05
Linggo ngayon at walang pasok si Nelvie. Hindi niya namalayan na limang araw na pala siyang pumapasok bilang isang secretary. Hindi niya alam paano niya natiis ng limang araw ang ugali ng kaniyang amo.Napaayos siya ng upo sa kama nang tumunog ang messenger app sa cellphone niya.GRASYA: 1PM nalang daw tayo magkita-kita kasi may pupuntahan pa si Rein mamaya.Mabilis na nagtipa ng reply si Nelvie.NELVIE: Sige, ate.Kahapon bago sila magkaniya-kaniyang uwi, nagplano silang pupunta sa mall para naman i-celebrate ang pagiging empleyado ni Nelvie sa kompanya. Pa-welcome party nila sa kaniya. Dahil wala pa silang mga sweldo ay nagpasya nalang sila na mag-mall.Napatingin siya sa oras sa cellphone. It's already 10 in the morning. Nag-unat siya ng katawan bago tumayo at niligpit ang higaan. Sisipol-sipol at kakanta-kanta siyang lumabasng kwarto at tinungo ang lamesa kung saan nagtatanghalian na ang kaniyang lolo't lola. Maaga talaga siyang gumising, natulog lang ulit dahil sa pagod."Gising ka na pala, apo." Napansin siya ng kaniyang lolo. "Aalis ka na ba?"Umupo siya sa tabi ng lolo at saka kumuhang plato. "Mamaya pa, lo, mga bandang ala una pa." Kumuha siya ng makakain. "Na adjust, e.""Gano'n ba," anito. "Gagabihin ba kayo, apo?""Hindi ko pa po alam, e." Sumubo siya ng kain at nginuya bago sinundan ang sinabi niya. "Pero sana hindi, ang hirap po sumakay pauwi kung gagabihin. Galing na po ba kayong barangay?""Oo, apo," sagot ng kaniyang lola. "Ayos naman ang pakiramdam namin ng lolo mo."Tumango si Nelvie.Tuwing linggo kasi ay may libreng check up sa kanilang barangay. Lagi niyang pinapaalala sa kaniyang lolo't lola na magpatingin para malaman niya kung may nararamdaman ba ang mga ito o wala. Dati ay sinasamahan niya ngunit no'ng nagsimula siyang maghanap ng trabaho ay natigil iyon. Kaya ang dalawang matanda nalang ang bumabalik sa barangay para sa kanilang check up.Sumapit ang alas dose at umalis si Nelvie ng kanilamg bahay. Pinaalalahanan niya nag kaniyang lolo't lola bago lumisan.Tanghaling tapat kaya medyo natagalan siya makasakay ng jeep. Gano'n din pagdating sa bayan. Madaling ang masasakyan dahil puro punuan. Ala una pasado na nang marating niya ang mall. Sakto namang nasa labas na no'n sila Kristal at Grasya. Pagkakita sa kaniya ay sinalubong siya ng mga ito."Kanina pa kayo?" tanong ni Nelvie sa dalawa. "Sorry. Ang tagal kasi ng jeep na sinasakyan ko, ang bagal ng takbo.""Ikaw nalang ang kulang," sabi ni Kristal. "Nag-CR lang yung dalawa."Nagsimula silang maglakad papunta sa loob ng mall. Gumala ang mga tingin niya sa mataas at malawak na lugar. Hindi niya ito first time makapasok sa mall ngunit hindi rin naman siya madalas magtungo sa mga ganitong lugar. Mas gugustuhin niya kasing manatili sa bahay kasama ang kaniyang lolo't lola."Saan naman tayo unang pupunta?" tanong ni Helen habang nakasakay sila sa escalator papuntang ikalawang palapag. "Saan niyo gusto pumunta?""What if kumain muna tayo?" Sambit ni Rein. "Wala pa kasi akong kain." Napakamot siya sa ulo. "Dumiretso kasi ako rito pagtapos ko kitain iyong pinagkakautangan ko.""Saan naman tayo kakain?" tanong ni Kristal, luminga-linga siya sa paligid. "May nakikita akong Jollibee, McDo at Mang Inasal. Saan niyo gusto?""Mang Inasal na lang." Sagot ni Grasya na tinuturo pa ang gawi ng Mang Inasal. "Para sulit."Nagkasundo sila na sa Mang Inasal nalang kumain. Pulos kwentuhan sila habang naghihintay sa pagkain na inorder. At hindi na naman nawala sa usapan nila kung gaano sila namangha kay Nelvie sa katapangan na akin nito. Siya na naman ang sentro ng kailangan pag-uusap."Bilib talaga ako rito kay Nels," proud na sabi ni Grasya habang nakangisi ng malaki. "Akalain mo 'yon, ikaw lang pala ang hinahanap namin para maging sekretarya ni boss. Bakit ngayon ka lang sumagi sa isipan ko? Kung hindi siguro tayo nagkita no'ng araw na iyon, baka naghahanap pa rin kami ng sekretarya para kay boss.""Medyo masungit naman kasi talaga si boss," mahinang sabi ni Helen. "Buti nga at natagalan mo ang ugali no'n.""Anong medyo ka riyan?" 