Share

Chapter 32: Eiffel Tower Proposal

Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan.

"Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad.

"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."

Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi.

"Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa.

"Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."

Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay.

"Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status