Share

KABANATA 6

Zantyr's POV

Naramdaman kong tumayo siya galing sa paghiga pero hindi ako gumalaw para hindi nila mahalatang gising na ako kanina pa, hinintay ko lang na magising siya.

Last time may nangyari sa amin ng girlfriend ko na model na hindi ko na hindi ko matandaan kong paano yun nangyari dahil lasing ako at wala ako sa sarili ko, iniwan ko siya agad ng bumalik ako sa katinuan ko.

Ayaw ko ang nangyaring yun dahil parang kataksilan yun kahit alam kung hindi pa kami ni Andrea.

Binuksan ko ang mga mata ko ng marinig ko ang pagsirado sa pintuan, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyari o magagalit sa sarili.

Hinayaan akong lamunin sa init ng katawan kagabi, hindi ko mapigilan ang aking sarili.

Andrea Zeyn Ellias is my long time crush and I think I'm secretly in love with her. Nag-alala ako sa iisipin niya ngayon na hindi na siya lasing, baka mas lalo siyang lalayo sa akin. Imbis na lumapit ako kagabi sa kanya dahil naiinis sa mga kasayaw niya, ganito ang kinalabasan.

'Please Andrea wag kang umiwas ngayon lalo na't ako ang nakakuha sayo hinding hindi na ako papayag na may lalaki pang lalapit sayo, akin ka na Andrea.'

Tumayo na ako at nag bihis ng damit at lumabas na para umuwi sa condo.

Habang nag drive ako hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kagabi, aminin ko man o hindi nagustuhan ko iyun sino ba naman ako diba? lalo na si Andrea yun.

Nawala lang sa isipan ko ng may tumawag sa akin.

"Zantyr!" bungad agad sa akin ng manager kong bakla ng sinagot ko ito agad.

"Yes?" Tamad kong sagot

Siya ang tumulong sa akin kung bakit ganito ako ka taas ngayon, siya ang unang nagtiwala sa akin lalo na nong narinig niya ang aking boses. Siya ang nagdala sa akin dito kaya utang ko lahat ng to sa kanya dahil bata palang ako pangarap ko na talagang maging singer. Ang pamilya ko alam kung naka supporta lang sila sa akin palagi, hinyaan lang nila ako sa gusto ko.

Lalo na ang ate ko siya ang sumalo sa companya namin na dapat kaming dalawa pero siya mismo ang nagtulak sa akin sa pangarap ko ng makakita ako ng opportunity na makamit ko ito, ng ate ko ang unang nakakaalam.

"Mamaya ang concert mo, bakit parang ang boses mo lasing ka kagabi?" sabi niya sa akin na medyo mataray.

Ayaw niyang maglasing ako kapag may concert ako kinabukasan.

"I'm not, kunti lang ang ininom ko kagabi," pagsasabi ko ng totoo. Hindi naman ganun katigas ang ulo ko para hindi sundin ang sinabi niya sa akin. Dati ko pa siya sinunod kaya ganito ang kinalabasan ng pagsunod ko sa kanya, worth it lahat.

"Kakagising ko lang" tipid kong sagot sa kanya.

Bata palang itong manager ko kaya tinuring ko siyang kapatid at ganun rin siya saakin, ang pamilya ko kilala siya at nagpasalamat rin sila sa ginawa ng manager ko para sa akin. Hindi lang ako ang natutuwa kundi ang pamilya ko rin.

"May babae na naman? ikaw talagang bata ka, pagsisihan mo rin yan," pananakot niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot.

Ang ayaw lang talaga nila saakin yung palit palit ako ng babae, o girlfriend. Hindi pa nila alam kung sino ang babaeng ibig sabihin ko nong sinabi ko na may mahal ako na babae.

Palit palit ang girlfriend ko pero isa lang na girlfriend ang nagalaw ko.. magpasalamat nalang ako ng maalala kong hindi ako ang nakauna sa babaeng yun, matagal na rin yun nangyari.

"Maghanda kana, maaga tayong pupunta sa venue," sabi niya at pinatay agad ang tawag.

Ganyan yan pag tatawag sa akin papatayan agad ako kahit hindi pa nakasagot.

Binilisan ko ang pagtakbo sa sasakyan ko hanggang sa makarating ako sa condo ko kung saan malayo sa isang condo ko na malapit lang kay Andrea, pupunta ako dun pag gabi na o wala akong magagawa buong araw.

Pumasok agad ako sa kwarto ko para maligo at para makapagbihis na, agad naman may nag doorbell ng pagkatapos kong magbihis, bumaba ako para pagbuksan kung sino man ang bisita.

Bumungad saakin ang mga kaibigan ko, hinayaan kong nakabukas ang pintuan para makapasok sila at umupo sa sofa.

"Broooo!" bati nila saakin, ngumisi lang ako sa kanila

"Wow! parang may nangyari kagabi ha!" sabi ni Nathan.

"Oo nga biglang nawala!" sabi rin ni Lucas.

"Parang ang tamlay niya ngayon," sabi naman ni Erik

Ngumisi lang ako, alam nila kung sino ang babaeng kinababalewan ko, alam nila na nakita ko siya kagabi pero hindi nila alam kung bakit ako nawala bigla, ayaw ko ring sabihin.

"Pagod lang, kakagising ko lang," sabi ko at pinagmasdan silang apat na nakatayo sa harap ko.

Tinawanan nila ako.

"Matamlay yan kasi may kasayaw si Andrea kagabi!" pang-aasar ni Lucas.

"Napansin ko nga naghalikan sila!" sabi ni Nathan.

