FULL MOON
LAHAT may kinagisnan, lahat may nakasanayan. Pero paano nga ba kung bigla nalang itong mabago? Anong gagawin mo? Anong pipiliin mo? Ang buhay na kinasanayan mong simple at payak o ang bagong buhay na sagana sa lahat?
Mahirap mamili lalo't mahirap ang pamimilian, kahit ayaw man nating pumili, kailangan para sa ikakabuti ng lahat.
Gamit ang kamay ay kinusot kusot na ni Victoria ang kanyang mga mata.
"Hala mag a-alas otso na pala," wika ni Victoria sa kaniyang isipan habang nakatingin sa kaniyang suot na relo.
Napapayakap na lamang ito sa kaniyang sarili sa lamig na nanunuot sa kaniyang katawan, ang kaniyang balahibo ay unti-unti na ring nagsisitaasan at nakakaramdam ng kaba sa kaniyang mga naririnig na mga huni ng ibon at ingay ng kuliglig sa paligid. Nakayakap ito sa kaniyang sarili habang tahimik na naglalakad.
"Hala! Ano yang nasa balikat mo Oriang?" Pang gugulat ni Sebastian sa kaibigang babae na nau-una sa paglalakad.
Ang dalawa ay ginabi na sa pag-uwi, sila ay mula pa sa kanilang paaralan sa kabayanan na malayo sa kanilang tinitirhang kabundukan.
Marami silang tinapos sa kanilang paaralan kaya't ngayon pa lamang sila nakauwi.
Halos kinse minutos na silang naglalakad, sampung minuto pa ang kanilang lalakarin bago sila makarating sa kanilang tahanan.
"Manahimik ka, hindi ako natatakot, nai-irita lang ako at ang ingay mo," wika naman ni Victoria na may palayaw na "Oriang".
Ang dalawa ay laging magkasabay sapagkat malapit lamang ang kanilang bahay sa isa't isa.
"Weh? Tingnan mo oh, ang liwanag ng buwan. Kabilugan pa ng buwan lalabas ang aswang awoh," pananakot ni Sebastian..
Binilisan lang ni Victoria ang kanyang paglalakad, hindi naman ito nakakaramdam ng takot dahil sa mga elemento na iyan, mas natatakot ito sa mga pwede nilang makasalubong na taong mapanganib.
"Hoy, hintay! Yie takot na yan," sambit muli ni Sebastian kay Victoria habang humahangos na humahabol dito.
"Shh...," pagpapatahimik dito ni Victoria.
"May narinig kasi akong kaluskos," wika ni Victoria
Nakikiramdam si Victoria sapagkat nakaririnig ito ng mga yabag na tila papalapit sa kanila.
"Oriang may naririnig ka ba?" sambit ni Sebastian kay Victoria
"Shh...," pagpapatahimik muli ni Victoria kay Sebastian.
Marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata at napakagat-labi na lamang ito sapagkat nararamdaman nito na sobrang lapit na ng mga yabag sa kinatatayuan nila.
Si Sebastian naman ay kumapit na sa braso ni Victoria.
Madilim na ang paligid kaya kinuha nila 'yong flashlight sa kanilang bag na dala.
Rinig na rinig ang lakas ng tibok ng puso ni Victoria at mababakas sa mukha nito ang takot nang tumambad sa kanilang harapan ang mga lalaking nakasuot ng tuxedo na itim.
"Anong trip nila? Gabi na ah, baka naligaw papuntang party," wika nito sa kaniyang isipan.
Napahawak ito sa kaniyang mga braso sapagkat ramdam niya na nagsisitaasan na ang kaniyang mga balahibo sa katawan, nakakaramdam din ito ng kaba, mapapahawak din ito sa kaniyang dibdib sapagkat ang kaniyang paghinga ay tila sumisikip at ang tibok ng kaniyang puso ay pabilis na ng pabilis. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang tumitig ang isa sa mga lalaki sa kaniya.
"Sumama ka sa amin," pautos na saad nang isang lalaki.
"Po? Bakit po?" takang tanong ni Victoria.
"Matagal ka nang pinapahanap ni Boss," sabi naman nang isa pang lalaki.
