"Saan ang punta ninyo?" tanong ko sa lalaking bakla na tagaluto. Kasama niya ang tatlo pa niyang kasamahan na pawang mga katulong sa mansyon. Nakasalubong ko ang mga ito sa hallway na bihis na bihis. Ang kanilang mga kasootan ay parang dadalo ng isang party, na tila nagpabongahan sa kanilang summer outfit."Rest day namin ngayon, kaya pinayagan kami ni Madam Amalia na mag beach!" Ang maarting sagot nito. Itinaas ang kamay sabay kembot ng bewang."Ahh, nakakatuwa naman.. enjoy kayo ah!""Salamat.. alis na kami.." sagot niya. Hindi na nagsalita ang mga kasama niya pero nginitian nila ako.Bumalik ako sa aking kwarto upang magpahinga. Para akong nilalagnat, uminom ako ng gamot saka natulog kahit ang oras ay nasa tanghaling tapat.Nang magising ako, ang oras ay nasa alas dos na ng hapon. Nagiisip ako kung ano ang aking gagawin. Lumabas ako ng kwarto, naisip ko magpunta sa sala, ngunit ayaw ko makita ang pagmumukha ni Oliver kaya nagpunta na lamang ako sa kusina at naisipan na doon nalang
Nagtataka ako habang naglalakad sa paligid ng mansyon. May pagbabago dito at tila kakaunti lang ang tao ngayong umaga.Hindi pa ako nakatulog buong gabi matapos naming kumain ni Ginang Amalia ng maraming cookies na niluto namin sa kusina, hinihintay ko lang na sumisikat ang araw. Kakaiba ngayon, ang tahimik hindi ko ito nagustuhan kahit kaunti. Nagpunta ako sa isa sa maraming mga guest room, tumingin sa paligid para sa anumang palatandaan o kung sino ang andoon ngunit wala.Kahit si Oliver ay hindi nakakumbinsi na makita ako sa kanyang paningin. Gumagala ako patungo sa roof top ng mansyon, umaasang makakabuti sa akin ang sariwang hangin. Tumayo ako sa malawak na balkonahe, nakatingin sa lupa, at walang nakikitang mga bantay. Seryoso akong nag-aalala ngayon."Tingnan mo nga naman, kung ano ang kinaladkad ng pusa dito," lumingon ako at nakita ko si Alexa na nakasandal sa isa sa maraming upuan sa labas na naka-bikini. Kumakaway pa ito ng may pagkumpas."I'd invite you to tan with me per
The "EXTRASS CASINO" (POV-1) Hunyo 16, 2018Lumabas siya sa kanyang kotse na tila may malalim na iniisip. Decided na siyang pasokin ang loob ng building ng casino na nakatayo sa kanyang harapan.Sa kanyang pagpasok, unang sumalubong sa ang isang babae na pang model ang posture. Matangkad, matangos ang ilong, type niya ang pagka-petite niya at masasabi niya na isa siyang perfect Filipina beauty."Hi Sir... welcome to EXTRASS Casino, may gusto ba kayong iinumin? or anything?" Ang tanong niya sa malambing na boses. Nakakaakit ang mga ngitian niya na talagang malakas magpakabig ng dibdib ng mga customer na pumapasok sa naturang casino."Kung sasabihin kong ikaw ang gusto ko, pagbibigyan mo ba ako?" "Sure, kung iyan ang ikapanalo mo.." Ang sagot niya"I didn't expect na matalino ka din pala, What's your name?" "Nicole,""Oh, Hi Nicole, nice meeting you." ang sabi ng bagong dating na gusto ng makaalis mula sa harapan niya, obviously napapansin din naman niya. "Ok, if you need somethin
Nakatulog ako pero gising ang diwa ko. Nakapikit na pinapakiramdaman ang paligid. Kahit huni ng ibon mula sa bintana ay wala akong naririnig. Nakahiga ako sa aking kama nang maraming oras, habang ang aking isip ay tumatakbo sa hindi malaman ang dahilan. Napabuntong-hininga ako, gumulong ako sa aking higaan at lumabas ng kwarto. Determinado na akong hanapin si Ginang Amalia. Sigurado akong gising na siya ngayon na malapit nang lumubog ang araw. Sa katunayan, hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kunting pag-aalala para kay Oliver. Ne-hindi ko nga alam kung gaano siya katagal mawawala sa mansyon. Kahit na sariwa pa ang mga sugat na natamo ko sa pambu-bogbog niya sa akin. Ang aking tiyan ay pumipihit at kumukulo sa paraang hindi ko gusto. Ang masama pa, naninikip ang dibdib ko. Kinakailangan kong makahanap ng mapagkaabalahan para mabago ang mood ko. Pagkatok ko sa pinto ni Ginang Amalia, narinig ko ang mahinang sabi "Come in," bago ko itinulak ang pinto. Ang matandang Ginang ay nasa
"What happened?" boses ni Ginang Amalia sa aking likuran. Binitawan ko ang kurtina at mabilis akong bumalik kay Ginang Amalia na kasalukuyang nakaupo pa sa kanyang kama, batid ko na narinig niya ang sinabi ko kaya kinakabahan na rin ito. Kinuha ko ang kanyang laptop at isinara ito habang naririnig ko ang putok ng baril. Tumingin ako kay Ginang Amalia. Nanlaki ang mata niya sa takot. "Mrs. Amalia, put your laptop in the drawer." utos ko sa kanya at agarang kumilos ang Ginang. Mabilis akong nagpadulas sa kama at mabilis ko rin inayos ang mga unan at bed sheet, ayon sa formal na lagayan nito. Nang makalapag na ang mga paa ko sa sahig, napahawak si Ginang Amalia sa braso ko, na tila ayaw akong paalisin at magtago na lamang. Ngunit, kinailangan naming magmadali upang makalabas ng mansyon. Paraan ko iyon para kung sakali may makapasok, ay hindi agad mapapansin na andon kami sa loob ng kwarto na iyon. Naisip ko si Alexa, pero wala akong ideya kung nasaan siya. Alam ko na kaya niya alag
"Wait, Oliver has a Pneumatic air gun; I know that it was placed here."Ang sabi ni Aling Amalia habang kinakanapa ang ding ding malapit sa hagdan. Natuwa ako sa aking narinig. Ang Pneumatic air gun ay may napakahinang tunog kapag ipinuputok."I will look for it. you watch out here."Sabi ko sa kanya, at ibinigay ang hawak kong baril sa kanya para boluntaryong hanapin ang sulok gamit ang aking kamay.Sa aking pagkapa ay naramdaman kong pumasok na lang bigla ang isa kong daliri sa isang butas, doon ko na napag alaman na may kakaiba dito "Napakatalino naman ni Oliver para sa ganitong bagay" bulong ko sa sarili na talagang napahanga ako."Did you see it? Let me help you." boses ni Ginang Amalia sa aking likod, habang pinagpawisan na ako ng malamig na nagpatuloy sa ginagawa.Maya maya pa ay naramdam ko na ang malamig na plastik sa ilalim nito, ngunit hindi ko sinasadyang may mapindot ako. May isang tunog na nag "click" at biglang nagbukas ang isang ilaw na naging transaparent dahil sa puti
Ang kamatayan ay hindi bago sa akin. Nakita ko ito sa mga taong napatay ko, Minsan ay naranasan ko na ito, pero hindi ako natuluyan, dahil tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay may maliwanag na ilaw akong nakikita, tila hindi ko pa oras. Ang naging sanhi nito kung minsan, ay nakontrol ko, sapagkat may panahon na pagod na pagod na ako sa pagluluksa, hindi sa sarili ko kung hindi sa mga taong napalapit na sa akin. Sa isip ko, mabuti pa sila malaya na namumuhay sa mundo at masaya, samatalang ako nananatiling nakakulong sa dilim. Kaya sinasabi ko nalang sa aking sarili na balang araw, malalagpasan ko rin ito, hindi man ngayon, baka bukas. "Broogg." Parang bunga na nasa taas ng puno, nahulog ako sa lupa. Ang bigat ng katawan ko kaya sumuko ako sa aking akmang pagtayo. Humihinga na parang patay, hanggang sa may matulis na bagay na parang tumutusok sa aking lalamunan, hinihila nito ang tumitibok kong puso kaya naisuka ko ang sarili kong dugo. "uh! uh!uh!" Dugo at pawis ay pumapat
"Stop, kailangan nating siyang mahuli ng buhay," ang boses na naririnig ko mula sa isa sa kanila. Interesado silang makuha ako? pero sino naman kaya ang leader ng mga ito para utusan silang kuhanin ako. "Wait for my signal," ang sunod na sinabi. Ito na ang senyales na kailangan ko na rin kumilos. Marahan kong itinaas ang aking ulo para tingnan ang sitwasyon sa labas, sabay higpit ng hawak sa manibela. Lumapit ang mga lalaki at nang malapit na sila, binuksan ko ang mga ilaw nang buong lakas at marahas na ibinaba ang aking paa sa gas. Napailing ako sa aking kinauupuan, nasagasaan ko ang mga patay na katawan na kanina pa nakahandusay sa lupa. "Shit, hindi nalang sana kayo sumali sa madugong trabaho na to.." I said with mix emotions, naaawa ako para sa mga pamilyang naiwan nila, sapagkat nakikita ko na ang babata pa nila. Hindi katulad sa mga taohan ng Monro Family na nasa tamang edad at mga well-trained na mga taohan. Huminto ako at pinihit ang gear, umandar ang sasakyan ng patalikod