Share

OHN 3

“ Good morning Ms. Mondeñego .”

“ Good morning Aki!”

Tinanguan niya ang body guard slash driver niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto ,naupo na siya at nilagay sa kandungan niya ang bitbit na bag. Matapos masara ang pinto,umikot na papuntang driver side si Aki. Nagseat belt na siya ng makapasok ito,tumingin muna ito sa kanya at tinanong siya kung ready na siya bago paandarin ang sasakyan.

Nang makarating sa firm,mabilis na umibis ng sasakyan si Aki at pinagbuksan siya ng pinto. Hinatid siya nito hanggang makapasok siya sa loob. Napailing na lang siya ng lingunin niya ito,nakatingin pa rin ito sa kanya mula sa labas.

Bumuntong hinga siya saka dumeretso na sa elevator. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya. Marahil sa nangyaring kumusyon kagabi,at ngayon nga ay sa bodyguard niya. Nakarating na pala sa kapatid niya ang mga natatanggap niyang threat,at hindi nito ‘yon nagustuhan. Lalo na sa nangyari sa kanya nitong nakaraan. Kaya nagdesisyon ang pamilya niyang bigyan siya ng bantay.

Pumayag na lang siya,wala na siyang nagawa ng kahit ang ama niya ay pumayag. It’s for her safety ,they said. Nakagat niya ang ibabang labi ng maalala ,ang kahihiyan niya kagabi . Nagpadaan kasi siya sa fast food dahil sa gutom na siya. Hindi niya naman akalain na do’n pa napiling pumunta ni Aki. Basta ang sabi niya kung may madaaanan na fast food o drive thru. She thought it was her favorite drive thru ,but turns out it’s a real restaurant. Nanghingi pa siya ng nuggets,naka idlip kasi siya sa traffic. Saktong nagising siya ng ibinigay na ang pagkain nila . Kaya naibulalas niya ang …

“ Can I have nuggets too?”

Nakita niya kung pa’no natigilan ang waiter na nag abot ng pagkain sa kanila. Napatingin si Aki sa kanya,nagtataka naman niyang tiningnan ang mga ito. Kung hindi pa niya nakita ang pangalan ng restaurant sa uniform ng waiter hindi siya matatauhan.

“ Shit!”

Napamura siya sa isip,at hilaw na humingi ng pasensya sa waiter. Napakagat labi na umiwas ng tingin ,narinig niya ang mahinang tawa ni Aki kaya sinamaan niya ito ng tingin.Umingos siya dito,inabot sa kanya ang pagkain na nabili nito. Hanggang sa dumaan ulit sila sa drive thru at ibinili siya nito ng nuggets. At ‘yon na ang kinain niyang dinner,pagkarating sa bahay naligo lang siya sa katawan. Pagkatapos ay natulog na din,gusto niyang itulog ang pagkapahiya.

Nang makarating sa floor niya ,agad siyang lumabas. Kapag bumabati ang mga katrabaho niya ay binabati niya din ito pabalik. Dumeretso na siya sa opisina niya,naabutan niya doon ang secretary niya. May inilalagay ito sa table niya,nang malingunan siya nito bumati ito sa kanya.

“ Good morning.”

Ganting bati niya dito,nagpaalam na ito matapos maayos ang schedule at mga files na pag - aaralan niya.

Her day past and lunch came,hindi na siya nagtaka nang may dumating na pagkain galing sa mommy niya. But her heart skip a beat,nang makita kung sino ang may bitbit ng pagkain. Palihim siyang napalunok ng makita si Aki na ibinibigay ang pagkain dito. Napalingon ito sa kanya,nanlaki ang matang iniwas niya ang tingin dito.Napatikhim siya ng kumatok ang secretary niya bitbit ang pagkain.

Hindi na siya tumingin dito at pinagpatuloy ang ginagawa ,napaangat lang ang tingin niya ng maramdaman ang presensya ni Aki. Nagtama ang paningin nila,she gasped in her head silently. She bit the sides of her check,napataas ang kilay niya dito.

“ Do you need anything?”

Tanong niya dito,nakatitig pa rin si Aki sa kanya.

“ You should eat first,masama ang magpalipas ng gutom.”

Pagkatapos ay tumalikod na ito,napakunot ang noong sinundan niya ito ng tingin.Napanguso siyang itinigill muna ang ginagawa,tinawag niya ang secretary para sabay na silang kumain.