Ikinuyom ni Victoria ang kanyang mga kamay at inihanda ang sarili sa pagtakas.
"Seb, pagbilang kong tatlo tatakbo tayo ha," bulong ni Victoria rito at tumango lamang si Sebastian bilang sagot.
Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Victoria at tila ito ay natuod sa kanyang kinatatayuan nang naglabas ng baril ang isa pang lalaki.
"Huwag ninyo nang tangkain pang tumakas, kunin mo 'yong babae," sambit ng isang lalaki, pagkasabi nang isang lalaki ay agad nagpumiglas ang dalawa.
Sinuntok pa ni Victoria at ni Sebastian ang mga ito ngunit masyado itong marami. Bumagsak sa damuhan si Sebastian ng mga panahon na iyon at walang nagawa si Victoria upang tulongan ito sapagkat ang daming nakahawak sa kanyang braso.
"Seb! Seb!" sambit pa ni Victoria habang inilalayo kay Sebastian. Hindi na nagawang sumunod ni Sebastian sapagkat may nakatutok na baril sa kanya.
"Oriang, hahanap ako ng tulong," sigaw pa nito.
Nagpu-pumiglas si Victoria kaya may ipina amoy sila rito na ikinawala ng kanyang malay.
At hindi na niya alam ang sunod na nanyari.
Nagising si Victoria sa isang napakalaking kwarto. Inilibot niya ang kanyang tingin dito at nakita niya itong punong puno ng mga laruan at may litrato niya noong bata pa siya.
"Nasaan po ako? Nanaginip po ba ako?" tanong nito.
Inilibot niyang muli ang kanyang tingin at may mga tao itong nakita. Naroon din ang mga kalalakihan na kumuha sa kanya. May isang lalaking medyo may edad na at mayroong napaka laking ngiti sa kanyang mga labi, may babae rin na hindi pa ganuon katanda, ka edad ng Mama ni Victoria, ang sama ng tingin nito sa kanya at may isang lalaking kasing edad niya na ang sama rin ng tingin, mayroon pang isang babae na kasing edad nito na ang sama rin ng tingin sa kanya.
"Anong problema nila?" sa isipan ni Victoria
"Sino po kayo?" tanong niya rito.
"Apo ko," sabi naman nang lalaking may kaedaran na at niyakap siya nito.
Agad na kumawala si Victoria sa pagkakayakap sapagkat hindi niya pa rin nai-intindihan ang mga nanyayari.
"Ano po bang nanyayari?" tanong nito at tiningnan sila isa isa. Inirapan lang siya nang dalawang babae at ganuon pa rin ang reaksyon nang lalaki.
At ipinaliwanag nang lalaking may edad na ang lahat.
"Ikaw si Victoria, ang apo ko na matagal ko nang hinahanap, sa bundok Peninsula ka lang pala namin makikita, anak ka ng kaisa-isang anak kong lalaki, kaso nawala ka dahil ninakaw ka ng isang katulong namin dati apo. Bago malagutan ng hininga ang iyong mga magulang dahil sa car accident habang hinahanap ka apo, ipinangako ko na hahanapin kita, at ngayon nahanap na kita, ako si Lolo Fernan mo, siya naman ang Tita Myrna mo, (turo sa isang babae na kasing edad ng kanyang tumayong ina) at sila ang mga pinsan mo ( turo naman sa isang babae at lalaki na kasing edad niya) Inilabas lang nila ang kanilang pilit na ngiti. Pero 'yong lalaki ay seryoso lamang ang ekpresyon ng mukha.
"Ampon lang pala ako nina Mama at Papa, bakit nila nilihim 'yon?" sa isipan ni Victoria ng mga panahon na iyon.
Inakit nila ito sa kusina upang kumain sapagkat hindi pa rin sila kumakain.
Hindi alam ni Victoria kung nasaan siya naroroon.
Sabay sabay silang umupo sa hapag kainan.
"Kahit ngayon lamang ay gamitin natin ang ating kamay sa pagkain," sabi ng kanyang Lolo Fernan.
