DAHIL SA KURYUSIDAD, ay unti-unting nilingon ni Saskia ang lalaking nagsalita mula sa kanilang likuran. Ganoon na lamang ang pagkabiglang rumehistro sa magandang mukha niya nang mapagsino ang lalaki.
“Ge-Gerald?!” gulat na sambit niya sa pangalan nito.
“Ba-Babe?” gulat na sagot din nito sa kanya.
Nakakunot-noo naman at nakarehistro rin ang pagkalito sa mukha ng mga taong nasa paligid nila, lalong-lalo na si Weston.
“Magkakilala kayo?” kunot-noong tanong ni Weston sa kanila, nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Gerald.
Sa halip na sagutin ni Gerald ang tanong ni Weston, ay iba ang isinagot nito.
“Tito Weston, bakit kasama mo siya? Kailan pa kayo nagkakilala? At, kaano-ano mo siya?” sunud-sunod na katanungan ni Gerald.
Samantalang siya naman ay sobra na ring naguguluhan. Bakit narito si Gerald? At bakit tito ang tawag nito kay Weston? Hindi kaya…
“Magkamag-anak kayo?” naguguluhang tanong niya kay Weston at Gerald.
“Yes, Baby. Pamangkin ko siya, anak siya ni ate Gladys,” sagot sa kanya ni Weston, at itinuro ang babaeng katabi ng ina at ama nito na kasalukuyan pa ring nakarehistro ang pagkabigla sa mga mukha.
“Wa-wait, what? Anong itinawag mo sa kanya tito?” muling tanong ni Gerald na lalong kumunot ang noo.
Nagulat siya nang bigla siyang kabigin ni Weston palapit sa katawan nito, at ipinulupot pa ang braso nito sa kanyang baywang na para bang may aagaw sa kanya anumang oras.
“Since narito naman tayong lahat, gusto kong ipakilala sa inyo ang asawa ko. Dad, Mom, ate Gladys, at syempre, sa paborito at mahal kong pamangkin, Gerald, si Saskia, asawa ko!” malakas na sambit nito na mas lalong ikinabigla ng lahat.
“What!!!?” halos sabay-sabay na bigkas ng lahat.
“What? When? Why?” sunud-sunod na muling tanong ni Gerald. Bakas sa mukha nito ang pinaghalong lungkot, panghihina at panghihinayang.
Siya naman ay halos manghina na dahil sa pangangatog ng kanyang buong katawan. Pakiramdam niya, anumang oras ay matutumba siya kaya napakapit siya sa katawan ni Weston.
Nagulat siya nang biglang lumapit sa kanya si Gerlad at kinuha ang isang kamay niya.
“Babe, bakit ganito? Ang sakit naman ng ginawa mong paghihiganti! Bakit sa tito ko pa, bakit? Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? Ipapakilala rin naman sana kita rito sa pamilya ko, dahil hindi ka pa nila nakikilala sa halos limang taon nating magkarelasyon, dahil palagi kang busy sa kompanya ninyo! Kung kailan naman pumayag ka na makilala ang pamilya ko dahil malapit na tayong ikasal, ito pa ang nangyari!” may pagmamakaawa sa tinig nito. Ngunit nagdududa siya na baka palabas lang ito iyon.
“What?! Siya ang babaeng limang taon mo ng karelasyon at pakakasalan mo, ha Gerald?” biglang tanong ng ina nitong si Gladys.
“Oh my God, Weston! Ano na ba ang nangyayari sa inyo ni Gerald at sa iisang babae pa kayo nagkagusto? Isa itong malaking kahihiyan sa pamilya natin!” malakas na sambit ng ina ni Weston.
“Weston, habang maaga pa, hiwalayan mo na ang babaeng ‘yan! Nanggaling na siya sa pamangkin mo, pagkatapos ay sasaluhin mo? Ano ka, taga recycle ng basura!?” mariing sambit ng ama ni Weston at halos pumuno ang boses nito sa kinaroroonan nila.
Nakita niya ang pag-igting ng mga panga ni Weston at ang pagkuyom ng mga palad nito. Bakas sa mukha nito ang tinitimping galit na huwag tuluyang sumabog.
