LOGINTinawagan ako ng maraming beses ni kuya pero hindi sinasagot ang tawag nito. Mukhang sa pamilya namin ako na lang ang may pakialam sa Mommy ko kahit matagal na siyang wala.
Kahit wala na ang ina ko, masakit parin na may ibang babae ng may mag mamay-ari ng puso ng Daddy ko. Lalo na kung hindi ko alam kong anong gusto niyang makuha sa pamilya namin.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan.Alam kong si Nanay iyon kaya kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at nagtungo sa pintuan para buksan iyon.
Nanlaki ang mga mata ko ng isang lalaki ang mapagbuksan ko ng pintuan kaya kaagad kong isinara iyon at inilock bago pa siya nakapagsalita.
Narinig ko ang muli nitong pagkatok pero hindi kuna ito pinansin.
“Nakita niya kaya ang mukha ko?”tanong ko sa sarili.
“Maria, ipinapaalam ko lang sayo na pumunta ng bayan si Nanay. Pinapasabi niya sayo na kumain ka daw bago matulog”rinig kong sabi ng lalaki sa labas ng nakasaradong pintuan.
Narinig ko ang mga footsteps nito na papalayo sa pintuan kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pumunta ako ng banyo para maligo. Maputik ang paa ko at malagkit na ‘din ang katawan ko dahil sa pawis.
Nagsuot ako ng manipis na pantulog para komportable akong matulog.Mayroon naman akong kulambo kaya hindi ako nangangamba sa mga lamok.
Nagtungo ako sa kusina ng masigurong wala ng ibang tao bukod sa’kin. Nagugutom na talaga ako at nauuhaw ‘din.
Halos mapapalakpak ako sa tuwa ‘nong makitang sinigang ang niluto ni Nanay na ulam namin ngayon kaya excited akong umupo sa upuan at nagsandok ng kanin.
Napawi ang malawak na ngiti sa labi ko ng biglang lumitaw ang lalaki. Bigla akong kinabahan ng umupo ito sa harapan ko.
Sa sobrang excited kong kumain hindi ko napansin na nasa likod pala siya ng refrigerator.
“I’m still wondering if you are a true granddaughter of Nanay”anito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
“Ano bang gusto mong palabasin?”sagot ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya at bumuntong hininga pagkuwa’y binuksan ang takip ng beer na hawak-hawak niya saka iyon tinungga.
“Yung naliligo sa batis na n*******d ikaw ba ‘yun? Base sa observation ko at sinabi sa’kin ni Mike mukhang tugmang-tugma ang babae sa batis at ikaw Maria”pahayag nito na tila inaakusahan ako.
Natawa naman ako. “Nang iinsulto kaba?”
“For your information, hindi ako n*******d ‘nong nakita ako ng kaibigan mo!”galit na sabi ko para ipagtanggol ang sarili ko sa bastos na ‘to!
Muli siyang nagkibit-balikat sabay tungga sa bote ng beer.
“And now?”anito saka tinggin sa parteng dibdib ko.
Oh my gosh! Tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang mga braso. Wala akong suot na bra at sobrang nipis ng suot kung pantulog. Pero hindi ako magpapatalo sa bastos na lalaking ‘to kahit makita niya pa ang kaluluwa ko.
“And? Ngayon ka lang nakakita nito? Don’t you dare to take a glance, young man!”banta ko sa kaniya.
Ngumisi naman siya na mas lalo kung ikinainis.
“Ilang araw kapa ba dito? Much better na umalis kana, I’m not comfortable na nandito ka”singhal ko sa kaniya.
Mas lalong lumawak ang ngisi na nasa labi niya mas lalong ikinausok ng ilong ko sa sobrang inis.
May palakol ba dito si Nanay? Kahit makulong ako ng pang-habang buhay ayos lang basta masaktan ko lang ang lalaking ‘to!
“Siguro mas ako ang may karapatang magsabi n’yan. I’m not comfortable na pagala-gala ka na halos n*******d na”nang-iinsultong sabi nito.