"Yuck Lolo I don't like, so ew, bakit ba kailangan nating sabayan yang bundokera niyang ugali yuck?" maarteng sabi nang babae na ka edad niya.
Pilit niyang inilibas ang kanyang ngiti kahit nai-insulto na siya ng mga panahon na iyon.
"Marunong po akong gumamit ng kubyertos," sabi nito at muli niyang inilabas ang kanyang pilit na ngiti.
"Kubyertos? Yuck so makaluma," bulong muli nang babae pero kinig niya naman.
Tila may kakaiba siyang nararamdaman ng mga panahon na iyon, tila may kung anong mainit sa kanyang katawan na siyang dahilan ng hindi niya pagiging komportable.
Gusto na niyang umuwi at paniguradong nag a-alala na ang kanyang Mama at Papa, pati na rin si Sebastian.
"Sorry apo, na offend ka ata namin," wika ng Lolo nito
"Okay lang po, hindi naman po porket taga bundok po ako, wala na po akong alam, nag a-aral po ako, Senior High School student po, Victoria Manansala po ang binigay nilang pangalan sa akin," wika naman ni Victoria
"What ever!" bulong muli nang babae at umirap pa.
"Anong problema ng pinsan kong ito?" sa isipan ni Victoria.
"Stop it, just eat," masungit na bulong naman nang lalaki niyang pinsan.
"Mukhang maayos naman ang pagpapalaki nila sa iyo apo," sabi ng kanyang Lolo Fernan
"Pwede po bang umuwi muna ako? Gusto ko pong makausap sila mama at papa atsaka po may research defense rin po kami bukas, baka po magalitan ako ng mga kagrupo ko po," pakiusap niya rito
"Haha, palabiro pala ikaw apo, ang sipag mo pala apo ko, sige sasamahan kita bukas," sagot naman ng kanyang Lolo Fernan.
"Pa, bakit sasama ka pa? Mukhang ayaw naman niya rito, so doon nalang siya kung saan siya babagay," sabi naman ng kanyang Tita Myrna.
"Myrna, ano bang sinasabi mo? Pamilya natin si Victoria huwag kayong ganyan," sabi naman muli ng kanyang Lolo Fernan
"Mukhang ang daming kontrabida sa buhay ko ah, parang ayaw ko na rito," sa isipan nito.
"Apo matanda na ako, bago sana ako mawala gusto kong makapag bonding man lang tayo," sabi ng lolo nito
"Buti pa si Lolo mabait," sa isipan muli ni Victoria
"Pa, marami ka pang gagawin sa office bukas diba?" sambit muli ng kanyang Tita Myrna
"I-cancel mo lahat," sagot naman ni Senior Fernan
Habang kumakain ramdam na ramdam ni Victoria ang tensiyon.
Para siyang kakainin noong tatlong mag i-ina sa mga tingin pa lamang ng mga ito.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nagaganap sa buhay niya.
Nasa Lucena City siya ngayon. Ang layo niya sa lugar niyang kinagisnan.
Pabali-balikwas lamang ito sa kanyang hinihigaan at hindi ito makatulog sa kakaisip sa mga kaganapan sa kanyang buhay. Pati na rin sa defense nila bukas.
Hindi manlang niya matawagan si Sebastian sapagkat wala rin siyang phone. Sadyang napaka simple lang ng kanilang pamumuhay. Pagsasaka lamang ang kanilang kinabubuhay. Pero kahit hindi man nila kayang ibigay 'yong mga ganuong bagay kay Victoria, binubuhos naman nila rito ang kanilang buong pagmamahal. Kaya kahit hindi man marangya ang kanilang buhay masaya pa rin naman sila at punong puno sila ng pagmamahal.
"Tunay ngang tuwing kabilugan ng buwan, may nangyayaring kakaiba. Tulad nito, bigla nalang palang mababago ang buhay ko," sa isipan ni Victoria habang nakatingin sa bilog na bilog na buwan.