'tila hindi naniwala si Rein sa sinabi ng katabi. "Masungit talaga at suplado at... masama ang ugali, 'diba?" humina ang boses niya."Madalas ko nga silang naririnig na nagsisigawan," ani Kristal. "Parang palengke ang opisina ni boss kapag nag-aaway sila. Akala ko nga gigiba na ang office ni boss sa sobrang lakas ng mga sigawa nila sa isa't isa."Natawa silang lahat."Paano mo nagagawa iyon, Nels?" tanong ni Kristal at tinignan siya. "Paano mo nagagawang sigawan si boss? Hindi ka ba natatatakot sa kaniya?""Anong hindi? Syempre natatakot din. " Natatawang sabi niya. "Pero nakakainis kasi talaga siya. Hindi ako pinalaki ng lolo't lola ko para sigawan at pahirapan niya 'no! Naintindihan kong boss na'tin siya pero sana umakto siyang boss nga talaga na'tin. Ubod ng sama mg ugali, e, para akong laging may kaaway kapag kausap siya. ""Pero aminin, ang gwapo ni sir." Nanunuksong sabi ni Grasya. "Gwapo na sana kaso iyong ugali nakakaturn off.""Bakit ayaw mo sa masamang ugali?" inosenteng tanong ni Rein."Ano ka ba, Rein!" Mahinang hinampas ni Grasya sa braso ang kaharap na si Rein. "Siyempre oo! Baka saktan ako lagi kapag mag-asawa na kami. Ayaw ko nang gano'ng lalaki.""Totoo," pag-sang ayon ni Helen. "Gwapo nga kaso iyong ugali ang pangit parang ang hindi no'n."Natawa si Kristal. "Bakit papatulan ba kayo ni boss?""Ang sama!" sabay na sabi ni Helen ar Grasya.Pulos sila tawanan na ikinasaya ni Nelvie. Gano'n pala ang pakiramdam na makagala kasama ang ibang tao. Hindi niya kasi iyon naranasan no'ng college student siya. Taong bahay at unibersidad lamang siya, kung kailangan lang umalis saka siya nakakagala.Hindi rin marami ang kaibigan niya, hindi nga ata consider na kaibigan dahil wala talaga siya no'n. Loner siya no'ng college years niya. Nakikibelong lang sa mga circle of friends ng ibang tao. Kaya hindi niya alam na ganito pala kasaya ang makasama ang mga kaibigan sa labas at magkaroon ng oras sa isa't isa.Inenjoy nila ang pag-s-stay sa mall. Nanood sila ng sine at naglaro rin ng mga pambatang mga laro. Pare-pareho silang pinagkaitan ng kasiyahan noong pagkabata kaya naman wiling-wili sila habang naglalaro. Hindi maalis ang malalaking ngiti sa kanilang mga labi habang patuloy sa pag-ikot sa mall. Kahit na walang sapat na pera ay masaya sila.Madilim na nang nagdesisyon silang umuwi na. Malalayo pa kasi ang bahay ng ilan sa kanila. Hirap din makasakay gayong araw ng linggo. Tumayo at naghintay sila sa waiting shed ng masasakyan habang binabalikan ang mga naging ganap nila ng araw na iyon."Ulitin na'tin 'to ha?" Tuwang sabi ni Kristal. "Hindi ko na tanda kung kailan ako huling ginawa ang ganito.""Ako rin," ani Helen. "Puro nalang trabaho ang nasa isip ko kaya nakakalimutan ko nang pasayahin ang sarili ko sa mga ganitong bagay.""E 'di sa next sunday ulit?" tanong naman ni Grasya. "BFF na ba tayo nito?"Nagtawanan sila."Gusto ko ulit i-try 'yon i-sho-shoot ang ball," sabi naman ni Rein. "ang saya pala laruin no'n!""Ni hindi ka nga naka-shoot!" Asar ni Helen. "Puro sablay."Sumimangot si Rein. "Ang layo kasi ng ring nila."Nagtawanan sila."Mukhang