Share

Chapter 05

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-03 14:38:05

KATULAD ng unang gabing umalis siya, ganoon din ang binabalak na gawin ngayon ni Saskia. Wala rin naman siyang mapapala kung titira pa siya sa bahay kasama ng mga magulang, gayong kahit hindi man sabihin ng mga ito na itinatakwil na siya, sa mga ipinapakita at ipinaparamdam ng mga ito sa kanya, parang ganoon na nga.

Sabayan pa ng hindi niya kayang makita at makasama sa iisang bubong ang traydor at mang-aagaw niyang pinsan. Bata pa lang siya, doon na rin ito sa kanila nakatira.

Habang tulog na ang lahat, muli siyang umalis sakay ng kanyang kotse. Nagulat siya nang biglang may humarang na itim na sasakyan sa harapan niya at lumabas mula roon ang dalawang lalaking parehong nakaitim.

Napahinga siya nang maluwag nang makilalang mga bodyguard ni Weston ang mga ito. Lumapit ang dalawa sa sasakyan niya at kinatok ang pintuan nito.

“Ma’am, saan po ba ang punta ninyo? Gabing-gabi na po,” tanong ng isa.

Ibinaba niya ang salamin ng sasakyan upang sagutin ito.

“Ahm, hindi ko nga alam, eh. Nakalimutan kong nakasunod nga pala kayo sa ‘kin. Gusto ko sanang bumalik ulit sa resort dahil wala rin naman akong naiisip na pwedeng mapuntahan,” tugon niya.

“Tamang-tama po, Ma’am. Naroon pa rin si sir Weston. Hindi naman siya umalis doon kahapon.”

“Sige, sumunod na lang kayo.”

Pagkatapos, muli niyang pinaandar ang sasakyan. Habang ang dalawa ‘y hinintay siyang makalagpas sa sasakyan ng mga ito bago siya sinundan.

NANATILI sa resort si Weston, at hindi siya umuwi tulad ng sinabi niya kay Saskia. Punong-puno ang kanyang utak ng sari-saring isipin. Pero mas gusto niyang mag-focus muna sa dalaga kaysa sa magiging reaksyon at sasabihin ng kanyang pamilya, kaya mas pinili niyang manatili sa resort kaysa sa umuwi.

Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni nang biglang tumawag ang isa sa mga tauhan niyang inatasang bantayan ang dalaga.

“Bakit, may nangyari ba?” agad niyang tanong pagkasagot sa tawag.

“Wala naman po, Sir. Papunta po kasi riyan si Ma’am Saskia, nakasunod lang kami sa kanya,” tugon mula sa kabilang linya.

“Bakit daw? Anong dahilan?” tanong niya, na may kunot sa noo.

“Wala po siyang sinabi,” sagot ng tauhan.

“Never mind. Manatili lang kayong nakasunod at nakasubaybay sa kanya,” sagot niya bago pinutol ang tawag.

Mahigit  tatlumpung minuto ang nakalipas bago dumating si Saskia, kasunod ang mga tauhan niya. Talagang hinintay niya sa labas ang pagdating ng dalaga. Pagbaba ni Saskia sa sasakyan nito, nagulat siya nang patakbo itong lumapit sa kanya at bigla siyang niyakap.

“Weston, huhuhu! Tama nga ang hinala ko, hindi sila sasang-ayon sa ginawa kong pagpapakasal! Sa paraan ng ipinapakita nila, parang ipinaparamdam nila sa ‘kin na itinatakwil na nila ako! Pakiramdam ko, hindi na ako parte ng pamilya! Tinanggal na rin nila ako sa kompanya!” sambit ng dalaga habang umiiyak sa dibdib niya.

Napatiim-bagang siya. Hindi niya kayang makita ang dalaga na nasasaktan at umiiyak.

“Sssh! Maaayos din ang lahat. Tahan na, gagawan natin ng paraan ‘yan,” tanging nasabi niya habang hinahaplos ang buhok sa likod ng ulo nito.

“Weston, wala na akong mapupuntahan! Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, wala na rin akong trabaho! Huhuhu!” muling sambit ng dalaga, habang palakas nang palakas ang pag-iyak.

