Share

Chapter 4: Bed Pleasurer

“Do you want me to enjoy my stay here?” Humarap siya kay Lowie na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.

“Ofcourse! It's an honor for the resort, that the famous Luther is enjoying his stay here!”

“Then do me a favor,” aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.

“What favor?”

“I want Sunshine.”

“What!? Are you serious?!”

“Yes, and if you do that, I will give you unlimited access in my airline. Unlimited ticket, unlimited tours, what else?”

“Woah! Pinsan, nahihibang ka ba? Talagang iyan ang kapalit ni Sunshine?”

“Kidding aside, Low. You could have all that privileges once you convince her. I don't know if I can. Actually, hindi lang ikaw ang nag-offer sa akin para lang kumbinsihin siya na sumama sa kanila. Pero lahat ng 'yon tinanggihan niya. Even if it's worth millions.”

“I will give you five percent of my shares in this resort.”

Natigagal si Lowelle sa alok na iyon ng pinsan. Paano ba naman, Norman owned twenty-five percent shares of this Palacio Grande, while he has ten percent. Oras na ibinigay nito ang kalahati sa kaniya, magiging suma-total of fifteen percent na ang magiging bahagi niya sa hotel. Maliban pa sa unlimited access ng airlines na pag-aari nito.

Ganoon ba kalaki ang tama nito sa kaniyang trabahador?

“I will try,” usal ni Lowelle.

“Do your best, Lowelle. Sayang ang offer ko sa 'yo.” Tinapik-tapik ito ni Norman sa balikat bago nilisan ang opisina nito.

Patungo na sana ang binata sa exit door ng resto nang hindi inaasahang mabangga siya ng isang babae dahil sa pagmamadali.

“Stupid!” asik niya.

“Sir, I'm sorry. I'm really sorry.” Sunod-sunod na hinging paumanhin ng babaeng nakabungguan niya, kasabay ng pag-angat ng mukha nito upang tingnan siya.

“Sunshine…” bulalas niya sa isip.

Nakita niya ang pag-awang ng mga labi ng dalaga pagkakita sa kaniya at ang pagkailang nito habang nakatitig sa kaniya.

At 'eto na naman siya, tila nahihipnotismo sa magagandang mata ng kaharap.

“S-sorry po ulit.” Tinalikuran siya nito at halatang hindi ito komportable sa kanilang paghaharap.

Ngunit hindi pa man nakalalayo ang dalaga nang marahas niya itong pigilan sa siko. Nilingon siya nito at kunot ang noong tinitigan. Her upturned eyes was set on him with an awe.

Nagtaka si Sunshine nang pigilan siya ng binata sa kaniyag braso, kaya naman tinapunan niya ito ng nagtatanong na tingin. Natigilan lang siya nang titigan siya ng binata mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang kaniyang pagkatao.

Nakaramdam siya ng kaba nang bahagya pa itong lumapit sa kaniya at halos ikaduling niya ang gadangkal na naging pagitan nila.

"Nice curves," anas nito sa paos na tinig. Bahagya pa itong lumayo at nakangising tiningnan siya.

Hinawi niya ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kanang braso niya, saka pinukulan ito ng masamang tingin bago nagmamadaling naglakad palayo rito.

“Bwisit! The nerve of that man! Aaaahhh!” pigil ang hiyaw ni Sunshine nang marating ang locker room.

Sunod-sunod ang pagtaas baba ng kaniyang d****b dahil sa paghahabol sa kaniyang hininga. Hindi maalis sa kaniya kung paano siyang titigan ng lalaking iyon na halos hubarin na ang natitira niyang saplot.

Sanay na siyang nakikita ng mga kalalakihan na naka-two piece lamang siya. Walang malisya dahil nasa beach naman sila at higit sa lahat iyon ang required na suot upang malaya silang makakilos sa pagsasayaw lalo na't may props silang apoy.

But with that man! Para siyang nakaramdam bigla ng hiya. Sa isang iglap parang ayaw na muna niyang lumabas sa silid na iyon, isipin pa lang na pinanonood siya ng bwisit na lalaking iyon!

Nanghihinang napaupo ang dalaga sa papag na naroon at niyakap ang sarili. Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi dapat! Huminga muna siya nang malalim bago tumayo at tinungo ang washroom. Tutal isang dance number na lang naman at makakauwi na siya.

Ngunit tila nananadya ang binata dahil nakita niya itong prenteng nakaupo sa harapang bahagi ng entablado at nakangisi't  nakatingin sa kaniya.

Dahil sa pagkailang na nararamdaman ni Sunshine, nawala siya sa konsentrasyon at nawala sa ritmo at pagkakasabay ang mga kamay niyang may hawak na fireball, dahilan upang masagi ng apoy na hawak ang kaliwang braso niya nang hindi niya maayos na naiikot ang tali niyon.