“Really? First of all, your not my type. You better keep your mouth shut”pagtataray ko sa kaniya.
“Nakakawala ng gana”inis na sabi ko saka tumayo sa kinauupuan habang nasa dibdib ko parin ang mga braso ko.
Inirapan ko siya ng mata bago siya tinalikuran at nagtabong pabalik sa kwarto ko. Kakain na nga lang may asungot pa! Bwesit talagang buhay ‘to!
Inis na inis akong nagbibis ng damit at binalot ang sarili ng kumot saka humiga sa banig.
“May mangkukulam pa ‘ba sa panahon ngayon? Handa akong magbayad ng malaki, makulam lang ang bastos na lalaking ‘yun!”inis na sabi ko saka ko binalingan ang unan at sinuntok-suntok ‘yun habang naiimagine ang mukha ng lalaki ‘yun ang sinusuntok ko.
Napatigil ako ng biglang may pumasok sa isip. Teka? Totoo bang hanggang ngayon naalala ko ang mukha ng lalaking ‘yun?
Samantalang ‘yung nakatalik kong lalaki hindi kuna maalala ang mukha niya.
Napahawak ako sa ulo ko at napabangon sa kinahihigaan. Kailangan ko bang magpa-check up? Or itulog na lang ‘to? Baka bukas hindi kuna maalala ang mukha niya?
Kumalma ako sa option B na naisip ko kaya nakahinga ako ng maluwag at bumalik sa pagkakahiga.
“Pero parang narinig kuna ang boses niya somewhere?”tanong ko sa sarili and I’m sure na nagkita na ‘din kami pero kailan ‘yun?
Napahilamos ako ng mukha dahil naisip ko kung bakit hindi ako magaling when it comes to facial recognition katulad ng normal na tao.
Sunod-sunod akong napahikab pagkuwa’y namalayan kuna lang na bumibigat na ang mga talukap ng mga mata ko hanggang sa makatulog ako.
Naggising akong mag-isa sa bahay ni Nanay kinabukasan. Nag iwan sa’kin ng sulat si Nanay na bumaba siya sa bayan para mamalengke. Nag-utos ‘din siyang timplahan ko ng kape ang bisita niya.
“The hell”usal ko ng maalala ang mukha ng lalaki ‘yun.
Kaagad akong nagpanic dahil hanggang ngayon naalala ko parin ang mukha ng nakakakainis na lalaking ‘yun!
“I need to see a doctor”bulong ko sa sarili kaya mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo.
Napatigil ako ng maisip kong dapag akong matuwa dahil parang nagiging okay na ang kondisyon ko. Dati basehan ko lang ang boses para makilala sila, ngayon may tao akong hindi nakalimutan kahit ilang oras na ang nakalipas.
Pakanta-kanta akong lumabas ng banyo habang nakatapis lang ng tuwalya.
“Hey, madam.Umagang-umaga ibinabalandra mo ang katawan mo”saad ng lalaking kilala ko.
Kunot-noo kong tiningnan mula sa bintana ng kwarto ko ang lalaking maskuladong nagsisibak ng kahoy sa labas.
“It’s not your life, young man”ganti ko saka ko pabalibag na isinara ang bintana.
Nag-ayos ako at nagbihis ng floral dress na dala ko. Total dito lang naman ako sa bahay kaya hindi na muna ako magsusuot ng daster ni Nanay at wala ‘din akong balak lumabas baka uminit pa ang ulo ko sa lalaking ang kapal ng mukha.
Inis akong napatingin sa pintuan ng may makaranig na sunod-sunod na pagkatok mula doon kaya nagtungo ako ‘dun at pabalibag kong binuksan ang pintuan.
“What do you want?”mataray kong tanong sa lalaking isturbo sa pag-aayos ko.
“Magsaing kana”utos nito sa’kin nang hindi man lang nagkukurap ang mga mata.
