04
"Repeat this! This, too! Give it back this, too!"Nagliliparan ang mga soft copy na mga pinasa kanina ng iba't ibang team sa harap ni Nelvie. Ni wala pang na-a-approve sa mga pinasa. Hindi niya alam kung galit ba ang amo niya sa kaniya o mali lang talaga ang mga gawa? O baka hindi niya nagustuhan?Dinampot niya lahat ng mga papel na tinapon ng kaniyang amo. Inis na siya at napipikon na dahil sumasakit na ang kaniyang balakang sa pagdampot at tayo para kuhain ang mga papel. Kung saan-saan ba naman kasi niya tinatapon ang mga papel kaya kung saan-saan din siya nadampot.Lumabas siya dala ang anim na soft copy na tinapon. Agad siyang nagtungo sa kabilang kwarto kung saan niya inaabot ang mga rejected na papel."Nakakapagod 'no?" Sabi ni Kristal, ang babae na kumukuha ng rejected paper at nagdadala sa mga team. "Parang hindi naman binabasa ni sir ang mga ito." Kinuha niya kay Nelvie ang mga rejected papers."Baliw ba 'yong amo niyo?" gigil na bulong nito."Amo na'tin." Pagtatama nito, natatawa. "Ganiyan talaga si sir, masanay ka na dapat. Kung gusto mong magtagal dapat tiisin mo.""Bakit ba siya ganiyan? Dati pa ba siyang ganiyan?"Tumango si Kristal at niyakap ang mga rejected papers. "Oo, matagal na. Pagpasok ko palang dito, ganiyan na siya.""Ilan taon ka na ba nagtatrabaho rito?""Three years?" Hindi sure na sabi nito. "Or four years? Hindi ko sure, e. Nawala na sa isip ko kung gaano ako katagal dito.""Natiis mo siya nang ganiyang katagal?""Itong kompanya lang kasi ang tumanggap sa akin matapos kong mag-apply sa sampung company," anito. "Kaya hindi ko agad basta-batas mabitawan at maiwan."Magtatanong pa sana siya nang biglang marinig nila pareho ang galit na boses ni Ivan sa mikropyono."Do you want to chitchat all day long?! I can give you the whole da*mn day to do that!" Sigaw nito. "Come back here!"Nagkatitigan silang dalawa."Mukhang hinahanap ka na ni sir, balik ka na ro'n." Sabi ni Kristal. "Sabay nalang tayo mag-lunch?"Tumango naman si Nelvie. "Balik na ko. Nagagalit na ang dragon."Natawa si Kristal bago siya sinamahan hanggang sa makalabas. Mabait si Kristal. Kahit na kanina palang ni Nelvie nakilala ang babae, masasabi niyang mabait talaga ito. Mahinhin din kung kumilos ito na akala mo'y dalagang pilipina. Naawa lang si Nelvie dahil napunta si Kristal sa maling amo.Pagbukas palang ni Nelvie ng pinto ay sinalubong siya ng mga nagliliparan na papel. Kanina ay kumalma na siya sa tulong ng pakikipag-usap niya kay Kristal pero ngayon nakabalik na siya sa kwarto ng amo ay muling bumalik ang inis niya.Hindi siya nagsalita at muling dinampot ang mga papel sa sahig."Revise this! And this one! This one, too!"Walang salita ang lumabas sa bibig niya at dinampot ang mga ito. May ilang papel pa na tumama sa mukha at katawan niya. Hindi man masakit ang pagkakatama ngunit nagdudulot iyon para mas lalong uminit ang ulo niya. Sinong baliw ang gagawa ng ginagawa ng amo niya ngayon?"I don't understand this one! What is this?! Change this!"Muling tumama sa gilid ng ulo niya ang papel na tinapon ng amo. Nanggigigil na siya kaya imbes na kuhain ang papel na tumama sa kaniya ay tumayo siya ng diretso at tinignan ang amo na abala pa rin sa pagbasa ng papel."SIR!"Hindi siya nito nilingon o maski tignan. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa na parang hindi siya narinig."SIR!" sigaw niya ulit. Humakbang siya palapit sa amo. "What are you doing?!""Don't you know what I'm doing?!" Sa wakas ay nag-angat na siya ng tingin. "I'm checking all the fvcking papers here! And you're disturbing me!""Ganito ka ba magtrabaho!" Sigaw niya ulit. "Ganito ka kakalat magtrabaho?!""What the fvck do you want?!""Ito!" Bigla niyang tinapon sa amo ang mga dinampot na papel. Kitang-kita ni Nelvie kung paano nagliparan papunta sa amo ang papel. May ilang natamaan siya at may ilang nahulog sa gilid niya. "Binabasa mo ba talaga ang mga iyan?! Sinasayang mo ang mga papel at pagod na nilaan ng mga employee mo para riyan!"Hindi hinintay ni Nelvie na sumagot si Ivan. Mabilis siyang lumapit dito at pabagsak na kinalampag ang mesa niya. Saka niya masamang tinignan ang amo."Boss ka ba talaga?!" gigil na sigaw niya. She doesn't care if she's being rude right now. "Ganiyan ba umakto ang boss sa mga empleyado niya?!""What—""Kung ganiyan, mag-re-resign na ako!" sigaw niya sa mukha ni Ivan. "Oo, tama ang rinig mo! Mag-re-resign ako! Hindi ko kinakaya ang ugali mo!""You're—""Good bye!"Mabilis siyang nagmartsa palabas sa table niya. Kinuha niya ang mga gamit at dinampot ang bag. Agad siyang nagtungo sa pinto at malakas na sinarado iyon.Tama nga si Grasya. Walang nagtatagal sa ugali ng lalaking iyon. At napatunayan ni Nelvie iyon. Gano'ng kasama ba namang amo, sino ang magtitiis? Maski siya ay hindi niya kinaya ang ugali no'n!Lalakad na sana siya papunta sa elevator nang may kamay na pumigil sa pulsuhan niya. At sa sobrang bilis ng pangyayari, namalayan nalang ni Nelvie na nakasandal ang likod niya sa pader habang nakaharang ang boss niya sa kaniya.Masama, malalim at nakatatakot na mga mata nag sumalubong sa kaniya. Kitang-kita niya ang paggalaw ng panga nito at ang nanggagalaiti nitong mga labi habang nakatingin sa kaniya."Huh! Do you think you can run away like that, Miss Little Pony?"Nagsitayuan ang balahibo ni Nelvie sa tono ng boses nito."Don't you remember you sign a contract earlier this morning?" Ngumisi ito na tila nanalo siya. "The contract said, you can't and never leave my company unless I said so. Remember?"Napalunok siya. Paano niyang nakalimutan ang tungkol doon?"P-Pero I am the one who will decide to do what I want!" Nilabanan niya ang kaba. "Wala kang magagawa kundi payagan ako! Bitiwan mo 'ko!"Ngunit malakas ang kapit niya. Mahigpit ang kapit niya sa magkabilang pulsuhan ni Nelvie na pakiramdam ni Nelvie ay babakat iyon sa kaniya."No," mariin na sabi nito. "You can't do anything but to stay with me until I let you go.""A-At sinong nagsabing susunod ako sa kontrata mong 'yan?!" Sinubukan kong umalis sa pagkakahawak niya. "I can tear it apart in front of your face, SIR! Let me go!""Hmm..." 'Tila mas nasiyahan siya sa sinabi ni Nelvie. "You did not read the contract carefully? I see."Natigilan si Nelvie sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin?"B-Binasa ko!" Kahit hindi totoo. "I read it loud and clear! Kaya bitiwan mo na ako!""So, you do remember the note I wrote in the lower part of the last paper then?" Nakangising saad nito. Naramdaman ni Nelvie ang mainit nitong hininga na tumama sa tungki ng ilong niya nang ilapit ang mukha sa mukha niya. "Do you?"Inalala ni Nelvie ang sinasabi nito. Pero hindi niya maalala. First page lang kasi talaga ang sinabi niya. Pagkakita niya kasi sa sahod na 50,000 pesos ay pumayag agad siya. Kaya dumiretso agad siya kung saan maglalagda. At hindi na binasa ang buong tatlong pahinang papel na binigay ni Ivan sa kaniya."A-Ano... ah..." Nangapa siya ng sasabihin. "'Yung tungkol sa ano..."Napangisi lalo si Ivan. Halata kasi sa babaeng kaharap niya na hindi nito binasa ang last part. Nilapit niya ang mukha sa kay Nelvie saka ito niliko para abutin ang kanang tenga niya."If you're going to resign, you need to pay me..." Sinadyang huminto ni Ivan para mas lalong kabahan ang nasa harap niya. "... 5 million pesos."Hindi alam ni Nelvie ang i-re-reak. Nalilito siya kung matatakot ba o lalanghapin ang mabangong amoy ng amo. Na-di-distract siya sa lalaking-lalaking amoy nito. Tila siya na nawala sa sarili sa sobrang bango nito."Can you pay me that much money, Miss Little Pony?" Bulong niya. "If you can, then resign." Bigla niyang kinagat ang tenga ni Nelvie.Doon bumalik ang ulirat ni Nelvie at mabilis na tinulak ang amo. Napalayo ito sa kaniya ngunit sobrang lapit pa rin. Para kasi siyang nanghina sa amoy at sa ginawa nito sa kaniya."H-Hindi kita susundin!" Utal man ngunit galit na sabi ni Nelvie. "I'll do everything on my own without following any rules with you, sir!""Are you saying you want to continue being my secretary?""Do I have any choice?!" sigaw niya. Wala siyang 5 Million Pesos kaya itutuloy niya nalang. Ayaw niya naman makulong dahil walang tutulong sa lolo't lola niya kapag nasa kulungan siya. "Let me go already! Lunch time na! Nagugutom na ako!"Natawa ng mahina si Ivan. He does feel challenge to this woman. May ibang awra ito na kinagigiliwan niya."Fine then." Umatras siya at binigyan espayo ang babae. Tinignan niya nag suot na relo. "You have 30 minutes before you come back here.""What?! Isang oras ang lunch time, 'di ba?" Binasa niya iyon kanina sa baba. "Bakit may 30 minutes lang ako?!""This." Sabi ni Ivan. "Every word you spill to that loud mouth of yours consume a seconds. Time is running, Miss Little Pony." Tinuro-turo pa nito ang suot na relo.Inis na nagmartsa palabas si Nelvie palabas ng opisina ni Ivan. Saktong lumabas din si Kristal sa silid nito. Mabilis na tumakbo si Kristal palapit sa kaniya."Ayos ka lang?" Nag-aalalang sabi nito habang tinitignan siya. "Narinig ko ang sigawan mula sa loob ng silid ni sir. Nag-away kayo?"Umiling ako at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya sa akin."Hindi," pagsisinungaling ko. "Na-high blood lang talaga ako sa kaniya. Kaya ayun nagsisigaw ako."Natigilan si Kristal. "S-Sinigawan mo si sir? Seryoso ka ba?"Napahinto rin ako at tinignan siya."Mukha ba akong nagsisinungaling?" sabi ni Nelvie. "Oo nga. Nakakabiwisit at nakakainis kasi siya!""H-Hindi ko alam ang sasabihin..." Hindi makapaniwala na sabi ni Kristal. "Sinigawan mo talaga si sir? As in sigaw like shout talaga?"Natawa si Nelvie dahil parang hindi naniniwala si Kristal sa kaniya."Oo nga!" Natatawang sabi niya saka hinawakan sa kamay si Kristal. "Hali ka na nga! Gutom lang 'yan!"Hinigit ni Nelvie si Kristal papasok sa elevator. Halata pa rin sa katrabaho ang hindi pagpapaniwala sa nagawa ni Nelvie sa kanilang amo.Wala kasi talagang nakagagawa nang ginawa ni Nelvie, sa pagkakaalam ni Kristal. Ni minsan ay wala siyang narinig na sumigaw ang naging sekretarya ng kanilang amo. Wala ni isa na tumangka na gawin iyon Pero itong si Nelvie... isang araw palang niya ngunit nagawa niya na iyon.Narating nila ang kainan at nakita ni Nelvie si Grasya sa isang table na may kasamang dalawa pang babae. Niyaya sila ni Grasya para umupo sa kanilang tabl. Hindi naman sila tumanggi at mabilis na umorder ng makakain.Agad namang kinuwento ni Kristal ang sinabi ni Nelvie sa kaniya."Nagawa mo 'yon?!" sabay-sabay na sigaw nila Grasya. Lahat sila ay napatigil sa pagkain at nakangangang tinignan si Nelvie. "Seryoso ka?!"Nagtaka naman si Nelvie. Pati siya ay natigilan sa mga naging reaksiyon ng mga kasama. Katulad iyon nang naging reasons ni Kristal kanina."Bakit ba gulat na gulat kayo?" Sambit niya. "May nakalagay ba na karatula na bawal sigawan ang amo?"Umiling ang apat na kasama niya."Pero mali pa rin ang ginawa mo," saad ni Grasya. "Amo na'tin 'yon, Nels. Baka matanggal ka rito."Umiling siya."Hindi niya ako basta-basta matatanggal dito.""At bakit?" sabi ni Rein, isa sa kasama ni Grasya. "Anong power mayroon ka, Nelvie?""Baka brilyante ang mayroon siya," biro naman ni Helen, isa rin sa kasama ni Grasya. "Anong brilyante mayroon ka?""Wala, ah!" Umiling pa si Nelvie. "May kontrata kasi na hindi ako basta-basta matatanggal hanggang hindi niya sinasabi.""Kontrata?" takang tanong ni Grasya. "Bakit may contract agad?""For being secretary?" Naguguluhan din na sabi ni Nelvie. "Gano'n naman 'yon, 'di ba?"Umiling silang apat."Walang kontrata na pinilirmahan ang mga naging secretary ni sir kasi anytime pwede sila umalis dito." Si Grasya."Anytime they can go if hindi na nila kaya ang ugali ni sir." Sabi naman ni Rein."At anytime pwede silang lumapit sa kung anong kompanya nila gusto." Si Helen."Pero ikaw, may kontrata?" Dugtong ni Kristal. "Wow! Iba ka nga talaga, Nelvie!"Nagkatitigan silang apat habang may ngiti sa mga labi. Habang si Nelvie ay naguguluhan sa mga sinasabi nila."So?""You're the one!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito.Written by DBardzTWENTY-SEVEN Marahan na pumikit ang mga mata ni Nelvie, dinarama ang pagtama ng sariwang hangin sa katawan. For her, the sound of waves, birds singing and the entire place give me comfort. It's giving her some kind of relaxation.“Do you like the place?" She felt Ivan's breath touch her nape, his hands encircled on her stomach as he put his chin on her left shoulder. “Aren't you tired? Or hungry? Wala pang isang oras nang dumating tayo rito, don't you want to rest first?”Dumilat si Nelvie at tinignan siya. Ang gwapo niyang mukha ang bumungad sa dalaga. Ngumiti si Nelvie at hinawakan ang mga kamay ni Ivan nakayakap sa tiyan nito. “I like this place," sagot ni Nelvie. “And I'm not hungry.”“Hmm. Then what do you want to do?" Tanong niya, mas humigpit ang yakap sa dalaga.“Tour the place?" She's not sure what she wanted to do right now either. “Mas masaya siguro kung aalamin muna natin ag lugar na ito then we can go back to our room later.”“I will be your tour guide then."Gulat na n
CHAPTER TWENTY-SIX“You okay?” tanong ni Ivan sa katabi. It’s ten in the evening and they are already on the plane, going to Palawan to have their staycation. “Tired?” tanong ulit ni Ivan.Umiling si Nelvie, nakadungaw sa labas ng bintana. “Nag-aalala lang ako kay lolo. Medyo hindi maganda ang lagay niya kanina eh,” may lungkot sa tono ni Nelvie. Nagpaalam si Nelvie sa lolo at lola at napansin na may nararamdaman na sakit ang kanyang lolo. Hindi mapalagay ang loob gayong nasa malayo siya at hindi ma monitor ito. Pag-aalala ang bumalot kay Nelvie.Ivan sighed. Inabot niya ang kamay ng nobya at marahan iyong pinagsaklob sa kamay niya.“Don't worry. We'll get an update from Julie about them, okay?” paniniguro ni Ivan. Si Julie ang iyong caregiver na hinire niya para bantayan ang lolo at lola ni Nelvie. “She will update us from time to time.”Bumaling ang tingin ni Nelvie, hindi pa rin mawala ang kaba sa kalooban. Marahan na inabot ni Ivan ang ulo niya at iginaya para isandal sa bali
CHAPTER TWENTY-FIVE “May kailangan ka? Bakit mo ‘ko pinatawag kay Kristal?” Tanong ni Nelvie nang pumasok siya sa opisina ni Ivan. “May ipapagawa ka ba?”Ivan shook his head.Kumunot ang noo ni Nevie habang lumalapit sa table ng nobyo. “Oh eh bakit mo ko pinatawag?”“Just…” Tumitig siya sa mga mata ni Nelvie. ”I just miss you.” Natawa si Nelvie. “Ano ka ba! Magkasama lang naman tayo. Nasa labas lang ako ‘no? Miss ka riyan.”Ivan pouted, acting sad. “You're busy. So busy to the point you can't enter my office.”Natatawa na umiling si Nelvie sa inaakto ng lalaki. Totoong abala sila nitong mga nagdaan na araw dahil sa daming paperworks. Marami ring meeting and such na kailangan asikasuhin kaya hindi na siya madalas pumapasok sa opisina ng nobyo, kung kinakailangan siya. She walked towards him, smiling widely. Ang cute cute kasi magtampo ng boyfriend niya! Umupo siya sa table at tiningnan ang kapareha.“Seriously, baby?” Tumango si Ivan, inaabot ang bewang ni Nelvie. “Let’s have a di
CHAPTER TWENTY-FOUR“Kami na.”Kanya-kanyang sigaw at tili ang mga babaeng kaibigan ni Nelvie nang marinig ang sinabi niya. Lahat ng tao sa mall na malapit sa kanila ay hindi napigilan na tignan sa dahil sa ginawa nilang ingay.“Iba ka talaga, Nels,” masayang komento ni Grasya. “Congrats sa inyo. Grabe! I can't believe na kayang umibig ni sir!”“Kaya pala nag-iba ang araw ni sir nitong mga nagdaang araw. Pumapag-ibig naman pala.” Saad ni Kristal.“Thank you, Nelvie. Ikaw ang naging susi para pakalmahin ang amo natin.” Natatawa na sabi ni Helen.“Iba ang kamandag mo, gurl!” makulit na sabi ni Rein.Masaya silang nakinig sa kwento ni Nelvie. Tuwang-tuwa sila at hindi mapigilan ang kilig at tuwa. Kinuwento niya kung paano sila nagkatuluyan at ang mga kakakilig na momento niya kay Ivan. Habang nagkukwento, hindi niya maiwasan na kiligin kaya pati ang mga kaibigan niya. Hanggang sa matapos ang break at bumalik sila sa kanya-kanyang trabaho, hindi pa rin mawala ang kilig nila sa sinalaysay
CHAPTER TWENTY-THREE“Lo, ano pong gusto mo sa birthday mo? Gusto mo po bang gumala tayo nila lola sa mall? O maghanda nalang po tayo?” tanong ni Nelvie habang kumakain siya ng agahan kasama ang kanyang lolo at lola sa hapag ng araw ng biyernes. “Kahit huwag na, apo. Gastos lamang iyon.” Sagot ng kanyang lolo. “Masaya na ako kahit na walang handaan dahil maswerte pa rin ako na kasama kayo.”Malungkot na pinagmasdan ni Nelvie ang lolo.“Hindi naman pwede iyon, lo. Maghanda na lang po tayo kahit simpleng salo-salo,” aniya. “May importanteng sasabihin din po kasi ako sa inyo sa araw na iyon.”Matagal nang tago ang relasyon niya kay Ivan, ang kanyang amo, kaya naman napag-isipan niyang ipaalam na sa mga tumayong magulang niya ang relasyon niya kay Ivan. Nakausap niya na si Ivan tungkol doon at pumayag naman ito sa kaniyang desisyon. Lumipas ang mga araw na nagplano si Nelvie sa darating na kaarawan ng kanyang lolo. Ipinaalam niya iyon kay Ivan kaya tumulong ito sa mga gagastusin niya.
CHAPTER TWENTY-TWOWARNING!READ AT YOUR OWN RISKS. P. G. AHEAD!AFTER TWO DAYS, they went back to the company and to their own life but something already changed. They become secretly dating each other withkut no one noticing about their sweet gestures in the company. Though sometimes Ivan can't keep his hand on his own and keep touching Nelvie.Ngumiti ng pilit si Nelvie sa lalaki na kanina pa makulit ang kamay. Magkatabi sila na nakaupo habang nagpapresent sa unahan ang isa sa empleyado ng kompanya. Kanina pa tinitiis ni Nelvie na hindi sigawan at hampasin ang malikot na kamay ng lalaki. Ayaw niyang mapansin sila ng ibang kasama sa meeting kaya naman marahan at sa ilalim ng lamesa niya kinukurot ang kamay ni Ivan para patigilin. Muli niyang tinabig ang kamay nito at bahagyang umusog malapit sa lalaki upang bumulong.“Sir, I am begging you. Keep your hand on yourself,” mariin na bulong niya habang ang nga nata ay nasa lalaking nagsasalita. “For the sake of this meeting, please, c