SECRET FEELINGSLUMILIWANAG na, halos wala pa rin tulog ang mga magulang ni Victoria. Nasa bahay din nila si Sebastian na halos hindi rin mapakali. Nag report na sila sa mga pulis ngunit wala pa ring Oriang na nahahanap."Napaka inutil ko, wala man lang akong nagawa para hindi siya makuha ng mga iyon," sa isipan ni Sebastian.Halos sumubsob na ang mga magulang na umampon kay Victoria sa lamesa ganuon din si Sebastian dahil sa antok, nang may marinig silang kumakatok.Agad tumayo ang mga magulang ni Victoria at si Sebastian.Nauna si Sebastian tumayo kaya ito ang nagbukas ng pinto.Nagulat si Sebastian sapagkat pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Victoria.Sa sobrang tuwa nito ay niyakap niya agad si Victoria."Oriang, buti bumalik ka, halos mabaliw kami nina Tito at Tita eh," sabi nito habang nakayakap kay Victoria."Okay lang ako huwag kang ano diyan," sagot naman nito"Oh kami naman, nauna ka pa sa magulang,"
NEW FRIENDMAAGA pa lamang ay sinundo na agad si Victoria ng kanyang Lolo Fernan. Mainit na rin nang makarating sila Victoria at ang kanyang Lolo sa City.Sobrang namangha si Victoria sa dami ng body guard ng Lolo nito, hindi pa rin ito sanay sa ganitong set up. Hindi pa rin niya lubos maisip ang nagaganap na pagbabago sa kanyang buhay.Halos mapanganga siya at ngayon lang nito napagmasdan ang mala palasyong bahay ng kanyang lolo.Noon, pangarap lang niya ang ganitong buhay, ngunit ngayon abot kamay na niya. Hindi niya alam na mangyayare ito sa kanya, akala nito sa pelikula lang mangyayare ang mga ganitong eksena, pati rin pala sa kanya."Apo, I have to go, may meeting pa ang lolo sa office, bukas tayo magba-bonding ha," sabi naman ng kanyang loloTumango lang ito at niyakap ng kanyang Lolo at umalis na.Naiwan naman ito sa bahay. Naglibot libot ito sa may harden na napaka lawak at may makukulay na mga bulaklak.
BONDINGMAAGANG gumising si Victoria upang maghanda sa kanilang bonding.Sobrang excited na ito na maka bonding ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang Lolo.Ngayon lang din niya ito mas makakasama at makikiala at napaka busy din nitong tao.Naligo muna ito bago bumaba.Matapos noon ay pumunta na rin siya sa kusina at naabutan ang kanyang lolo na abala sa pagluluto."Sir kami na po riyan," nag a-alalang sabi nang isang kasambahay."Okay lang ako, gusto kong ipagluto ang apo ko, si Victoria," sambit nito na siyang ikinagiti ni Victoria."Napaka sweet talaga ni Lolo, kaya hindi ako magtataka kung mapapalapit agad ako sa kanya," sa isip ni Victoria"Gusto ko rin po tumulong magluto," wika ni Victoria na ikinalingon nila pati ni Senior Fernan."Halika apo," akit nito at tinulongan niya ang mga ito magluto.Habang nagluluto ay puno lamang sila ng kasiyahan at puro tawa dahil napaka mapag biro ni Senior Fernan.