“Aba ayos!”asar na sabi ko.
“I don’t cook and I don’t clean,got it?”saad ko sabay sarado sa pintuan.
Ngumisi ako bago naglakad papunta sa harapan ng salamin. Lumawak ang ngiti sa labi ko ng marinig ang mga yakap niyang papalayo sa pintuan.
“I’m winning! I’m not gonna lose to you”nakangisi paring sabi ko habang kontentong-kontentong tinititigan ang magandang repleksyon ko sa salamin.
ALMERA's POV"I pronounce you—Husband and Wife!"annunsyo ng pari na nagkasal sa'min ni Ares.Nagpalakpakan at nagsigawan naman ang mga bisita namin. Family and friends lang namin ni Ares ang imbetado sa kasal namin, madalian kasi itong kasal namin—talagang pagka-discrage ko palang sa hospital after three days nag desisyon na kaming magpakasal kaagad.Pareho kaming nakangiti ni Ares ng balingan ang isa't-isa. Kitang-kita ko ang kinang sa mga mata n'ya pagkuwa'y naramdaman ko ang kamay n'ya sa beywang ko kaya mahina kung siniko ang tagiliran n'ya."Mamaya ka talaga sa'kin"makahulugang bulong n'ya kaya nag-init ang dalawang pisngi ko sa hiya."Pasmado talaga ang bibig mo"bulong ko sa kanya pabalik saka kami sabay na tumawa.Magkasama naming binati ni Ares ang mga bisita namin dahil kanina hindi na namin 'yun nagawa dahi talagang nagmamadali na kaming maikasal.Pagkatapos naming maikasal sa simbahan, nagtungo kami sa isang restaurant na pinaresrve na namin para makakain lahat ng bisita nam
ARES POVMahigpit kung hawak-hawak ang kamay ni Almera. Kaka-revive lang sa kanya ng doctor at nurses, takot na takot ako na baka tuluyan na s'yang bumitaw."Maraming salamat"nakangiting sabi ko sabay halik sa palad n'yang hawak ko.Nagpapasalamat ako dahil pinipilit n'yang mabuhay. Pitong oras s'yang inoperahan, kakalabas n'ya lang ngayon tapos bigla s'yang nag cardiac arrest.Sobrang takot na takot ako na baka bigla na lang s'yang sumuko sa operasyon. Akala ko kapag na-operahan na s'ya magiging okay na, hindi pa pala. Nasa binggit parin s'ya ng kamatayan."Maraming salamat dahil bumalik ka sa'kin"naiiyak na sabi ko habang pinipisil-pisil ang palad n'ya.Pilit kung ngumiti ng makita ang maganda n'yang mukha.Sobrang ganda talaga ng mukha n'ya kahit tulog."Gumising kana para sabay nating ihatid si Amarie sa school. Isa pa, may good news ako sa'yo"nakangiting sabi ko habang tumutulo ang luha ko."Your pregnant"saad ko pa.Oo, buntis si Almera kaya sobrang risky ng operation n'ya kanina
Mabilis na nagmaneho si kuya palayo sa bahay ni Desmond, yakap-yakap ko naman si Amarie. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, ang gusto kulang ay makawala na kami sa kamay ni Desmond at mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng Daddy ko at malinis ang pangalan ni Ares."Hello, Nay?"rinig kung bati ni Janete sa kausap n'ya mula sa kabilang linya."Ano?!"gulat na sabi nito sabay baling sa'kin.Bigla naman akong kinabahan. "Bakit? Anong nangyayari?""Alam na ni Desmond na kinuha ka namin pero ang akala n'ya si Ares ang nagpakuha sainyong mag-ina kaya pumunta s'ya sa simbahan kung saan ikakasal si Chin-Chin at Ares. At nanggugulo na s'ya sa simbahan"lintaya ni Janete.Napahawak ako sa noo ko, ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako papayag na saktan n'ya si Ares at Chin-Chin ng dahil lang sa'min, ayaw kung may madamay pang iba sa kabaliwan ni Desmond."Kuya, pumunta tayo sa simbahan"utos ko sa kapatid ko.Umiling ito. "Mala-late na tayo sa flight natin—""Pero kuya, hindi ko hahayaan n
