"Anong problema mo?!" bulalas ni Sunshine nang mag-angat siya ng mukha at tiningnan ang lalaking tumabig sa mga dala niya.
Saglit na natigilan si Norman sa dalagang kababakasan ng galit. Pinakatitigan niya ito. Hindi niya maintindihan, pero ang galit nitong mukha ay higit na nakakuha sa kaniyang atensiyon. Para itong maamong tupa noong nakangiti, ngunit naging leon nang ginalit."Anong problema ko? Kanina ko pa kinukuha ang atensiyon mo para ibigay ang order ko, pero hindi ka man lang lumalapit!" singhal ni Norman na halos magtalsikan na ang laway nang makabawi ito sa pagkatulala. Nanlilisik pa ang mga mata nito sa hindi malamang dahilan.Natigagal ang dalaga dahil sa sinabi ng kaharap, muling napaawang ang bibig nito at inis na itinirik ang mga mata. Pilit humuhugot ng pasensiya."Sir, kaliwa't kanan po ang ang kostumer ko. Sinusubukan ko kayong lapitan pero may mga lumalapit naman po sa inyo na kasamahan ko, kaya iyong iba na ang inaasikaso ko," aniya sa mababa ngunit mariing tono. Pinipilit niyang habaan pa ang pasensiya."At ako? Hindi ba ako costumer para hindi mo pansinin, ha?! Ikaw ang tinatawag ko! Kaya dapat ikaw ang lumalapit!" bulyaw pa rin ng binata.Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang ipinuputok ng butsi ng kaharap at para itong babae kung makasinghal. Napabuga na lamang siya ng hangin, at bahagyang iniangat ang dalawang kamay na tila sumusuko."O-okay, I'm sorry, sir. Pasensiya na po. Kung–""Hey, Shine, what's the problem here?" Naputol ang nais sanang sabihin ni Sunshine nang dumating ang may-ari ng restobar."S-sir Lowelle kasi–" Hindi na itinuloy ng dalaga ang sasabihin, sinulyapan na lang niya ang lalaking kaharap at sa ang mga kalat na nasa sahig.
"Hey, insan, anong problema rito?" Baling ng kaniyang boss sa lalaking nakasagutan."Nothing, natabig ko lang ang mga dala niya," tugon ng lalake na iniiwas ang paningin sa dalaga.Tigagal na napatingin si Sunshine dito, ngunit napansin niya ang pag-iwas nito. Atleast, may konsensiya rin pala."Ganoon ba?" Tinapik siya nito sa balikat. "It's okay, papalitan mo na lang 'yan." Baling ni Lowelle sa kaniya."Okay, t-thank you, Sir," kinakabahan pa rin niyang tugon, bago yuko ang ulong iniwan ang mga ito.Lumapit naman ang maintenance crew upang linisin ang mga kalat. Nagpasalamat si Sunshine rito at mabilis na nagtungo sa counter upang kumuha ng kapalit ng mga natapong pagkain.Nang mai-serve na niya ang order at makitang hindi na ganoon kaabala ang lahat ay nagtungo siya sa locker room upang ikondisyon ang sarili ng dahil sa nangyari."Grabe! Ang haba ng hair mo, girl!" palatak ni Eloisa na bahagya pang inihampas sa ere ang sariling buhok."Ipinahiya sa harap ng maraming tao, anong ikinahaba ng hair doon?" taas ang kilay na tanong niya rito."Shine, that is Norman Luther! At iyong ipagsigawan niya na ikaw ang gusto niyang magsilbi sa kaniya, ay bongga!""Baliw!" Iiling-iling na asik niya sa kagagahan ng kaniyang kaibigan.Tumayo na siya buhat sa pagkakaupo at inayos ang sarili. Nagtungo siya sa wash room upang maghilamos. Mayroon pa siyang isang oras sa kaniyang duty bago ang susunod niyang trabaho- ang pagiging fire dancer.Samantala, sa opisina ni Lowelle kung saan nito dinala si Norman, ay hindi nito napigilang hindi matawa sa inasal ng kaniyang pinsan."What's wrong with you, Norm? Seriously, nagwala ka lang dahil hindi ka pinapansin ng isa sa mga paboritong waitress ng mga parokyano ko? Or is there something with Sunshine?""Sunshine?""Yah, the waitress awhile ago, her name is Sunshine.""I see." Tumayo siya upang iwasan ang mapanuring tingin ng kaniyang pinsan at tinungo ang malaking bintana kung saan tanaw niya ang entablado na nasa gawing kanan."She's one of my assets here. You know, Sunshine is very accommodating to every costumer. Halos lahat ng parokyano dito ay kilala siya. Iyong iba nga nagpapabalik-balik na lang dito because of her good service.""With extra service?" Mapanghusgang nilingon niya ito habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot na cargo short at nakasandal sa table na malapit sa bintana."Tsk! Not cool, dude!" Binato siya nito ng nilukot na papel."What is that for?" aniya na ang tinutukoy ay ang