Share

Chapter 06

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-04-03 14:44:20

HALOS hindi magawang lunukin ni Saskia ang pagkaing nasa kanyang bibig dahil sa sinabi ni Weston. Hindi pa nga siya nakakabawi mula sa nangyari sa pagitan nila ng kanyang pamilya, heto’t mukhang ang pamilya naman nito ang kailangan niyang harapin.

Pero nakakahiya naman sa kanyang asawa kung hindi niya ito pagbibigyan, lalo na’t nasa poder siya nito.

“Si-sige, walang problema,” sambit niya at sinabayan iyon ng isang pilit na ngiti.

“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayan,” pampalubag-loob ni Weston.

“Kailan ba tayo pupunta roon?” tanong niya.

“Pwede na siguro bukas, kasi nakita ka na ni Katrina. Alam kong magsusumbong na ‘yon kina mommy at daddy na may kasama akong babae rito sa bahay.”

“Sige,” pagsang-ayon na lang niya.

Pagkatapos nilang kumain, siya na ang kusang naghugas ng mga pinagkainan nila. Gusto pa sana siyang tulungan ng asawa, ngunit mariin niya itong tinanggihan. Pagkatapos maghugas, pumunta muna siya sa living room para hintayin na lumabas si Weston dahil nakita niya ito kaninang pumasok sa kwarto.

“Baby, ikaw na lang ang bahalang mamili ng gagamitin mong silid diyan sa dalawang magkatabi. Alam kong hindi ka pa komportable na makasama ako sa iisang kwarto, kaya binibigyan pa rin kita ng kalayaan na mapag-isa,” wika nito mula sa kanyang likuran, kasabay ng pagturo sa dalawang silid na magkatabi. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito.

Natutuwa siya sa ipinapakita nitong pagrespeto sa kanya. Kahit kasal na sila, hindi siya nito tini-take for granted. Hindi katulad ng ex niya, kahit hindi pa sila kasal, gusto nang may mangyari sa kanila.

“Iyan na lang sigurong nasa kaliwa,” tugon niya.

“Sige, pwede ka nang magpahinga, magpapahinga na rin ako sa silid ko. Kailangan nating maging maaga bukas sa pagpunta sa mansyon.”

Tinanguan niya na lang ito, pagkatapos ay pumasok na siya sa silid na pinili niya.

Habang nakahiga, samu’t saring bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Katulad ng kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Weston kapag naroon na sila bukas. Hanggang sa nakatulugan na niya ang mga iniisip.

***

Maaga siyang nagising kinabukasan. Pagkatapos maligo, agad siyang nagkalkal sa kanyang dala-dalang maleta upang maghanap ng maisusuot. Napili niyang isuot ang isang pastel pink na mini dress na may spaghetti strap, at ang haba nito ay hanggang itaas ng tuhod.

Pinaresan niya ito ng light pink na flat doll shoes at isang kulay cream na shoulder bag na kayang magkasya lamang ang cellphone. Naglagay din siya ng manipis na lipstick sa kanyang labi at kaunting pulbos sa mukha. Inilugay lang niya ang kanyang unat at lampas balikat na buhok, na may pagka-light brown.

Sinipat niya ang sarili sa salamin at nang makuntento sa kanyang hitsura, nagdesisyon na siyang lumabas. Nagulat pa siya nang pagbukas niya ng pinto, ay naroroon si Weston. Nakaangat na ang kanang kamay nito na para bang kakatok na sana.

“Kanina ka pa ba rito?” Masyado ba akong matagal?” nahihiyang tanong niya sa asawang mukhang natuklaw ng ahas nang makita siya. Iwinagayway niya ang kamay sa harap ng mukha nito, kaya’t para itong natauhan.

“I’m sorry, hindi ko maiwasang matulala sa ‘yo, ang ganda-ganda mo talaga, Baby,” seryosong wika nito.

