Share

CHAPTER 2

I was smiling from ear to ear habang naglalakad papunta sa room ni Liah at nakatingin sa suot kong itim na bracelet na bigay ni Vish.

Sobrang saya ko na may halong kilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung may nagbigay sa 'yo ng couple bracelet? Kahit pa na sinabi niya na friendship bracelet lang 'to, kinikilig pa rin ako.

Hinatid lang ako kanina ni Vish sa ospital pagkatapos ay umalis na. Bukas na lang daw niya dadalawin si Liah.

"Ate," napatigil ako sa paglalakad nang biglang may batang tumawag sa akin.

Napalingon ako sa gilid ko.

Nakaupo sa isang wheelchair ang isang batang babae sa may pintuan ng kwarto. Sa tingin ko ay nasa labing dalawa o mahigit na ang edad niya.

Sobrang putla ng balat niya. Nangigitim ang labi at ilalim ng mga mata niya. Sobrang payat rin niya.

Nakasuot siya ng isang asul na pang-pasyenteng roba. Hawak ng isang kamay niya ang IV pole na nakakonekta sa pulsuhan niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Ano 'yon?"

"Pwede ba akong magpasama sa 'yo?" tanong niya. Walang sigla at parang paos ang boses niya.

"Saan?"

"Sa labas. Gusto ko po sanang magpahangin."

Luminga-linga ako sa paligid namin. Pagkatapos ay humarap ulit sa kanya. "Wala bang magagalit? Gabi na. Baka mapagalitan ka ng nurse o ng parents mo. Baka rin mapagbintangan akong kidnapper," nakangiting sabi ko.

Pilit na ngumiti siya sa akin. "Mamayang alas otso pa babalik si mama. 'Yung nurse ko naman, mamayang alas nuwebe pa siya babalik para tingnan ako. Magpapahangin lang po ako saglit. Kahit sampung minuto lang. Pagkatapos babalik agad tayo. Matagal na po kasi 'yong huling beses na nakalanghap ako ng sariwang hangin sa labas."

Tipid akong ngumiti sa kanya.

Naawa ako sa kanya. "Sige," nakita kong malapad siyang napangiti dahil sa sinabi ko. 

Lumapit ako sa kanyang likuran pagkatapos ay humawak sa wheelchair.

Sinilip ko pa ang kwartong kinaroroonan niya. Puno iyon ng maraming machine at wires.

Mahina ko siyang tinulak. Isinarado ko muna ang pinto bago dahan-dahan siyang iginaya palabas. Tulak-tulak niya ang kanyang IV pole.

Dumiritso kami sa garden ng ospital. Malamig ang hangin. Maraming bituin ang nasa kalangitan.

Ipwinesto ko siya sa gilid ng nag-iisang bench.

Kaagad na tumingala ang bata sa kalangitan. Inipatong ko muna sa likuran ng bata ang suot kong jacket para hindi siya malamigan bago ako umupo sa bench.

Ngumiti siya sa akin.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Merry," simpleng sagot niya.

"Ilang buwan ka na dito sa ospital?"

"Isang buwan na lang, mag-iisang taon na po ako rito," malungkot niyang tugon.

"Ano ang sakit mo?"

"May tumor po ako sa utak. Nahihirapan ang mga doctor na pagalingin ako kaya nananatili ako sa lugar na 'to."

Bahagyang kumirot ang dibdib ko.

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. "Ano ang nararamdaman mo?"

"Malungkot po, syempre. Ang hirap tumira rito. Nahihirapan nga po akong gumising araw-araw. Pero pinipilit ko kasi ayokong iwan sina mama at papa. Takot silang mawala ako at ganoon rin naman po ako. May mga araw na nakakalimot ako. Nakakalimutan ko kung sino ako. Nakakalimutan ko kung sino sina mama at papa. Pero palagi silang nandiyan para ipaalala sa'kin kung sino ako at kung sino sila sa buhay ko."

Gusto ko sanang umiyak ngayon pero pinilit kong huwag gawin.

Maswerte siya. May nakukuha siyang suporta mula sa mga magulang niya.

"Ilang taon ka na?"

"Twelve, brthday ko na nga po sa unang araw ng susunod na buwan," saad ni Merry sabay na pilit na ngumiti. Ang bata niya pa para pagdaanan lahat ng 'to. Malungkot ang mga mata niya. "'Yon ang magiging unang birthday ko dito sa ospital."

Inabot ko ang malamig na palad ni Merry. "Alam ko 'yang nararamdaman mo. Ang hirap magkaroon ng ganyang sakit. Pero maswerte ka pa rin. Nandiyan ang pamilya mo, nakikipaglaban kasama mo. Kaya 'wag kang susuko ah?" tumango si Merry. "Huwag kang susuko. Hangga't hindi ka sinusukuan ng mga taong nakapaligid sa'yo, 'wag ka ring susuko. Marami ka pang pagdadaanan. Pero darating ang isang araw, lahat ng 'yon magiging worth it. Bata ka pa. Piliin mo palaging lumaban."

Ngumiti siya sa akin. "Opo, palagi akong lalaban para kay mama at papa," pinagsiklop niya ang mga kamay namin. "Ate, parang masaya ka kausap. Pwede ko bang makuha ang number mo."

Ngumiti ako sa kanya. "May phone ka?"

May kinuha naman si Merry sa bulsa ng kanyang roba. Isang cellphone. Inabot niya 'yon sa'kin.

Tinanggap ko naman sabay na ni-save ang numero ng cellphone ko.

Inabot ko ulit sa kanya ang cellphone. Tiningnan naman niya ang nilagay kong pangalan sa number.

Nakangiting nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Fatima po ang pangalan mo?"

Tumango ako. "Hmm..."

"Ang gandang pangalan."

"Maganda rin naman 'yung sa 'yo, Merry."

"Manatili po muna tayo ng mga ilang minuto bago bumalik sa taas. Ang sarap ng hangin dito," Merry requested.

"Sige, pero kapag nag-seven thirty na, ipapasok na kita."

Malapad na ngumiti sa'kin si Merry. "Ikaw pala, ate, ilang taon ka na?"

"Thirty na 'ko," sagot ko.

"Ano po ang work mo?"

"Cabin crew, isa akong flight attendant."

"Kasama mo rin ba 'yong mga magulang mo?"

Napatitig ako kay Merry. Ilang segundo lang ay pinilit kong ngumiti.

"Hindi ko na sila nakasama for fifteen years na," malungkot kong tugon.

"Bakit? Nasaan na po sila?"

"Nasa italy na sila. Kasama ang kapatid ko."

"Bakit fifteen years? Ang tagal naman po. Bakit kasama nila ang kapatid mo at ikaw hindi?"

Hinaplos-haplos ko ang mabutong palad niya. "Sabihin na lang natin na ayaw sa 'kin ng mga magulang namin," sinusubukan kong 'wag maging emotional.

"May gano'n ba, ate? Mga magulang na ayaw sa anak nila? 'Di ba ang mga magulang, gusto ang mga anak nila? Kaya nga sila nag-anak, 'di ba?"

"Iba sila, hindi sila handa nang mabuo ako. They weren't happy to have me. Nang dahil sa 'kin, naging magulo ang mga buhay nila."

"Eh, 'di ba mayroon naman pong abortion? Kapag hindi gusto ng mga magulang na magkaanak, pinapaabort nila 'yong baby. Bakit hindi ginawa ng parents mo 'yon kung hindi sila handa?" prangka at inosenteng tanong ng bata. Ang dami niyang alam.

"Hindi ko rin alam," tumingala ako sa mabituing kalangitan. "Siguro nga, kung mas pinili nila akong ipa-abort noon, hindi ko mararanasan ang mga ganitong paghihirap," nagbaba ako ng tingin kay Merry. "Pero masaya rin naman ako na mas pinili nila akong buhayin. Nagagawa ko ang mga gusto kong gawin. Nagiging masaya at malaya ako. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng ganoon. Kaya ikaw, magpagaling ka. Para maranasan mong maging malaya mula sa sakit na 'yan at maging masaya. Marami ka pang pwedeng gawin. Marami pang masayang alaala ang bubuuin mo kasama ang mga taong mahal mo."

"Pinapangako ko po 'yan sa 'yo, ate. Magpapagaling ako para sa parents ko," she even raised her right hand, swearing.

Malapad akong napangiti sa ginawa niya.

"Masaya po ba ang trabaho mo?" biglang tanong niya.

"Syempre, ang matupad ko lang ang pangarap kong maging flight attendant, masaya na 'ko. Marami ka ring makakasalamuhang mga tao. Nakakapunta ka sa iba't-ibang naggagandahang mga bansa. Nakakapagtravel ka ng libre. Masaya talaga," I happily explained. "Eh, ikaw? Ano ang pangarap mong propesyon kapag malaki ka na?"

Malapad na ngumiti si Merry. Ang sincere ng ngiti niya kahit halos wala na siyang mga ngipin. "Gusto ko pong maging doctor para magamot ko ang mga batang kagaya ko na may sakit. Gusto ko silang matulungan. Gusto ko silang pagalingin."

"Ngayon pa lang, sigurado na akong magagawa mo 'yan. Ang tapang mong bata. Walang duda, malayo ang mararating mo balang araw."

Bigla akong niyakap ni Merry. Hindi siya nagsalita. Basta niyakap na lang niya ako.

Niyakap ko na rin siya pabalik.

***

Hinatid ko na si Merry sa kwarto niya. Wala pa roon ang mama niya kaya nga medyo na-guilty akong iwan siyang mag-isa sa kwarto niya.

Pero sabi naman niya ayos lang. Sanay naman na daw siya. Kaya umalis na lang ako at dumiritso na sa kwarto ni Liah.

Nadatnan kong mahimbing na natutulog si Liah.

Nabaling ang atensyon ko sa maraming iba't-ibang kulay ng bulaklak na nakahilera sa isang long couch. Mayroon ring mga nakabalot roon na parang regalo.

Lumapit ako roon.

Biglang bumukas ang pinto kaya napabaling ako roon.

Pumasok ang isang nurse. Ngumiti at bahagya itong yumuko nang makita ako. "Good evening, ma'am."

"Good evening din. Uhm....kanino galing ang mga 'to?" tinuro ko ang mga bulaklak at mga regalo.

Tiningnan naman ang mga 'yon ng nurse. "Ah, 'yan po ba. Nang ilipat po namin ang pasyente rito kanina, sunod-sunod na pong dumating ang mga 'yan. Galing daw po sa mga kaibigan at kapamilya ng pasyente."

"Ang bilis naman. Ang dami kaagad nila," mahinang saad ko.

"Oo nga po, ma'am. Isang oras pong sunod-sunod na dumating ang mga 'yan."

Napatingin ulit ako sa mga bulaklak at regalo.

"Eche-check ko po muna ang pasyente," aning nurse. Ngumiti naman ako sabay tango.

Lumapit ako sa mga 'yon at inisa-isang binasa ang mga cards na nasa bawat bulaklak at regalo.

Lahat ng 'yon puro "congratulations" ang nakasulat. Karamihan sa kanila ay mula sa mga katrabaho namin at heads ng airline. Ang iba sa kanila ay galing sa mga kaanak ni Liah.

Sana all na lang.

Ang dami talagang nagmamahal kay Liah. Ang bait ba naman kasi ng babaeng 'to.

Humarap ako sa nurse. Chinecheck nito ang heartbeat ni Liah.

"Nasaan na pala 'yong baby niya?" tanong ko sa nurse.

"Nasa nursing room po, ma'am. Kapag nagising na po ang pasyente, pwede na po niyang makita ang baby niya. Gusto mo po ba siyang makita?"

Tumango ako. "Oo sana."

"Sige po," tinapos muna ng nurse ang pagsusulat. "Sumunod po kayo sa'kin," nauna naman siyang lumabas.

Sumunod ako sa kanya.

Hinatid lang ako ng nurse sa labas ng nursery room at tinuro kung nasaan ang baby ni Liah pagkatapos ay umalis na siya.

Tiningnan ko ang baby ng kaibigan ko mula sa salamin. Hindi ako pwedeng pumasok sa loob.

Sobrang liit niya. Ang cute ng mga paa at kamay niyang naglulumikot. Hindi pa siya natutulog. May nurse na tumitingin at nagbabantay sa maraming babies na nasa loob.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya.

Ang swerte naman ngayon ni Liah. May anak at anghel na siyang palaging makakasama. Minalas man siya sa magulang, swerte naman siya sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Pareho kaming minalas sa pamilya. Pero iba si Liah. Iba ang tadhana niya mula sa 'kin.

Napakavocal kong tao. Sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Wala akong pake kung mao-offend ka man o hindi.

Pero isang bagay lang talaga ang ayaw kong sabihin. 'Yon ay 'yong mga personal and silent battles ko.

Ayoko 'yong sabihin sa iba. Ayokong isipin nila na mahina ako kaya hangga't maari, pinipili kong magmukhang matapang sa harap ng mga tao.

Naiisip nila na wala akong matinding pinagdadaanan dahil sa mga pinapakita ko.

Kaya ang ending, mag-isa akong lumalaban. Ang hirap makipaglaban ng mag-isa pero kinakaya ko.

Napahawak ako sa malapit na pader nang biglang kumirot ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng mariin.

Sobrang sakit. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

Pinilit kong maglakad palayo. Nakakita ako ng malapit na girls bathroom. Kaagad akong pumasok sa loob at dumiritso sa isa sa mga cubicle.

Umupo ako sa nakasaradong toilet bowl at napasabunot sa sarili kong buhok.

Umiikot na ang paningin ko.

Pinilit kong kunin sa bag ko ang gamot ko sabay na basta na lang iyong pinasok sa bibig ko.

Hinihila-hila ko lang ang buhok ko para bawasan ang sakit. Nanatili ako sa loob ng banyo hanggang sa umepekto na ang ininom kong gamot.

Lumipas ang mahigit kalahating oras. Tagaktak na ang pawis sa nuo ko.

Unti-unti ng nawawala ang sakit ng ulo ko at gumagaan na ang pakiramdam ko.

Kumuha ako ng tissue para pahiran ang pawis sa noo at leeg ko.

Makalipas lang ang ilang minuto ay tuluyan na ring umayos ang pakiramdam ko.

Malakas akong bumuntong hininga bago tumayo at lumabas sa cubicle.

Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Buhaghag ang buhok ko at namumutla ang balat ko.

Binuhay ko ang gripo at naghilamos ng mukha.

Kinuha ko ang suklay sa bag ko saka sinuklay ang buhaghag kong buhok.

Biglang nagring ang phone ko kaya kaagad ko 'yong kinuha sa bag ko.

Evrous calling....

I answered his call. "Hey," bungad ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" he asked.

"Okay lang. Bakit ka napatawag?"

"Lumabas na 'yong test result mo mula sa lab. And, you need to come here first thing in the morning tomorrow para malaman mo. You need to know this as soon as possible."

"Can't you just say it over the phone?"

"No, kailangan mong personal na malaman 'to".

Mahina akong bumuntong hininga.

"Hindi ako pwede bukas. May trabaho ako. Hindi ako pwedeng umabsent."

"Hindi ba pwedeng unahin mo muna 'to?"

"Hihingi ako ng leave sa linggo. Sa linggo na lang ako pupunta diyan. Sige na. Pupuntahan ko pa ang kaibigan ko," hindi ko na hinintay na magsalita pa ang nasa kabilang linya at basta na lang pinatay ang tawag.

Pakiramdam ko alam ko na ang sasabihin ni Evrous. Ihahanda ko muna ang sarili ko.

Pakiramdam ko isa na naman 'yong masamang balita.

***

Liah was crying because of happiness as she gently held her son.

Too much adoration is visible in her teary eyes.

She then gently kissed his little forehead and widely smiled.

Biglang pumasok ang isang nurse habang bitbit ang isang clipboard na mayroong papeles. Lumapit ito kay Liah.

"Good morning, ma'am. Kukunin ko lang po ang pangalan ng baby mo. May naisip na po ba kayong pangalan para sa kanya?" the nurse asked.

Tiningnan ako ni Liah. I smiled at her and nodded.

Bumaling ulit ang kaibigan ko sa nurse. "Elton Kiel Mercado. He'll be carrying my surname since his father is deceased and we never get married."

"Noted, ma'am," aning nurse sabay na isinulat ang pangalang sinabi ni Liah. "Pwede na po kayong e-discharge mamayang hapon. Nabayaran na rin po ang bills."

"Maraming salamat," ani Liah. Pagkatapos ay lumabas na ang nurse.

Lumapit ako kay Liah. Hinawakan ko ang sobrang liit at lambot na paa ng baby niya.

"Ang pogi niya. Mana sa 'kin."

"Oo nga," she added. I was slightly shocked dahil nag-agree siya. First time 'to.

"Dapat lang. Hindi pwedeng sa 'yo. Baka biglang lumaki ang batang 'to na marupok at walang character development."

Mabilis na tinampal ni Liah ang kamay ko. "Gaga ka talaga."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang isang lalakeng nakabusiness suit, si Vish.

May dala itong bouquet ng mga pulang bulaklak. Nakangiti itong pumasok sa loob.

Inilapag nito ang dalang bulaklak sa couch kasama ang iba pang mga bulaklak at lumapit kay Liah. Nakipagbeso muna ito sa kaibigan ko bago ito nagbaba ng tingin sa baby.

"Hi there, little one. Welcome to the world," He gently greeted the baby pagkatapos ay hinimas-himas ang ulo nito gamit ang hintuturo. "It's so nice to see him."

Liah and Vish were just smiling from ear to ear to the baby.

"Sa bahay ko na lang kayo tumuloy ngayon para maalagaan kayo ng maayos. Wala kayong ibang makakasama sa condo mo. Pinalinisan ko na rin 'yong kwarto mo para gawing kwarto niyo ng baby mo," Vish told to Liah. 

My eyes landed on Vish's wrist.

I smiled when I saw the bracelet he bought yesterday.

This man is really something else.

Dumako ang tingin ni Vish sa mga nakahilerang bulaklak at regalo. "Ang daming greetings huh,"

"Oo nga eh. How did they know though?"

"I told Luther. At ang chismosong 'yon, pinagkalat agad na nanganak ka na at tatay na 'ko."

Tumawa ang dalawa. "They really thought you're the father."

"That's what I told them. Hindi ko rin naman hahayaang lumaki nang walang daddy ang isang 'to," mahina pang kinurot ni Vish ang maliit na kamay ng baby.

He will be the luckiest baby because of him.

My phone suddenly rang. Napatingin silang dalawa sa 'kin.

I smiled. "Excuse me," kaagad akong lumabas ng kwarto.

Isang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko iyon.

"Hi! Good morning, Miss Robles. This is Dr. Zamora's secretary. Dr. Evrous Muller told us to call you to settle an appointment with Dr. Zamora," bungad ng nasa kabilang linya.

I was confused. "Uhm...who is Dr. Zamora exactly?"

"He's a psychiatrist, ma'am. When do you want to settle an appointment with him?"

That makes sense now.

"Uhm....honestly, I'm not yet ready. Can I just call you when I'm already willing to visit him?"

"Yeah, sure, ma'am. Feel free to call us. This is our official hotline number."

"Thank you," I then ended the call.

I saved the number because honestly, matagal ko ng balak bumisita sa isang psychiatrist. Hindi ko lang talaga magawa dahil hindi pa ako handang ipaalam sa kung sino ang mga nangyari sa 'kin.

Babalik na sana ako sa loob nang mapatigil ako sa paglalakad dahil nasa likuran ko lang si Vish.

Prente siyang nakatayo at nakapamulsa. "Kanina ka pa diyan?"

Umiling si Vish. "Nope, who was that?"

I looked at my phone at nagkibit-balikat. "Just an unknown number," I replied.

"Gusto na nga pala ni Dahliah na umuwi na," saad ng binata.

"Nagmamadali 'ata siya."

"Yeah right. Gusto mo bang sumama sa 'min?"

Nag-isip muna ako saglit. "Bakit hindi?"

He smiled. "Okay, let's get inside."

Pagkatapos ay sabay kaming pumasok sa loob.

***

Tumigil ang kotse ni Vish sa tapat ng isang two-storey mansion. "We're here," anunsyo ng binata.

Lumabas ito ng kotse at inalalayan si Liah na karga-karga ang baby niya.

Lumabas na rin ako ng sasakyan at dinala ang ilang mga gamit ni Liah. Nasa trunk naman ng sasakyan ang mga bulaklak at regalo na binigay kay Liah.

Naunang pumasok ang dalawa sa loob. Sumunod naman ako.

Nakita ko ang dalawang katulong na lumapit sa kotse at binuksan ang trunk para kunin ang laman niyon.

Dumiritso si Vish at si Liah sa hagdanan pataas. Nagpaiwan naman ako sa sala at nilapag sa mahabang couch ang bag na may mga gamit ni Liah.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.

The ambiance of the place screams luxury. From the golden and huge chandelier, to every furniture your eyes will land.

Businessman siya after all kaya mga mamahaling gamit talaga ang mayroon siya.

Dumiritso naman ang dalawang katulong na may dala ng mga bulaklak at regalo ni Liah sa ikalawang palapag ng mansyon.

Lumapit ako sa maliit na salaming mesa sa gitna ng sala. May mga pictures roon. Lahat ng picture nandoon si Vish.

Pero umagaw sa atensyon ko ang isang litrato. Kinuha ko iyon sabay na tiningnan.

It was him and Liah. It's their wedding picture.

Nakatitig lang ako sa masaya nilang litrato. Mukha silang in love na in love sa isa't-isa.

I saw Vish na humahakbang pababa sa hagdan from my peripheral vision. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

He saw me holding the frame.

"You really kept you and Liah's wedding picture?!" I said.

"For proof. May mga visitors ako minsan. Para naman hindi nila isipin na for show lang ang kasal namin," he explained. Umupo siya sa couch.

I remembered that incident during their wedding. "I felt sorry for Kiel. He do really loved Liah. They both love each other. Naexpress lang 'yon ni Kiel sa maling paraan," nilapag ko ang picture at umupo sa couch sa tapat ni Vish.

"Yeah, I guess it was his first time falling in love kaya hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pinalabas rin ng both parents namin na obsessed ang lalakeng 'yon kay Dahliah kaya nanggulo siya sa kasal namin. I also felt sorry for him."

"Bakit naman nila pinalabas na obsessed si Kiel kay Liah? His act was actually an act for love."

"May history si Kiel ng obsession. He was obsessed with Liah's sister before. Kaya ginamit na lang nila ang dahilan na 'yon."

My mouth formed an "o".

"Nagmahal lang naman 'yong tao, pinalabas pa nilang masama. Though, medyo masama naman talaga ang ginawa niya. Pero sana naman gumawa na lang sila ng ibang idadahilan," I said.

"Well, tapos naman na 'yon. He's gone and Dahliah is starting to heal. Let's just be happy for both of them."

"'Di ba hindi naman natuloy ang kasal niyo?! Hindi man lang kayo nakapirma ng marriage contract dahil sa nangyari. Bakit pa kayo nagpapanggap na mag-asawa?"

Nagdikuatro ng upo ang kausap ko. "Ang alam kasi ng lahat, pumirma kami ng kontrata a week after naming ikasal. Kaming dalawa lang ni Dahliah ang nakakaalam na hindi naman talaga kami pumirma. Sinabi na lang rin namin sa lahat na pumirma kami para hindi na kami lalong pag-usapan pa after nang nangyaring gulo."

I nodded.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at tumayo.

"Siya nga pala, mauuna na ako. May pasok pa ako sa trabaho ngayon. Bibisita na lang ako kapag nagkafree time ulit ako mula sa trabaho."

Biglang tumayo si Vish. "Ihahatid na kita sa labas."

Nauna na akong naglakad palabas at sumunod naman si Vish.

Hinatid niya ako hanggang sa labas ng village at hanggang sa nakasakay na ako ng taxi.

Kumaway ako sa kanya. Kumaway naman siya pabalik bago tuluyang umandar ang taxi.

Nagpahatid ako sa condo ko.

***

I was currently on my way to work. Wala pa ako sa airline. Tumigil ang taxi na sinasakyan ko kanina sa tapat ng isang cafe.

Mahigit kalahating oras pa bago ang flight ko ngayon. Kakain muna ako.

Kailangan kong mag-advance ng pagkain para sa dinner dahil baka hindi na naman ako makakain o makaupo man lang mamaya habang nasa flight.

Alas dos na ng hapon.

Dark blue slacks at isang black t-shirts ang suot ko. Nakasuot rin ako ng four-inch heels. T-shirt lang ang papalitan ko mamaya bago magsimula sa trabaho.

Umorder ako ng limang pancake at isang malamig na milkshake.

Nakapwesto ako sa dulo, malayo sa entrance door ng cafe.

Habang kumakain, napatingin ako sa pinto nang biglang nagring ang bell roon, senyales na may bagong pumasok.

Napatigil ako sa pagnguya nang makilala kung sino ang pumasok. Nakakatatlong pancake pa lang ako pero nawalan na kaagad ako ng ganang kumain.

Bahagya rin akong kinabahan.

Sumimsim ako sa milkshake ko sabay na sinundan ng tingin ang babaeng kapapasok lang.

Napakasosyal niyang tingnan. Mukha siyang donya. Balot na balot ang katawan niya ng mga branded na mga damit. Nakasuot pa siya ng itim na gloves, nakasummer hat at nakashades. Pulang-pula rin ang labi niya.

Dumiritso ang babaeng iyon sa counter at kinausap ang cashier.

Mabilis akong tumayo at dumiritso sa banyo. Iniwas ko pa ang mukha ko mula sa babae nang madaanan ko ang pwesto niya.

Dumiritso ako sa isa sa mga cubicle at umupo sa nakasaradong toilet bowl.

Nanatili ako sa pwesto ko nang ilang minuto.

Sa tingin ko naman oorder lang ang babaeng 'yon for take out. Hindi naman siguro siya mananatili sa cafe.

Nang sa tingin ko ay sampung minuto na ang lumipas, lumabas na ako ng cubicle. Pero kaagad rin akong napatigil sa paghakbang nang makita kong prenteng nakatayo malapit sa sink ang babaeng pumasok kanina.

Hinubad nito ang shades nang makita ako. Lalo naman akong kinabahan. Akala ko pa naman nalusutan ko na siya.

"Bakit ka nagtatago diyan? Duwag kang harapin ako? Bakit? Dahil wala kang mukhang maiharap sa akin matapos ang mga kababoyang ginawa mo?" nakataas ang isang kilay niya habang sunod-sunod na nagtanong. Unti-unti rin siyang humakbang palapit sa'kin hanggang sa nasa harapan ko na siya.

Hindi naman ako kumilos. Nanatili lang ako sa pwesto ko.

Taas nuo ko siyang hinarap kahit na gusto ko ng tumakbo palayo mula sa kanya. Parang gusto ko na ring umiyak sa sobrang kaba.

Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, naaalala ko ang mga sandaling hinayaan niya akong maging miserable.

Marami siyang nakita. Marami siyang alam. Pero mas pinipili niyang magmukha akong masama sa harapan ng mga tao at sa harapan niya para lang pagtakpan ang kabaliwan ng taong 'yon

"Ayoko ng gulo," lakas loob kong sambit.

Mabilis na tumama sa pisngi ko ang malakas niyang sampal. "Ang kapal talaga ng mukha mong malandi ka. Ayaw mo ng gulo, huh?!" humarap ako sa kanya. "Matapos ang ginawa mo, ayaw mo ng gulo?! Malandi ka!" mabilis niyang hinawakan ang buhok ko at hinila-hila. "Malandi ka! Nakakadiri kang babae ka!"

Napahawak na ako sa mga braso ng babae sabay na pilit iyong nilalayo sa buhok ko. Pero malakas siya.

Napasigaw na ako sa sakit. "Tita! Tama na!" sigaw ko sa kanya. Dumidiin ang mga kuko niya sa balat ko.

"Sinira mo ang buhay namin ni Arturo. Sinira mo kami dahil malandi kang higad ka!!" galit na galit ang boses ni tita.

Hangga't maaari, ayokong saktan siya pabalik. Pero hindi ko siya pwedeng hayaan na ganituhin ako.

Ibinaon ko ang matatas kong kuko sa balat niya pagkatapos ay sinagutan siya. Sa tuwing dumidiin ang pagkakahawak niya sa buhok, dumidiin rin ang pagkakabaon ng kuko sa balat niya.

Pakiramdam ko nga marami na siyang sugat ngayon sa magkabila niyang kamay.

Ang lalakas ng mga sigaw niya.

Narinig ko ang pag-awat ng dalawang babae na kakapasok lang sa banyo kay tita. Naririnig ko ang pagsigaw nila ng "tama na" sa kanya. Pilit nilang nilalayo sa 'kin si tita.

Pero ayaw niya akong bitawan. Lalo pa niyang nilakasan ang paghila sa buhok. Pakiramdam ko nga makakalbo na ako sa ginagawa niya.

Nakita ko ang pagpasok ng isang guwardiya at malakas niyang inilayo mula sa akin si tita. Kaagad rin akong hinila palayo ng dalawang babae mula kay tita.

Umaamba pang sisipain ako ni tita pero hindi na niya ako maabot. At malakas na siyang hinila ng guwardiya palabas ng banyo.

"Ayos ka lang?" tanong ng isang babaeng humila sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

"Salamat," usal ko at inayos ang pagkakabuhaghag ng buhok ko.

Pinahiran ko ang luhang mabilis na kumawala sa pisngi ko at lumapit sa salamin para tingnan ang sarili ko.

Bigla akong naging miserable tingnan. Inabot sa akin ng isang babae na kasama ko sa banyo ang isang suklay. Pilit naman akong ngumiti sa kanya sabay na tinanggap iyon.

Napatingin ako sa mga kuko ko. Ang iba sa kanila ay may nakadikit na dugo. Hinugasan ko naman muna ang kamay ko bago nagsuklay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status