mahihirapan tayong umuwi nito," sabi ni Kristal habang nakatanaw sa mga jeep na dumadaan. "Walang humihintong jeep, mukhang punuan.""Gabi na rin kasi," saad ni Nelvie. "kaya mahirap talaga."Naghintay sila ng jeep na hihinto ngunit wala talaga. Nangalay na ang mga paa nila kakatayo kaya umupo muna sila habang nakatanaw sa mga jeep na dinadaan lang sila."May pasok na pala ulit bukas. Maririnig ko na naman ang sigawan niyo." Sabi ni Kristal at tinignan si Nelvie. "Kailan kaya kayo magkakasundo ni boss?""Magkakasundo nga ba sila?" singit ni Grasya at dumungaw pa para tignan si Nelvie. "Tingin mo magkakasundo kayo ni boss?""Oo? Siguro?" Hindi siguradong sagot ni Nelvie. "Kapag pumuti ang uwak, siguro oo.""May puting uwak na kaya," saad ni Helen. "So magkakasundo na ba kayo?""Magkakasundo nino?" biglang sabi ni Rein. "Sino bang pinag-uusapan na'tin?" Nasa dulong parte kasi siya katabi ni Rein kaya hindi niya narinig ang sinabi ni Kristal na nasa kabilang dulo rin. Idagdag pa ang ingay ng mga sasakyan sa harap nila kaya hindi niya talaga naintindihan.Nasa kalagitnaan sila nang pag-uusap ng bigla nalang may huminto sa harap nila ng isang BMW. Pare-parehong silang tinignan iyon. Nagkatitigan sila bago ulit iyon tinignan."Sino 'yan?" bulong na tanong ni Grasya. "Don't tell me. may anak ng mayaman tayong kasama rito ha?" Tinignan niya isa-isa ang mukha ng mga kasama. "Sino? Sino ang anak ng mayaman sa grupong ito?""Not me!" Si Helen."Hindi rin ako!" si Rein."Mas lalong hindi ako!" si Nelvie.Nang tumingin sila kay Kristal ay ngumiti ito saka tumayo. Laht sila ay napanganga sa ginawa nito."Eme! Hindi rin!" biro ni Kristal at muling umupo. "Poorita rin ako 'no!"Nakatanggap siya ng hampas sa mga kaibigan. Pero agad din silang bumaling sa sasakyan nang bumusina ito. Muli silang napatinin doon at pinagmasdan ang sasakyan."E 'di sino 'yan?" ani Rein. "Baka may jowa kayong mayaman?""Afam?" ani Grasya."Gaga!" Tawa ni Helen.Lahat sila nakatutok sa sasakyan nang dahan-dahan bumaba ang bintana nito."What are you doing there? All of you?"Nanlaki ang mga mata nila nang makita kung sino ang nasa sasakyan.Walang iba kundi ang kanilang boss.Si Boss Chivan!Mabilis silang tumayo at agad na nag-bow bago ito binati."Good evening, sir!"Samantalang si Nelvie naman ay hindi tumayo sa upuan niya. Nakatitig lang siya sa lalaki. Sigurado siyang sa kaniya nakatingin ang amo kaya hindi siya gumalaw at hindi niya ginaya ang ginawa ng mga kasama.Napansin siya ni Grasya at hinigit siya nito at pwersahan na pinag-bow."Gaga ka!" Bulong ni Grasya sa kaniya. "Umayos ka, boss pa rin na'tin 'yan."Napairap lamang si Nelvie."N-Namasyal lang, sir," sagot ni Kristal sa tanong ng amo. "Pero pauwi na rin po kami.""Opo, sir!" sang-ayon na sabi nina Helen at Rein.Napatango si Ivan habang nakatitig pa rin sa babaeng masama ang tingin sa kaniya.'What I did to gain that stare?' tanong niya sa isipan."Okay," sabi ni Ivan at isasara na sana ang bintana ng sasakyan nang marinig niya ang boses ni Nelvie."Good evening, sir." Walang bahid na emosiyon na bati ni Nelvie.Muli siyang tumingin sa babae at pinagmasdan ito. She's really brave to said that with that kind of tone and kind of look."Good evening, Miss Little Pony." Ngumisi siya na 'tila nang-aasar. "Did you have fun?"Napatango ang apat habang nanatiling naka-poker face ang mukha ni Nelvie."Opo, sir!" sagot ng apat.Saglit nawala ang atensiyon niya sa mga empleyado nang tumawag ang kabigan niyang si Tristan. Sinagot niya iyon habang nakatingin sa harap."I'm almost there so stop calling me, fvcker!" sagot niya dahil ilang beses na siya nitong tinatawag na daig pa ang mga naging babae niya."The fvck, man!" Angal ng lalaking kausap niya. "Kanina mo pa sinasabi 'yan pero wala ka pa rin dito! Are you fvcking someone right now?!""None of your business!" pinatay niya ang tawag at binalik sa lagayn ang cellphone. Muli niyang tinignan ang mga empleyado. "Well, do you have time? Wanna hang out with your boss?"Napanganga ang apat habang si Nelvie ay gano'n pa rin ang reaction. Ivan felt excited seeing her reaction. So, his affection doesn't affect her? Great."T-Talaga, sir?!" sambit ni Kristal, hindi makapaniwala. "Pwede po ba?"Tumango si Ivan."I'll be meeting my friends today," aniya. "If you want to join us, come inside."Mabilis pa sa alas kwarto na nagtakbuhan ang apat papasok sa backseat ng sasakyan ng amo. once in a blue moon lang iyon mangyayari kaya sinulit na nila. Gusto rin nilang malaman kung anong klaseng tao ang amo nila kapag nasa labs ng trabaho."Nels, tara!" sabay-sabay na sabi ng apat.Nakatayo pa rin kasi siya habang nakatitig sa nakangising amo. Alam ni Ivan na naiinis na ito kaya mas lalo siyang ngumisi. Natutuwa siya sa tuwing nakikitang naiinis ang sekretarya niya. 'Tila isang kamatis ang mukha nito kapag naiinis."Are you coming or not?" tanong niya kay Nelvie. "We're going if your not coming with us." Pinatunog nito ang sasakyan.Lumabas naman si Grasya at bumalik sa kung nasaan si Nelvie. Agad niya itong hinawakan a braso at hinigit papasok ng sasakyan."Huwag ka nang maarte, 'te!" bulong ni Grasya sa kaniya. "Baka hindi na 'to mangyari kaya sulitin na na'tin!"Naunang pumasok si Grasya bago siya hinigit pero hindi na sila kasya sa backseat. Napansin iyon ni Ivan kaya tumingin siya sa mga ito."Shotgun seat is still available, ladies," aniya. "You can seat here. Don't worry I won't bite."Natigilan naman sila bago bumulong si Rein kay Grasya."Si Nels nalang ang sa harap kaya niya naman si sir." bulong nito.Napatango si Grasya at binitawan si Nelvie."Sir, si Nelvie nalang po riyan." Sabi ni Grasya na kinagulat ni Nelvie."H-Hoy! Ayoko nga!" tutol niya. "Ikaw nalang.""Nakaupo na ko, bleh!" asar ni Grasya.Walang nagawa si Nelvie dahil wala rin naman siyang mauuouan kaya dumiretso na siya sa unahan. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang nakangising mukha ng amo."Move faster." Sabi nito.Napairap si Nelvie at saka pumasok."Put your seat belt on," sabi na naman ni Ivan. "Or you want me to do it for you?"Inis na kinuha ni Nelvie ang seat belt at nilagay iyon."Okay na?" tinignan niya ang amo.Ngumisi lang si Ivan bago pinaandar ang sasakyan."Good girl." Bulong nito habang minamanebela ang steering wheel.Umirap naman si Nelvie at tumingin sa labas.Written by DBardz06"Ang bait ni sir today, ah? Ano kayang nakain niya?"Nakatanggap ng hampas si Kristal mula kay Helen."Baka marinig ka, ano ka ba!" Sita nito. "Pero oo nga. Ano kayang mayroon bakit tayo sinama ni sir?""Bakit? Ngayon niya lang ba ginawa ito?" tanong ni Nelvie.Naglalakad na sila papasok sa isang maingay at mamahaling bar. Medyo malayo sila sa kanilang boss dahil nahihiya pa rin sila. At naninibago dahil sa biglaang pag-anyaya nito sa mga empleyado."Oo, 'te," sagot ni Rein. "Ikaw ba, Kristal? Ngayon ka lang niyaya ni sir? 'Di ba mas malaki ang chance na makasama mo siya kasi malapit lang ang silid mo sa opisina ni sir."Umiling-iling naman si Kristal."Hindi pa. Ni minsan ay hindi niya ako tinanong para sumama sa kaniya." Sagot ni Kristal at tinignan ang boss nilang may kausap na na mga naglalakihan mga kalalakihan. "Ayaw niya kayang ginagawa iyon. Ayaw niyang may sumusunod o sumasama sa kaniya. Kaya nagulat din ako kanina.""Wow, ha, sa sobrang gulat mo nasa loob ka na ng sasakya
07"And this is Nelvie, my new secretary." Nakaupo na si Ivan nang ipakilala niya ang mga emplyedo sa mga kaibigan niya. Nag-bow si Nelvie sa tatlong naggagwapuhan at mga makikisig na lalaki na kaharap niya. Her boss introduced them to his friends. Pagpasok palang ni Nelvie at nang tumama ang mga mata niya sa mga ito, alam niya na agad na katulad ito ng kaniyang boss na mayayaman din."Good evening sa inyo." Sabi niya at umayos ng tayo. "Bagong secretary lang ako ni sir. Nice to meet the three of you."Ngumisi si Hell, ang may-ari ng bar na kaibigan ni Ivan. He's wearing a black polo. Halos hindi niya nakabutones ang polo nitong suot dahil lantad na lantad ang maganda nitong katawan."You look gorgeous, Nelvie." Nakangiting saad nito. "By the way, Hell is my name. I'm the owner of this bar. How old are you? You look underage. Baka minor ka pa, ah?" Tumawa ito sa sariling biro niya. Sumama naman ang tingin ni Ivan sa kaibigan. Anong ibig sabihin nito sa sinabi niya? Ibig niya bang sa
08"ANONG NANGYARI?!"Mabilis na tinakpan ni Nelvie ang kaniyang katawan gamit ang nakuha niyang damit sa ibabaw ng kama na hinigaan niya. Hindi niya akalain na paggising niya'y wala siya sa bahay nila. Ang sarap pa naman nang kaniyang pagtulog dahil napaginipan niya ang kaniyang iniidolo ngunit mababawi rin pala agad pagkagising niya.Gulat, kaba at takot ang naramdaman ni Nelvie habang inaalala ang mga pangyayari bago siya nauwi sa gano'ng sitwasyon. Sa pagkakatanda niya ay sinama sila ng kaniyang amo sa bar ng kaibigan nito. Nakilala niya ang apat na kaibigan ng kaniyang amo at saka sila uminom.Tama!Uminom sila kaya siguro ay masakit ang ulo niya pagkagising. Ngunit hindi naman gano'n kalala ang sakit.Muling napatingin si Nelvie sa lalaking nasa tabi niya sa pagtulog nang gumalaw ito. Wala itong saplot pang itaas. Kitang-kita niya ang maganda nitong katawan. 'Tila nabusog siya sa nakikita at nawala rin ang sakit ng ulo niya.'Hindi!' Sabi niya sa sarili. 'Umayos ka, Nels! Hindi
09"You can drop me off here." "Is that your house?" "No." Sagot ni Nelvie. "Dito mo na lang ako ibaba, kaya ko na ang sarili ko." Ivan looked at her while still driving slowly because of how small the way to her house. "What, sir?" Ani Nelvie. Why did they ended up inside Ivan's car though? After they had their breakfast, Hell offered them to drop them off to their houses. Bilang pasasalamat daw nito at paghingi ng sorry dahil nilasing sila. Pumayag naman ang mga kaibigan ni Nelvie. But Ivan took the initiate that he'll the one to drop them off. At dahil si Nelvie ang may pinakamalayong bahay sa kanilang lima, siya ang huling kasama ng boss niya. Bababa na nga sana siya pagbaba ni Grasya but Grasya told their boss na hindi siya roon nakatira. And Nelvie didn't know why he's concern to that. She didn’t expect he'll still bring her to her house."You can stop the car. Dito na lang ako." Nelvie started to remove the seat belt. "Itabi mo na lang diyan sa gilid para hindi nakaharang
10"Revise this again!"Two days had passed after they went to Hell's bar and everything went back. Nelvie thought her boss became, even a little bit, kind after their bar and hatid experienced but she was wrong. Maling-mali siya. Dahil bumalik sa ugali nito ang boss niya na akala mo'y laging may kaaway."Fine!" Pangatlong soft copy na iyon na ibibigay niya kay Kristal.Bago pa siya makalabas ng pinto ay muling nagsalita si Ivan."Brew me a coffee." Utos nito. "And move quick! You're so slow!"Umirap lang si Nelvie at lumabas ng opisina nito."Ang sungit talaga!" Inis na sabi niya at binigay kay Kristal ang pina-revise nito. After niya ibigay kay Kristal ang document ay dumiretso siya sa 1st floor kung nasaan ang coffee maker at ginawan ng kape ang boss niya. Kahit papaano ay nakakapag-adjust na si Nelvie sa trabaho niya. Alam niya na ang pasikot-sikot ng kompanya.At mas lalong alam niya na ang takbo ng utak ng kanilang boss.Pansin niya na talagang mainitin at tila parating galit a
11"Sir, your coffee is here na." Nakangiting nilapag ni Nelvie ang tasa ng kape sa gilidnng laptop ni Ivan. Tinignan niya ang boss suot ang pinakamagandang ngiti niya. "Enjoy your coffee, sir. Balik na po ako sa table ko."Sinundan ni Ivan ng tingin si Nelvie. Nitong mga nagdaang araw, pansin niya na 'tila may nagbago sa pakikitungo ng secretary niya sa kaniya. He could feel it and see it. The way she acts in front of him, it changed suddenly. It was like she's being good to him. She acted weird and it made him to questioned it."Pony." Tawag niya rito.Natigilan si Nelvie at muling hinarap ang boss. Suot niya pa rin ang ngiti sa mga labi. At tila nagpapa-cute pa dahil pumipikit-pikit ang mga mata nito.Tumaas ang kilay ni Ivan sa inaakto nito."Are you sick or something?" tanong ni Ivan. "Did you eat something that made you act like that? Are you okay?" He's not worried at her, he's worried for himself."Act what, sir?" Hindi pa rin inaalis ni Nelvie ang ngiti sa mga labi. " What
12'Tanging ang malakas na pagkidlat at pagkulog ang maririnig sa buong opisina ni Ivan. Halos magliwanag ang buong kwarto sa tuwing kikidlat ng malakas at susundan ng malakas na kulog. Wala pa ring ilaw ang buong opisina kaya naman walang nagsisilbing ilaw para gabayan silang dalawa.Mahigpit pa rin ang yakap ni Nelvie kay Ivan na halos bumaon na ang kuko niya sa braso nito. Takot siya. Takot na takot siya. The past she had been trying to engrave a long time ago was all coming back to her. The dark past of her where she used to be the victim of those bully kids in high school.Kagat ang mga labi na tinitiis ni Ivan ang sakit nang pagbaon ng mga kuko ni Nelvie sa kaniya. He could feel how her body trembling like she was afraid of something. Hindi niya ito magawang sigawan o pagsabihan dahil damang dama niya ang takot sa kayakap. So he let her do whatever she wants to ease the fear she was feeling."D-Don't..." Nelvie murmured. She even moved closer to him. Binaon niya ang mukha sa dib
13"ONE WEEK?!" Sigaw ni Nelvie. "Isang buong linggo talaga, sir? As in walang uwian? Buong linggo dire-diretso gano'n?"Pagkapasok na pagkapasok ni Nelvie sa trabaho kina bukas ay iyan ang bumungad sa kaniya. Hindi alam ni Nelvie ang mararamdaman sa sinabi ng boss. Mayroon daw silang a-attend-an na meeting ng buong isang linggo sa Palawan. Ni hindi siya handa at hindi siya nakapagpaalam sa lolo't lola niya. Napamasahe ng sintido si Ivan sa reaction niya. He expected this kind of reaction from. her but he still can't bear her loud voice. Parang sinisira nito ang eardrums ng mga tenga niya sa sobrang lakas. "Kakasabi ko lang, 'di ba?" Iritadong sabi ni Ivan. "Uulitin ko pa ba?""E, sir, kasi naman!" Hindi alam ni Nelvie ang gagawin. Nablanko siya habang iniisip ang sinabi nito. "I'm not prepared. Bakit kasi ngayon mo lang sinabi? And I really need to got with you? As in need na need talaga?""Ano ba kita?" tanong bigla ni Ivan.Natigilan si Nelvie.Napatitig siya kay Ivan. Hindi niya