Hindi tuloy niya alam kung paano aaktong normal sa harapan nito dahil sa ibinigay nitong papuri sa kanya. Para mabawasan ang hiyang nararamdaman, iniba na lang niya ang paksa.

“Ready ka na rin ba? Aalis na ba tayo?” kunwari’y tanong niya, kahit halata naman sa suot nito na handa na ito sa pag-alis.

Ang gwapo nito sa suot na kulay asul na plain T-shirt at kulay brown na short na hanggang tuhod ang haba. Pinaresan naman nito iyon ng sneakers na kulay brown din. Nanunuot din sa kanyang ilong ang halimuyak ng pabangong ginamit nito.

Kahit ganoon kasimple ang suot nito, hindi maipagkakaila sa hitsura at tindig nito ang nagsusumigaw na karangyaan sa personalidad nito.

“Yes, ikaw na lang talaga ang hinihintay ko. So, since pareho naman tayong ready, shall we go?” yakag nito at inilapit ang braso sa kanya.

Kumapit naman siya roon at magkaagapay silang lumabas. Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan at inalalayan din sa pagpasok. Pakiramdam niya ay napaka-espesyal niya dahil sa ginagawa nito sa kanya.

Habang nagmamaneho, panaka-naka siyang kinakausap nito.

“Doon na lang tayo sa mansyon mag-breakfast, Baby.”

Sobrang sarap sa pandinig niya kapag tinatawag siya nito sa ganoong paraan. Tinanguan niya na lang ito. Habang papalapit kasi sila sa pupuntahang mansyon, palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib, indikasyon na kinakain na ng takot at kaba ang buong sistema niya.

Nang sa wakas ay papasok na sila sa gate ng mansyon, sobrang namangha siya sa nakitang tanawin nang tuluyan na silang makapasok. Parang isang palasyo sa gitna ng Paraiso ang tanawing nakikita niya. Napapalibutan kasi ng iba’t ibang klaseng bulaklak at malalagong punung-kahoy ang napakagandang mansyon.

Maraming gwardya, hardinero, at mga kasambahay ang nakakalat sa pagdating nila na abala sa kani-kanilang trabaho. Inalalayan naman siya ng asawa hanggang sa makapasok sila sa mansyon.

“Dad, Mom, ate, I’m here!” masiglang bati ni Weston sa tatlong magkakaharap sa komedor. Alam niyang kasalukuyan itong kumakain ng agahan dahil masyado pang maaga.

Lumingon sa gawi nila ang tatlong tinawag ng binata. Sandaling napako ang mga tingin nito sa kanila. Maya-maya, tumayo ang ama nito at lumapit sa kanila.

“Saan ka ba nanggaling, Weston? Anong klase ka bang lalake at ikaw pa ang nagpapahabol sa babae? Alam mo bang nakakaawa na ang sitwasyon ni Katrina kakahabol sa ‘yo?” seryosong sambit ng ama nito. Mukhang hindi nalalayo sa ama niya ang pagkaistrikto nito.

“Dad, matagal ko nang sinabi sa inyo na wala akong interes kay Katrina, hindi ko rin siya mahal! Ano ba ang hindi ninyo maintindihan doon?!” sagot naman ng binata na may pagkairita sa tono.

“At sino ‘yang babaeng kasama mo, ha? Iyan ba ang sinasabi ni Katrina na bagong secretary mo? At iniuwi mo pa talaga roon sa magiging bahay ninyo? Hindi mo naman kailangan ng bagong secretary dahil willing na mag-volunteer si Katrina sa posisyong iyon para sa ‘yo!” sabat ng in ani Weston na hindi nila namalayang nasa likod na pala ng asawa nito.

“Mom, hindi ko siya bagong secretary. Asawa ko siya,” sabay kabig nito sa kanya palapit sa katawan nito.

“Asawa?!” sabay-sabay na bigkas ng tatlo.

“Nahihibang ka na, Weston! Kahit na ang pamangkin mo’y hindi magugustuhan iyang mga palabas mo kapag nalaman niya ito! Close na close pa naman kayo!” malakas na sambit ng babaeng alam niyang nakatatandang kapatid ni Weston.