“ I’m sorry Ms. Nasa baba kasi ang best friend ko at sabay sana kaming kakain. Taga diyan siya sa kabilang firm.”

Tinanguan niya na lang ito at bumalik sa loob,napabuntong hinga na inilabas ang mga pagkain na nasa baunan. Kinagat kagat niya ang ibabang labi,hindi niya mauubos ‘yon. At baka mapanis pa ‘yon kung hindi maubos. Tumayo siya at kinuha ang phone niyang nasa mesa niya.

“ Shocks,I don’t have his number.”

She muttered,she shakes her head. Tatawagan na niya sana ang kapatid para hingin ang number ni Aki ng may tumawag na unknown number. Napakunot ang noo niya,contemplating on answering or not. Baka kasi threat na naman,o kaya ay kung anong pakulo ng mga nanakot sa kanya.But in the end ,she answered it.

“ Yes hello?”

Nailayo niya ang phone sa tainga ng walang nagsalita sa kabilang linya.

“ Weird,hello who is this?”

Muli niyang ibinalik ang phone sa tainga niya,narinig niya ang buntong hinga nito sa kabilang linya. Pinatay niya na lang ang tawag,pagkatapos ay tinawagan niya ulit ito.

Nanlaki ang mata niya ng mabilis itong sumagot ,matapos ang isang ring lang.

“ Yes Hella,something wrong I’m coming!”

Parang natataranta itong kumilos ,natigilan siya sa narinig mula sa kabilang linya. Nawala na ang tawag ,napaupo siya at tinitigan ang hawak na phone. Malalim siyang bumuntong hinga,hindi niya na tatanungin kung pa’no nito nakuha ang number niya. There’s her brother for that,pero bakit hindi ito sumagot kanina ng tumawag ito.

Napatingin siya sa pinto ng ang humahangos na si Aki ang nar’on. Mabilis na pumasok ito sa opisina niya,nilibot ang tingin. Parang may hinahanap,nanatili siyang nakatingin lang dito. Nang magawi ang tingin nito sa kanya,parang nakahinga ito nang maluwag. Tumikhim ito at naglakad na palapit sa kanya.

“ I don’t see any problem here,so why did you call?”

“ Y-you called first.”

Nakagat niya nag ibabang labi ng mautal siya. Napakunot ang noo nito sa kanya,kinuha nito ang phone sa bulsa.

“ Shit,when did I call?”

“ After I called you back? I didn’t know it was your number.”

She muttered,napatingin si Aki sa kanya.

“ You don’t have my number?”

Kagat labing tumango siya,napabuntong hinga ito.

“ Maybe I pressed it accidentally,I’m sorry to bother you. This won’t happen again.”

Yumukod na ito at akmang aalis na ng tawagin niya ito. Mabilis naman itong pumihit paharap sa kanya,ngumiti siya dito.

“ Have you eaten yet,I ,ahm can you eat with me? I really can’t finish all of this,my secretary is out with her friend and I —wait what are you doing?”

Nagulantang siya ng mabilis itong naglakad palapit sa kanya,napaatras ang katawan niya kahit pa nakaupo lang siya. Napakurap siya sa ginawa nito,ngumisi si Aki sa kanya.

Aki lean forward to her, he put his hands on her sides of the chair.

“ You should have just ask me to eat with you.”

“ That what I’m telling you.”

Ngumisi lang ito,umayos na ito ng tayo at naupo sa kalapit lang na upuan. Nakahinga siya ng maluwag ng makaupo na ito,hindi niya alam na pinipigilan niya palang huminga. Napalunok siya na tiningnan ito,inasikaso nito ang pagkain niya. Ibinigay sa kanya ang kanin,ang kutsara at tinidor pagkatapos ay inilapit sa kanya ang mga ulam.

“ Thank you.”

Sabi niya na lang at sumubo ng kanin,tumango lang si Aki sa kanya at nagsimula na din na kumain.

Hindi niya maiwasan na mapatingin dito habang kumakain,matakaw si Aki. Malakas itong kumain,kumpara sa kanya . Kaya siguro malaki din ang katawan nito,wide broad shoulders. Muscles in right places, and ripped. Napakagat labi siya ng mapatingin ito sa kanya.

“ You know,staring is rude. Lalo na at kumakain ang tao.”

Sabi nito habang matiim na nakatingin sa kanya,pababa sa labi niya.

“ I’m not.”

