Share

Chapter 03

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-04-03 14:35:28

NAIINIS si Saskia sa kanyang sarili dahil hindi niya mapigilang nerbyusin at mautal kapag nasa harapan siya ng binata. Nahihinuha naman niya na posibleng gumawa ito ng kontrata, ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na magulat.

Todo ensayo pa siya bago umalis kung paano aaktong normal kapag magkaharap na sila, pero ang lintik niyang puso ay ayaw makisama. Medyo may kakapalan ang kontratang binabasa niya at napakarami ring nakasulat, kaya nilaktawan na lang niya ang iba at binuklat ang pahina nito sa pinakadulong bahagi, at pinirmahan.

Napaigtad pa siya nang biglang magsalita ang binata.

“Delikado ang basta na lang nagpipirma ng hindi binabasa lahat ng nakasaad,” sambit nito sa seryosong tinig.

“Isa lang din naman ang patutunguhan natin, ang magpakasal. Wala ka naman sigurong inilagay dito na ikapapahamak ko, ‘di ba?” pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi siya pumiyok.

Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. “Wala akong ibang gusto kundi ang maging akin ka, Saskia. Wala akong intensyon na ilagay ka sa alanganin, itanim mo ‘yan sa isip mo,” nanunuot sa kanyang buto ang mga katagang binibitiwan nito.

Wala siyang maapuhap na salita upang sagutin ang binata. Ramdam niya sa bawat binibitiwan nitong mga salita ang malakas nitong personalidad. Pero wala sa isip niya ang umatras sa kasal na alok nito, dahil mismong ang puso at isipan niya ang nagtutulak sa kanya.

“Bukas na bukas din ay magpapakasal na tayo, kaya ihanda mo na ang iyong sarili. Ako na ang bahala sa lahat-lahat. Magpapadala na lang ako ng tao sa tinutuluyan mo para mag-asikaso sa ‘yo,” pukaw nito sa pananahimik niya.

“Bukas? Parang ang bilis naman yata, Mr. Del Flores!” gulat na tugon niya.

“From now on, tatawagin mo na ‘ko sa pangalan ko. Kailangan mong sanayin ang sarili mo dahil bukas, magiging ganap na Del Flores ka na rin, magiging asawa na kita.”

“Si-sige,” mahinang sagot niya.

***

Kinabukasan, madaling araw pa lang ay inaayusan na si Saskia ng make-up artist na ipinadala ni Weston sa mismong tinutuluyan niya. Nakaupo siya ngayon, paharap sa salamin, habang inaayusan, suot ang simpleng puting wedding gown na ipinadala rin ng binata.

Halos isang linggo rin niyang pinag-isipan ang alok nito, pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang siya nito kadaling nakumbinsi. Inaamin niyang matagal na siyang may pagtatangi rito, kahit na hindi pa niya ito nakikita nang personal.

Kaya naman, sasamantalahin na niya ang pagkakataon, dahil ito na rin mismo ang kusang lumapit sa kanya.

“Ma’am, tapos na po. Ang ganda-ganda ninyo sa ayos ninyo,” magalang na pukaw sa kanya ng babaeng nag-aayos.

“Salamat,” nahihiyang tugon niya.

Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Tama nga ang babae, ang ganda niya sa ayos niya. Kahit siya, hindi niya nakilala ang sarili.

Tatlong magkakasunod na katok ang umagaw sa kanilang atensyon. Binuksan naman ng make-up artist ang pinto. Isang matangkad na lalaking naka-suit ang napagbuksan nito.

“Good morning, Ma’am Saskia. Pinapasundo ka na po ni Sir Weston. Naroon na siya sa tabing-dagat at ang magkakasal na judge sa inyo,” magalang na sambit nito sa kanya.

Beach wedding ang napagkasunduan nila ng binata para sa tema ng kanilang kasal, at doon mismo iyon sa resort na kinaroroonan nila. Mga ilang lakad lang naman ang ginugol nila bago nakarating sa tabing-dagat na pagdarausan.

Nagulat pa siya dahil mukhang inimbita ng binata ang mga tao sa resort, dahil marami ang nadatnan nilang tao.

Nang magawi ang paningin niya kay Weston, para na naman siyang nahipnotismo sa kagwapuhan nito. Bagay na bagay dito ang suot nitong black suit. Nilapitan siya nito at inalalayan papunta sa tabi nito.