Ngayon ang araw ng kasal ni Ares at Chin-Chin. Hindi ako mapakali habang naka-lock ako dito sa kwarto.Sinadya ko talaga na h'wag humingi ng tulong o makiusap kay Desmond na palabasin ako dito.Naisip kung mas mabuti na 'tong nakakulong ano sa kwartong 'yo kaysa naman masaksihan ko ang kasal ni Ares at Chin-Chin na alam kung masasaktan lang ako.Umupo ako sa gilid ng kama saka ko ibinaling ang paningin ko sa labas ng bintana, bigla kung naisip kung kami kaya ni Ares ang nagkatuluyan ano kaya ang buhay namin ngayon? Paniguradong pareho kaming masaya at siguradong nadagdagan pa ang anak namin ngayon.Napangiti ako ng maisip 'yon pero kaagad 'din iyong napawi ng maisip ang sitwasyon namin ngayonBiglang pumatak ang butil na tubig galing sa kabilang mata ko saka iyon nasundan pa ng isang patak.Kahit ilang beses ko siyang itulak palayo, siya parin ang lalaking nag mamay-ari ng puso ko. At walang sinuman ang makakakuha 'non.Napatingala ako sa kisame, sana maging masaya sa piling ni Chin-C
Nakaramdam ako ng kaba ng papalapit kami sa kinaroroonan ni Ares at Chin-Chin, mabuti na lang dahil huminto si Desmond ng salubungin siya ng kakilala."Long time no see"ani Desmond sa kausap at nakipagkamay dito.Binalingan niya naman ako at hinapit ang beywang ako."My wife"pakilala nito sa'kin kaya pasimple kong napairap."She's beautiful"anang ng kausap ni Desmond habang nakatitig sa'kin."Thanks"tipid na tugon ko dito.Pinakilala niya 'din si Amarie bilang anak niya kaya napasulyap ako kay Ares na hindi ko maipinta ang mukha.Mukhang nagpipigil lang ito na sugurin si Desmond."Ano ba!"singhal ko sa kaniya saka ko pilit na tinatanggal ang braso niyang nakayakap sa beywang ko.Inis ko siyang tiningnan ng mas lalo niya 'yung hinigpitan pagkuwa'y sapilitan niya akong hinila papunta sa gitna para sumayaw.Ayuko namang gumawa ng eskandalo kaya napilitan akong ilagay ang kamay sa magkabilaang balikat nito habang niyakap niya naman ang beywang ko.Nagsipalakpakan ang mga taong nakakakita
CHIN-CHIN's POVPansin ko nitong mga nakaraang araw na tahimik si Ares, 'nong nakaraan naman masaya, e. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya?Ngayon, nakatingin s'ya sa malayo habang nag kakape kaya nilapitan ko s'ya.Hindi nito napansin ang presensya ko kaya umupo na ako sa upuan na nasa tapat n'ya."May problema ba?"tanong ko, dahilan upang tingnan ako nito.Pilit s'yang ngumiti at umiling."Wala naman"tugon nito.Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Mukhang may problema talaga ito na ayaw n'ya sa'king sabihin?Tungkol ba 'to sa nalalapit namin kasal? O baka naman dahil kay Almera?Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang kamay niyang nasa ibabaw ng round table."Excited kana ba? Malapit na ang kasal natin"malawak ang ngiting tanong ko sa kaniya.Nag-iwas ito ng tingin kaya parang nawalan ako ng gana. Bumuga ako ng hangin at binitawan ang kamay niyang hawak ko.Hindi kuna alam ang gagawin ko, ginagawa ko naman ang lahat pero parang kulang parin."I'm sorry, wala lang tal







