NEW FRIEND
MAAGA pa lamang ay sinundo na agad si Victoria ng kanyang Lolo Fernan. Mainit na rin nang makarating sila Victoria at ang kanyang Lolo sa City.
Sobrang namangha si Victoria sa dami ng body guard ng Lolo nito, hindi pa rin ito sanay sa ganitong set up. Hindi pa rin niya lubos maisip ang nagaganap na pagbabago sa kanyang buhay.
Halos mapanganga siya at ngayon lang nito napagmasdan ang mala palasyong bahay ng kanyang lolo.
Noon, pangarap lang niya ang ganitong buhay, ngunit ngayon abot kamay na niya. Hindi niya alam na mangyayare ito sa kanya, akala nito sa pelikula lang mangyayare ang mga ganitong eksena, pati rin pala sa kanya.
"Apo, I have to go, may meeting pa ang lolo sa office, bukas tayo magba-bonding ha," sabi naman ng kanyang lolo
Tumango lang ito at niyakap ng kanyang Lolo at umalis na.
Naiwan naman ito sa bahay. Naglibot libot ito sa may harden na napaka lawak at may makukulay na mga bulaklak.
"Ai ma'am andito na po pala kayo, pasensya na hindi ko po kayo napansin agad," sabi ng isang lalaki na kasing edad din nito na may hawak pang host ng tubig at kakatapos lang magdilig.
"Hi, I'm Victoria, ikaw po?" tanong niya rito.
"Zimon at your service ma'am Victoria," wika nito at nag bow pa.
"Nice to meet you," wika naman ni Victoria rito.
"Nice to meet you too ma'am, ano po ba ang gusto ninyong gawin? Inihabilin po kayo sa akin ni Senior Fernan, kaya ako pong bahala sa inyo," magiliw nitong sabi
"Pwede mo ba akong ilibot sa lugar na ito?" wika naman nito
"Oo naman ma'am gusto ninyo po pati sa mini farm po ninyo eh," sagot naman ni Zimon
"Oriang nalang itawag mo sa akin, kapag ma'am para akong titser eh," biro dito ni Victoria.
"Oriang? Diba po Victoria ang pangalan ninyo?" sambit nito
"Iyon lang 'yong palayaw ko sa amin," wika naman niya rito.
"Ah ang cute po, Oriang," sabi nito at sinamahan na nga siya nito mag tour sa bahay.
Matapos noon ay sa mini farm naman sila pumunta.
"Grabe! Mini pa ito sa lagay na ito? Eh kasing laki na ito nang sinasaka namin sa bundok e, napaka lawak grabe," manghang sambit ni Victoria.
"Ang daming tanim na pinya, mais at kung ano pang gulay, may mga baka rin at kabayo at iba pang mga hayop, wow!" wika muli ni Victoria at halata ang pagkamangha sa mukha nito.
Habang naglilibot sila ay nakarinig silang isang sigaw.
"Yah hiyah"
Napatabi nalang sila ni Zimon nang makita ang paparating na kabayo sakay ang isang lalaki. Siya 'yong pinsan ni Victoria.
"Miss Oriang nagkakilala na po ba kayo ni Sir Ibarro?" wika ni Zimon.
"Ibarro sino 'yon?" wika naman nito kay Zimon.
"Iyong kakadaan lang po sakay nang kabayo," sambit nito.
"Ah 'yong pinsan ko, Ibarro pala ang pangalan niya, nakilala ko na siya pero 'yong pangalan sa iyo ko palang nalaman, parang ang sungit niya ano?" sabi nitong muli.
"Ganyan po talaga si Señorito, tahimik lang lagi, akala mo dala ang mundo," sambit ni Zimon
"Mukha nga," maikling sagot nito
"Eh 'yong babae naman? Anong pangalan niya?" tanong nitong muli kay Zimon
"Ah 'yon po si ma'am Zyrus, maldita po ng konti haha, maarte ganuon, sana magkasundo po kayo, good luck nalang Miss Oriang," sabi nito.
"Ewan ko nalang kung magka sundo kaming tatlo," natatawang sambit nito
"Yah! If I told you to stop then stop!" narinig nilang sigaw nito habang nagki-kwentuhan sila ni Zimon.
Nagulat ang mga ito nang pinagpapalo niya ang kabayo ng lubid nito.
Lumapit si Zimon para pigilan si Ibarro sa pagmamalupit niya sa kabayo.
"Don't touch me!" sambit ni Ibarro kay Zimon at tinulak pa ito, mababakas ang galit sa mukha nito.
Agad napatakbo si Victoria sa kinaroroonan ni Zimon at tinulongan itong makatayo.
"Anong problema Ibarro?" malumanay na tanong ni Victoria. Hindi ito sumasabay sa galit nito. Dahil ang turo sa kanya ng kanyang Ina, kapag galit ang isang tao, huwag mong sabayan bagkus iyo itong intindihin, so iyon ang kanyang ginawa.
