Share

CHAPTER 2

SECRET FEELINGS

LUMILIWANAG na, halos wala pa rin tulog ang mga magulang ni Victoria. Nasa bahay din nila si Sebastian na halos hindi rin mapakali. Nag report na sila sa mga pulis ngunit wala pa ring Oriang na nahahanap. 

"Napaka inutil ko, wala man lang akong nagawa para hindi siya makuha ng mga iyon," sa isipan ni Sebastian.

Halos sumubsob na ang mga magulang na umampon kay Victoria sa lamesa ganuon din si Sebastian dahil sa antok, nang may marinig silang kumakatok.

Agad tumayo ang mga magulang ni Victoria at si Sebastian.

Nauna si Sebastian tumayo kaya ito ang nagbukas ng pinto.

Nagulat si Sebastian sapagkat pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Victoria.

Sa sobrang tuwa nito ay niyakap niya agad si Victoria.

"Oriang, buti bumalik ka, halos mabaliw kami nina Tito at Tita eh," sabi nito habang nakayakap kay Victoria.

"Okay lang ako huwag kang ano diyan," sagot naman nito

"Oh kami naman, nauna ka pa sa magulang," sambit naman ng tumayong Ama ni Victoria at sila naman ang yumakap dito.

"Sorry po nadala lang ng tuwa," wika naman ni Sebastian sa mga ito.

Matapos ang kanilang mahigpit na yakapan ay may pumasok na matandang lalaki na ipinagtaka nang mga ito. 

"Sino siya anak?" takang tanong ng tumayong Ama ni Victoria

"Siya po si Lolo Fernan, ang totoo ko pong kamag anak," nai-iyak na wika ni Victoria

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo, ang mga nag alaga sa apo ko," sabi naman ni Senior Fernan.

"Teka ano bang nagaganap? Kagabi lang po na kidnapped si Oriang ah," wika ni Sebastian

"Patawad anak, hindi namin agad sinabi sa iyo ang totoo," nai-iyak na sabi ng tumayong Ina ni Victoria at muli nilang niyakap si Oriang.

Naliwanagan naman si Sebastian nang ikwento ni Victoria ang mga nanyari, habang nag u-usap din 'yong lolo niya at ang mga magulang nito.

"Wow! Edi donya ka na pala ngayon, mukhang mapera 'yong lolo mo eh," wika ni Sebastian.

"Ayaw ko naman sanang pumunta sa bahay nila, mga impakta at impakto ata tao roon eh, kaso si Lolo nag request na sana makapag bonding man lang kami, Seb ayaw ko roon huhu," kwento ni Victoria rito.

"Yie ayaw mo roon at mami-miss mo lang ako," biro ni Sebastian dito. 

Nagulat ito ng bigla siyang yakapin nito. 

"Mami-miss nga kita huhu," malungkot na sambit nito.

Tila may kung anong tumusok sa tiyan ni Sebastian at biglang sumakit ito, tila may kakaiba nang yakapin siya ni Victoria, kaya naman inalis niya agad ang pagkakayakap ni Victoria.

"Oh sumeryoso ka?" takang tanong ni Victoria kay Sebastian.

"Ah wala, sumakit lang tiyan ko," sagot naman ni Sebastian.

"Hala! Anong oras na? Kailangan ko na mag bihis ng ating uniform, kagabi pa ito eh, may defense pa tayo hala!" sambit sabi ni Victoria at nagmadali nang mag ayos. 

"Kaya pala sumakit tiyan ko, naamoy kita haha," pagbibiro ni Sebastian dito.

Nagmadali na ring umuwi si Sebastian at nagbihis. 

 "Lagot ako ng mga kagrupo ko haha, hindi ko pa nare-review 'yong sa aming papers," sa isip ni Sebastian

Matapos ang usapan ng lolo ni Victoria at ng mga magulang nito ay agad inihatid ng kanyang lolo sina Victoria sa kanilang eskwelahan.

Napatakbo na lamang ang dalawa papasok dahil malapit na silang mahuli.

Kasabayan lang nila ang kanilang teacher sa pagpasok kaya nakahinga sila ng maluwag. 

Nag bunutan sila kung sino ang unang magde-defense at kung sinu-swerte nga naman sina Victoria, sila ang mau-una.

Kita ni Sebastian sa mga mata ni Victoria na kabang kaba na ito, lalo pa't siya ang leader ng kanilang grupo.

May tatlo nang panelists sa kanilang harapan kaya ang pawis ng mga ito ay bumabagsak na kahit hindi pa sila nagsisimula. 

Nag present na sila ng kanilang research at nang matapos ay agad na nagtanong ang mga panelists.