Habang ginaganap ang seremonya ng kanilang kasal, hindi siya mapakali. Pumapasok at lumalabas lang sa kanyang tainga ang bawat sinasabi ng judge. Bumalik lang siya sa sarili nang sabihin ng judge na “You may now kiss the bride.” Nataranta siya at biglang nanghina.

Ngayon lang kasi siya mahahalikan ng isang lalaki. Dahil kahit na limang taon na silang magkasintahan ni Gerald, ni minsan ay hindi siya nagpahalik sa labi, kundi sa pisngi lang. Napapikit na lang siya nang dahan-dahang lumapit ang labi ng binata sa mga labi niya, hanggang sa maramdaman niya ang pagdampi nito.

Ganoon pala ang pakiramdam, malambot, masarap, matamis, at para siyang nasa alapaap. Nagmulat lang siya ng mga mata nang maramdaman niyang itinigil na nito ang paghalik.

“I love you, Saskia,” bulong sa kanya ni Weston, ngunit para lang siyang tuod at hindi man lang magawang sumagot. Hindi kasi siya makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari.

“Ihahatid na muna kita sa tinutuluyan mo, para bigyan ka ng sapat na panahon para sa sarili mo,” dugtong pa nito.

“Salamat, We-Weston. Pero parang gusto ko kasi munang umuwi ngayon para ipaalam sa pamilya ko ang tungkol sa pagpapakasal natin. Kahit kasi paano, magulang ko pa rin sila. Pero wala naman silang magagawa kung hindi sila sasang-ayon dahil kasal na tayo,” paliwanag niya.

“Sure! Uuwi rin ako ngayon. Pero pasasamahan kita ng isa sa mga bodyguards ko, ha? Hindi ka na pwedeng lumakad mag-isa.”

Tinanguan na lang niya ito. Pagkatapos, inihatid siya nito sa tinutuluyan niya at iniwan nilang nagkakasiyahan at kumakain ang mga taong saksi sa kanilang kasal.

Agad-agad siyang nag-impake upang bumiyahe pauwi. Binubundol ng matinding kaba at takot ang kanyang dibdib habang nagmamaneho, iniisip kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga ito na nagpakasal na siya.

Nakasunod naman sa kanya ang isang itim na sasakyan kung saan naroroon ang bodyguard ni Weston, na siyang inatasan nitong bantayan siya. Pagdating sa harap ng kanilang ng bahay, hindi niya ipinasok ang sasakyan sa loob ng bakuran, ipinarada muna niya ito sa harapan ng gate at saka siya bumaba at pumasok.

“Saan ka nanggaling?! Bakit ngayon ka lang?! Gawain ba ‘yan ng isang matinong babae at propesyonal?” sambit ng kanyang ama nang pumasok siya sa sala ng kanilang bahay.

Dumadagundong sa bawat sulok ng bahay ang malakas at maawtoridad na tinig nito. Napalunok siya nang sunod-sunod. Maya-maya, sumulpot ang kanyang ina mula sa kanyang likuran, mukhang galing sa labas, at tumabi ito sa kanyang ama.

“May balak ka pa palang umuwi pagkatapos mong mawala ng halos mahigit isang linggo?!!! Ang mga taong pinagbibintangan mong masama, sila ang nag-aasikaso sa kompanya nang lumayas ka!” singhal sa kanya ng ina.

Kung ibang magulang siguro, mag-aalala kaysa magalit sa halos isang linggo niyang pagkawala, pero ang kanyang mga magulang, mas nangingibabaw ang galit kaysa pag-aalala. Kinakain man ng takot at kaba ang kanyang buong pagkatao, nagpasya na siyang sabihin sa mga magulang ang kanyang sadya.

“Dad, Mom, ka-kasal na po ako. Ikinasal na ako,” sa wakas ay naisatinig niya ang mga katagang iyon, kahit na parang may malaking bagay na nakabara sa kanyang lalamunan.