Inalis niya ang dalaga mula sa pagkakasubsob sa kanyang dibdib at marahang hinawakan ito sa magkabilaang pisngi.

“Saskia, huwag mong alalahanin ang mga iyon, okay? Kaya kong ibigay sa ‘yo ang lahat ng mga bagay na tinanggal sa ‘yo ng mga magulang mo. Bahay, trabaho, kompanya, magandang buhay, at higit sa lahat, pagmamahal. Nandito lang ako sa tabi mo, at dahil mag-asawa na tayo, sabay nating haharapin ang lahat ng pagsubok. Kakampi mo ako sa lahat,” malambing niyang wika.

Nakahinga siya ng maluwag nang tumigil na ang dalaga sa pag-iyak. Dahan-dahan nitong tinanguan ang sinabi niya.

“Sa ngayon, doon ka na muna magpalipas ng gabi sa silid ko, okay? Bukas, lilipat tayo sa bahay ko, at magsasama na tayo bilang mag-asawa.”

Sunud-sunod na pagtango ang ginawa ni Saskia bilang pagsang-ayon, habang nagpupunas ng luha. Pagkatapos, niyakag na niya ito patungo sa silid na tinutuluyan niya. Sa kama niya pinatulog ang dalaga, habang siya ay natulog na lang sa sahig na may sapin.

Kinabukasan, habang magbubukang-liwayway pa lang, ay bumiyahe na sila patungo sa kanyang bahay. Doon siya tumutuloy kapag ayaw niyang umuwi sa kanila o kaya sa kanyang condo unit. Ngunit nagulat siya nang pagdating nila ay nadatnan nila si Katrina sa loob ng kanyang bahay habang prenteng nakaupo sa sofa.

“Anong ginagawa mo rito, Katrina? Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na hindi ka na pwedeng basta na lang pumasok dito sa bahay ko?” mahina ngunit mariin niyang wika, pilit pinapakalma ang sariling huwag makaladkad ang babae palabas.

“Well, malakas ako kay tita,” sagot nito sabay tayo. Bumaling ang tingin nito sa katabi niyang dalaga. Tumaas-baba ang tingin nito, na para bang pinag-aaralan ang hitsura ni Saskia.

“Oh! Sino siya? Kaibigan? Bagong secretary?” sunud-sunod na tanong nito na may halong pang-aasar.

Napansin niya ang pagkabalisa ni Saskia, kaya itinaboy na niya si Katrina. “Wala ka na roon. Umalis ka na lang at nakakaistorbo ka na,” seryosong sambit niya.

“Okay, magkita na lang tayo roon sa bahay nina tito at tita. Na-miss ka namin, ang tagal mong nawala!” pakendeng-kendeng pa itong naglakad palabas ng kanyang bahay.

Napabuntung-hininga na lang siya. Agad naman siyang humingi ng paumanhin sa asawa niya.

“Pasensiya ka na, hindi ko alam na narito siya. Ganoon talaga kasi iyon, pumapasok na lang bigla sa mga pag-aari ko kahit walang permiso ko. Malakas siya sa mga magulang ko, eh. Siya yung…yung…babaeng tinutukoy ko na gusto ng mga parents ko na pakasalan ko,” paliwanag niya.

Tinanguan lang nito ang sinabi niya, hindi tuloy niya alam kung ano ang nasa isip nito. Iniba na lang niya ang paksa.

“So, ito, sarili kong bahay ito. Dito ako madalas kapay ayaw kong umuwi sa ‘min. Dito na tayo titira, kaya ituring mo na rin itong sarili mong bahay, okay? Dahil isa ka na rin sa nagmamay-ari nito.”

“Salamat, Weston. Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi ko alam kung saan na ako pupulutin ngayon.”

Sasagot na sana siya sa sinabi nito nang biglang may tumawag sa kanya. Agad naman niya itong sinagot.

“Yes? What? Okay, okay, I’ll be there in a minute!” pagkatapos ay nagmamadali niyang dinampot ang susi ng sasakyan.

“Baby, iiwan muna kita rito saglit, okay? May pupuntahan lang ako. Mag-iingat ka rito. I-lock mo ng maigi ang mga pintuan,” bilin niya rito, at mabilis niya itong kinintilan ng halik sa labi bago mabilis na lumabas.

