Share

Chapter 30: Ang Pag-angkin

"Sunny..."

"At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin... kita." Sumubsob ang mukha ni Sunshine sa matipunong dibdib ng binata.

Hindi kaagad nakahuma si Norman. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos. Parang musikang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon buhat sa dalaga at hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap niyon sa pakiramdam niya. Nang mahimasmasan siya ay pinangko na lamang niya ang nakatulog na dalaga para dalhin sa sarili nitong suite. Pero gayon na lamang ang muli niyang pagbuntong-hininga dahil wala ang keycard ng dalaga. Napapalatak na muli niya itong ipinasok sa elevator.

No choice siya kundi ang dalhin ito sa kaniyang suite. Saglit niyang ibinaba si Sunshine habang hawak ito nang mahigpit sa baywang, upang buksan ang pinto. Muli sana niya itong bubuhatin ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadilat na kasi ito at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Kumibot ang mga labi ni Sunshine, dahilan para mapalunok ng laway si Norm
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status