“Dad, wala po kayong karapatan na sabihan si Saskia ng mga masasamang salita. Iginagalang at inirerespeto ko kayo bilang magulang at ama, kaya sana, irespeto niyo rin si Saskia bilang tao, bisita at asawa ko,” kalmado ngunit may diin sa bawat katagang binibitiwan ang tinig ni Weston.
“Nagpakasal ka sa babaeng ‘yan ng hindi mo man lang hinihingi ang basbas at opinyon namin?! Nasaan ang respetong sinasabi mo roon, ha, Weston?!” sabat ng ina nito.
“Bakit ko pa kakailanganin ang basbas at opinyon ninyo, eh sa una pa lang, hindi niyo rin naman inererespeto ang mga sarili kong desisyon sa buhay! Pinipilit ninyo akong pakasalan si Katrina na ni katiting na pagmamahal, ay wala akong maramdaman sa kanya! Sana naman, irespeto niyo rin ako, nasa tamang edad na rin naman ako, Mom!” may kalakasang sagot ni Weston sa ina.
“So dahil sa babaeng ‘yan, ay nagagawa mo ng sagot-sagutin sina Mom and Dad? Anong klase kang anak, ha? Porket ba may maipagmamalaki ka na, nakapagpatayo ka na ng sarili mong kompanya, ganoon?” nakapamaywang na wika ng ate Gladys nito, sinabayan pa ng pagkumpas ng mga kamay.
“Bago mo ako tanungin kung anong klaseng anak ako, bakit hindi mo rin tanungin ang sarili mo, ha, ate? Bakit hanggang ngayon, hindi mo masabi-sabi sa ‘min kung sino ang tunay na ama ni Gerald, ha? Dahil ba papalit-palit ka ng lalaki mo rati? At kaya nga nakapagpatayo ako ng sarili kong kompanya dahil nagsariling sikap ako, dahil ang atensyon nina Mom and Dad, ay palagi na lang nasa ‘yo dahil maaga kang naglandi!” bakas na sa mukha at tono ng pananalita ni Weston na galit na ito, kaya hinawakan niya ang braso nitong nakapulupot pa rin sa baywang niya.
“How dare you para ibalik mo sa ‘kin ang usapan?! Ikaw ang issue ngayon dito, hindi ako!” sigaw ng ate Gladys nito.
“Weston please, tama na. Umalis na lang tayo,” pakiusap niya sa asawa.
“Kapag hindi mo hiniwalayan ‘yang babae na ‘yan, Weston. Isinusumpa ko, itatakwil kita bilang anak! At hindi ka na rin makakatungtong pa rito!” sigaw ng ama nito.
“Hindi na ‘ko teenager na pinabayaan niyo katulad nang dati, Dad. Kaya hindi na uubra sa ‘kin ‘yang ginagawa ninyong pananakot. Matagal na ‘kong nakatayo sa sarili kong mga paa,” sagot ni Weston sa ama. “Halika na, Baby. Umuwi na tayo,” yakag nito sa kanya at hinila na siya palabas ng mansyon.
“Babe, wait! Kailangan nating mag-usap! Paano na tayo? Iyong kasal natin? Ibabaon mo na lang ba sa limot ang limang taon nating relasyon?” narinig pa niyang sigaw ni Gerald bago sila makalabas ng mansyon.
Pagkapasok sa sasakyan ay doon pa lang pinakawalan ni Saskia ang luhang kanina pa niya pinipigilang pumatak. Nagkaroon ng tunog ang kanyang pag-iyak hanggang sa maging hagulgol na iyon.