"So bakit 'yan ang naisipan ninyong topic?" tanong nang unang panelist.

"Kasi po ma'am iyan po kasi 'yong topic na pinayagan ni sir eh, wala na po kaming maisip na iba, buti tinanggap po ni sir," seryosong sagot ng ka grupo ni Victoria na ikinatawa naman nang mga estudyante rito ngunit mahina lamang. 

Tinapik naman ito ni Victoria na para bang sinaway.

"Good morning po sa lahat, kaya po iyan ang topic namin ay para po mas makita pa namin at ng iba pang mananaliksik o kahit sino pang magbe-benepisyo nito ang kahalagahan ng paksa po namin," sagot naman ni Victoria.

Nagpatuloy ang tanungan at naubos na rin ang oras. Hindi inabot sina Sebastian.

Medyo tanghali na rin at lunch break na kaya minabuti muna nila na kumain sa canteen.

Nag order ang dalawa ng paborito nilang white bihon. 

"Oh my gosh, buti nalang pasa yes!" sambit ni Victoria at bakas ang saya sa mukha nito.

"Buti pa kayo, sana lahat," sabi naman ni Sebastian.

Hindi agad sumagot si Victoria dahil busy ito sa pagkain ng white bihon na nilagyan niya ng mang tomas. 

"Kakaiba talaga itong babaeng ito. Adik sa mang Tomas, laging may dala sa bag, kahit anong pagkain lalagyan niya talaga ng mang Tomas. Pero kahit kakaiba trip niya love ko 'yan," sa isipan ni Sebastian.

"Woy Seb ano na? Ubos ko nalang din 'yong white bihon mo sa platito mo tulala ka pa rin," sambit ni Victoria.

Napatingin naman si Sebastian sa platito nito at ubos na nga ito, parang hinugasan. 

Sinamaan lang siya ng tingin ni Sebastian. Gutom din kasi ito tapos u-ubosan ni Victoria.

"I-order mo ulit ako babae ka!" sambit ni Seb rito at tinawanan siya nito.

"Opo, tulala ka kasi kaya naakit ako ng pagkain mo haha," wika nito at pumila na nga ulit para umorder.

"Iba na ang magiging buhay mo, parang ang hirap mo na lalong abutin, pero magsusumikap ako para maging karapat dapat sa iyo Oriang, baka magkalayo na rin tayo, dahil nasisiguro ko pagdating ng kolehiyo ay sa magandang eskwelahan ka na papasok, sana hindi mo ako makalimutan Oriang, sana kahit wala na ako sa tabi mo maalala mo pa rin ako," sa isipan ni Sebastian.

"Hindi ko alam kung masisiyahan ako na umangat na ang buhay niya, o malulungkot dahil maaring mapalayo na siya sa akin, sa amin, nai-isip ko rin sina Tita at Tito panigurado malulungkot iyon," sa isipan muli ni Sebastian.

"Tulala ka pa rin ai, naaano ka ba?" takang tanong nito sabay lapag ng bagong order na white bihon.

"Wala, nai-isip ko lang na hindi ka na namin lagi makakausap at makakasama nina Tita," malungkot na sabi nito na ikinalungkot din niya.

"Bakit ko pa sinabi, nalungkot tuloy siya," sabi ni Sebastian sa kanyang isipan. 

"Tuwing weekend daw doon ako kina Lolo sa ngayon, tapos kapag college na raw ako, doon na raw ako titira at si Lolo na ang magpapa aral, bibisita nalang daw ako rito, iniisip ko palang sina Mama at Papa nai-iyak na ako, syempre hindi sila sanay na wala ako sa tabi nila, malulungkot 'yon, kaso si Lolo nai-isip ko rin, ang hirap sobra!" malungkot na sambit nito.

Sinulit lamang nina Victoria at Sebastian ang araw na iyon na magkasama. Hindi siya kinulit ni Sebastian bagkus pinasaya niya pa si Victoria. Dahil iyon ang gusto niyang maalala ni Victoria kapag wala na siya rito.

Lumipas ang araw na sadyang kay bilis. Sabado na agad, sinundo na si Victoria ng kanyang Lolo. Weekend ngayon meaning doon siya sa City.

"Bye Seb," paalam ni Victoria rito.

"Bye Oriang na maganda yie," sabi ni Victoria sabay kindat pa.

 Ngayon lang naging ganito si Sebastian at aalis na si Victoria. Mami-miss niya itong talaga.

Hindi talaga sanay sina Sebastian na mapalayo sa kanya, ngunit ngayon kailangan na nilang magsanay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status