Napangiwi siya dahil sa init niyon. Nag-aalalang tumigil ang kaniyang mga kasamahan upang siya ay daluhan. Ngunit kapwa napatigil ang mga ito at sa kaniyang pagkagulat nang may mga bisig na pumangko sa kaniya.

“T-teka, okay lang ako. Ibaba mo na ako!” Pagpoprotesta niya at nagtangkang bumaba sa mga bisig nito. Ngunit tila walang narinig ang binata at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kaniya.

“Stay still if you don't want an another injury, lady.” Mabilis siya nitong dinala sa clinic ng hotel upang lapatan ng lunas ang lapnos sa kaniyang braso.

“Bring her home safe,” utos nito sa mga lalaking nakasunod sa kanila matapos siyang magamot ng company nurse

“Yes, Master.”

“Hindi pwede. Hindi pa tapos ang trabaho ko.”

“Call it off. I already talked to your boss.”

Laglag ang pangang hindi na nakatanggi pa si Sunshine. Matapos niyang makapagbihis ay iginiya na siya ng mga tauhan nito sa itim na sasakyang naghihintay sa kanila.

Kinabukasan…

Matapos niyang asikasuhin ang ina at ihanda ang mga pangangailangan nito ay nagmamadali na siyang sumakay ng tricycle at nagpahatid sa resort.

“Shine, dumiretso ka raw sa office ni Sir Lowelle.”

“Bakit daw?” Bigla siyang binundol ng kaba dahil baka hindi nito nagustuhan ang pag-iwan niya kagabi sa trabaho.

“Ewan ko. Iyon lang ang ipinasasabi eh.”

“Sige, salamat.”

Sa opisina nga siya dumiretso ngunit hindi agad siya kumatok. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob at huminga nang malalim.

Tatlong mahihinang katok at binuksan na niya iyon. “Good afternoon, Sir Lowelle,” bati niya rito.

“Same to you, have a seat. So, how's your injury?”

“O-okay na po, sir. Pasensiya na nga po pala kung umuwi—”

“It's okay. Naiwan naman ang mga kasamahan mo para magpatuloy.”

“T-thank you, Sir.” Napayuko si Sunshine dahil sa pagkailang sa klase ng titig na ipinupukol ng lalaki sa kaniya.

“Now I know why Norman is eager to have you,” wala sa loob nitong usal.

“Ho?”

“Nevermind. By the way, you're not going to work as a waitress and a fire dancer for a month.”

“A-anong ibig n'yo pong sabihin?”

“Mr. Norman Luther is requesting you to work for him while he's here.”

“P-pero Sir, ayoko po. Hindi po ba pwedeng iba na lang?” Walang pagdadalawang-isip niyang tanggi.

“As I've said, he requested you.”

“Paano kung hindi ko tanggapin?”

“Shine, Norman offered you five times of your salary.”

Napamulagat ang dalaga sa narinig. Limang beses ng kaniyang regular na sweldo ang ipapasahod sa kaniya ng binata? Pero wala siyang tiwala rito. Kung tagapagsilbi lang naman ang gusto nito, maraming tauhan ang resort lalo na sa loob ng hotel. Pwede itong kumuha ng iba. Pero bakit siya pa?

“I'm sorry, Sir, pero hindi ko po matatanggap.”

“Then, I'm sorry too, you are fired.”

“Sir?” gulat niyang tanong dito.

“You heard me, right? You are fired.”

Napayuko ang dalaga, hindi niya maiwasang hindi maiyak. Sa loob ng dalawang taon niyang pagtatrabaho sa resort na iyon, napamahal na siya sa mga katrabaho niya, maging sa mga regular costumer nila. Sa kabila ng lahat, ganoon na lamang siya nito basta tatanggalin.

“I'm sorry, Shine. But if ever you change your mind, you can talk to me. Isang buwan lang naman iyon—”

“It's okay, Sir. Hindi lang naman ito ang resort na narito sa Bohol. Anyway, thank you.”

Sabihin nang maarte siya, pero ayaw niya sa trabahong hindi siya komportable at ang makasama ang lalaking iyon? Tsk! Batid niyang hindi siya makatatagal na kasama ito.

Magalang na nagpaalam siya sa binata at tinungo ang locker room upang kunin ang apron, ang isiping ito na ang huling gabi niya sa trabaho ay nakapagbigay sa kaniya ng kawalang ganang kumilos. Magkagayon pa man ay sinikap niyang magserbisyo nang maayos.

“Bessy! Ayos ka lang?” pukaw sa kaniya ni Eloisa nang mapansin nitong tulala at tila malalim na ang nasisid dahil sa lalim ng kaniyang paghinga.