“Mom, bakit ang ingay ninyo? Tito Weston, kararating niyo lang?” narinig niyang tanong ng isang lalaki sa likuran nila.

Sinalakay ng kakaibang kaba ang buong katawan ni Saskia nang marinig ang boses ng lalaki. Pamilyar na pamilyar ito sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 89

    KAHIT galit na galit si Weston ay nagawa pa rin niyang puntahan ang café na binanggit ni Saskia sa text nito kanina. Pagdating niya ay wala siyang nakitang ni isang customer man lang. Tanging ang nagbabantay doon ang naabutan niyang abala sa pagpupunas ng lamesa. Nilapitan niya ito para magtanong.“Ms., nagawi ba rito kanina itong babaeng ito?” seryosong tanong niya sa babae habang ipinapakita niya rito ang larawan ni Saskia sa kanyang cellphone.Dumungaw naman ito sa cellphone na hawak niya, pagkatapos nitong makita ang larawan ni Saskia ay sumagot ito.“Yes, Sir! Sa katunayan, nakaalis na sila kanina pa nung kasama niyang lalaki. Ang saya-saya nga nila dahil lilipat na raw sila sa bago nilang bahay at magsasama na. Pasensiya na po, Sir. hindi ko sinasadyang marinig o mapakinggan ang usapan nila ng asawa niya. Bakit niyo po ba siya Sir hinahanap, kaano-ano niyo po ba siya?”Mas lalong nadagdagan ang kaninang galit na nararamdaman niya. Kumuyom ang dalawa niyang kamao at umigting ang

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 88

    “MAGALING! Magaling! Magaling!” tumatawang sambit ni Vivian habang pumapalakpak pagkatapos mawalan ng malay ng kanyang pinsan na si Saskia.Magkasunod silang lumabas ni Gerald sa kanilang pinagtataguan pagkatapos na makatulog ni Saskia dahil sa gamot na inilagay nila sa inumin nito. Ngising demonyo siya dahil nagtagumpay siya sa kanyang mga plano.Siya ang may pakana ng lahat. Tinawagan niya ang nananahimik na matalik na kaibigan nito sa probinsiya para gawin itong daan para maisakatuparan ang kanilang mga plano ni Gerald. Siya rin ang nagrenta sa café na kinaroroonan nila para isarado iyon sa ganoong oras. Binayaran nila ng malaki iyon para lamang pumayag. Bonus na rin na kakilala nila ang may-ari niyon kaya hindi sila nahirapang gawing kasabwat ito.“Makakaalis ka na, Marie. Heto ang bayad sa serbisyong ginawa mo para sa ‘min,” wika niya sa babae habang iniaabot dito ang isang puting sobre na naglalaman ng pera.“Sana pagkatapos nito, ay wala ka nang ipagawa sa ‘kin sa susunod. Laba

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 87

    AKALA ni Saskia ay tuloy-tuloy na ang magagandang nangyayari sa relasyon nila ni Weston. Ngunit hindi niya inaasahan na sa isang pangyayari, ay magbabago ang takbo at sitwasyon ng relasyon nilang mag-asawa.“Hello, Kia. Si Marie ito, ang bestfriend mo nung college!” masayang sambit nung nasa kabilang linya.Natuwa siya pagkarinig sa pangalan nito. Hinding-hindi niya ito makakalimutan dahil ito lang naman ang naging ka-close niya nung college at karamay sa lahat ng bagay.“Hi, Marie! Napatawag ka? Ang tagal na nating hindi nag-uusap at nagkikita! Nasaan ka ba ngayon?” masayang sagot naman niya rito.“Nandito ako ngayon sa Maynila, kaya kita tinawagan dahil gusto kong makipagkita sa ‘yo! Syempre, alam mo na, na-miss kita. Pagka-graduate natin ay ngayon na lang muli tayong nagka-usap, eh! So ano, payag kang magkita tayo?”“Oo naman! Papalampasin ko pa ba ang pagkakataon na ‘to? Baka kasi, kung kailan na naman tayo ulit magkita, eh. Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa Maynila? Kumusta an

