Share

Chapter 117

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-24 22:34:53

HINDI MAPAKALI si Saskia dahil sobrang tagal na nina Weston at Jamila sa loob ng kwarto. Alas kwatro pa ng hapon pumasok ang dalawa roon, at ngayon ay alas-nueve na ng gabi. Halos nasa limang oras nang magkasama ang mga ito.

Bilang asawa, kahit sino naman siguro, ay mababaliw kakaisip lalo na at may kasamang ibang babae ang asawa niya at sa silid pa talaga nilang mag-asawa. Kahit anu-ano na ang pumapasok sa isip niya nung mga sandaling iyon. Iniisip niya kung ano na ba ang ginagawa ng mga ito?

Gusto niyang katukin ang dalawa, pero natatakot siya dahil baka magalit si Weston. Pero natatakot din siya sa isiping ang tagal na ng dalawa sa loob at wala siyang ideya kung ano na ba ang ginagawa at nangyayari sa mga ito.

Paroo’t parito siya sa labas ng kwarto, naroon ang iaangat niya ang kanyang kamay para sana kumatok, pero aatras din naman dahil nag-aalangan siya. Pero sa huli, ay napagdesisyonan niyang katukin na lang ang dalawa, para naman makita at malaman niya kung ano na ba ang ginagaw
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nelda Yabut
umalis ka na LNG Jan saskia para magsisi yan c Weston ang Tangtang mo KC
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 119

    PAGKABABA nila ng sasakyan, ay nagulat si Saskia nung hawakan siya ni Weston sa kanyang baywang, katulad nung palagi nitong ginagawa sa kanya nung maayos pa sila. Lihim siyang napangiti at kinilig kahit na alam niyang pagkukunwari lang iyon para hindi mapansin ng mga magulang niya ang hindi pagkakaunawaang namamagitan sa kanila.“Weston! Saskia! Tamang-tama ang dating ninyo! Katatapos lang namin na maghanda ng mga pagkain sa mesa! Halina kayo sa loob at ng makapagpahinga muna kayo sandali bago kumain!” masayang yakag sa kanila ng mommy niya pagkatapos silang salubungin nito sa bungad ng pintuan at pareho silang niyakap ni Weston.“Maraming salamat po sa pag-imbita ninyo sa ‘min ni Saskia, Mommy,” sagot dito ni Weston na para bang normal lang.“Juancho! Lumabas ka na riyan sa kwarto! Narito na ang anak mo at ang asawa niya!” sigaw ng Mommy niya habang nakasunod lang sila rito ni Weston.Maya-maya ay lumabas na rin ang Daddy niya. Ewan ba niya at kusa siyang kumawala sa pagkakahawak ni

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 118

    KATING-KATI na ang dila ni Saskia na itanong kay Weston kung may relasyon ba ito at ang kasama nitong babae na si Jamila, at kung ano ba ang ginawa ng mga ito sa halos walong oras na pagsasama sa loob ng kanilang silid.Pero naisip niyang masyado pang maaga para magtanong dito, at isa pa, naroroon pa ang babae, baka makita pa nito kung paano siya pagalitan ni Weston, nakakahiya iyon sa parte niya. Baka pagtawanan pa siya nito kapag nagkataon.Wala nga siyang ideya kung magkasama rin ba itong natulog. Doon pa lang, ay masakit na masakit na iyon sa kanyang damdamin. Parang hindi niya kayang tanggapin na may nakakatabi ng ibang babae si Weston sa kama, na may iba na itong hinahalikan at…“Saskia! Ang niluluto mo, nasusunog na! Kasasabi ko lang, eh!” sigaw nito sabay lapit at pinatay ang stove.Nahintakutan naman siya, di yata’t naglakbay ang isip niya kaya nakalimutan niya ang kasalukuyang ginagawa.“I’m sorry, ako na lang ang mag-aayos nito,” hinging paumanhin niya.“Alam mo, magpasalam