Kasalukuyan silang naka-break at nagpapahinga sa likod na bahagi ng resto, kung saan wala masiyadong tao.

“Ha?”

“Tinatanong ko kung ayos ka lang ba? Halata kasing problemado ka.”

Tinitigan niya ang kaibigan, tila ba sinusukat niya ang sarili kung sasabihin ba rito ang problema niya. Si Eloisa ang kauna-unahan niyang nakapalagayan ng loob simula nang mag-umpisa siyang magtrabaho sa resort na iyon.

Nasasabihan din niya ito ng problema. Napatunayan na rin niya na totoong kaibigan ito sa kaniya. Napabuntong-hininga na naman siya bago binawi ang paningin dito at itinuon sa gawi ng dagat.

“Huling gabi ko na ngayon dito,” sambit niya.

“Ha? Anong sinasabi mo?”

“Ito na ang huling gabing magkakasama tayo. Huling gabi na sasayaw ako kasama ang grupo,” pag-uulit niya.

“H'wag mong sabihing nag-resign ka? Agad-agad?”

Hindi siya umimik.

“Pero bakit?” muling tanong nito.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang sabihin sa kaibigan ang totoong dahilan. Batid kasi niyang sasalungatin siya nito. Lalo na't napakasimple lang ng dahilan niya.

Oo, napakasimple lang, pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit big deal sa kaniya ang offer na iyon. Pakiramdam kasi niya ay binibili ng lalaking iyon ang pagkatao niya.

At iyon ang hindi katanggap-tanggap para sa kaniya.

“Bakit biglaan naman yata 'yan, Bessy? May nahanap ka bang mas malaki ang sweldo?”

“Hmm…” tipid niyang sagot na sinabayan pa ng pagtango.

“Ay! Kainis ka naman! Bigla ka na lang mang-iiwan sa ere. Pero, since alam kong mas makakabuti at dahil kailangan ng nanay mo iyan. Sige, magiging masaya na lang ako para sa 'yo. Pero, Bessy! Mamimiss kita!” Bigla nitong atungal na tumayo pa sa kinauupuan, ibinuka ang mga braso at mahigpit siyang niyakap.

Napangiti siya kahit na may bahid ng lungkot ang kaniyang mga mata. Ito ang bagay na nagustuhan niya rito, ang palaging pagsuporta sa mga desisyon niya kung para naman sa ikabubuti iyon.

---------------------------------------

“Nakausap mo na siya?” bungad na tanong ni Norman sa pinsan nang makapasok sa opisina nito.

Nag-angat ng ulo si Lowelle, tiningnan lang siya nito, tumangu-tango at muling itinuon ang paningin sa report na binabasa nito.

“So, when she will start?” Nakangisi na ito, ngising nakakaloko nang muli siyang tingnan.

“Parang nakasisiguro kang pumayag nga siya sa offer mo, ah?” anito na isinandal ang likod sa kinauupuan at pinagkrus ang mga braso.

“Well, I guess, she don't have a choice, right?” nakangisi bagamat seryoso ang mga matang sagot niya rito. Patagilid na isinandal ni Norman ang sarili sa pinto paharap sa table ng pinsan at ipinagkrus din ang mga braso.

“Then, your guess is wrong and sorry for that.”

Napatayo si Norman nang tuwid at kunot ang noong ipinamulsa ang mga kamay sa suot na pantalon.

“What do you mean?” tanong niya.

“She declined the offer, and tonight is her last night here.”

“What?! Are you kidding me?”

“Mukha ba akong nagbibiro? Mawawalan ako ng magaling at masipag na tauhan para lang magbiro, Norman.”

“Ha! Sino siya sa akala niya para tanggihan ako? O baka kulang pa ang offer? Okay, make it ten million!”

“You are crazy, you know? Sabi naman sa 'yo, hindi lahat ng tao mabibili ng salapi, and includes her.”

“Tsk!” Palatak niya at walang paalam na lumabas.

Tinungo niya ang bahagi ng resort na tanaw ang entablado, kung saan kasalukuyan nang sumasayaw ang grupo nila Sunshine. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay walang kurap na pinakatitigan niya ang bawat pag-indak ng dalaga

Matapos ang huling performance nila ay kinausap na ni Sunshine ang mga kagrupo. Maging ang mga ito ay nabigla at nadismaya sa kaniyang ibinalita. Nag-aya pa ang mga itong mag-inuman kahit saglit bilang huli nilang pagsasama-sama. Sumang-ayon siya at pinauna na lamang niya ang mga ito sa bar dahil kailangan pa niyang kausapin ang kanilang manager pagkatapos nilang magbihis.

Hindi nagtagal ay nakausap na niya ang namamahala ng restobar,  maging ito ay nagulat sa biglaan niyang pag-alis, bagamat nasabihan na raw ito ni Sir Lowelle.