Gabi na siya nakabalik sa kanyang bahay. Nagulat pa siya nang madatnan niyang maraming nakahaing pagkain sa lamesa.

“Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng iyan?” tanong niya sa asawa habang abala ito sa paglalagay ng plato.

“Oo, eh. Wala kasi akong maisip na gawin kanina, kaya nagluto na lang ako. Halika, maupo ka, kumain na tayo,” yaya nito sa kanya.

Magkasabay silang umupo, at magkaharap na kumakain. Maya-maya, bigla siyang nagsalita.

“Baby, gusto kitang dalhin sa mansyon, gusto kitang ipakilala sa mga magulang ko. Sa ayaw nila at sa gusto, kailangan ka nilang tanggapin dahil asawa na kita,” wika niya rito.

Bigla na lang nabitiwan ng dalaga ang kutsara na sana’y isusubo na nito, kaya lumikha iyon ng malakas na tunog.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 221

    NAWALAN tuloy ng gana sa kanyang ginagawa si Saskia. Nagbago rin ang kanyang pakiramdam. Ang kaninang kasiyahang nararamdaman niya ay bigla na lang na napalitan ng takot at pangamba.“Weston, anong gagawin natin? Mukhang malalim ang galit sa ‘kin ni Vivian base roon sa pagkakasabi niya sa sulat! Kung nagawa niya akong traydurin noon, ano pa kaya ngayon?” nangangambang sambit niya sa asawa.“Baby, huwag kang mag-alala. Huwag kang matakot at mangamba dahil naririto lang ako, kami ng pamilya ko sa tabi mo, sa tabi ninyo ng anak natin para protektahan kayo. Sa ngayon, magsaya na lang muna tayo, okay? Hanggang pagbabanta lang naman iyon si Vivian. Kailan ba siya nagtagumpay na makuha ako sa ‘yo, at masira niya ang relasyon natin? Hindi ba matagal na niyang ginagawa iyon, pero hindi siya nagtatagumpay?”Nabawasan ang pangamba at takot na nararamdaman niya dahil sa sinabing iyon ni Weston. kaya ang ginawa niya ay inilagay niya sa pinag-iihiwan niya ng manok at isda ang papel na ipinadala ni

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 220

    NAPAGKASUNDUAN nina Saskia at Weston na magkaroon ng salo-salo ang kani-kanilang pamilya sa bahay mismo nina Saskia. Para silang nag pi-picnic dahil sa labas ng bahay sa mini garden nila naisip na magtipon-tipon.Naglagay sila roon ng lamesa at tent, at doon sila nagluto. Parang nakikisabay din ang ganda ng panahon sa ganda ng pakiramdam nila, dahil maaliwalas ang panahon dahil sa sikat ng araw na hindi pa naman masakit sa balat, sabayan pa ng presko at malamyos na simoy ng hangin na siyang nagpapasayaw sa mga bulaklak at mga sanga ng punong kahoy na naroroon. Para sa kanila, iyon ang araw na sila ay nagkaisa.Pero lingid sa kaalaman nila, ay may dalawang pares ng mga matang naglalagablab sa galit ang siyang masamang nakatingin sa kanilang lahat. Nakakubli ito sa isang malaking puno malapit sa gate ng kanilang bahay, at tila hindi ito masaya sa nakikita.“Weston, si Wesley, ha? Pakibantayan at baka makalabas ng gate, baka kung saan-saan ‘yon makapunta at maligaw pa,” paalala niya sa a

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 219

    “I-isa ka sa mga biktima ni Dad? P-pero paano?” punung-puno ng pagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.“Dapat ay hindi ka na nagtataka dahil normal naman kay Bastian ang maging masama, kaya hindi na rin ako nagtataka na ganyan din ang ugali mo. Pero ngayon, katapusan niyo na dahil wala na ang pundasyon ninyo na magtatanggol sa inyo, hahaha! Hahaha!”“Baliw!” sigaw sa kanya ni Katrina.Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kabilang pisngi nito.“Wala kang karapatan na sabihan ako ng baliw! Naiitindihan mo?!” nanggagalaiting balik sigaw niya rin dito. “Kung may baliw man sa ating dalawa rito, ikaw iyon at hindi ako! Akalain mo iyon, feeling mo mahal na mahal ka ni Weston dahil pakakasalan ka? Huhulihin lang pala ang demonyo mong ama!”Nagulat siya ng isang malakas na sampal din ang iginanti nito sa kanya.“How dare you para tawagin na demonyo si Daddy! Wala ka ring karapatan na sabihin iyan, bitch!”Sa pangalawang pagkakataon, ay ang hawak na niyang baril ang isinampal niya rito.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 218

