LOGINNAGING mahirap ang buhay para kay Sunshine simula nang yumao ang ama at magkasakit naman ang ina. Mabuti na lamang at nagawa niyang pag-aralin ang sarili hanggang sa matapos niya ang kolehiyo. Naka-graduate man, hindi na siya nag-inarte sa kung ano ang trabahong pwede niyang pasukan. As long as her job can provide her mother's maintenance, go lang. Besides, nag-e-enjoy naman siya kahit pa minsan ang gabi ginagawa niyang araw. Papasok siya bilang waitress mula tanghali hanggang gabi at fire dancer naman hanggang hatinggabi. Nakakapagod, pero kailangan– para sa kaniyang Mamang. Maayos naman sana ang lahat, not until this summer. Not until she met Norman Luther. Ang arogante sa lahat ng aroganteng nakasalamuha niyang bakasyunista ng Palacio Grande Resort, na pinsan ng kaniyang Boss Lowelle at isa sa may pinakamalaking share sa resort na iyon. Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang kasalanang nagawa niya sa lalaki at trip na trip siya ng lalaki. Na sa sobrang pan-ti-trip nito, ipinatanggal pa talaga siya sa trabahong matagal niyang iningatan dahil lang hindi niya tinanggap ang alok nito. Alok na nagpababa sa kaniyang dignidad at pagkatao. Mahuhulog kaya si Sunshine sa bitag ng binatang gumulo sa nananahimik niyang buhay, gayong ginagamit na ni Norman ang 'impluwensiya' makuha lang ang dalaga?
View More"SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint
Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?
“We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan
“YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews