OPERATION:Palambutin ang Matigas na Puso ni Boss Chivan Diaz

OPERATION:Palambutin ang Matigas na Puso ni Boss Chivan Diaz

last updateHuling Na-update : 2024-09-01
By:  DBardzOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
27Mga Kabanata
5.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nelvie “Nels” Salsado grew up with her Lolo Niel and Lola Salvie. She’s not their real granddaughter since they found her in the midst of typhoon when she was a baby. They take care of her since then and decided to take the full responsibility of Nelvie. When Nelvie finished college, she immediately find a job not for herself but for the people who helped her. She wanted to gave them a peaceful life as a payment for taking care of her. Though her Lola Salvie always reminded her that she doesn’t need to do that. Since she was seven years old, the two explained to her that they are not her parents nor grandparents. Knowing that fact, Nelvie still wanted to give them a good life. When the job came to her, she grabbed it wholeheartedly. But when she didn’t she will met the heartless man named Chivan Diaz— her boss.

view more

Kabanata 1

01

01

"Pasensiya ka na, hija, pero wala talaga kaming availabe na slot ngayon, e."

Bumagsak ang mga balikat ni Nelvie sa narinig. Pang-ilang kompanya niya na ba ito? Tatlo? Apat? Lima? Hindi niya na alam. Hindi niya na nabilang. At lahat ng kompanya na sinubukan niyang pag-apply-an ng trabaho ay iisa lang ang sinasabi: Wala ng slot o bakante sa kompanya nila.

"Kahit janitor nalang, ma'am?" Pakiusap niya. Disperada na talaga siyang magkatrabaho. "Kahit ano po, ma'am. Kahit taga linis ng banyo o taga ayos ng mga damit. Kahit ano po, kaya kong gawin, ma'am."

Naawa naman ang babae sa kaniya. Ngumiti siya ng malungkot at hinawakan si Nelvie sa balikat. Wala rin siyang magagawa dahil sadyang wala talaga.

"Sorry talaga, hija, pero wala, e." Bakas ang lungkot sa tono nito. "Pero hayaan mo kapag may available na rito na kahit anong pwesto ay tatawagan kita." Kinalkal nito ang bulsa at may kung anong hinanap doon. "Pahingi ako ng number mo."

Nilahad niya ang cellphone kay Nelvie. Malungkot man, kinuha ni Nelvie ang cellphone ng babae at nilagay ang kaniyang cellphone number. Binigay niya ito ulit atsaka ngumiti ng maliit.

"Salamat po, ma'am. Hihintayin ko po ang tawag ninyo."

Tumango ang babae at binalik sa bulsa ang cellphone. "Mag-iingat ka. Pasensya ka na ulit ha?"

Tumango si Nelvie at malungkot na nilisan ang kompanya. Wala talaga, e. Gano'n talaga. Hindi niya naman pwedeng ipilit ang sarili gayong wala naman talagang espasyo para sa kaniya.

Nang nakalabas siya ng building ay napatingin siya sa kulay asul na kalangitan. Tanghaling tapat na at wala pa siyang kain. Ngunit hindi siya nakadarama ng gutom. Mas inaalala niya ang paghahanap ng trabaho. Kung wala siyang mahahanap na trabaho ngayon ay baka kung saan na sila pulutan ng kaniyang lolo at lola.

Ang lolo at lola niya ang tumayong ama at ina ni Nelvie. Hindi niya alam kung nasaan ang totoong magulang niya. Tinanong niya naman ang mga ito gnunit maski sila ay hindi rin alam. Bata palang siya ay alam niyang napulot lang siya sa tae ng kalabay.

Totoo iyon. Ayun ang kwento sa kaniya ng kaniyang lola. Maulan daw no'n at abala sila sa pagkukuha ng kalabaw nang marinig nila ang iyak ni Nelvie. Noong una ay hindi raw nila pinansin ngunit hindi kalauna'y agad nilang nilapitan kung saan nanggagaling ang iyak. At doon nila nakita ang batang si Nelvie. Wala ni anong bakas ng pangalan niya o kung saan siya galing.

In short, ampon siya.

Nelvie ang pinangalan ng lolo at lola niya sa kaniya dahil sa pinagsamang pangalan ng mga ito. Ang pangalan ng kaniyang lolo ay Neil at ang kaniyang lola naman ay si Salvie. Kaya naging gano'n ang pangalan niya.

"'Lo! 'La! Nakauwi na po ako!"

Binagsak niya ang sarili sa matigas nilang upuan. Sinandal niya ang sarili at pinikit ang mga mata. Hinayaan na niya ang sarili na magpahinga.

"Apo, ikaw ba iyan?" tawag ng kaniyang lola. Naglakad ito palapit sa kaniya gamit ang lumang tungkod nito. "Saan ka naman ba galing, apo? Kumain ka na ba?"

"Naghanap po ulit ng trabaho, 'la," nakapikit na sabi niya. "Hindi pa nga po ako nakain, e. May pagkain pa po ba?"

"Oo, apo, mayroon pa," sagot ng kaniyang lolo na nakain sa mesa. "Kaso kaunti nalang ang kanin. Gusto mo bang magsaing nalang ulit?"

Dinilat niya ang mga mata at tinignan ang dalawa. Natahimik siya habang tinitignan ang mga ito. Talagang matatanda na ang mga kumopkop sa kaniya. Ang kaniyang lola ay nasa edad na 87 na at ang kaniyang lolo naman ay 90 years old na. Medyo malalakas pa ang mga ito ngunit hindi naman araw-araw.

Kaya pa nama nila ang kanilang mga sarili pero hanggang kailan? Hindi naman kailangan pa hintayin ni Nelvie na may mangyaring masama bago siya kumilos at maghanap ng trabaho.

Pangarap niya pa naman na bigyan sila ng magandang buhay bilang sukli sa kagandahang loob nila. Kahit na ilang boses na ng mga itong sinabi sa kaniya na hindi kailangan, gusto niya pa rin gawin. Para naman bago sila lumisan sa mundo ay may ngiti sa kanilang mga labi. At masasabi niya ring naging parte siya ng kasiyahan ng mga ito.

"Apo, kakain ka pa ba?" Nabalik sa sarili si Nelvie nang marinig ang boses ng kaniyang lola. "Natahimik ka na riyan. Ayos ka lang ba? Tubig gusto mo?"

Huminga siya ng malalim at tumayo. Sinalubong niya nag kaniyang lola Salvie at inalalayan ito palapit sa kaniyang lolo na nakain.

"Tapos na akong kumain, apo," biglang sabi ng kaniyang lola. "Kayo nalang ang kumain."

"Samahan niyo nalang muna kami ni lolo, 'la." Sabi ni Nelvie at inalalayan makaupo ang kaniyang lola. Umupo naman siya sa gilid nito. "Salamat po sa pagkain."

Kumuha siya ng plato at nagsalin ng kanin at ulam. Katulad nang sinabi ng kaniyang lolo, kaunti na nga lang ang kanin. Parang tatlong subo niya nalang iyon. Hinayaan niya nalang at nagsimulang kumain.

"Apo, pinapagod mo masiyado ang sarili mo kakahanap sa trabaho," sabi ng kaniyang lola. "Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin ang alok ni Ate Melda mo?"

Nilunok muna ni Nelvie ang kinain bago sumagot. Si Ate Melda ay ang kakilala ng kaniyang lola na nagtitinda ng karne sa palengke malapit sa kanila. Ilang beses na siya nitong inalok at ilang beses niya na ring tinanggihan. Hindi dahil sa ayaw niya ngunit alam niya ang hirap sa trabaho sa palengke at liit ng sahod.

Gusto niya kasi iyong trabaho na makapag-iipon siya at ilang buwan lang ay pwede na siyang mapaayos ang bahay nila. Kaunti nalang kasi ay gigiba na ang bahay nila. Iyon ang nais niya kaya nagtitiis siyang magoabalik-balik sa bayan at magtiyaga n maghanap ng trabaho.

"'La, sayang naman po ang pagpapaaral niyo sa akin kung sa palengke ako babagsak," sabi niya. "Alam ko pong maganda naman ang trabaho sa palengke pero mas okay rin po kung magagamit ko iyong pinag-aralan ko sa kolehiyo. Kayo nga po ang nagsabi na gamitin ko iyon kapag magtatrabaho na ako, hindi ba?"

"Oo nga, apo, pero nahibirapan ka na, hindi ba?" sabat ng kaniyang lolo. "Ilang araw ka na ba sumusubok na maghanap ng trabaho sa bayan? Isang linggo?"

"Hindi po, 'lo."

"Hindi pa," kontra nito. "Pupwede mo naman sigurong gawing experience ang pagtatrabaho sa palengke, hindi ba? At least kapag naghanap ka ulit sa bayan ay may experience ka na. Hindi iyong pabalik-balik ka sa bayan pero wala ka namang napapala. Nasasayang ang oras at pagod mo, apo."

Sumimangot si Nelvie dahil may punto ang kaniyang lolo.

"Apo, tama ang lolo mo." Naramdaman niya ang paghawak ng kamay ng kaniyang lola sa kaniyang kamay. "Subukan mo muna magtrabaho kay Ate Melda mo."

Tahimik siyang kumain at nagpatuloy naman ang kaniyang lolo't lola sa pangaral sa kaniya. Kinahapunan ay nagtungo siya sa bahay ni Melda. Susundin niya ang gusto ng kaniyang lolo't lola.

"Si Ate Melda, Gian?" Imbes na si Melda kasi ang lumabas, ang binata na ank nitong si Gian ang lumabas mula sa bahay nila. May hawak itong cellphone sa mga kamay at hindi siya tinitignan. "Nariyan ba? Kakausapin ko sana."

"Wala, ate, e." Sagot nito nang hindi siya binabalingan. "Nasa palengke po, ate. Bakit po?"

"Ay, sige! Puntahan ko nalang siya. Salamat!"

"Sige po, ate."

Medyo malayo lang naman ang palengke sa kanila kaya nilakad niya nalang. Maraming bumati sa kaniya na kakilala halos ng kaniyang lolo't lola. Nang narating niya ang palengke ay agad niyang hinanap ang pwesto ng karnehan ni Melda.

"Ate Melda!" sigaw niya nang makita si Melda ngunit nawala ang ngiti sa labi niya nnag may sumulpot sa tabi nitong babae. Nakasuot ito ng apron na kakulay ng suot ni Melda. Unti-untinf bumagal ang paghakbang niya habang nagpabalik-balik ang tingin sa suot ng dalawa. Mukhang huli na siya. Mukhang may nakuha na si Melda na kaagapay niya

"Bakit, Nel? May bibilhin ka ba?" ani Melda. "O uutang?"

"A-Ah... opo, ate, pautang nga po ng isang kilong baboy." Nahiya siyang magtanong kaya naman iniba niya nalang kahit na ang balak niya ay tanungin ito tungkol sa alok nito. "Sa makalawa na ang bayad, ate, ha?"

"O, sya, sya," ani Melda at sinimulan siyang hanapan ng baboy. "Siya nga pala, kumusta ang paghahanap mo ng trabaho? Nakakuha ka na ba?"

Nahihiyang umiling siya.

"Hindi pa nga rin, ate, e," sagot niya. Nahihiya siya dahil alam niya na ang susunod na sasabihin nito.

"Sabi ko naman kasi sa iyo mahirap maghanap ng trabaho sa bayan," anito. "Siya nga pala, si Rhea, bago kong kasama rito."

Ngumiti at kumaway sa kaniya ang babae.

"Ikaw sana kaso tinanggihan mo ako. Sayang." Binalot nito ang baboy sa isa pang plastic at binigay sa kaniya. "Oh, heto. Sa makalawa ha?"

"Opo, ate, salamat!"

Tumalikod siya at agad na umalis doon. Naluha siya habang naglalakad palayo. Totoo nga talaga ang kasabihan na: nasa huli ang pagsisisi. Kung sana tinanggap niya iyong alok ni Melda, kahit papaano ay kumikita na siya.

Kinabukasan ay muli siyang bumalik sa bayan upang maghanap ng trabaho. Dumaan siya maski sa mga fast food chains para sumubok ngunit lahat ay wala talagang bakante. Napaupo nalang siya sa labas ng huling kompanya na pinagtanungan niya.

Huminga siya ng malalim atsaka nilagay sa magkabilang tuhod ang mga siko. Yumuko siya at saka naluha na naman. Sobrang hirap ang maghanap ng trabaho lalo't wala soyang experience. Halos lahat kasi nang napagtanungan niya ay naghahanap ng may experience.

Hindi maintindihan ni Nelvie kung bakit halos ng kompanya ay ang hanap ay iyong may mga experience. Paano naman iyong mga katulad niyang kakagraduate lang ng kolehiyo? Paano sila magkaka experience kung walang tumatanggap sa kanilang kumpanya?

"Nel? Nelvie? Ikaw ba 'yan?"

Inanhat niya ang ulo at tinignaj ang pinanggalingan ng boses. Pamilyar ang bises sa kaniya ngunit hindi niya alam kung kanino iyon hanggang sa makifa niya ang babaeng nasa harap niya.

"Nelvie, ikaw nga!"

"Ate Ga!" Sigaw niya at tumayo. Pinagmasdan nito ang maayos na suot ng dati nilang kapitbahay na si Grasya. "Ate, ano pong ginagawa niyo rito? Naghahanap din po kayo ng trabaho?"

Natawa si Grasya. "Hindi, ah! Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Mukhang ikaw ang naghahanap ng trabaho ha? Tama ba?"

"Opo, ate, kaso wala akong mahanap, e. Kanina pa ako naghahanap pero wala talaga." Bagsak na balikat na sabi niya. "Baka may alam ka ate? Saan ka ba nagtatrabaho? Kahit ano, ate, basta trabaho, ayos na ako."

"Sakto!" Sumigaw ito. "May alam ako!"

"Talaga ate?!"

"Oo!" Hinawakan siya nito sa kamay. "Hali ka sa loob at doon natin pag-usapan."

Hinigit siya nito papasok sa building. Masaya naman ang dumaloy kay Nelvie. This is it! Magkakatrabaho na siya.

Written by DBardz

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
DBardz
Read niyo na po
2023-01-06 23:02:07
6
user avatar
DBardz
Nawa'y suportahan ninyo po ulit itong bago kong story
2023-01-05 20:10:39
10
user avatar
Irish Patricio
May karugtong pa po ba
2024-07-01 14:29:29
0
27 Kabanata
01
01"Pasensiya ka na, hija, pero wala talaga kaming availabe na slot ngayon, e."Bumagsak ang mga balikat ni Nelvie sa narinig. Pang-ilang kompanya niya na ba ito? Tatlo? Apat? Lima? Hindi niya na alam. Hindi niya na nabilang. At lahat ng kompanya na sinubukan niyang pag-apply-an ng trabaho ay iisa lang ang sinasabi: Wala ng slot o bakante sa kompanya nila."Kahit janitor nalang, ma'am?" Pakiusap niya. Disperada na talaga siyang magkatrabaho. "Kahit ano po, ma'am. Kahit taga linis ng banyo o taga ayos ng mga damit. Kahit ano po, kaya kong gawin, ma'am."Naawa naman ang babae sa kaniya. Ngumiti siya ng malungkot at hinawakan si Nelvie sa balikat. Wala rin siyang magagawa dahil sadyang wala talaga. "Sorry talaga, hija, pero wala, e." Bakas ang lungkot sa tono nito. "Pero hayaan mo kapag may available na rito na kahit anong pwesto ay tatawagan kita." Kinalkal nito ang bulsa at may kung anong hinanap doon. "Pahingi ako ng number mo."Nilahad niya ang cellphone kay Nelvie. Malungkot man, k
last updateHuling Na-update : 2022-12-31
Magbasa pa
02
02"Handa ka bang makasaksi ng demonyo araw-araw?"Hindi alam ni Nelvie kung matatawa ba siya o maaawa sa amo nitong si Grasya. Kanina niya pa kasi ginagamit ang salitang 'demonyo' imbes na boss o amo. Gano'n ba talaga kasama ang amo nito para tawagin niyang amo?"Grabe ka naman, ate." Natatawang binaba niya ang baso na may laman na orange juice. "Sobrang sama ba ng amo mo? O baka palpak lang kayo kaya laging galit?""Papasok palang kami sa opisina niya, dama mo na ang galit niya," para siyang takot na nagkukwento nang kaniyang karanasana kay Nelvie. "Alam mo 'yong wala ka namang ginagawa, humihinga ka lang at manghihingi ng pirma at approval niya, pero galit agad siya? Gano'n si Sir Diaz! Galit ata 'yon sa mundo tapos sa amin binubunton.'Boss Diaz? Siya ba ang amo nila? Hmm, parang amoy mayaman nga.' Ani Nelvie sa isip niya."Gwapo naman?" Hindi alam ni Nelvie bakit niya iyon tinanong."Oo, sobra! Kaso nga lang ayun, galit sa mundo lagi." Tila dismayado na sabi ng kaharap niya. "Bak
last updateHuling Na-update : 2022-12-31
Magbasa pa
03
03"N-No way..."Napaatras si Nelvie nang makita kung sino ang kaharap niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na ito ang amo na sinasabi ni Grasya. At ngayon niya masasabi na tama nga ang mga nilahad ni Grasya sa kaniya. Na masama nga talaga ang ugali ng kanilang amo."Can't talk again, huh?" Tumayo bigla ito at pumuwesto ang sarili sa likod ng swivel chair na inupuan niya kanina. "Shock to see me? Or I caught your heart?"Inayos niya ang sarili at saka sinamaan ng tingin itong lalaki sa harap niya. Ni hindi niya inakala na ito pala ang amo nila. Hindi pa rin niya ma-process ang lahat.Napansin niya ang pangalan nito na nakasulat sa may harapan ng table. 'Chivan Diaz.' Basa niya. 'Siya nga ang boss?' "I-Ikaw ang boss?""No other than." He then smile widely. "Did you expect someone else? Or perhaps your friend warned you about me already?"'A-Anong...' Bigkas niya sa isipan. 'Paano niya nalaman iyon?'"Am I right, right?" Hindi na talaga siya makasagot. Ang bilis masiyado nang pangyay
last updateHuling Na-update : 2022-12-31
Magbasa pa
04
04"Repeat this! This, too! Give it back this, too!"Nagliliparan ang mga soft copy na mga pinasa kanina ng iba't ibang team sa harap ni Nelvie. Ni wala pang na-a-approve sa mga pinasa. Hindi niya alam kung galit ba ang amo niya sa kaniya o mali lang talaga ang mga gawa? O baka hindi niya nagustuhan?Dinampot niya lahat ng mga papel na tinapon ng kaniyang amo. Inis na siya at napipikon na dahil sumasakit na ang kaniyang balakang sa pagdampot at tayo para kuhain ang mga papel. Kung saan-saan ba naman kasi niya tinatapon ang mga papel kaya kung saan-saan din siya nadampot.Lumabas siya dala ang anim na soft copy na tinapon. Agad siyang nagtungo sa kabilang kwarto kung saan niya inaabot ang mga rejected na papel."Nakakapagod 'no?" Sabi ni Kristal, ang babae na kumukuha ng rejected paper at nagdadala sa mga team. "Parang hindi naman binabasa ni sir ang mga ito." Kinuha niya kay Nelvie ang mga rejected papers."Baliw ba 'yong amo niyo?" gigil na bulong nito."Amo na'tin." Pagtatama nito,
last updateHuling Na-update : 2023-01-02
Magbasa pa
05
05Linggo ngayon at walang pasok si Nelvie. Hindi niya namalayan na limang araw na pala siyang pumapasok bilang isang secretary. Hindi niya alam paano niya natiis ng limang araw ang ugali ng kaniyang amo. Napaayos siya ng upo sa kama nang tumunog ang messenger app sa cellphone niya.GRASYA: 1PM nalang daw tayo magkita-kita kasi may pupuntahan pa si Rein mamaya.Mabilis na nagtipa ng reply si Nelvie.NELVIE: Sige, ate.Kahapon bago sila magkaniya-kaniyang uwi, nagplano silang pupunta sa mall para naman i-celebrate ang pagiging empleyado ni Nelvie sa kompanya. Pa-welcome party nila sa kaniya. Dahil wala pa silang mga sweldo ay nagpasya nalang sila na mag-mall. Napatingin siya sa oras sa cellphone. It's already 10 in the morning. Nag-unat siya ng katawan bago tumayo at niligpit ang higaan. Sisipol-sipol at kakanta-kanta siyang lumabasng kwarto at tinungo ang lamesa kung saan nagtatanghalian na ang kaniyang lolo't lola. Maaga talaga siyang gumising, natulog lang ulit dahil sa pagod."Gi
last updateHuling Na-update : 2023-01-06
Magbasa pa
Chapter 06
06"Ang bait ni sir today, ah? Ano kayang nakain niya?"Nakatanggap ng hampas si Kristal mula kay Helen."Baka marinig ka, ano ka ba!" Sita nito. "Pero oo nga. Ano kayang mayroon bakit tayo sinama ni sir?""Bakit? Ngayon niya lang ba ginawa ito?" tanong ni Nelvie.Naglalakad na sila papasok sa isang maingay at mamahaling bar. Medyo malayo sila sa kanilang boss dahil nahihiya pa rin sila. At naninibago dahil sa biglaang pag-anyaya nito sa mga empleyado."Oo, 'te," sagot ni Rein. "Ikaw ba, Kristal? Ngayon ka lang niyaya ni sir? 'Di ba mas malaki ang chance na makasama mo siya kasi malapit lang ang silid mo sa opisina ni sir."Umiling-iling naman si Kristal."Hindi pa. Ni minsan ay hindi niya ako tinanong para sumama sa kaniya." Sagot ni Kristal at tinignan ang boss nilang may kausap na na mga naglalakihan mga kalalakihan. "Ayaw niya kayang ginagawa iyon. Ayaw niyang may sumusunod o sumasama sa kaniya. Kaya nagulat din ako kanina.""Wow, ha, sa sobrang gulat mo nasa loob ka na ng sasakya
last updateHuling Na-update : 2023-01-07
Magbasa pa
Chapter 07
07"And this is Nelvie, my new secretary." Nakaupo na si Ivan nang ipakilala niya ang mga emplyedo sa mga kaibigan niya. Nag-bow si Nelvie sa tatlong naggagwapuhan at mga makikisig na lalaki na kaharap niya. Her boss introduced them to his friends. Pagpasok palang ni Nelvie at nang tumama ang mga mata niya sa mga ito, alam niya na agad na katulad ito ng kaniyang boss na mayayaman din."Good evening sa inyo." Sabi niya at umayos ng tayo. "Bagong secretary lang ako ni sir. Nice to meet the three of you."Ngumisi si Hell, ang may-ari ng bar na kaibigan ni Ivan. He's wearing a black polo. Halos hindi niya nakabutones ang polo nitong suot dahil lantad na lantad ang maganda nitong katawan."You look gorgeous, Nelvie." Nakangiting saad nito. "By the way, Hell is my name. I'm the owner of this bar. How old are you? You look underage. Baka minor ka pa, ah?" Tumawa ito sa sariling biro niya. Sumama naman ang tingin ni Ivan sa kaibigan. Anong ibig sabihin nito sa sinabi niya? Ibig niya bang sa
last updateHuling Na-update : 2023-01-08
Magbasa pa
Chapter 08
08"ANONG NANGYARI?!"Mabilis na tinakpan ni Nelvie ang kaniyang katawan gamit ang nakuha niyang damit sa ibabaw ng kama na hinigaan niya. Hindi niya akalain na paggising niya'y wala siya sa bahay nila. Ang sarap pa naman nang kaniyang pagtulog dahil napaginipan niya ang kaniyang iniidolo ngunit mababawi rin pala agad pagkagising niya.Gulat, kaba at takot ang naramdaman ni Nelvie habang inaalala ang mga pangyayari bago siya nauwi sa gano'ng sitwasyon. Sa pagkakatanda niya ay sinama sila ng kaniyang amo sa bar ng kaibigan nito. Nakilala niya ang apat na kaibigan ng kaniyang amo at saka sila uminom.Tama!Uminom sila kaya siguro ay masakit ang ulo niya pagkagising. Ngunit hindi naman gano'n kalala ang sakit.Muling napatingin si Nelvie sa lalaking nasa tabi niya sa pagtulog nang gumalaw ito. Wala itong saplot pang itaas. Kitang-kita niya ang maganda nitong katawan. 'Tila nabusog siya sa nakikita at nawala rin ang sakit ng ulo niya.'Hindi!' Sabi niya sa sarili. 'Umayos ka, Nels! Hindi
last updateHuling Na-update : 2023-01-08
Magbasa pa
Chapter 09
09"You can drop me off here." "Is that your house?" "No." Sagot ni Nelvie. "Dito mo na lang ako ibaba, kaya ko na ang sarili ko." Ivan looked at her while still driving slowly because of how small the way to her house. "What, sir?" Ani Nelvie. Why did they ended up inside Ivan's car though? After they had their breakfast, Hell offered them to drop them off to their houses. Bilang pasasalamat daw nito at paghingi ng sorry dahil nilasing sila. Pumayag naman ang mga kaibigan ni Nelvie. But Ivan took the initiate that he'll the one to drop them off. At dahil si Nelvie ang may pinakamalayong bahay sa kanilang lima, siya ang huling kasama ng boss niya. Bababa na nga sana siya pagbaba ni Grasya but Grasya told their boss na hindi siya roon nakatira. And Nelvie didn't know why he's concern to that. She didn’t expect he'll still bring her to her house."You can stop the car. Dito na lang ako." Nelvie started to remove the seat belt. "Itabi mo na lang diyan sa gilid para hindi nakaharang
last updateHuling Na-update : 2023-01-09
Magbasa pa
Chapter 10
10"Revise this again!"Two days had passed after they went to Hell's bar and everything went back. Nelvie thought her boss became, even a little bit, kind after their bar and hatid experienced but she was wrong. Maling-mali siya. Dahil bumalik sa ugali nito ang boss niya na akala mo'y laging may kaaway."Fine!" Pangatlong soft copy na iyon na ibibigay niya kay Kristal.Bago pa siya makalabas ng pinto ay muling nagsalita si Ivan."Brew me a coffee." Utos nito. "And move quick! You're so slow!"Umirap lang si Nelvie at lumabas ng opisina nito."Ang sungit talaga!" Inis na sabi niya at binigay kay Kristal ang pina-revise nito. After niya ibigay kay Kristal ang document ay dumiretso siya sa 1st floor kung nasaan ang coffee maker at ginawan ng kape ang boss niya. Kahit papaano ay nakakapag-adjust na si Nelvie sa trabaho niya. Alam niya na ang pasikot-sikot ng kompanya.At mas lalong alam niya na ang takbo ng utak ng kanilang boss.Pansin niya na talagang mainitin at tila parating galit a
last updateHuling Na-update : 2023-01-10
Magbasa pa
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status