Kung alam mo lang Nathan.

"Buhay niya yun kaya hayaan niyo na" Simpleng sabi ko at nagtawanan naman ang tatlo at hinampas ako sa balikat kaya pati ako natawa.

"Bago yan ha! iba line mo dati 'Akin lang siya hindi pwedeng aangkinin siya ng iba!'" sabi ni Erik, natawa naman ako.

Syempre akin na talaga siya simula kagabi.

"Sa kanya na daw pero hindi siya kilala," pang-aasar ni Lucas sabay tawa ng malakas kaya pati ang dalawa nadamay, natawa rin ako ng maalalang hindi ako kilala ni Andrea.

Sa ganito ka daming supporters may isang babaeng hindi ako kilala.

"At least kilala ako ng kaibigan niya," nakangising sabi ko sa kanila kaya, tumingin sila sa akin naka nakangiti parin dahil sa kakagaling lang sa pagtawa.

"Bakit kaibigan niya ba ang gusto mo?" Nakangising tanong ni Nathan

"Hindi" Simpleng sagot ko kaya nagtawanan naman ang tatlo.

Mga siraulo, natawa nalang din ako, anong connect pag kilala ako ng kaibigan niya? hindi naman mababago dun na hindi ako kilala ni Andrea o hindi niya ako matandaan.

Nagkita na kami dati at tandang tanda ko pa talaga siya at natandaan ko pa ang sinabi niyang kakalimutan niya ako pag aalis ako. Hindi na ako nagulat ngayon.

"What if makikita mo siya sa concert?" nakangising tanong ni Erik sa akin.

"Edi makikita," simpleng sabi ko pero ang puso ko kumabog na sa kaba habang inisip na makikita siya.

Nagtawanan sila, nahinto lang ang tawanan ng tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

Umupo naman ang apat ng tahimik habang sinagot ko ang tawag.

"Zantyr!" tawag ng manager ko sa akin.

"Yes?" sagot ko.

"Maghanda kana! pupunta na ako diyan in 20 minutes!" sabi niya.

"I'm done preparing," simpleng sabi ko sa kanya at natahimik naman siya ng ilang sandali bago nagsalita.

"Edi pupunta na ako diyan! nandiyan ba yung kaibigan mo?" tanong niya.

"Yes madam," sagot ko.

Tumuli naman siya kaya natawa ako

"Loudspeaker mo dali," utos niya kaya pinindot ko naman ito, "coming babieesss!" sigaw niya at narinig naman ito ng kaibigan ko at pareho silang tatlo na nasisira ang mukha sa narinig at nakilala ang boses kaya malakas akong tumawa.

Pinatay na ng manager ko ang tawag parang nagmamadali talaga.

"Mauna nalang kaya tayo sa kumag nato?" tanong ni Nathan na parang natatakot sa manager ko kaya tinawanan ko sila.

"Iiwan niyo ako?" kunwari nalulungkot, pero tumawa rin pagkatapos, nasisira na talaga ang mukha nila.

"May manager ka namang kasama!" sabi ni Lucas, tinawanan ko siya.

"Ayaw niyong hintayin ang magiging future mommy niyo?" pang-aasar ko, parehong nasisira ang kanilang mukha.

Inasar lang sila ng manager ko, gusto niya lang asarin sila dahil sa reaction nilang nagpapakita ng hindi nila nagustuhan ang ginawa niya, mas lalo niyang inasar.

"Bakit ba kasi bakla ang manager mo!" inis na sabi ni Erik na para bang pagod na siyang magtitiis kaya tumawa ako.

Palagi ba naman naming kasama..

"Ano naman ngayon kung bakla?" natatawang tanong ko sa kanya, "inano ba kayo ng manager ko? tinawag lang kayo ng babies ganyan na ang nagiging reaction niyo?" matatawang tanong ko.

"Sana ikaw nalang lalandiin ng manager mo," inis na sabi ni Lucas kaya tumawa ako.

Hindi matigil ang tawa ko habang nakikita ang reaction nila, gustong gusto ng manager ko na asarin sila.

May boyfriend ang manager ko, lalaki hindi lang nila alam .

"Ikaw na bahala sa kanya mamaya Lucas," sabi ni Nathan kaya hinampas naman siya ni Lucas.

"Anong ako? si Erik nalang!" tulak ni Lucas kay Erik.

Pinanuod ko lang sila kung gaano sila ka stress sa manager ko, habang ako dito tinawanan lang sila.

"Anong ako? hindi nalang ako pupunta sa concert," sabi ni Erik, humahalakhak ako.

"Kayong tatlo ang gusto niya," natatawang sabi ko, nasira ulit ang mukha nila.

"Uuwi talaga kami!" parang batang sabi ni Nathan kaya nilingon ito ni Erik at Lucas at sabay hinampas, "arayy! bakit niyo ako hinampas!" reklamo ni Nathan.

"Hindi bagay sayo maging bata!" sabi ni Lucas.

"Matanda kana Nathan nakakadiri ka," sabi naman ni Erik.

"Baby naman kayo ng manager ko, okay lang yan Nathan," singit ko, pareho silang lumingon sa akin na para bang may sinabi akong nakakatakot, tumawa ako ng malakas.

"Sayo nalang Zantyr kung gusto mo!" inis na sabi ni Lucas, mas lalo akong natawa sa nakikita kong inis sakanya

Magsalita na sana ako ng tumunog ang doorbell, ngumisi ako sa kanila at sila naman natatakot parang may multong darating..

Tumayo na ako para pagbuksan ang manager ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status