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 117

    HINDI MAPAKALI si Saskia dahil sobrang tagal na nina Weston at Jamila sa loob ng kwarto. Alas kwatro pa ng hapon pumasok ang dalawa roon, at ngayon ay alas-nueve na ng gabi. Halos nasa limang oras nang magkasama ang mga ito.Bilang asawa, kahit sino naman siguro, ay mababaliw kakaisip lalo na at may kasamang ibang babae ang asawa niya at sa silid pa talaga nilang mag-asawa. Kahit anu-ano na ang pumapasok sa isip niya nung mga sandaling iyon. Iniisip niya kung ano na ba ang ginagawa ng mga ito?Gusto niyang katukin ang dalawa, pero natatakot siya dahil baka magalit si Weston. Pero natatakot din siya sa isiping ang tagal na ng dalawa sa loob at wala siyang ideya kung ano na ba ang ginagawa at nangyayari sa mga ito.Paroo’t parito siya sa labas ng kwarto, naroon ang iaangat niya ang kanyang kamay para sana kumatok, pero aatras din naman dahil nag-aalangan siya. Pero sa huli, ay napagdesisyonan niyang katukin na lang ang dalawa, para naman makita at malaman niya kung ano na ba ang ginagaw

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 116

    “KILALA mo ba siya at ganoon mo na lang siya kung titigan?” nagtatakang tanong ni Weston sa kaibigang si Jamila.“Hindi, sadyang nagagandahan lang ako sa kanya, at mukhang mabait din. Gusto ko rin siyang maging kaibigan. Siguro kung lalaki ako, liligawan ko siya! Ang ganda-ganda niya! ang swerte naman ng lalaking magkakagusto at mapapangasawa niya!” sambit nito.“Akala mo lang ‘yon!” bulong niya.“May sinasabi ka?” tanong nito.“Wala. Ang sabi ko, tara na sa loob,” yakag niya rito.Pagdating nila sa living area ay kataka-takang nakapaghanda agad ng meryenda nila ni Jamila si Saskia. Nakalapag na sa naroroong lamesa ang dalawang sliced ng chocolate cake na nakalagay sa magkahiwalay na platito, at dalawang baso ng malamig na malamig na pine apple juice.Nakita niyang palabas na ito ng bahay para siguro muling balikan ang winawalis nito sa bakuran, pero napahinto ito ng tawagin niya ito.“Saskia, dalhin mo ito sa kwarto, doon kami magtatrabaho ni Jamila,” utos niya rito.Nagtaka naman si

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 115

    “A-ARAY, Mommy!” biglang hiyaw ni Saskia sabay bawi sa palapulsuhan niya na hinawakan ni Mommy Diana. Sa mismong pasa at galos kasi ito nakahawak. Nabitiwan tuloy niya ang isang plato at bumagsak iyon sa sahig, kaya nabasag.“I’m sorry, kukuha lang po ako ng walis at dustpan!” natatarantang wika niya sabay talikod.Habang winawalis niya ang nabasag na plato ay hindi siya makatingin sa mag-ina. Natatakot kasi siya na muling magtanong si Mommy Diana tungkol sa sugat niya, at natatakot din siya kay Weston dahil baka madulas siya at masabi niya ang totoo. Malalagot na naman siya rito kapag nagkataon. Baka mas malalang parusa ang matanggap niya mula rito.Pagkatapos niyang maitapon ang nabasag na plato, ay agad siyang bumalik sa kitchen at ipinagpatuloy ang paghahanda.“Alam ko na kung bakit ka nagkakasugat at nagkakapasa! Masyado kang nagmamadali sa ginagagawa mo, eh. Hijah, anak, nakakapaghintay naman itong si Weston, kaya okay lang na magdahan-dahan ka. Baka mamaya niyan, hindi lang ‘ya

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 114

    SUNUD-SUNOD na tumulo ang mga luha ni Saskia sa kanyang dalawang mga mata. Patuloy na namamalisbis iyon sa kanyang mga pisngi, at hirap siyang pigilan iyon. Muli, hindi na naman niya inaasahan na magagawa nito iyon sa kanya.Pagkatapos siya nitong tawagin at madaliin na ipaghanda ito ng makakain, ay iiwanan lang nito ang mga inihanda niya na parang baliwala lang dito ang effort niyang pagsilbihan ito. Kung kabilang na naman iyon sa mga pagpapahirap nito sa kanya, ay unti-unti na itong nagtatagumpay.Ngayon pa nga lang, ay nahihirapan na siya sa mga ginagawa at pinaparamdam nito sa kanya. Paano pa kaya sa mga susunod pang mga araw at buwan? Ipinapanalangin niyang sana ay makayanan niya, alang-alang sa pagmamahal niya rito.Habang inililigpit niya ang mga inihandang pagkain para rito, ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak na kasamang paghikbi. Pagkatapos, ay muli siyang bumalik sa silid ni nanay Lita. Doon, ay umiyak siya nang umiyak. Tinatawag ang kanyang mommy at daddy na para bang gust

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 113

    NARINIG ni Saskia ang pagbukas at pagsara ng pintuan, tanda na lumabas ng kanilang silid si Weston. Nakadapa pa rin siya sa kama habang nakatali pa rin ang kanyang mga kamay sa kanyang uluhan, gamit ang belt nito.Wala pa siyang balak na gumalaw o ibahin ang kanyang posisyon mula sa pagkakadapa sa kama, dahil labis niyang pinapakiramdaman ang sakit sa kanyang ibabang bahagi. Wala sa hinagap niya na magagawa iyon sa kanya ni Weston, ang pwersahin siya.Handa naman siyang pagbigyan ito ng kusang loob, pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong pwersahin siya. Alam naman niya ang obligasyon niya rito bilang asawa. Iniisip na lang niyang siguro, ay kasama iyon sa pagpapahirap nito sa kanya.Kung palagi silang magiging ganito, ay hindi niya alam kung tatagal ba siya kasama ito. Pero mahal na mahal niya ito, kaya wala siyang pagpipilian kung hindi ang pakisamahan at sundin lahat ng mga kagustuhan nito, bumalik lang sila sa dati. Nami-miss na niya ang dating asawa, ang dating s

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 112

    SISIGAW sana si Weston sa loob ng kwarto para muling tawagin si Saskia, pero naisip niyang baka hindi siya nito marinig. Kaya ang ginawa niya ay lumabas siya at dumiretso sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig.Pero mas lalong ikinagalit niya ang nakitang suot nitong duster dress habang nakatalikod itong nagluluto. Humuhulma kasi roon ang matambok nitong pang-upo, mas lalong naging kaakit-akit ito sa paningin niya. Pakiramdam niya ay sinasadya siya nitong akitin.Eksaktong pagkapatay nito ng lutuan, ay mabilis siyang lumapit sa direksyon nito at agad na hinaklit ang braso nito.“A-aray! Weston may problema na naman ba?” nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo!” nanggigigil na sambit niya.“Paano ko ba kasi malalaman kung ano ang ikinagagalit mo sa ‘kin kung hindi mo sasabihin! Hindi naman ako manghuhula!” sagot nito na hindi niya nagustuhan.“Sumasagot ka pa talaga! Sinabi ko ba na sagot-sagutin mo ako ng pabalang?! Alam kong nananadya ka para m

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 111

    PAGKAALIS ni Weston sa bahay ng kanyang kaibigan, sa halip na umuwi siya, ay dumiretso siya sa kompanya. Doon ay ginugol niya ang oras sa pagpipirma ng mga papeles at pagresolba sa mga problemang kinakaharap sa produksyon ng kanyang Winery, maliit man o malaki. Dahil doon ay pansamantala niyang nakalimutan ang kasalukuyang sitwasyon.Ngunit nang sumapit ang hapon, ay nagpasya na siyang umuwi dahil napag-isip-isip niya, na paano niya mapapahirapan si Saskia kung palagi niya itong iiwasan? Ito ang may atraso sa kanya, kaya dapat ito ang mag-alangan na kasama siya nito.Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya itong nag mo-mop ng sahig. Agad niyang iniiwas ang paningin dito dahil bahagya niyang natatanaw ang dalawang mapuputi at makikinis nitong bundok, medyo maluwag kasi ang suot nitong blouse sa banda roon. Pawis na pawis na ito at gulo-gulo na rin ang buhok. Pero hindi niya maitatangging napakaganda pa rin nito sa kanyang paningin kahit na ganoon ang hitsura nito, na mas lalong nagpap

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status