Depensa niya,napayuko at sumubo.

Natahimik ang kaharap kaya umangat ang tingin niya dito,nanlaki ang mata niya ng makitang nakatingin pa rin ito sa kanya.

“ What?”

Nakataas ang kilay na tanong niya,bumaba ang tingin niya sa labi nito. Mapula ‘yon,at parang nang aakit na mahalikan . Mariin siyang pumikit,alam niyang matagal na ang huling halik na natikman niya. And that was with the stranger she had one night stand ,that she can’t even remember the face .

Napadilat siya ng maramdaman ang bagay na dumampi sa labi niya,nanlaki ang mata niya ng makita ng mukha ni Aki na nakapikit na hinahalikan siya. Hindi siya nakagalaw,napahigpit ang hawak niya sa tinidor at kutsara na hawak. Hinawakan ni Aki ang magkabilang mukha niya ,kaya napapikit na din siya.

Gumalaw ang labi nito sa labi niya,hindi siya gumalaw at hinayaan lang ito. Hanggang sa marahan nitong kinagat ang ibabang labi niya. Aki take advantage of that and enter her mouth,exploring her inside. Gumanti na din siya ng halik dito,they were kissing like they miss each other's lips.

Hinihingal na humiwalay nang halik si Aki ,pinagdikit nito ang kanilang mga noo. Pinatakan ang kanyang labi ng isa pang halik. Naramdaman niyang napangiti ito,kaya dumilat na siya. Nakita niyang matiiim siyang tinitigan nito,hinahaplos ang pisngi niya.

Mabilis na umayos ng tayo si Aki na pinagtaka niya,maya maya ay dumating ang uncle niya. Nakahinga siya ng maluwag na hindi nito nakita ng ginawa niya.Mabilis na nagpaalam si Aki,tumango lang siya dito.

Her uncle look at her suspiciously, nailing na lang siya dito.

“ We just ate uncle.”

“ I’m not saying anything.”

Nagkibit balikat pa ito,napakagat labi siya. Parang ramdam pa rin niya ang labi ng lalaki sa labi niya. Nag init ang pisngi niya ng mapagtanto kung ano’ng nangyari at ginawa nila. They just made out,and she did not protest. She let Aki kiss,and devour her lips. That easy,maybe she just miss being kiss.

“ And now your blusing…”

“ Uncle!”

Natawa lang ang uncle niya,naupo na ito sa katapat naupuan sa kanya. Napahawak siya sa magkabilang pisngi,napiling siya .

“Maybe I need to call my friends and hang out with them.”

She muttered while working,it’s been a while since she go out and have fun.And with that in mind,she called her best friend.And they plan to see each other and have a drink. And that's what she did after her work,nagpahatid siya sa bar kay Aki. Nagtaka pa ito kung bakit sa bar at hindi sa bahay nila.

“ Your brother said ,you have to go straight in your house.”

Napabuntong hinga siya.

“ Mabilis lang naman ako,na miss ko lang ang mga kaibigan ko. We’ll just drink a little ,and nand’yan ka naman eh.Mabilis lang talaga,you don’t have to report to kuya Alejandro about this.”

Mabuti na lang at pumayag si Aki,pero kasama niya ito sa loob. Nakabantay habang umiinom sila,maski ang kasama niyang mga kaibigan ay nagtataka. Pero pinaliwanag niya sa mga ito ang sitwasyon niya.

“ Cool,ang hot ng body guard mo pwedeng pahiram?”

Natatawang tanong nito,nailing na lang siya dito. After a few drinks ,she bid goodbye to her friends.

“ Are you okay?”

Tinulungan siya ni Aki na makasakay ng maayos ,ito na rin ang nagsuot ng seatbealt niya.

“ Yeah,just tipsy.”

Nakangiting sagot niya dito,napiling itong sinirado ang pinto saka umikot papuntang driver seat.

Nagising siya ng maramdaman niyang umangat siya sa ere,agad na napakapit siya sa batok nito. Binuksan niya ang mata,nakatinigin si Aki sa kanya Hinaplos niya ang pisngi nito at ngumiti. Napatingin siya sa labi nito,pinadaanan niya ng daliri ang labi ni Aki. Naramdaman niya na pag igtad ito,hindi niya alam kung ano ang sumanib sa kanya at natagpuan niya na lang ang sarili na hinapit ang batok nito at pinaglapat ang mga labi nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status