"What do you care? Eh sampid ka lang dito," sambit nito atsaka nag walk out
"Gigil mo si ako, batukan kita diyan eh, ikaw na nga iniintindi ikaw pa ganyan, naku talaga naman," sambit ni Victoria
"Hayaan mo na miss Oriang mukhang badtrip," sabi ni Zimon na hawak hawak ang kanyang siko.
"Hala may dugo! Gamutin natin," sabi nito kay Zimon at agad na silang bumalik sa bahay upang maghanap ng medical kit. Para malinis ang sugat ni Zimon.
"Ewan ko, kapag nandito ako sa lugar na ito tiklop ako eh, kasi sa amin walang nakakaganuon sa akin. Siga ako roon eh. Maybe nag a-adjust pa ako, atsaka ayaw ko rin makaaway 'yong mga pinsan ko. Gusto ko pa nga maka close sila eh. Kahit mukhang impossible," sa isipan ni Victoria
"Salamat Miss Oriang, ngayon lang sakin may gumamot ng sugat, napaka swerte ko naman at ikaw pa gumamot," sabi nito.
"Swerte agad haha, buti galos lang din 'yong iba, sabi na eh parang may mga something 'yong mga pinsan ko," binulong niya 'yong pahuli baka may makarinig. At nagtawanan lamang ang dalawa.
Matapos niyang gamutin ang sugat ni Zimon bumalik na muli sila sa farm. Medyo malapit lang naman ito at tinuruan siya nitong sumakay sa kabayo. Sa una natatakot ito ngunit noong pahuli ay ayos naman na, inenjoy lang nila ang pagsakay sa kabayo.
Ngayon, tig-isang kabayo na sila ni Zimon na sinasakyan..
Nagkwentuhan lang sila buong maghapon, nakatagpo ito ng makakausap kahit papaano kapag nandito siya.
Isa si Zimon sa hardenero ng pamilya nina Senior Fernan. At sa farm ng Lolo ni Victoria nagta-trabaho ang mga magulang nito. Tuwing weekend, siya ang nag a-ayos sa garden nina Senior Fernan at tumutulong din sa farm. At tuwing weekdays naman ay ang kanyang mga magulang.
"Bye Miss Oriang, salamat ulit ha, kailangan ko nang umuwi at mag re-review pa ako e," paalam sa kanya ni Zimon.
Pinagmamasdan lamang ni Victoria ang kanyang bagong kaibigan na naglalakad na palayo. Matangkad ito sa kanya, moreno pero may kacute-tan ding taglay parang si Seb, maputi lang si Seb. Bigla niya tuloy na-miss ito.
Kumakaway lamang si Zimon habang papalayo at ganuon din ang ginawa ni Victoria.
Masaya ito at may bago siyang nakilala dito sa bagong mundo niyang ginagalawan.
Ang tanging hiling lang niya ay sana lang maging maayos ang lahat.
Healing stageIlang buwan ang nakalipas at nalalapit na naman ang bakasyon nina Victoria mula sa kanilang eskwela.Araw ng sabado kaya't japag desisyunan lamang ni Victoria na mamasyal mag-isa sa kanilang mini farm.Ilang minutong paglalakad ang lumipas ay nakarating na rin ito sa kaniyang paroroonan, nakakita ito ng isang putol at nakatumbang puno at naupo siya rito. Habang tahimik na nakaupo ay pinagmamasdan lamang niya ang mga dahon ng puno na sumasabay ang galaw sa hampas ng hangin."Maari po ba akong maupo?" tanong ng isang tinig na siya namang ikinatingin ni Victoria sa gawi kung nasaan ang tinig. Tumango lamang ito bilang tugon."Kumusta ka senyorita? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," panimulang saad nito."Okay lang naman ako Zimon, huwag kang mag alala, ikaw ba?" tugon naman ni Victoria."Okay lang naman ako senyorita, medyo abala lang dahil sa sinisimulan kong business," s
Maagang nagising si Victoria at naghanda ng sarili para sa pagpasok sa kanilang paarala. Weekdays ngayon ibig sabihin ay wala ang kaniyang body guard na si Tom na maghahatid sa kaniya sa paaralan sapagkat ito ay nag a-aral din, kaya naman sasabay ito kina Ibarro at Zyrus. "Good bye mga mahal kong apo," paalam sa kanila ng kaniyang mahal na lolo Fernan. Lalakad palapit naman ang tatlo na sina Victoria upang magpa alam at yumakap sa kanilang lolo. "Good bye lolo," sambit ng mga ito. Lalapit naman si Zyrus sa kanilang ina, ganuon din naman ang gagawin ni Ibarro. "Bye mom," sabay na sambit nina Ibarro at Zyrus. Mapapabaling naman ang atensiyon ni Victoria sa mga ito. "Bye my Princess, take care of your sister, son, okay?" paalala naman ng kanilang ina na si Myrna. Mababakas sa mukha ni Victoria ang pangungulila. "Ganyan din kaya ka sweet si mommy at daddy sa akin kung buhay pa sila?" sa isipan ni Victoria. Matapos noon ay naglakad n