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 86

    NARAMDAMAN niya ang paghila sa kanya ni Gerald, at ang paghila rin ng Mommy nito kay Katrina, kaya sila natigil sa pagsasakitan.“Ate, Glad! That woman is crazy, if only you knew!” sambit nito sabay duro sa kanya.“Alam ko, at gusto kong iparanas sa kanya ang kabayaran ng pagiging baliw niya!” wika nito sabay lapit sa kanya, at binigyan siya ng mag-asawang sampal.Nasapo niya ang dalawang pisngi dahil sa sobrang sakit. Tumingin siya kay Gerald na nagtatanong ang mga mata. Ano ba ang nangyayari? Una, alam ni Katrina ang kung anong mayroon sa kanila ni Gerald, at ang pagkagusto niya kay Weston. Pangalawa, ang init ng pagtanggap sa kanya ng Mommy ni Gerald nung nakaraan, puring-puri pa nga siya. Pero ngayon, ay halos hindi niya mailarawan ang galit na nakaukit sa mukha nito.“Ti-tita, Ba-bakit po?” pautal-utal niyang tanong habang umiiyak, dahil hindi na niya maramdaman ang kanyang mga pisngi. Pakiramdam niya ‘y namamaga na ito.“Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na tita dahil hindi

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 85

    “SANDALI LANG!” sigaw ni Gerald sa kung sinumang kumakatok sa labas ng kwarto, bago ito pumasok sa banyo para linisin ang sarili. Habang siya naman ay ngingiti-ngiti lang at prenteng nakaupo sa ibabaw ng kama nito.Paglabas nito mula sa loob ng banyo, ay agad na itong lumapit sa pintuan para buksan iyon. Bumungad doon ang babaeng ipinakilala nito sa kanya noong nakaraan, iyong Kat.“Ano ba naman ‘yan! Ngayon ka lang yata nag-lock ng pintuan mo, ah? At saka, bakit ang tagal mo pang buksan?!” wari’y naiinis na sambit nito.“Eh, may kasama kasi ako, ate. Si Vivian may pinag-uusapan kasi kaming importante,” sagot ni Gerald sabay tingin sa gawi niya.“About what? Gaano ‘yon kahalaga para magkulong kayo rito sa kwarto? Tungkol ba sa kompanya 'yan? Pero ‘di ba dapat, sa kompanya niyo rin ‘yan pinag-uusapan?” mataray na tanong nito habang nakakrus ang mga braso sa dibdib, at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Hindi niya nagugustuhan ang pagiging mataray nito, pero papalampasin na mun

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 84

    HABANG nagmamaneho ng sasakyan si Vivian patungo sa mansyon nina Gerald, ay samu’t saring mga bagay patungkol sa kasalukuyang nangyayari ang gumugulo sa kanyang isipan. Paano bang bigla na lang nagbago ang pakikitungo ng kanyang tito Juancho at tita Sania kay Saskia?Sa pagkakaalam niya, ay sukdulan ang galit ng mga ito sa sariling anak, at sinigurado niya iyon para lahat ng na kay Saskia dati, ay mapunta lahat sa kanya. Nakuha niya na sana rito ang atensyon at pagmamahal ng mga magulang nito, maging ang posisyon nito sa kompanya, at higit sa lahat, ay ang boyfriend nito. Pero bakit? Bakit bumalik sa dati ang lahat? Ngayon sana ay tagumpay na siya kung pati ang asawa nitong si Weston ay makukuha rin niya. Ang kaso, ay parang hindi tumatalab sa lalaki ang karisma niya.Naputol lang ang sari-saring iniisip niya nung tumapat na siya sa gate ng mansyon. At dahil naabisuhan na pala ni Gerald ang gwardya, kaya agad din naman siyang pinapasok. Sa laki ng mansyon ay hindi alam ni Vivian kung