“What?!!!” sabay na sigaw ng kanyang ama at ina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 228 (Final Chapter/ The End)

    “M-MARIE? P-paano kang nakapasok dito? At ano ang ginagawa mo rito?” nakanunot noo niyang tanong sa dating kaklaseng itinuring niyang matalik na kaibigan, pero ipinagpalit lang nito ang tiwala niyang ibinigay dahil sa perang inialok dito ni Vivian, kapalit ng pag-kidnap sa kanya.“Ah, si Gerald, siya ang nagpapasok sa ‘kin dito. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag muna bago mo ako itaboy…” nakayuko nitong sambit.“Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran sa ‘yo, dahil nagawa kitang traydurin noon. Pero ang desisyon kong iyon ang nagpanatili sa pamilya ko na mabuhay hanggang ngayon. Sinadya akong puntahan doon ni Vivian para gawing kasabwat sa plano niyang pag-kidnap sa ‘yo. At kapag tumutol ako, buhay ng pamilya kong inosente ang mawawala. Alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko sa isiping ikaw naman ang napahamak sa pagpayag ko sa kagustuhan niya?” nanunubig ang mga matang sambit nito.“Naiipit ako between you at sa pamilya ko, dahil pareho k

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 227

    “M-MOMMY, so-sobra a-ako n-natakot sa k-kanya…” pautal-utal at humihikbing sumbong sa kanya ng anak na ngayon ay wala ng busal sa bibig at wala na rin ang mga tali sa kamay. Mugtong-mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.“Sssh! Tahan na, Baby. Hindi ka na niya makukuha o kahit ang masaktan pa…” sambit niya rito sabay haplos sa likod nito.“Kayo na ang bahala sa babaeng iyan!” dinig niyang sambit ni Weston sa mga pulis na kasalukuyang nakahawak nay Vivian habang inaalalayan itong makapasok sa police mobile.“Yes, Sir!” dinig naman niyang sagot ng mga ito.Siya namang pagdating nina Jedrick at Gerald, mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila para kumustahin ang kalagayan nila.“Sas, okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo ni Vivian?” sunud-sunod na tanong sa kanila ni Jedrick.“Si little Bro, bakit miserable ang hitsura niyan? Sinaktan ba ‘yan ni Vivian?” nag-aalalang sambit ni Gerald nang makita ang kalagayan ni Wesley.“Maraming salamat sa tulong ninyo, kuya Jed, Gerald.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 226

    “KAHIT KAILAN talaga, ang tanga-tanga mo, my dear, Sissy…” nakangising sagot sa kanya ni Vivian.“Nagawa nga kitang traydurin noon, ‘di ba? So bakit hindi ko kayang gawin iyon sa anak mo ngayon? Common sense naman, Sissy! Naturingan kang matalino at CEO ng MS Wine Haven, pero simpleng mga galawan ko lang hindi mo pa makabisado, hay naku…” dugtong pa nito.“Dahil umaasa ako na baka nagbago ka na lalo na at halos ilang taon din tayong hindi nagkita! Pero nagkamali ako! Hindi nga pala marunong magsisi ang mga alagad ng diyablo!”Dahil sa sinabi niya ay napikon si Vivian. Mabilis nitong itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Pero hindi siya nagpakita ni katiting na pagkatakot.“Sige, iputok mo! Bakit, kapag ba napatay mo ba ako, magiging masaya ba ang magiging buhay mo sa hinaharap? Para sabihin ko sa ‘yo, ang kulungan na ang magiging panghabambuhay mong kanlungan! At baka nga, doon ka pa makakuha ng katapat! Baka roon din matapos ang buhay mo!”“Huwag mong sinasabi sa ‘kin ‘yan dahil

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 225

    PAGKAHINTONG-PAGKAHINTO ng sasakyan na kinalululanan nila ni Weston ay walang sinayang na sandali si Saskia. Mabilis siyang bumaba mula roon, ganoon din si Weston.Halos gusto na niyang lusubin si Vivian at pagsasabunutan ito, dahil tuwid itong nakatayo at may nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Weston. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kanilang anak.Alam naman niyang hindi naman ito magtatagumpay sa plano nitong makuha si Weston o ang mapahamak ang kahit na sino sa kanila, dahil bago sila pumunta sa ipinadala nitong address kung saan sila ngayon naroroon, ay nakapaghanda na sila.Pero naninigurado pa rin siya dahil hindi niya kayang basahin ang takbo ng utak ng baliw niyang pinsan, at baka hindi pa umayon sa oras ang takbo ng kanilang mga plano sa pagdakip dito kapag nagpadalos-dalos siya at nagpadala sa emosyon.Bago pa man sila nagpunta roon, ay nakapagtimbre na si Weston sa mga pulis. Nakasunod at nakabantay na

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 224

    NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 223

    “HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status