Sebastian's POVNandito lamang kami sa bahay nina Zimon , kaya naman pala ito nag imbita sa kanilang tahanan ay upang ipatikim ang alak na kaniyang ginawa.Halos maubos agad naman ang isang boteng inilabas nito dahil sa masarap na lasa nitong taglay."Huwag mo namang laklakin Sebastian, broken lang?" natatawang saad ni Zimon sa akin."Medyo," seryosong saad ko rito at muling nilagok ang alak na nasa aking baso."Oh! Kanino naman?" taking tanong naman ni Ibarro sa akin.Ibinaling ko rito ang aking tingin at sumagot, "Secret,""Napaka naman nito, wala dapat secret secret dito," dismayadong sagot ni Ibarro.Bigla namang nabaling ang lahat ng attensiyon kay Tom."Tuba is really good huh! I will buy two bottles of tuba for my dad, Zimon. Can you reserve it for me? Hek!" wika nito habang nakatitig sa bote ng tuba, mababakas ang pagkalasing nito dahil sa kaniyang namumungay na mga mata.Nakakaisang bote pa lamang tayo pe
Zimon's POVDumidilim na rin ang paligid ngunit nandito pa rin kami nina Sebastian at Tom sa mansiyon habang naghihintay kay señorita at Ibarro. Mabuti na lamang ay nahanap agad ni Ibarro si Miss Oriang.Nakaupo lamang kaming tatlo sa may guard house nang may matanawan kaming motor na paparating kaya naman sabay-sabay kaming napatayo. Natanawan na naman na papalapit ang motor sakay sina Ibarro at Miss Oriang."Dahan-dahan sa pagbaba," paalala ni Sebastian habang inaalalayan si Miss Oriang sa pagbaba sa motor ni Ibarro."Akin na po yong helmet," bigkas ni Tom habang dahan-dahang inaalis ang helmet sa ulo ni Miss Oriang.Magtatangka sana kaming kumustahin si Miss Oriang ngunit sumenyas si Ibarronna huwag."Pahinga na ak guys, kayo rin ha," wika naman ni Miss Oriang at pilit na inilabas ang kanyang mga ngiti, tumango na lamang kami bilang tugon.Nang makapasok si Miss Oriang sa mansiyon ay agad naming kinausap si
Si Victoria ay bumisita sa bahay nila Tom. Hindi matapos tapos ang tawa nito at bakas sa mukha nito ang galak dulot ng Tatay ni Tom, sapagkat napaka kwela nito at pala kwento."Alam mo ba Victoria 'yang si Tom, takot 'yan sa palaka, kalalaking tao eh," pang a-asar ng Tatay ni Tom dito."Tay naman, masyado mo na akong pinahihiya kay Señorita," nahihiyang sambit naman ni Tom at tumingin ito kay Victoria na wagas din ang ngiti."Kasi naman anak mas malaki ka roon, hindi ka naman noon kakainin ano ka ba? Tapos alam mo ba Victoria noong bata 'yan---hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin sapagkat biglang sumingit na si Tom sa usapan."Dad!" sambit nito."Dad?" takang tanong ni Victoria rito na siyang dahilan ng pagtinginan nina Tom at ng kanyang Daddy sa isa't isa."Ah kasi nasanay siyang tawagin akong Dad nang maging body guard 'yan ni Senior Fernan, feeling sosyal kasi 'yan minsan," paliwanag naman ng Daddy ni Tom na si
Still moving forwardVictoria's POVBakit ganuon? Tatlong buwan na ang nakakalipas pero ramdam ko pa rin ang sugat. Nanariwa pa rin, lalo't nakakakita ako ng mga magka sintahan.Lucas, salamat sa pag-ibig mo, nami-miss kita, inaamin ko yon.Alam ko naman na hindi mo yon sinasadya, pero nangyari na eh, may nabuo na at ayaw ko namang maging makasarili at ipagdamot ka sa mas may karapatan sa'yo which is ang magiging baby mo.Nakakahinayang lang, yong binuo nating pangarap na magkasama, sa iba mo na tutuparin.Sana maging mas masaya ka. Pipilitin kong maging masaya para sa'yo.Habang nagmo-moment ako rito sa plaza ay may lumapit sa akin, si Tom.Gabi na pero nandito pa rin kami sa plaza. Ayaw ko pang umuwi, malulungkot lang ako sa bahay. Si Lolo naman kasi ay napaka abala sa kaniyang opisina. Every