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 83

    KASALUKUYANG nasa kanyang sariling silid si Gerald habang paroo’t parito dahil sa bumabagabag sa kanyang isipan. Kahapon kasi, nung puntahan niya ang kinaroroonan na hospital ng tito Juancho niya, ay kataka-takang parang nag-iba ang pagtrato ng mag-asawa sa kanya. Inisip niya na lang, na siguro ay dahil sa nangyari kay tito Juancho.Pero hindi kasi siya mapakali, lalo na sa uri ng mga tinging ipinupukol sa kanya ng mag-asawa. Hindi ganoon ang natural na tingin ng mga ito sa kanya kahit pa may dinadalang problema ang mga ito. Hindi kaya pinagdududahan na sila nito ni Vivian? O, kaya naman ay nahuli na sila? Pero imposible, dahil wala namang sinasabi sa kanya ang mga ito.Baka napa pa-praning lang siya dahil sa kakatago nila ng relasyon nila ni Vivian. Kaya palagi niyang inaakala na baka nahuli o nabubuking na pala sila. Sana naman ay hindi, lalo na ‘t hindi pa niya nababawi sa Saskia mula sa kanyang tiyuhin.Abala pa rin siya sa pagparoo’t parito nang biglang mag-ring ang kanyang cellph

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 82

    HALOS puro usapan ang nangyari sa paghaharap-harap nila sa hapagkainan. Puro tungkol sa kanila ni Weston ang usapan, kung paano sila aksidenteng nagkakilala, nagpakasal, at kung ano na ba ang kasalukuyang sitwasyon nila.Humingi rin ng tawad ang kanyang Mommy at Daddy sa mga hindi magagandang salita na nasabi nila patungkol sa nangyaring kasal na naganap sa pagitan nila ni Weston, ganoon din si Mommy Diana. Napakasarap lang sa pakiramdam na ngayon ay maayos na sila at nagkakasundo na. Tila ay wala na siyang mahihiling pa.Ipinapanalangin na lang niya na sana, ay palagi na lang silang ganoon; masaya, tahimik, at nagkakasundo. Pagkatapos ng usapan tungkol sa kanilang mag-asawa, ay hindi rin nila nakalimutan ang tunay na pakay; ang kumustahin ang kalagayan ng kanyang Daddy.Himala nga at hindi humarap sa kanila si Vivian sa hapag-kainan kahit na tinatawag ito ng kanyang Mommy at Daddy. Ang sagot nito ‘y busog pa raw siya. Mas mabuti na rin iyon kaysa ang maghasik pa ito ng kalandian.“Na

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 81

    PAGTALIKOD ng Mommy niya ay pasimple siyang kinausap ni Mommy Diana sa mahinang tinig.“Iyan ba ang sinasabi mong pinsan mo na pinatulan ni Gerald?” tanong nito.“Opo, Mommy.”“Huh, kawawang apo ko. Nagpatukso dahil lang sa tawag ng laman. Kaya naman pala maraming insecurities ‘yan sa ‘yo, kasi hindi naman kagandahan! Puro damit lang ang nagdadala! Napakalayo sa ‘yo, hija. Pati sariling utak ay iniwanan na rin siya,” walang prenong sambit nito na siyang ikinanganga niya. Nakakatakot palang magmasid ito sa isang tao, sinasabi lahat.“Siguro Mommy, ganyan mo rin ako pintasan dati nung una mo ‘kong makita?” nakalabing tanong niya rito.“To be honest, gandang-ganda ako sa ‘yo noon, hija. Sabi ko nga, iba ang beauty nito, ha? Saang angkan ng mga mayayamang pamilya kaya ito nanggaling? Pero syempre, dahil sarado pa ang utak ko noon at nababalot pa ‘ko ng sobrang galit dahil nga hindi kami kasundo ng buong pamilya niya nitong si Weston, ay ipinagsawalang bahala ko na lang ang presensiya at p

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status