loob ng ilang taon... niloko lang pala ako." Ito na ang pinakamasakit na karma para sa akin. Dahil iniwan ko si Fia at pinili ko si Andrea, ngayon... ako naman ang pinaglaruan ng tadhana. Ako naman ang naging tanga. Ang gulo ng isip ko. Sobrang gulo

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Beg

    Sa wakas, lumabas na ang resulta ng laboratoryo. Hawak ni Damien ang papel, at sa unang tingin pa lang, parang nanigas ang dugo sa katawan niya. HINDI MATCH. Hindi tugma ang blood type niya sa kay David. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Bilang isang doktor, alam na alam niya ang posibilidad, pero sa sitwasyon nila... imposible ito. Dapat tugma. Dapat may koneksyon. Sa sobrang pagtataka at pagdududa, inulit niya ang test. Ginawa niya ang lahat para masigurong walang mali sa proseso. Pero paulit-ulit man, iisa lang ang lumalabas. Nagsimulang umikot ang mundo niya. Bumalik sa isip niya ang lahat—ang pagtatago ni Fia, ang takot nito, at ang biglaang pagdating ng lalaking iyon. Emergency na ang lahat, kailangan nang operahan ang bata sa lalong madaling panahon, pero sa halip na kalmado, puno ng galit at pagkadismaya ang buong pagkatao niya. Hindi na siya nakatiis. Pinagawa niya agad ang DNA Test at kahit mabilisan lang, sapat na ang resulta para durugin siya

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Mijo Esteban

    FIA’S POINT OF VIEW Mijo Esteban. Marinig ko pa lang ang pangalan niya kanikilabutan na ako. Isa siyang halimaw na sumira sa buhay ko. Siya ay nasa 40 na, hindi maikakaila kung bakit maraming babae ang nahuhulog sa kanya. Handsome siya sa klase ng badboy na delikado at bawal mahalin. Ang mukhang yon, ang dami nang babae ang dumaan sa kaniya. Matangkad at maskulado ang pangangatawan, may kulay moreno na balat na lalong nagbigay-diin sa kanyang pagkalalaki. May matangos siyang ilong, matatalim ang mga mata na parang laging galit. May bigote din siyq at balbas na bagay sa kaniyang personalidad. Sa paningin ng iba, mukha siyang perpekto. Mayaman, makapangyarihan, at may sariling mundo. Pero sa paningin ko... siya ang halimaw na sumira sa buhay ko. Naalala ko noon, iba talaga ang trato niya sa akin. Kahit siya ang may-ari ng club at kahit sobrang dami niyang babae, ako lang ang itinuring niyang espesyal. Mahigpit ang bilin niya sa lahat: "Bawal itable si Fia. Bawal siya ipareha s

  • OBSESSION His Indecent Proposal   flash back

    FIA’S POINT OF VIEW Dinala niya ako agad sa ospital. Pagpasok ko sa kwarto, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Doon nakahiga ang anak ko, si David... maliit na maliit, payat at maraming nakakabit na tubo at makinarya sa katawan niya. Halos madurog ang puso ko sa nakikita. Ganito na pala kalala ang lagay niya? Umiiyak ako habang dahan-dahang lumalapit at hinahawakan ang maliit niyang kamay. Ang lamig. "Kailangan niyang operahan sa lalong madaling panahon," sabi ni Damien sa likuran ko. "Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat bilang doktor at bilang ama niya para maging okay siya." Humarap ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Sa sandaling iyon, kahit anong galit at sama ng loob ko dati, nawala lahat. Alam kong magaling si Damien. Alam kong hindi niya pababayaan ang anak namin. Siya lang ang pag-asa namin ngayon. "He just needs blood," dagdag pa ni Damien na dahilan para manigas ako. "Ako, magdo-donate ako. Pero kung kukulangin, kailangan mo rin magbigay ng dugo. Kail

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Failure

    DAMIEN’S POINT OF VIEW Nang tuluyan nang sumara ang pinto at tumahimik ang paligid, doon ko naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Nakonsensya ako. Alam ko sa sarili ko na sobra-sobra ang sakit na dinanas ni Fia. Alam ko naman kung bakit niya nagawang puntahan at bugbugin si Andrea sa opisina... dahil sa matinding galit at sakit nang niloloko. Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling, pero hindi ibig sabihin ay tama ang ginawa niya. Napahawak ako sa sentido ko at napabuntong-hininga nang malalim. Kailangan kong tibayan. Kailangan kong patigasin ang loob ko. Dahil kung bubuksan ko ulit ang pinto at papasukin ko siya, hindi matatapos ang gulo. Iikot lang tayo sa parehong sitwasyon. Ako na ang kailangang tumapos nito. Ako na ang kailangang gumawa ng paraan para maging payapa na ang lahat. Hindi ko na hinintay na siya ang bumitaw. Ako na mismo ang pumutol ng tali. Kinabukasan, paggising ko, wala na siya. Walang bakas na nandito pa siya. Tahimik ang buong bahay. "Malamang umuwi

  • OBSESSION His Indecent Proposal   out

    FIA’S POINT OF VIEW Pagkauwi ko, pakiramdam ko ay nabawasan na yung bigat Pakiramdam ko ay nakaganti na ako nang tuluyan. Nasa isip ko pa kung gaano siya kahiya-hiya sa harap ng mga empleyadoo niya, kung paano siya napaluhod at napaiyak. Pinahiya ko siya at pinagsigawan kong kabet siya at alam ko sa sarili ko na nakabawi na ako. Pero nagkamali ako. Pagpasok ko pa lang ng pinto, sinalubong ako ng matalim na tingin ni Damien. Nanlilisik ang mga mata niya at nanginginig ang mga kamay sa sobrang galit. "Malamang nagsumbong na ang magaling niyang kabet!" Hindi ko pa man naibababa ang bag ko, hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso at itinulak ako pabalik sa pader. "WHAT HAVE YOU DONE?!" sigaw niya na yumanig sa buong bahay. "Anong demonyo ang pumasok sa isip mo para sumugod ka roon at atakihin si Andrea?! YOU HUMILIATE HER IN FRONT OF EVERYONE?!" Natigilan ako. Akala ko mauunawaan niya kung bakit ko nagawa yon o akala ko palalampasin niys lang iyon, pero mali. Sobrang galit na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status