entablado."Ah, for entertainment. Accoustic and Live bands and fire dancing. Panoorin mo nang lalong mag-init ang gabi mo." Naglalaro sa mga labi nito ang kakaibang ngiti na ipinagkibit-balikat na lamang niya.Sumapit ang ika-walo ng gabi. Unti-unting nagdagsaan ang mga turista sa harap ng entablado. Tila nagkaroon ng mini concert, sapagkat may mang-aawit munang nag-perform ng tatlong set ng kanta bago tuluyang tinawag ang grupo ng mananayaw.Unang lumabas ng backstage ang dalawang lalaking pawang nakapulang beach shorts at pumwesto sa harapan ng entablado, habang nilalaro sa ere ang fire ball na dala-dala ng mga ito.Malalakas na hiyawan ng mga babae ang maririnig nang mag-umpisang sabayan ng dalawa ang musika.Lumabas buhat sa backstage ang dalawang dalagang nakasuot ng pulang roba, habang may hawak na chain na may bolang apoy sa magkabilang dulo. Naghiyawang muli ang mga manonood nang mag-umpisang umindak ang dalawa.
Hinubad ng dalawang lalaki ang suot-suot na roba nina Sunshine at Eloisa na nagpahantad sa makikinis na balat ng mga ito na ang tanging suot lamang ay two piece red top at black bikini bottom, saka pinartneran ang mga ito sa pagsayaw.Hindi napigilan ni Norman ang mapanganga nang makilala ang isa sa dalawang dalaga. Ang dalagang pinag-initan niya kanina. Walang iba kundi si Sunshine.Lalong natigagal ang binata nang masilayan ang magandang hubog ng katawan nito. Nabitin sa ere ang hawak niyang kopita, tulad nang nagdaang gabi noong dumating siya rito sa resort at makita ang pag-indak niyon.
Oo alam niya, ito rin ang babaeng iyon.
Tila siya nakaramdam ng inggit para sa lalaking kapareha nito ngayon. Ang pagkakadaiti ng balat nito sa katawan ng dalaga ay nagbibigay sa kaniya ng hindi maintindihang paninibugho. Hindi naman niya magawang iiwas ang paningin sa mga ito, dahil tila namamagneto siya ng bawat galaw ng dalaga.
Naramdaman na lamang ni Norman ang nilamukos na papel na ibinato sa kaniya ng magaling niyang pinsan. Papalapit ito sa kaniya habang nakangisi at tangan ang sariling kopita.
"So, are you enjoying the show? Or the view?" pangbubuska pa nito.Sinimsim niya ang hawak na alak at muling itinuon ang paningin sa stage. Lumukot ang kaniyang mukha dahil hawak ng lalaki sa baywang ang dalaga, para sa kaniya hindi iyon simpleng hawak, kundi yapos, bilang pagtatapos ng mga ito sa sayaw.Wala na sa stage ang apat na mananayaw, ngunit naroon pa rin ang kaniyang mga mata nang bigla siyang mapangisi."Do you want me to enjoy my stay here?" Humarap siya kay Lowelle na may pilyong ngiti sa mga labi."SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint
Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?
“We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan
“YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan
Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan."Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad."Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi."Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa."Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay."Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang
MABILIS na nagdamit si Norman at para itong hangin sa liksi ng paglabas nito sa suite. Bumaba siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwartong inookupahan ni Sunshine, ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas niyon.Iritado na ang binata dahil sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Ano ang ibig sabihin ng mahigit limang milyon na iyon? Iyong mga katagang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isip. Sino ba talaga si Sunshine sa buhay niya? Anong ibig sabihin nito kagabi?"Master." Nakayukod na bati ng isa niyang tauhan nang makasalubong niya ito sa lobby ng hotel."Nasaan ang iba pa? Nevermind, just tell them to find Sunshine, now!""Yes, master!""Nasaan ka na ba, Sunny?" usal niya habang iginagala ang paningin sa paligid.Lumabas ng hotel ang binata at nagtungo sa dalampasigan. Nagbabaka-sakaling makita roon ang dalaga. Naligo na siya sa sariling pawis at nalibot na niya ang resort pero ni anino ni Sunshine ay hindi niya matagpuan. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan