Share

Chapter 04

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-04-03 14:36:23

“KIA, pwede ka namang magpahinga kung napapagod ka sa trabaho, hindi iyong kung anu-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo para gawing excuse. Una, sinisiraan mo sina Gerald at Vivian na may lihim na relasyon. At ngayon naman, sinasabi mo na kasal ka na. Kia, nasa normal ka pa bang pag-iisip?” sambit ng kanyang ina.

“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na ipasa mo na kay Vivian ang pagiging COO ng kompanya, dahil mabigat na responsibilidad talaga ang pagiging CEO at COO. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh! Kayang-kaya naman iyan ni Vivian! Hindi ko nga alam kung bakit parang wala kang tiwala sa pinsan mo,” sabat ng kanyang ama.

“Dad, Mom, wala ito sa kung napapagod ako. Totoo ang sinasabi ko, kasal na ako,” sagot niya sa mga ito.

“Kung gano’n, kaninong pipitsuging lalaki ka naman nagpakasal, ha? Nagpakasal ka ng wala man lang basbas at pahintulot namin? Wala kang respeto!” sigaw ng kanyang ina.

“Dahil sa ginawa mong ‘yan, Kia, pinatunayan mo lang sa ‘min na isa kang suwail na anak! Kaya siguro pinagbibintangan mo sina Gerald at Vivian dahil ikaw naman talaga itong nagloloko, para maging malaya ka sa mga kalokohan mo!” matigas at madiin na sambit ng kanyang ama.

Hindi na lang siya nag-atubili pang sumagot o umimik man lang. Umalis na lang siya sa harapan ng kanyang ama ’t ina para sa katahimikan. Patuloy naman na inaalo ng kanyang ama ang mommy niya dahil umiiyak na ito. Tumalikod siya at tuluyan nang lumabas ng bahay nang makasalubong niya si Vivian.

“Oh, hi pinsan! Tama ba iyong narinig ko, kinasal ka na? Congrats! Hindi na kami mahihirapan ni Gerald na itago ang relasyon namin, dahil sooner or later, lalantad na rin kami,” mapanginsulto nitong sambit, kasabay ng mapang-asar na ngisi.

Sa halip na patulan, nilagpasan na lang niya ito. Wala siya sa mood para makipagdiskusyon o makipag-away. Sumakay siya sa sasakyan at dumiretso sa kompanya. Kailangan niyang magpakita roon dahil matagal siyang nawala.

Ngunit pagpasok niya sa kanyang opisina, nadatnan niya roon si Gerald na prenteng nakaupo mismo sa kanyang upuan. Agad itong tumayo at lumapit pagkakita sa kanya, niyakap din siya nito.

“Babe! Salamat naman at bumalik ka na! Alam mo bang nag-alala ako sa ‘yo? Akala ko hindi mo na ‘ko babalikan, akala ko tuluyan mo na ‘kong iiwan,” sambit ng lalaki habang nakayakap sa kanya.

Agad niyang hiniklas ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang katawan. Nandidiri siya rito.

“Ang kapal naman ng mukha mo para isiping nagbalik ako rito para sa ‘yo! Bumalik ako rito walang iba kundi para lang sa kompanya!” sarkastikong sambit niya.

“Babe, patawarin mo na ‘ko. Nagawa ko lang naman iyon dahil hindi mo maibigay ang mga pangangailangan ko bilang isang lalaki. At si Vivian, naibibigay niya ‘yun sa ‘kin lahat!”

Natawa siya nang mapakla sa sinabi nito. “So kasalanan ko pa pala kung bakit ka nagloko? Hindi ba pwedeng hindi ka lang talaga nakontento at nakapaghintay? Masyado ka kasing nagmamadali! Kung talagang mahal mo ako, magtitiis ka!”

“Babe, please. Ikaw pa rin ang mahal ko. Parausan ko lang si Vivian tuwing nakakaramdam ako, iyon lang. Walang halong pagmamahal ang nangyayari sa ‘min. Purong p********k lang.”

Isang malakas na mag-asawang sampal ang ibinigay niya sa lalaki matapos marinig ang sinabi nito. Hindi dahil binabastos nito si Vivian, kundi dahil sa katotohanang harap-harapan siyang inuuto nito at pinapaniwala.

“Lumabas ka rito sa opisina ko, Gerald! Umalis ka sa harapan ko!” sigaw niya sabay turo sa pinto. Wala itong nagawa kundi ang tumalima. Lulugo-lugo itong lumabas.

Dahil sa nangyari, maghapon siyang wala sa mood. Halos wala rin siyang nagawang trabaho sa buong araw. Kaya alas tres pa lang, nagligpit na siya ng mga gamit para umuwi na. Pagdating niya sa parking area, nagulat siya dahil naroroon si Gerald, nakasandal pa ito sa sasakyan niya.

“Umalis ka riyan!” marahas na utos niya sa lalaki.

Nahintakutan siya nang bigla na lang itong lumapit sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa braso. Bakas ang galit at pagkaseryoso sa mukha nito.

“Sabihin mo sa ‘kin ang totoo, Kia. Totoo ba ang sinabi ni Vivian na kasal ka na? Paano nangyari iyon, eh ako lang naman ang lalaki sa buhay mo! Maliban na lang kung may lalaki ka rin habang tayo pa!”

“Oo, totoo iyon! Ano, masakit ang ipagpalit, ‘di ba? Pero swerte ka pa rin dahil hindi mo harap-harapang nasaksihan ang pagpapakasal ko sa iba, hindi tulad sa ‘kin na harap-harapan ko kayong nakita ni Vivian sa panloloko sa ‘kin!

“Kaya gumaganti ka?”

“Wala akong panahon para makipagtalo sa ‘yo, Gerald! Kaya bitiwan mo na ‘ko at uuwi na ‘ko!”

“Itong tatandaan mo, Saskia. Hindi ka pwedeng mapunta sa iba, akin ka lang! Kaya pasensiyahan tayo, kailangan ko ‘tong gawin para mailayo kita sa lalaking pinakasakalan mo!” nagulat siya nang bigla siyang buhatin nito.

Sinubukan niyang sumigaw, ngunit tinakpan ng malaking kamay nito ang kanyang bibig. Pilit siyang ipinapasok sa sasakyan nito. Magkatabi lang ang sasakyan nila sa parking area.

Kinakain na ng takot at kaba ang kanyang buong sistema sa posibleng pwedeng gawin sa kanya ng binata. May kadiliman pa naman sa kinaroroonan nila, at wala pang ibang taong dumarating maliban sa kanilang dalawa.

Nakasilip siya ng kaunting pag-asa nang mawalan ito ng balanse. Bigla siyang nabitiwan nito dahil sa pagpipilit niyang makawala. Bumwelo agad siya at isang malakas na sipa ang pinakawalan niya sa maselang bahagi ng katawan nito.

Napaluhod ito at namilipit sa sakit. Iyon ang sinamantala niya, mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan niya. Pagkatapos ay mabilis niyang pinasibad palabas. Nagulat pa nga ang gwardya sa ginawa niya.

Pagdating sa bahay, agad siyang nagsumbong sa mga magulang.

“Dad, Mom, si Gerald, binalak niyang kidnappin ako kanina, mabuti na lang at nakatakas ako!” pagbabalita niya sa dalawa habang prenteng nakaupo at nanonood ng TV. Bakas pa rin sa tinig niya ang takot.

“Sa tingin mo ba, ikakagalit namin ‘yang balita mo, ha? Baka nga ikatuwa pa namin ng daddy mo ‘yan! At saka, hindi magagawa ni Gerald iyan, mabuting tao iyon. Kung ano man ang gawin niya sa ‘yo, ipapaubaya ka pa namin doon, kasi nasa mabuti kang mga kamay,” sagot ng mommy niya.

“Mom! Muntik na ‘kong mapahamak sa mga kamay niya kanina, pero parang wala kayong pakialam sa ‘kin!” napasigaw na siya sa labis na frustration dahil sa pambabaliwala ng mga ito sa damdamin niya.

Napatayo naman ang kanyang ama at dinuro-duro siya.

“Huwag mo kaming masigaw-sigawan, Saskia! Umalis ka sa harapan namin habang nakakapagtimpi pa ‘ko sa ‘yo! Dahil diyan sa ginawa mo, tatanggalin na kita sa kompanya! Bahala ka na sa buhay mo, total, matigas naman ang ulo mo! Nandiyan naman si Vivian at si Gerald para pumalit sa posiyon mo!”

“Kung iyan ang desisyon ninyo, wala na ‘kong magagawa. Pero itong tatandaan ninyo, ako ang anak ninyo rito, hindi si Vivian, o si Gerald,” huling sambit niya bago tumalikod at pumasok sa kanyang silid.

Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ni Vivian matapos marinig ang pagtatalo ng pamilya habang nakasilip at matamang nakikinig mula sa loob ng kanyang silid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nelly Cañezares Recaña
haha nakakatawa nagbibigay ng bodyguard tapos wala namang nakatulong,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 228 (Final Chapter/ The End)

    “M-MARIE? P-paano kang nakapasok dito? At ano ang ginagawa mo rito?” nakanunot noo niyang tanong sa dating kaklaseng itinuring niyang matalik na kaibigan, pero ipinagpalit lang nito ang tiwala niyang ibinigay dahil sa perang inialok dito ni Vivian, kapalit ng pag-kidnap sa kanya.“Ah, si Gerald, siya ang nagpapasok sa ‘kin dito. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag muna bago mo ako itaboy…” nakayuko nitong sambit.“Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran sa ‘yo, dahil nagawa kitang traydurin noon. Pero ang desisyon kong iyon ang nagpanatili sa pamilya ko na mabuhay hanggang ngayon. Sinadya akong puntahan doon ni Vivian para gawing kasabwat sa plano niyang pag-kidnap sa ‘yo. At kapag tumutol ako, buhay ng pamilya kong inosente ang mawawala. Alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko sa isiping ikaw naman ang napahamak sa pagpayag ko sa kagustuhan niya?” nanunubig ang mga matang sambit nito.“Naiipit ako between you at sa pamilya ko, dahil pareho k

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 227

    “M-MOMMY, so-sobra a-ako n-natakot sa k-kanya…” pautal-utal at humihikbing sumbong sa kanya ng anak na ngayon ay wala ng busal sa bibig at wala na rin ang mga tali sa kamay. Mugtong-mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.“Sssh! Tahan na, Baby. Hindi ka na niya makukuha o kahit ang masaktan pa…” sambit niya rito sabay haplos sa likod nito.“Kayo na ang bahala sa babaeng iyan!” dinig niyang sambit ni Weston sa mga pulis na kasalukuyang nakahawak nay Vivian habang inaalalayan itong makapasok sa police mobile.“Yes, Sir!” dinig naman niyang sagot ng mga ito.Siya namang pagdating nina Jedrick at Gerald, mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila para kumustahin ang kalagayan nila.“Sas, okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo ni Vivian?” sunud-sunod na tanong sa kanila ni Jedrick.“Si little Bro, bakit miserable ang hitsura niyan? Sinaktan ba ‘yan ni Vivian?” nag-aalalang sambit ni Gerald nang makita ang kalagayan ni Wesley.“Maraming salamat sa tulong ninyo, kuya Jed, Gerald.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 226

    “KAHIT KAILAN talaga, ang tanga-tanga mo, my dear, Sissy…” nakangising sagot sa kanya ni Vivian.“Nagawa nga kitang traydurin noon, ‘di ba? So bakit hindi ko kayang gawin iyon sa anak mo ngayon? Common sense naman, Sissy! Naturingan kang matalino at CEO ng MS Wine Haven, pero simpleng mga galawan ko lang hindi mo pa makabisado, hay naku…” dugtong pa nito.“Dahil umaasa ako na baka nagbago ka na lalo na at halos ilang taon din tayong hindi nagkita! Pero nagkamali ako! Hindi nga pala marunong magsisi ang mga alagad ng diyablo!”Dahil sa sinabi niya ay napikon si Vivian. Mabilis nitong itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Pero hindi siya nagpakita ni katiting na pagkatakot.“Sige, iputok mo! Bakit, kapag ba napatay mo ba ako, magiging masaya ba ang magiging buhay mo sa hinaharap? Para sabihin ko sa ‘yo, ang kulungan na ang magiging panghabambuhay mong kanlungan! At baka nga, doon ka pa makakuha ng katapat! Baka roon din matapos ang buhay mo!”“Huwag mong sinasabi sa ‘kin ‘yan dahil

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 225

    PAGKAHINTONG-PAGKAHINTO ng sasakyan na kinalululanan nila ni Weston ay walang sinayang na sandali si Saskia. Mabilis siyang bumaba mula roon, ganoon din si Weston.Halos gusto na niyang lusubin si Vivian at pagsasabunutan ito, dahil tuwid itong nakatayo at may nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Weston. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kanilang anak.Alam naman niyang hindi naman ito magtatagumpay sa plano nitong makuha si Weston o ang mapahamak ang kahit na sino sa kanila, dahil bago sila pumunta sa ipinadala nitong address kung saan sila ngayon naroroon, ay nakapaghanda na sila.Pero naninigurado pa rin siya dahil hindi niya kayang basahin ang takbo ng utak ng baliw niyang pinsan, at baka hindi pa umayon sa oras ang takbo ng kanilang mga plano sa pagdakip dito kapag nagpadalos-dalos siya at nagpadala sa emosyon.Bago pa man sila nagpunta roon, ay nakapagtimbre na si Weston sa mga pulis. Nakasunod at nakabantay na

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 224

    NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 223

    “HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status