“M-MARIE? P-paano kang nakapasok dito? At ano ang ginagawa mo rito?” nakanunot noo niyang tanong sa dating kaklaseng itinuring niyang matalik na kaibigan, pero ipinagpalit lang nito ang tiwala niyang ibinigay dahil sa perang inialok dito ni Vivian, kapalit ng pag-kidnap sa kanya.“Ah, si Gerald, siya ang nagpapasok sa ‘kin dito. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag muna bago mo ako itaboy…” nakayuko nitong sambit.“Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran sa ‘yo, dahil nagawa kitang traydurin noon. Pero ang desisyon kong iyon ang nagpanatili sa pamilya ko na mabuhay hanggang ngayon. Sinadya akong puntahan doon ni Vivian para gawing kasabwat sa plano niyang pag-kidnap sa ‘yo. At kapag tumutol ako, buhay ng pamilya kong inosente ang mawawala. Alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko sa isiping ikaw naman ang napahamak sa pagpayag ko sa kagustuhan niya?” nanunubig ang mga matang sambit nito.“Naiipit ako between you at sa pamilya ko, dahil pareho
“M-MOMMY, so-sobra a-ako n-natakot sa k-kanya…” pautal-utal at humihikbing sumbong sa kanya ng anak na ngayon ay wala ng busal sa bibig at wala na rin ang mga tali sa kamay. Mugtong-mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.“Sssh! Tahan na, Baby. Hindi ka na niya makukuha o kahit ang masaktan pa…” sambit niya rito sabay haplos sa likod nito.“Kayo na ang bahala sa babaeng iyan!” dinig niyang sambit ni Weston sa mga pulis na kasalukuyang nakahawak nay Vivian habang inaalalayan itong makapasok sa police mobile.“Yes, Sir!” dinig naman niyang sagot ng mga ito.Siya namang pagdating nina Jedrick at Gerald, mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila para kumustahin ang kalagayan nila.“Sas, okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo ni Vivian?” sunud-sunod na tanong sa kanila ni Jedrick.“Si little Bro, bakit miserable ang hitsura niyan? Sinaktan ba ‘yan ni Vivian?” nag-aalalang sambit ni Gerald nang makita ang kalagayan ni Wesley.“Maraming salamat sa tulong ninyo, kuya Jed, Gerald.
“KAHIT KAILAN talaga, ang tanga-tanga mo, my dear, Sissy…” nakangising sagot sa kanya ni Vivian.“Nagawa nga kitang traydurin noon, ‘di ba? So bakit hindi ko kayang gawin iyon sa anak mo ngayon? Common sense naman, Sissy! Naturingan kang matalino at CEO ng MS Wine Haven, pero simpleng mga galawan ko lang hindi mo pa makabisado, hay naku…” dugtong pa nito.“Dahil umaasa ako na baka nagbago ka na lalo na at halos ilang taon din tayong hindi nagkita! Pero nagkamali ako! Hindi nga pala marunong magsisi ang mga alagad ng diyablo!”Dahil sa sinabi niya ay napikon si Vivian. Mabilis nitong itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Pero hindi siya nagpakita ni katiting na pagkatakot.“Sige, iputok mo! Bakit, kapag ba napatay mo ba ako, magiging masaya ba ang magiging buhay mo sa hinaharap? Para sabihin ko sa ‘yo, ang kulungan na ang magiging panghabambuhay mong kanlungan! At baka nga, doon ka pa makakuha ng katapat! Baka roon din matapos ang buhay mo!”“Huwag mong sinasabi sa ‘kin ‘yan dahil
PAGKAHINTONG-PAGKAHINTO ng sasakyan na kinalululanan nila ni Weston ay walang sinayang na sandali si Saskia. Mabilis siyang bumaba mula roon, ganoon din si Weston.Halos gusto na niyang lusubin si Vivian at pagsasabunutan ito, dahil tuwid itong nakatayo at may nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Weston. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kanilang anak.Alam naman niyang hindi naman ito magtatagumpay sa plano nitong makuha si Weston o ang mapahamak ang kahit na sino sa kanila, dahil bago sila pumunta sa ipinadala nitong address kung saan sila ngayon naroroon, ay nakapaghanda na sila.Pero naninigurado pa rin siya dahil hindi niya kayang basahin ang takbo ng utak ng baliw niyang pinsan, at baka hindi pa umayon sa oras ang takbo ng kanilang mga plano sa pagdakip dito kapag nagpadalos-dalos siya at nagpadala sa emosyon.Bago pa man sila nagpunta roon, ay nakapagtimbre na si Weston sa mga pulis. Nakasunod at nakabantay na
NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.
“HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har