Share

Chapter 11: The Deal

Kanina pa nakatayo si Norman, ilang dipa ang layo mula sa doktor at kay Sunshine. Kanina pa niya nakikita ang mga reaksiyon sa mukha ng dalaga habang kausap ang manggagamot. Bahagya lamang niyang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit base sa ekspresiyon ni Sunshine, batid niyang hindi maganda ang lagay ng ina nito.

Nakita niya ang impit na paghagulgol nito habang nakatitig sa doktor. Ang pilit na pagpapakatatag ng dalaga kahit na nararamdaman niya ang panghihina nito.

Hindi nakatiis si Norman, lumapit na siya sa mga ito.

"If there's chances for her to surviv, we will leave it to you, doc. Just please do your best," wika ng binata sa manggagamot. Tinapik pa niya ito ng bahagya sa balikat at tinanguan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status