Patungo na sana siya sa kabilang side ng restaurant kung nasaan ang bar, nang biglang may humila sa kaniyang kaliwang braso at hinatak siya papunta sa kabilang bahagi kung saan walang tao. Bahagya siyang itinulak ng taong iyon pasandal sa pader at kinorner ng dalawa nitong kamay na nakatuon sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo.

Bagamat nabigla at bahagyang nakaramdam ng takot ang dalaga ay nagawa pa rin niya itong pangunutan ng noo.

”Ano na namang problema mo?!” singhal ni Sunshine rito, hindi na nakapagpigil pa ang dalaga sa sobrang galit na nararamdaman niya para dito. Nawalan lang naman siya ng trabaho dahil sa kagagawan ng abnormal na `to!

Hindi agad sumagot ang binata, nakakunot lamang ang mga noo at matamang nakatitig sa kaniya.

“Ano?!” inis na muling tanong niya.

Napapabuntong-hiningang inalis ni Norman ang mga kamay na nakalapat sa pader at inilagay sa sariling baywang, ngunit pinanatili  niya ang lapit ng distansiya niya. Nagkamot siya ng noo malapit sa sintido bilang mannerism kapag nag-iisip ng dapat sabihin, bago siya humalukipkip at pinakatitigan ang dalaga.

“If my offer is not enough, then, I will make it ten million,” seryoso niyang wika.

Pinagmasdan ni Norman ang dalaga habang nakayuko ito sa paanan. Narinig din niya ang paghigit nito nang malalim na hininga, nakita niya rin ang paggalaw ng mga pisngi nito. Nag-angat ito ng ulo at matalim ang mga matang tumitig muna sa kaliwa't kanan habang tikom ang mga labi, saka tumingin sa kaniya.

Pasiring pa itong tumawa at umiling-uling bago tumayo nang tuwid, tulad ng binata ay inihalukipkip ang mga braso sa d****b.

“I really don't have idea, kung ano ang meron sa akin para pag-aksayahan ninyo ng ganiyan kalaking halaga? To tell you honestly, your offer is cheaper than the last offer from someone that, well… older than you." Ipinaling ni Sunshine ang ulo pakanan at malamig na tinitigan ang kaharap.

“Hindi ko alam kung… maiinis, maiinsulto o matutuwa ba ako. Gusto kong mainis dahil hindi ko talaga alam kung anong nakikita ninyo sa akin para alukin ng kung anu-ano, ang daming babae d'yan, oh.” Inalis niya ang isang kamay mula sa pagkakahalukip atsaka itinuro iyon sa gawi ng restobar.

“Gusto ko ring mainsulto, kasi dahil ba por que nakikita n'yo akong sumasayaw na tanging swimsuit lang ang suot ay mabibili n'yo na ang pagkatao ko? Pero nakakatuwa, hindi ko kasi alam na ganiyan pala ang halaga ko, na ang isang probinsiyanang tulad ko ay milyones ang halaga ng serbisyo," sarkastiko niyang pagpapatuloy.

Hindi nakaimik si Norman, nabigla sa mga sinabi ng kaharap habang seryosong nakatitig sa kaniya. Mababanaag sa mga mata ng dalaga ang lungkot at awa para sa sarili, marahil ay dahil sa mga natatanggap nitong hindi kaaya-ayang alok.

“Nakabilad man ang katawan ko sa harapan ninyo, pero hinding-hindi ko ipinagbebenta ang sarili ko. Fire dancer slash waitress po ang trabaho ko at hindi bed pleasurer.” Bawat salita ng dalaga ay mariin.

Lumapit pa ito na halos ga-pagitan na lang ang layo sa mukha ni Norman na ikinagitla ng binata. "Hindi ako magaling sa kama. Ahhh… wala pala akong alam sa pagpapaligaya sa kama, kaya baka masayang lang ang milyones na ibabayad mo." Ngumiti ito nang may pait saka huminga nnag malalim.

“May respeto ako sa sarili ko. Iyon na lang ang meron ako para sa sarili ko. Kaya please lang... h'wag ako. Isa pa, kaya kong kumita bg pera sa marangal na paraang alam ko, kaya hindi ko kailangan ang pera mo.” Humakbang si Sunshinenat dumaan sa gilid ni Norman. Subalit dahil sa maliit na distansiya nila, natabig niya ang braso nito. At nakapagtatakang napaatras ang binata dahil sa panghihinang nararamdaman nito.

Huminto si Sunshine ng isang dipa na ang layo niya sa binata. “Kung meron man akong pagbibigyan ng sarili ko, walang iba kundi ang lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako kahit ano pa ang pagkatao ko.." Huling salitang binitiwan niya bago tuluyang iniwan ang binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status