    KAPWA walang ganang kumain ang mag-ina habang magkaharap sa isang pahaba at malaking lamesa sa kusina sa bahay bakasyunan. Doon sila dumiretso ng kanyang Mommy pagkatapos na arestuhin ang kanyang mahal na ama sa araw mismo ng kasal nila Weston.Hindi niya matanggap na naudlot ang pangarap niyang maging asawa si Weston. Naroon na, eh. Pero bigla pang may dumating na hadlang. Labis-labis ang kanyang panghihinayang dahil doon. At ang labis na nagpapabagabag ng kanyang isipan, ay ang iisipin ng mga tao sa kanila. Lalo na at live ang nangyaring pagdakip sa kanyang ama.Ngayon pa nga lang ay inuulan na ng mga negatibong komento ang kanyang social media account. Puro mga panlalait at mga masasakit na salita ang mga nababasa niya roon. Marami na rin ang nag-unfollow sa kanya. Hinusgahan din siya ng mga itinuring niyang mga kaibigan.At alam niya, at ramdam niyang ito na ang simula ng kanilang pagbagsak. Kung totoo man ang mga paratang sa kanyang ama na isa itong masamang tao at gumagawa ng mg

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 217

    NAPANGISI na lang si Vivian nang maging matagumpay ang naisip niyang plano. Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos na kumain ng mga tauhan ni Bastian na nasa kanyang harapan, ay isa-isa nang natutumba sa kinauupuan ang mga ito habang hawak ang leeg.Bumubula ang mga bibig ng mga ito habang nangingisay, at hindi kalaunan ay nawawalan na ng hininga. Sino ba naman ang hindi kaagad mawawalan ng buhay sa dami ba naman ng inilagay niyang pulbos ng lason sa bawat pagkain at inumin?Ngunit mukhang may pinakamatibay na sikmura ang katabi niyang lalaki na nakausap niya kanina, dahil nagawa pa nitong hawakan siya sa kanyang damit at nakakapagsalita pa.“A-anong gi-ginawa mo sa ‘min? A-anong lason ba ang inilagay mo sa mga pagkain na-namin?” kandautal nitong tanong habang nagsisimula nang humawak sa sariling leeg.“Hay, akala ko ba wais at matalino si Bastian? Kasi, bigtime siya, eh! Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon kapag bumaliktad. Nagmana lang kayong mga tauhan niya sa kanya! Mga ta

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 216

    PAKANTA-KANTA pa si Vivian habang nagluluto ng spaghetti sa malawak na kusina. Nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang pagsunod ng mga paningin ng mga tauhan ni Bastian sa kanya. Abot-abot man ang kaba at takot na nararamdaman, pero nagawa pa rin niyang kumilos ng normal.Kailangan niyang maging magaling na artista kung gusto pa niyang makaalis ng buhay sa ancestral house. Bahagya pang nanginig ang kanyang katawan nang makitang papalapit sa kanya ang isang tauhan na may nakasukbit na mahabang baril sa balikat. Isa iyon sa mga nagbabantay sa entrance ng bahay.“Madam! Mukhang masarap ‘yang niluluto natin diyan, ah? Para saan ba ‘yang nilututo mo at parang napakarami naman? May isini-celebrate ka ba?” nagdududang tanong nito. Parang gustong malaman nito sa mga kilos at reaksyon niya kung may alam na ba siya tungkol sa pagkakadakip kay Bastian.“Humarap siya rito ng may ubod tamis na ngiti. “Naku, ikaw po pala ‘yan! Ano ka ba! Masama bang magluto ng marami para sa pagdating ng love

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status