CRUSHPAULIT ulit pa ring tumatakbo sa isipan ni Victoria ang kaniyang nasaksihan kanina sa kwarto. Pati na rin 'yong nalaman nito kanina tungkol kay Zimon."It can't be Zimon," nasa isipan nito.Nasa biyahe na si Victoria ngayon at bukas ay lunes na naman. Walang sawang biyahe. Gabi na rin ngunit hindi niya kayang umidlip sa biyahe at lutang pa rin ang kanyang isipan.Flashback"Miss Oriang flowers for you," sabi ni Zimon at ibinigay sa kanya nito ang isang bungkos ng mga bulaklak.Pansin naman nito 'yong isa pang bungkos ng bulaklak sa kabilang kamay ni Zimon."Para kay Tita Emmy?" tanong naman niya rito at nakatingin sa bulaklak.Umiling lang ito kaya napatanong muli si Victoria."Eh kanino?" tanong nitong muli"Sa kanya sana," sambit nito at tumingin kay Zyrus.Nagulat naman si Victoria sa sinabi niyang iyon."Hindi ito maaari," sa isipan ni Vic
Mission"How is your mission son?" tanong ng Daddy ni Tom dito."Doing great Dad, hindi naman nila nahahalata," sagot naman nito habang kumakain.Nasa hapag kainan ang mag ama, sila na lamang dalawa ang naiwan sapagkat ang Mommy ni Tom ay nawala na noong siya ay sampung taong gulang pa lamang.Habang kumakain, maaalala ni Tom ang mga pagkain sa lugar nina Victoria.Mapapangiti at mapapangiwi na lamang ito habang inaalala ang mga nangyare sa lugar nina Victoria."Pakiramdam ko naartehan sila sa akin, hindi naman kasi talaga ako sanay sa ganuong buhay, pero bilang pakikisama gumaya na lamang ako sa ginagawa nila, I really enjoyed it naman," sa isipan ni Tom."Mukhang happy ka naman son, itutuloy mo pa rin ba ang plano mo?" tanong muli ng kanyang Daddy."Yes Dad, tuloy ang plano ko no matter what," sago
SecretNaglilinis lamang si Zimon sa harden nina Señor Fernan nang may marinig itong kaluskos. Napatigil ito at hinanap kung saan nagmumula ang ingay na kanyang naririnig."Akin ka lang! Walang makakaagaw sa iyo, I'll kill kung sino man ang magta-tangka na umagaw sa iyo, and I'll do everything to make you mine, just please stay away from him, alam kong may gusto siya sa iyo," wika ni Ibarro sa telepono na hawak nito."Sino kaya kausap noon? Katakot naman, papatay pati, sino kaya 'yong katawagan niya? Nakaka curious naman," sa isipan ni Zimon.Ilang minuto pa itong naghintay kung ano na ang susunod na mangyayare, nakita naman ni Zimon na dumating si Zyrus, napatago si Zimon sa isang halaman ngunit nakasilip pa rin ito sa dalawa.Agad na niyakap ni Ibarro si Zyrus nang makita ito. Ipinagtaka naman ito ni Zimon."Sabagay magkapatid naman sil
(Graduation day)Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Ito na ang pinakahihintay ng lahat ng mga grade 12 students lalo na nina Victoria sapagkat ang araw na ito ay ang kanilang pagtatapos.Magkahalong excitement at lungkot ang kanilang nararamdaman sa mga oras na ito. Excited ang mga ito dahil nasa punto sila ng buhay na haharapin na nila ang kanilang bagong landas na gustong tahakin, malungkot sapagkat alam nila sa sarili nila na magkakaibang paaralan na ang kanilang pupuntahan."Nakakalungkot lang isipin na ang lahat ng aming pinagsamahang magkaklase ay magtatapos na rin ngayon ngunit kailangan namin itong tanggapin," sa isipan ni Victoria habang nakatingin sa salamin at inaayos ang kanyang itim na necktie ng kanyang uniform.Abalang abala ang kanyang Mama at Papa sa kanilang isusuot.Pumunta rin sa probinsya nina Victoria ang kanyang Lolo Fernan at mga pinsan nito at ang Tiya
City lifeLumipas ang araw at buwan, isang linggo na lamang at pasukan nina Ibarro at nina Victoria sa kolehiyo.Lumuwas na rin si Victoria sa City kung nasaan ang kanilang mansiyon sapagkat dito na siya magko-kolehiyo.Nasa kwarto lamang si Ibarro at nakahiga sa napaka lawak na kama, nakatingin lamang sa puting kisame, nakaramdam ito ng pagka boring kaya tumayo ito, iniligpit ang kanyang hinigaan at bumaba.Naglalakad lakad si Ibarro nang madatnan niya si Victoria sa may harden na nakatulala lamang sa mga halaman.Sisikbay si Ibarro rito at titingin sa mukha ni Victoria na nakatulala pa rin sa mga halaman."Bored ka ba?" tanong ni Ibarro rito at tumango lang si Victoria."Tara!" akit ni Ibarro rito."Saan naman?" tanong naman nito."Sa mall," sagot naman ni I